HinovelDownload the book in the application

Chapter 9 I'm inlove with The Ghost

Next day, Pumasok kami. Ayaw man nilang pumayag pero nag pumilit ako, Hindi naman na mataas ang sinat ko pero kung makaasta sila akala mo naman na mamatay ako. Silang dalawa nakapaligid sakin, Todo bantay sila dahil hindi pa maganda ang pakiramdam ko. Pero ma iistorbo ko sila kung hindi kami papasok dahil sakin aabsent sila, So pumasok kami kahit ayaw nila.

Hawak hawak ni Aron ang bag ko habang nag lalakad kami papunta sa room. Nakakaramdam ako ng hilo pero di ko sa kanila pinakita. Diretso lang ako nag lalakad kahit ang paningin ko ay umiikot.

"Okay ka lang ba?" Julia asked.

"Y-yeah." ngumiti ako ng tipid.

Nang makarating kami sa tapat ng room ay pumasok kami. Dahan dahan ang lakad ko. Nauna si Julia pumunta sa upuan nya, Si Aron naman ay hinawakan ako para alalayan papunta sa upuan namin. Kaya sa pag upo namin ay yumuko agad ako. I'm not feeling well. 

Nakaramdam ako ng panlalamig sa katawan ko.

"Wear this." Sabay bigay sakin ng jacket muka sa bag nya. Sinuot ko naman yun at nakaramdam ako ng init kahit papano. Yumuko muna ako habang wala si Ma'am. Unti unti kong pinikit ang mata ko hanggang sa makatulog.

Nagising ako sa kalagitnaan ng klase namin.

Agad naman ako napaayos at napatingin sakin si ma'am. Ngumiti sya sakin at bumalik ulit sa ginagawa nya.

"Bakit di mo ginising?" Bulong ko kay Aron.

"Sabi ni ma'am wag daw." napatango ako.

Nag sulat ako habang nag didiscuss ang teacher namin sa harapan. Nakaramdam ako na may nanonood sakin kaya agad kong inikot ang ulo ko at hanapin kung sino yun. Tumingin ako sa bintana at nagulat akong nandun sya sa isang puno nakatingin sya sakin habang nakaupo.

Mukang nagulat sya dahil sa pag tama ng tingin namin at bigla sya nag laho. Napabuntong hininga ako. 

"W-why?" 

"Ano?" Nabaling ang tingin ko kay Aron. "Okay ka lang ba?" he asked again.

"Y-yeah. I'm fine." No, I'm not okay. 

Tumingin ulit ako sa puno pero wala na sya. Binalik ko nalang ang tingin ko sa harapan at nag tuloy tuloy sa pag susulat. Hinilot ko ang sintido ko at nararamdaman ko nanaman ang sakit. Nahihilo na sumasakit pa. Ano pa ba? Sobrang bigat ng pakiramdam ko at feeling ko, Anytime matutumba ako sa kinauupuan ko.

Tiniis ko ang hilo at sakit ng nararamdaman ko hanggang matapos ang pang umagang klase.  Si Aron ang nag ayos ng gamit ko at agad nya yung binuhat. Tinulungan nya pa kong tumayo .

"Salamat, Aron." 

Iniwas nya sakin ang tingin. "Kaya mo ba?" 

"Not really, Nahihirapan ako." Kumunot ang noo nya.

"Kanina lang okay ka? Tapos ganyan." napanguso ako.

"Edi wag mo kong alagaan." Mahinang sabi ko. 

Pero nabigla ako ng hawakan nya ang bewang ko, Nakaramdam ako ng pang iinit sa pisnge ko. Hinawakan nya kong mabuti at nilagay nya sa likod ang mga buhok ko. 

"Yieeeeeeeeeeeeeeeee" Napaiwas ako ng tingin sa mga kaklase ko.

Why i'm so affected?

My heat beating fast.

Nag lakad na kami palabas ng room at parang nag i slow mo ang buong paligid. Bakit nag kakaganito ako? Eto ba yung nasa Must be love? Pag nag i slow mo ang paligid sya na nag true love mo. Napangiti ako ng palihim. 

