HinovelDownload the book in the application

Chapter 5 Mahal ka n'ya?

Hindi ako nakatulog dahil sa usapan namin mag bestfriend, For a years let say, Since grades school ang pag kakaibigan namin pero hindi kami nag taasan ng boses nya. And i can't believe, na hindi sya naniwala sakin. Yung mata nya kagabi, Kitang kita ko ang pag aalala dahil sa mga sinasabi ko, Iniisip nya na baliw ako. Now, Kailangan ko mag ingat. Kailangan kong hinaan boses ko sa lahat. Dahil alam kong may nanonood sakin.

Hindi ako nakapasok sa school dahi hinihintay ko tawag nya, She said lastnight na tatawag sya sakin. Pero hanggang ngayon wala pa. Pero nung gumising ako kaninang maga, May sandwich sa gilid  at gatas. Mula kagabi hindi ko na sya nakita. Hindi ko alam kung san sya nag punta o ano ang ginagawa nya.

Tumunog na ang laptop ko at binuksan ko yun. Bumungad sakin at mukang pag aalala ni Ari.

"Kamusta na pakiramdam mo? Nanjan ba sya?"

"Kagabi ko pa sya nakikita and i'm fine now. Don't worry." she nodded. 

"Kailangan bang tawagan kita araw araw?" umiling ako.

"No need. I'm exhausted" sabay pikit ng mata ko.

"Mugto ang mata mo? Ano iniyakan mo?" she asked.

"About us."ngumiti sya.

"Akala ko dahil sa multo na yun. Sana naman pakinggan mo mga sinasabi ko. Patay na sila ah? Patay na. W-walang patay na nabubuhay."  I smiled sadly.

"I know"

Pag katapos ng usapan na yun ay pinatay ko na latop ko. Buong mag hapon ako sa loob ng kwarto ko. Pero sa pag baba ko, Nagulat ako ng may pag kain na dun. Hinanap sya ng mata ko pero walang multo ako nakita. Nang hinawakan ko ang leeg ko nandun pa naman ang kwintas.

Kinabukasan puro ganun ang nang yare, Walang nakasunod saking multo, Puro sya lang ang hinahanap ng mata ko, Pag gising ko ng umaga nandon ang sandwich, Nakahanda ang damit ko. Pag labas ko nakaayos na lahat. Pero hindi ko sya nakita sa pag sakay ko sa trysikel umaasa ako na sasabit sya gaya ng ginagawa nya pero wala. Pero sa pag pasok ko ng gate alam kong nandon sya at nakikipag usap kay Julia pero si Julia lang nakita ko. 

Nakaramdam ako ng lungkot. Dalawang gabi ko na sya di nakikita, Sobrang nag aalala na ko. Pano kung sumakit ang dibdib nya? Walang syang hahawakan na kamay. Baka mahirapa sya. Ginawa ko ay di ako natulog ng gabi. Umaasa ako ng makikita ko sya pero hanggang maga walang Multo ako nakita kaya hindi ako nakapasok non. Buong mag hapon akong tulog pero pag gising ko may pag kain na sa tabi ko.

Hindi ko alam pero naiyak ako non, Naiyak ako sa kakahanap sa kanya. For 6 days? Nasanay na agad ako? Shit! 

Pero alam kong nag pupunta parin sya dito batay sa mga ginagawa nya.

Week passed walang Multong nag papakita sakin. Huminga ako ng malalim at bukas may pasok na. Pero wala, Di parin sya nag papakita. Ganun parin ang nang yayare. Buset na yun! Hindi mo alam kung san san nag pupunta. Wala naman kasing uuwian yun kundi dito.

Kinabukasan ay may pag kain nanaman, Dalawang sandwich at milk. Kinain ko yun at nakita ko ang Uniform ko na maayos na maayos.

"LETSE KA TALAGA MULTO!" Inis na inis na ko sa kanya pero hindi ko maiwasan na mamiss sya ng sobra! Magang maga umiiyak nanaman ako ng dahil sa kanya.