Siguro tama lang ang pang iiwan sakin ni Multo at tama din si Ari. Walang mang yayare sa pag mamahal namin sa isa't isa. I'm too young for this love, Kaya masyado akong nasasaktan dahil masyado ko minamadali ang lahat.

Siguro tama lang ang desisyon nya? I should to thank him or not.

Pero baka makita ko sya hindi ako makapag thank you, Baka yakapin ko lang sya at maiyak. Mahal ko talaga sya. Kaso mali talaga. Siguro hindi ko yun naiisip dahil sarili ko lang iniisip ko. Yung pangarap ko, Yung mga gusto kong gawin. Nawawala sa isip ko.

Kahit nag lalakad kami sa daan nakasunod parin ang mga kaklase ko na patuloy sa panunukso. Hindi ko naman sila pinag papansin dahil wala naman mang yayare. Ganyan sila ka supportive samin kahit wala naman sinusuportahan.

Nang makarating kami sa caf pinaupo nya at ang bag namin sa kabila. Hinanap ko si Julia pero hindi ko sya makita.

I think she's with him. 

Napabuntong hininga naman ako. 

"Iwan muna kita. Bibili lang kita ng pag kain mo."

"Thank you." napailing sya.

Ngumiti ako at pinanuo sya habang nag lalakad papunta sa counter. Pinanuod ko lang ang bawat galaw nya at hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. May mga napapatingin din sa kanyang babae. Well, Aron is handsome. Hindi ko naman ipag kakaila yun. When he's hurt, Ang cute nya. 

Tapos kanina sa pag hawak nya sa bewang ko, Sobrang bumilis ang tibok ng puso ko. Yung nararamdaman ko kay Multo, Nararamdaman ko sa kanya. Ibang iba talaga. Nag iinit ang pakiramdam ko sa pag hawak nya kanina, Sobrang naiilang ako. What was that?

Nag tama ang tingin naming dalawa habang papalapit sya  mesa namin, Nakakunot ang noo nya. 

"Staring is rude" mahinang sabi nya.

"Ang cute mo kasi." Napahinto sya sa pag aayos ng pag kain namin at bigla nyang nilapit ang muka nya sakin.

"Cute? I'm not."

Tinitigan ko mabuti ang muka nya habang malapit ito sakin. Ang gwapo nya lalo pag nasa malapitan. Yung ilong nya, Yung mata nya at labi nya. Ang sarap mga titigan. Nilayo nga ang muka nya sakin at pinag patuloy nalang ang pag aayos ng pag kain namin.

Umupo na ulit sya sa tabi ko at patuloy parin ang titig ko sa kanya. Hinawakan ko ang buhok nya at napaigtad sya sa ginawa ko. Nilagay ko lahat sa gilid ang buhok nya. Tumingin sya sakin na nakakunot ang noo.

"Mas bagay sayo yun ganyan" i smiled.

Napabuntong hininga sya.

"Sinabi ko sa sarili ko na lulubay na ko sayo, Na lalayo na ko sayo. Pero bawat bigkas ng pangalan mo mula sa ibang tao kinakabahan ako. Nung isang araw at kahapon di ka pumasok. Nung monday pa kita gustong puntahan at sobrang nag aalala ako. Then di ka ulit pumasok kahapon. I tried to call you but out of coverage ka. Hindi ako pumasok sa huling subject then, You're sick. " iniwas nya ang tingin sakin,

"Pilit kong inaalis ka sa sistema ko, Pero hindi ko magawa. Hindi ko malaman kung sino gusto mo. Pilit kitang kinakalimutan, Pinilit kong bumalik sa dating ako, Yung bugok at walang pakielam sa lahat, Basta nagagawa ko lahat ng gusto ko pero pag iniisip kita. Di ko magawang bumalik. I'm madly inlove with you but you inlove with someone." 

"A-aron." 

Wala akong masabi sa mga sinasabi nya.  Hindi ko alam, Pero bakit gusto ko lahat ng sinasabi nya. Gusto ko ang mga binubuka ng bibig nya. Pero ayoko naman paasahin sya.

"You don't have answer those words." 