Bat ba umiiyak ako ng dahil dun? Ano naman kung hindi na sya mag pakita? Wala naman akong pake diba? Yun nga gusto ko diba? Pero bakit sa kabila ng lahat. Sya parin hinahanap ko. Inayos ko ang sarili ko sumakay nalang ng Trysikel. Nag salamin ako dahil mugto ang mata ko.

Sa pag dating ko dun sinalubong ako ni Julia.

"Kasama ko sya lagi" Hindi ko maiwasan mapatingin sa kanya. Namataan ko din si Aron na nakataingin sakin. Saka ko lang napansin na bawat araw na kinakausap nya ko ay tulala ako. Halos hindi na ko makapag salita dahil kakaisip sa multo.

"A-asan sya?" hindi ko maiwasan mag tanong.

"Umiiwas sya sayo." 

"B-bakit?" hindi ko maiwasan masaktan. Bat naman nya ko iiwasan? Wala naman akong ginagawa ah? 

"He said, Nahuhulog ka na daw" nagulat ako sa sinabi nya. "H-hindi nya daw kaya na masaktan ka nya, D-dahil walang pag asa sa inyong dalawa." natulala ako sa sinabi nya. "A-alam mo yun diba? P-pero bakit hinayaan mo sarili mo."|

"I'm not falling" yun agad ang lumabas sa bibig ko. "I-i'm not and i know my limitation" tumitig kami sa isa't isa.

"No, You are." umiling sya at nag simulang mag lakad. Hinabol ko sya at hinawakan ang kamay nya.

"Where is he?" inis na tanong ko.

"Ayaw nyang sabihin" Hindi ko na maiwasan magalit sa kanya. 

"You like him!" gigil na sabi ko.

"I don't like him!" sagot nya agad. "Utak nga, Cyan! Maiinlove ka nalang sa multo pa! Eh halos wala pa kayong isang linggo mag kasama ah?! You're easy to fall!"

"I'm not! Ilang beses ko bang sasabihin na hindi!"sigaw ko.

Alam kong nakatingin na mga schoolmates ko dahil sa sigaw ko pero di ko na maiwasan. 

Oo desperada na ko!

Desperada ko na sya makita. 

At hindi ko alam kung bakit pero hindi ako inlove sa kanya! I don't love him. He's my friend kaya importante sya sakin.

"Really?" she laughed sarcastic."Eh bat ang desperada mong makita sya? Kung hindi mo sya gusto o mahal, Wala kang pakielam sa kanya. Inaalala ka lang nya!" tumawa ako sa pagak at tumulo na ang luha ko.

"He's my friend and i miss him badly so wala kang pakielam kung desperada ako!" sigaw ko. 

"Umiiyak ka ng dahil sa kanya, Sa tingin mo ba maniniwala ako? You.Love.Him" pag katapos nyang sabihin yun ay umalis na sya sa harapan ko.

Ako naman ay hinang hina. Ano na gagawin ko?

Pakiramdam ko pagod na pagod na ko. Hindi ko sya mahal pero alam kong gusto ko sya. Pinunasan ko ang luha ko akmang aalis dun pero may tumawag sakin.

"Cyan"

Hindi ako lumingon sa kanya. Nahihiya ako, Sabi ko mag hintay sya pero eto ako? May gustong iba. Masaklap, Multo pa? Ano nga ba mapapala ko?

Nag lakad nalang ako ng diretso at bigla nya kong hinila. "Stop crying!" Niyakap nya ko ng mahigpit.

Di ko maiwasan umiyak lalo dahil dun. Pano ko nagagawan saktan sya? Sobrang buti nya at walang ibang ginawa kundi kausapin ako kahit ang utak ko na kay Multo. 

Humiwalay ako at pinunasan ko ang luha ko. "L-lumayo ka na sakin." malamig na sabi ko at tumalikod. Akmang lalabas ako pero di ako pinayagan ng card.

"Sir. Masama po pakiramdam ko?" Tumingin ako sa kanila.

"Miss, May cli----"

"Sir. Pinalalabas na din po sya ni ma'am kasi kailangan daw po nya mag pahinga ng mabuti" Napatingin ako kay Aron pero agad ko ding iniwas.

"Okay." 