Ako na umiwas ng tingin.

"Kung natuturuan lang ang puso ko na ikaw mahalin ko, Why not? Atleast alam ko ikaw, Hindi ako sasaktan." Tumingin ulit ako sa kanya. "Gusto mo malaman kung sino gusto ko?" napatitig sya sakin. "Kaso baka sabihan mo ko ng baliw kung sasabihin ko kung sino." I fake laughed. 

"W-what do you mean?" Umiling lang ako sa kanya. 

"Kain na tayo." 

TInignan ko na ang pag kain ko, Sinimulan kong kainin lahat yun para mag karoon ako ng lakas. Nauna sya sakin natapos, Then tinulungan nya ko sa pag kain ko. Sinusubuan nya ko at pinupunasan ang mga kalat sa gilid ng labi ko.

Binigay nya na sakin ang gamot at ininom ko to. Hindi ko alam kung gumaan na ang pakiramdam ko o ano. 

Saka ko lang napansin na nawala sya sa isip ko, Hindi ko sya inisip habang si Aron ang kasama ko. Nawawala sya sa isip ko pag tinutuon ko kay Aron ang lahat. Pero parang ang sama ko naman. 

Gusto ko sabihin na mag hintay sya pero hindi ko magawa, Baka umasa sya. Umasa na nga sya ng una tapos aasa pa sya. Ayoko non. Ayokong maging selfish. I'm not deserved him. He's so nice and kind. Hindi ko dapat inaabuso yun. Tama na ang nasaktan ko sya at wag na yun uulitin. I want him to be my bestfriend, Boy bestfriend. 

NANG uwian ay dumaan kami sa bahay nila Julia at kumuha sya ng gamit. Tumaas daw lagnat ko. Imbis na pagaling ay lalong tumaas. Nabinat daw ako sa katigasan ng ulo ko. Natawa kami ni Aron sa mga sinasabi nya. Ang diwara kasi.

Sunod naman ay kay Aron, Kumuha din sya ng gamit nya. Hindi na kami bumaba sa Trysikel.  Hindi ko papala na cha charge cellphone ko at nasa bahay yun. Kaya ng makarating kami dun ay agad ako ang lakad paakyat. Matutumba sana ako kaso may nakasalo agad sa likod ko. At nakita ko si Aron na nakangiti.

"H-hala, Aron!" he laughed.

Binuhat nya ko ako ng pa bridal at agad nag lakad pa akyat. Binuksan nya ang pinto ng kwarto ko at inupo ako sa kama. Hinanap ko agad ang cellphone ko at nakita ko yun sa ilalim ng unan ko. Kinuha ko to at mabilis na nicharge. Hinintay ko na mga 5% bago ko buksan. 

Sunod sunod ang text sakin dahil dun. Kinuha ko to at inisa isa ang messages.

And i saw my mama and papa text. 

'Answer my call sweetie. I'm so worried!' -Mama

'Sweetie? Are you okay. Out coverage ka?' - Mama

'Sweetie, Where are you?'

'Textback, I'm worried!'

'Answer your phone, Princess. Me and your mom are worried!'

'Princess, Where are you?'

'Princess!'

Mabilis ko naman tinawagan ang number ni mama! 

"Sweetie! Finally." 

"Ma, I'm sorry." she inhaled.

"I was worried for you! Kailangan ka na talaga namin ibalik dito!" natahimik ako sa sinabi ni mama.

"Ma, I'm sorry! I was sick, Well until now. " sagot ko.

"W-what?!" 

"Darling, Who's that?" Its papa.

"Are you okay now? Kailangan ba umuwi na ko muna sweetie? Sino ka---"

"Ma, I'm with my friends, Their overnight here, Pati kahapon. Sila nag aalaga sakin. Don't worry too much. I'm fine."

"Akala ko ano na nang yare sayo." now she's crying.

"Ma, Stop crying na" normal na sabi ko.

"Princess, We so worried for you. Kaya ganyan yan ang iyak nya, Ikaw nalang ang prinsesa namin." 

"I'm sorry too pa."

Napatingin ako kay Aron na iba na ang suot. Nag sshh ako sa kanya at tumango naman sya. 