Lumabas na ko ng gate at sumakay sa trysikel. Sinabi kosa  Trysikel na dun ako ihatid sa plaza. Kaya pag dating ko dun may mga nag pra pratice. Hindi ko lahat pinansin yun at umupo ako sa swing.

Abot ang iyak ko habang nandun ako, I don't love him. But i like him bakit ba sinasabi nya na mahal ko to. Ako ang nakakaramdam hindi sya.

Pero bakit kailangan nyang hindi mag pakita sakin? Hindi na ba nya ko kailangan. Sakin sya humingi ng tulong ah? Bat sa iba sya humingi. Nakakagago na sya ah? Ang sakit sakit non. Shit! Bat ako nasasaktan? 

Ano ba naman nararamdaman ko.

Napahawak ako sa dibdib ko at huminga ng malalim. Siguro kailangan ko na din sabihin sa kanya na mwala na syang tuluyan.

Inabot ako ng ala singko dun at di pa ko kumakain. Umuwi ako samin at umupo sa sofa. Binuksan ko ang Tv at tumayo din. Umakyat ako para mag palit ng damit. Pumunta ako sa kusina at nakita ko naman na may luto dun. 

"Kung nandito ka man, Pwede wag ka ng mag luto. Wag ka ng mag paramdam? Wag mo na kong igawa ng sandwich. Wag ka ng mag papakita sakin. "

Nilakas ko talaga yun, Kung sakaling nandito sya. Tama na siguro yun. Pero kumuha pa ko ng papel at nilagay ko sa ref yun. Nag sulat ako dun ng gusto ko sa kanyang sabihin.

Multo,

Can you leave me for real? . Pwede ba wag ka ng mag punta dito? Wag ka ng mag pakita o mag paramdam. Tama na kagagawa sakin ng sadwich and milk sa umaga, Tama na kakahanda ng uniform ko. Tama na kalilinis ng bahay ko dahil kaya ko naman gawin yun. Isang taon na kong nag iisa sa bahay na to so kaya ko ng mag isa. I don't need your help. I don't need you anymore. Wag ka ng mag luto ng dinner para lang sakin. Kung gusto mo ng umalis? Umalis ka na ng tuluyan. I don't need you. Stay away and forget me. 

Bumalik ako sa sala at pinatay ko ang Tv. Umakyat ako sa taas at nilock ko ang pinto. Huminga ako ng malalim, Tama naman siguro desisyon ko diba? Hindi ko sya kailangan siguro tama din sya. Para din sakin to. Ayoko na din ng nararamdaman ko. So, Kakalimutan ko nalang sya. Kailangan ko na din ba sumunod sa manila? But i promised to my ate na dito ako mag tatapos ng highschool.

Tama ba gagawin ko?

Pero ang ate ko?

Mali, Dapat pala ituloy ko ang pangako ko kay ate dahil hindi ko hahayaan na maapektuhan ako. Isang linggo na kaya tama na siguro.  Isang linggo tuloy. 10 days na pala bukas ng pag kawala nya i mean hindi nya mag paparamdam. Tama na siguro.

Nakatulog na ko pero nakakaramdam ako ng haplos sa muka ko, Gusto ko man idilat ang mata ko pero sobrang antok na ko. Tinaas ko ang kamay ko at hinawakan ko ang kamay na humahaplos sa muka ko.

It is ate? She's here?

Unti unti ko binuksan ang mata ko, Hindi ko makita ng malinaw pero hindi si ate nakita ko. Isang lalakeng malungkot ang tingin sakin. Unti unti nanaman bumibigat ang talukap ko. Naramdaman kong humiga sya sa tabi ko at niyakap ako.

Pag gising ko ay tumingin ako sa mesa ko, Wala.

Walang sandwich and milk dun.

Ngumiti nalang ako ng mapait. Tama nga yun. Hindi na dapat sya gumagawa non dahil hindi ko naman na din kakainin. Tinignan ko ang sofa ko at wala dun ang uniform ko, So? It means, Wala na talaga sya.

Pero teka?

Yung kagabi.

Parang sya at nakita ko? Umiling ako. Nanaginip ata ako.