"Uuwi muna ako dyan?" napahilot ang ng sintido.

"Ma, I'm fine now, Nakapasok nga po ako kanina e." sinubukan ko bawasan ang pag aalala nya.

"Are you sure, Sweetie?" Nakahinga na sya ng maluwag.

Since ate left us, She always like this. Crying, Worry, Afraid. Hirap na hirap sya. Natatakot sya sa bawat galaw na ginagawa ko, Bagyang sakit, Napapaiyak na sya, Mapatid ka lang, Mang gigilid na luha nya. Ayaw na ayaw nyang nawawala ako sa mata nya.

"Okay sweetie, Takecare always. I love you."

"I love you too, Ma. Mwa, Kiss papa for me." 

The she hanged up. 

"She's worried" i nodded.

"She's okay now. Ganyan talaga sya." i smiled. 

Ilang minuto naging tahimik ang buong kwarto,Sobrang awkward ng atmosphere pag talaga kaming dalawa ang mag kasama sa iisang kwarto. 

"Ah-mmm"

"Eto na pag kain natin, Dito nalang tayo kumain." napatingin ako kay Julia na may dalang tray. Nilapag nya ito sa papa at tumayo ako. Umubo pa ko at pumunta sa paanan. Umupo ako dun at sumunod naman si Aron.

Umupo kaming tatlo ng tahimik dun at nag simula na nilang ayusin ang pag kain ko. "I'm fine here. Kahit mag isa ako." 

Napalingon sila saking pareho. 

"We're fine too." malamig na sabi ni Julia. "Kung hindi ka kasi pumasok sana magaling ka, Nabinat ka pa!" napabuntong hininga ako.

"Dahil ayoko umabsent kayo ng dahi---"

"That's a halfday." putol nya sakin. "Kung di nya---- hays!" kumunot ang noo ko.

"Ano yun Julia?" Umiling sya sakin at binigay na ang pag kain ko. Hindi na ko nag tanong at kahit si Aron ay nag simula na din kumain.

NANG matapos kaming kumain ay nag pahinga kami, Walang nag sasalita saming tatlo at para bang dinaanan ng isang anghel dahil sa sobrang tahimik. Kahit ako, Walang masabi sa kanila. Gusto ko parin mag tanong kay Julia kaso baka mapikon nanaman sya. Kaya mas mabuting tumahimik na muna ako para okay na.

Gusto ko rin mag tanong about kay Multo, Pero mukang hindi nya naman ako sasagutin. Labag sa loob ata ang ginagawa nya kahit minsan iniisip ko ginagawa nya to dahil nag aalala sya. O ginagawa nya to dahil utos nya? Umaasa parin ba ko na nag aalala sya. Ofcourse mahal nya ko e. Siguro nga nag aalala sya sakin. 

Gusto ko parin sya makita, Gusto ko parin sya yakapin, Gusto ko parin syang makasama. Kahit masaktan ako sya parin talaga. Masasabi ko na pag kasama ko si Aron minsan nakakalimutan ko sya, Pero pag wala na, Sya nanaman ang nasa isip ko. Puro sya at walang iba. 

"Love yourself before him." she whispered. "He's a ghost, he's dead. Tama lang siguro ginawa nya. Kahit sa una  nagalit ako." 

"I'm inlove with the ghost." I whispered.

"Subukan mong pigilan, He's worried. He left you because he loves you. Hindi mo pa siguro maintindiha. We are just 16 years old" She's right. "Wag muna love ang isipin  natin. Bata pa tayo."  

"Naisip ko na yan kanina pa." i smiled at tumingin ako sa kanya. 

"It's not love it's a lover who broke your heart last night" i laughed.

"Kanta ba yan?" 

"Napakinggan ko lang kanina. "

"Hindi naman naging kami e, Dating yes, Pero hindi naging kami." 

"Owwwh, But he's sweet ah?" napangiti ako. 

"Ayaw na ayaw nya kong pinagagawa dito sa bahay, Ayaw na ayaw nya kong gumagalaw. Gusto nya pinag sisilbihan nya ko, Inaalagaan nya pa ko." i smiled sadly.