Tumayo ako at pumasok sa Cr, Bigla naman ako nakaramdam ng masakit sa puson ko pero di ko nalang pinansin. Pumasok ako sa cr at binuksan ang shower. Nagulat ako ng nakita kong dugo na ang tumutulo sa baba saka ko lang napansin na due date ko pala i mean, meron na pala ako. Tch.

Mabilis akong naligo at lumabas ng nakatapis. Bumaba ako sa baba at kumuha ng napkin dun. Nilagay ko yun sa panty ko at nakita ko ang kama ko na may tagos. 

Hirap mag laba

Nag suot na ko ng blouse at palda. Di ko na muna pinansin yun dahil kailangan kong pumasok sa school. Pag labas ko ay pumunta ako sa kusina. Tinignan ko ang sulat at wala na dun yun. Huminga ako ng malalim dahil eto na ulit ako, Mag isa.

Binuksan ko ang ref at kumuha ng hotdog dun. Siguro mamaya nalang ako mag luluto. Male late na ko. Binuksan ko ang kalan at nilagay ko ang kawali, nag lagay ako ng mantika. Hiniwa hiwa ko ang hotdog at nilagay ko agad dun sa kawali. Kumuha ako ng isang itlog at nilagay ko dun. Hinalo halo ko yun. Nang maluto ko na ay kumuha ako ng plato at hinahon ang luto ko.

Nang natapos akong kumain ay nilagay ko lahat sa lababo ang maruming plato at kawali. Binuksan ko ang gripo at nag hugas ng kamay. Pinatay ko na to at bumalik na sa sala at kinuha ang gamit ko.

Pumara ako ng trysikel, Parang normal lang sakin ang lahat ngayon. Kaso di ko maiwasan mamiss sya. Pero gagawin ko lahat para kalimutan sya. Sumakay ako sa trysikel na pinara ko at kinuha ko mga notes ko. Kahit nag susulat ako? Walang pumapasok sa utak ko kaya babasahin ko muna to habang nasa daan.

Nang nasa school na ko ay pumasok na ko sa gate. Hindi ko pinansin ang mga matang nakatingin sakin basta ako nag lakad lang papunta sa room at di ko maiwasan makaramdam ng guilt dahil sa sinabi ko kay Julia. 

Siguro mamaya na ko mag sosorry, Kailangan ko din mag sorry kay Aron dahil sa pinakita ko. He's not deserved my treatment. Hindi ko dapat sya ginaganun dahil wala syang masamang pinakita sakin.

SA PAG pasok ko sa room ay lahat nakatingin sakin. Inikot ko ang mata ko at nakita ko si Julia na busy sa pag babasa. Nag lakad ako papunta sa upuan ko. Nakayuko akong dumaan sa harapan nya at umupo sa tabi nya.

"O-okay ka na?" Nagulat ako sa tanong nya.

Nag dadalawang isip akong tumango, Diba dapat galit sya?

"S-sorry" umiwas ako ng tingin sa kanya pero nagulat ako ng niyakap nya ko. 

"Okay lang. May problema ka eh."

Hindi nya ba narinig? Hindi nya ba narinig ang sigawan namin ni Julia? "Pero sino ba yung lalakeng gusto mo? Ang swerte nya." tinaas ko ang muka ko at nakita kong nakangiti sya. Pero malungkot. Malungkot na ngiti.

Hindi ako sumagot sa tanong nya at humiwalay na ko, Sakto naman pumasok si Ma'am na nakangiti samin. Ngumiti ako at tumayo, Bumati kami ng isang magandang umaga. Nag bigay sya ng quiz at buti nalang nag basa ako.

Nang matapos ang klase namin sa maga ay mabilis akong lumabas. Nauna kasing lumabas ni Julia. Kaya naman binilisan ko ang pag labas ko pero di ko na sya nakita. Pumunta parin akong caf at hinanap sya. She's not here.

Mabilis akong umalis dun at pumuntang Library. Hinanap sya ng mata ko pero di ko sya makita. Pumunta ako sa garden at narinig kong may kausap sya.

"She hates me" Si Multo. "She hates me so much."

"But she need it. Masasaktan at masasaktan sya." 

"I-i know. B-but i love her" biglang bumilis ang tibok ng puso ko. 

"Ano na gagawin mo?" 