I miss him.

"Kaya na fall ka?" 

Na fall ba ko dahil dun? Hindi naman ah. Dahil simula palang talaga nagustuhan ko na talaga sya. O sa sandwich nya. May gayuma siguro.

"I don't know." 

Pinikit ko na ang mata ko. "Mag papakita kaya sya?" napadilat ako at tumingin sa kanya. What did she say?

"What do you mean?" she laughed.

"Pinanunuod ka nya sa malayo, Ayoko man sabihin pero nandito sya. Muka kayong tanga pareho." bigla naman bumilis ang tibok ko dahil dun.

"W-where is he?" i asked.

"Secret. He told me na wag kong sabihin. Kaso di ko matiis yang pag mumuka mo." tumingin sya sakin. " Don't blaming ari's words. She's worried and scared" ngumiti ako.

"I know, Mag sosorry naman ako sa kanya e." i smiled. 

Joy's Pov

"Ang dal dal talaga." he laughed.

Nakatitig lang sya sa babaeng nakangiti habang nakapikit. Hindi nya aakalain na may kadaldalan din pala si Julia. Ksi sobrang tahimik nito at eto lang pinag sabihan nya about sa salita ni Ari, Well. Wala naman syang ibang pag sasabihan dahil dalawa lang ang nakakakita sa kanya. 

Bigla syang nag teleport papunta dito at pinag masdan ang muka ng babaeng gusto nya. Hindi nya maiwasan mapangiti sa mga sinasabi nito. Kahit nasasaktan sya, mas nanaig parin ang magagandang sinasabi nito na para bang nag papawala ng sakit sa lahat ng sakit na sinasabi nito.

Magulo man pero yun ang totoo, Mag sasalita sya na ayaw nya na sakin pero pag iniisip nya na mahal nya ko, Lalo lang ako nahuhulog. Sabi nya kakalimutan nya ko pero pamaya maya yan nanaman ang mahal ko talaga sya.

"Ang ganda ganda mo talaga, Baby."

Gusto man nya to makasama pero wala na talagang pag asa. Ilang beses nya ng tinatak sa utak nya na 'Walang patay na nabubuhay'. Dahil kahit kailan walang ganon.  Hindi nya alam kung pano ng tuluyang umalis. Nalilito sya sa mga nang yayare. Gusto nya pero ayaw nyang iwan to. Magulo sya mag isip, Pero wala syang magagawa dahil mahal na mahal nya to.

He's inlove with her. Nag seselos sya muka kanina kay Aron.

Hinayaan nyang hawakan sya ni Aron kanina sa waist, Hindi nya alam kung sinasadya ba syang saktan nito o ano. Gusto nyang sumugod pero baka matakot ang mga kaklase nito. isa lang syang kaluluwa at baka malaman ng mga kaklase nito na may kaibigan syang multo baka layuan sya at maging iba ang tingin sa kanya ng mga ito.

'I'm inlove with the ghost'

He smiled widely. 

Hinding hindi nya makakalimutan ang sinabi nito, Sobrang saya nya ng sinabi nito kahit hindi man sa harap nya atleast alam nyang sya. Hinawakan nya ang pisnge nito habang mahimbing na natutulog.

Hinalikan nya ito sa noo, sa ilong at sa labi. 

'I'm inlove with you too, Baby' he whispered. 

Then he suprised because Cyan is awake. Bigla nalang sya nag laho at napahawak ito sa dibdib.

Julia laughed because of that.

"See? Pag tulog ka lalabas yan" napangiti din si Cyan. 

Nag usap silang pabulong na mag tutulug tulugan dahil alam ni Julia na lalabas to. Then Cyan laughed. "I miss him so much" she smiled secretly.

"He miss you too, Kita mo nga naman 'I'm inlove with you too, Baby' " Natawa lalo sya Cyan dahil talagang ginaya pa ni Julia ang boses nito. 

"Enough, Let's sleep!"  

Napatingin sya sa sofa, Nakita nya na mahimbing na natutulog si Aron. Huminga sya ng malalim at tuluyan ng nahiga. 

~

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free