Umalis na ko dun at hindi ko na hinintay pa sunod ng pag uusap nila. Mahal nya ko pero? Sinasaktan nya ko! Gago sya. Hindi ko sya kailangan. Gagawin ko lahat para kalimutan sya. Hindi ko kailangan na taong sasaktan ako! I mean multo pala.

Aba? Sa 10 days na wala sya, Halos mag drama ako kahit di ako sanay nun? Tapos ganito. Kahit miss na miss ko na sya? Hindi ko sya kakausapin. Kinuha ko kwintas sa leeg ko at inalis yun. Itatapon ko sana pero parang may malamig na hangin na bumulong sakin na wag.

Tinago ko nalang to sa bulsa ko at nag lakad pabalik sa caf. Pumunta ako sa counter at umorder ng tinapay at softdrinks. Kinagat ko ang ilalim ng labi ko habang kinakain ko yun.

Shit naman! Parang gusto ko tuloy isuot ang kwintas pero mali kasi e! Diba dapat ko syang kalimutan. Tch.

Nang natapos na kong kumain ay pumunta ko sa mapeh namin. Nakita ko si Julia na nakaupo sa huli agad akong umupo sa tabi nya at muka syang nagulat. Tumingin sya sa harapan ng kinakunot ng noo ko.

Alam ko na. "S-sorry" ngumiti ako ng tipid. "Sorry kahapon. Siguro nga tama ka." Kinuha ko ang kwintas sa bulsa ko. "P-pakibalik sa kanya. Wala na kong panahon para makausap sya. Ayoko naman na din sya kausap" nagulat sya  dun.

"He needs you!" 

"But i don't need him, Tell him. Kalimutan nya na din ako."  natulala si Julia sa sinabi ko. 

"S-seryoso?" tinaasan ko sya ng kilay.

"What? This is the best thing for us! So, Ikaw nalang tumulong sa kanya. I'm done of him" tumayo ako at bumalik sa upuan ko. 

Kinalkal ko ang cellphone ko para mag mukang busy ako. Mas okay na to? Hindi ko sya nakikita kahit malapit sya. Dahil ayoko naman syang makita e. Tama na yun. 

"Suotin mo" nagulat ako kay Julia.

"Para saan pa?" Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at sa cellphone ulit tumingin. 

"Kausapin mo sya." Umiling ako. 

"Ayoko syang makita" Malamig na sabi ko.

Bigla nya kong hinila paalis dun at hinila nya ko sa oval. Inayos nya kwintas at sinuot agad sakin. Napalunok ako ng makita ko sya na nakatitig sakin. Umiwas ako ng tingin sa kanya at akmang huhubarin ko to ng bigla syang nag salita.

"Sorry" mabilis na sabi nya.  Hindi ako sumagot. "I'm sorry please. Hindi ko lang talaga alam gagawin ko." ngumisi ako.

"Wala naman akong pakielam e." Tinanggal ko ang kwintas pero bigla naman ako hinawakan ni Julia.

"ANO BA JULIA?!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Alam mo bang nag sasakripisyo sya para sayo?! MAHAL KA NYA!" Hindi ako nag salita. "Mahal ka nya? Lumayo sya sayo dahil nahuhulog ka na! Alam mo ba kung gaano kahirap, Kahirap at lumayo sa mahal nya? Nahuhulog ka sa kanya? San hahantong ang pag mamahalan nyo? Isang patay na ligaw na kaluluwa? At sa isang buhay na tao? Hindi mo ba inisip na once na mwala sya ng tuluyan. Masaktan ka ng sobra sobra?" Natulala ako sa sinabi nya. 

Hindi ko alam pero tumulo ang luha ko, Bat di ko inisip yun? 

"Ikaw na nag sabi na gusto mo sya." Tango lang ang naisagot ko. 

Kinuha nya ang kwintas at sinuot ito sakin. Hindi ko mapigilan ang pag landas ng luha ko. May humawak ng baba ko at tinaas ang muka ko. Nakita ko si Multo na nakangiting malungkot habang pinupunasan ang luha ko.

"I'm sorry." 

Niyakap ko sya ng mahigpit at dun ako umiyak ng umiyak sa dibdib nya,

~

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free