"Okay ka na?"
"Yes. Hindi ko alam kung sino sila. Pero tinatawag nila ako." Kumunot ang noo ko. "Lahat sila pamilyar. Pero di ko masabi kung sino sila." napabuntong hininga ako.
"G-gusto ko ng tanggaling ang kwintas. Ayoko na." nagulat sya sa sinabi ko.
"W-why?"
"Natatakot ako? Pano kung sundan ka ni kamatayan tapos nakita ko sya? Pano kung pati ako patayin nya?! Ayoko!! Gusto ko pang mabuhay!! Di pa ko handa para sumunod sa ate ko!!" he laughed.
"Hey, Oa ka na. Patay ka ba para makita nya? Patay lang sinusundo nya. Masamang taong namamatay, Hindi nya ko sinusundo, So ibig sabihin mabait ako!" pag mamayabang nya.
"Still, Malay mo di nya alam na patay ka na pala?"
"Para kang baliw! Kumain ka na nga." Napanguso ako at pumunta sa kusina. Ininit ko ang ulam at kumuha ako ng kaning lamig.
Sabay ng pag patay ko sa kalan ng pag ring ng cellphone ko. Kinuha ko to at nakita ko ang pangalan ni mama sa screen.
"Mama? ....Bat di mo sagutin." Hindi ko sya nilingon.
"Sasabihin lang nila sakin bumalik na ko sa manila. Don nalang ako mag tapos." napabuntong hininga ako.
"Ayaw mo ba silang kasama?" he asked.
"G-gusto." nakatitig ako sa phone ko at kusa tong namatay. Pero bigla nanaman tong nag ring at si papa naman ang tumatawag. "A-ayokong umuwi. Nangako ako sa ate ko na dito ako mag tatapos ng highschool."
"Then, Tell them."
Sinagot ko ang tawag ni papa. "Hello, Pa?" bungad ko agad. Nagulat ako ng biglang napunta sa harapan ko si Ghost.
[Finally! Your mom is worried! Why don't you answer her call?]
"I'm sorry, Nasa kusina po kasi ako nag luluto." sagot ko sa kanila.
[You've changed a lot, Cyan. Since your ate left us. I think you left too. Sobrang miss ka na ng mama mo. Gusto nyang dito ka na! she's sick.]
"Papa, Pag grumaduate na ko! Promise.Dyan na ko titira. Gusto ko lang tapusin ang highschool ko dito! Yun lang."
[Is that Cyan, Darling.]
Kinagat ko ang ilalim ng labi ko, I miss them ghad! Gusto ko na silang makasama pero may kailangan pa kong tapusin dito. Kahit ito lang. Ako ang tatapos non para kay ate! At pag katapos ko mag aral ng highshool. I'll take law. Ipag lalaban ko ang ate ko! Uungkatin ko lahat. Hindi ako papayag ng walang ganti.
"Mama!" tawag ko agad.
[Oh, My dear cyan. I miss you. How are you sweetie]
"I miss you too, Mama. I'm fine here. Ikaw ma? Okay ka lang ba? May sakit ka daw?"
[I'm fine, Sweetie.Don't worry too much for me. Okay lang si mama. Ako nga nag aalala sayo e.] I smiled.
"I'm fine ma, Don't worry too ma. Kasi marami naman po akong friends dito" at may multo pa.
Tinignan ko ng masama si Multo kasi bigla itong natawa. "Tell her na may kaibigan kang multo."He joked.
[Okay, Sweetie. Kumakain ka ba ng tama jan?]
"Yes, Ofcourse ma. Kumakain nga po ako ngayon e." sagot ko.
[Okay, I love you, sweetie Eat well and takecare always.]
"I love you mama, Takecare always din po ah."
Pinatay ko na ang cellphone ko at binato ko ng kutsara si Multo. "Pano kung narinig ka nyan?!" inis na sabi ko.
"Hindi nya ko maririnig, Parang ihip lang ng hangin boses ko!" sagot nya sakin habang tumatawa.
Hindi ko na sya pinansin at kumain nalang ako ng kumain.
Nasa taas na kami at sya naman ay nasa sofa, Nag lalaro ako ng candy crush sa cellphone ko at saka ko napansin na pag nakatulog ako? Sure na tatabi sakin to!
"Hindi ako tatabi, Wag kang mag aalala."
Napanguso ako.
"Mind reader ka b--- Okay."
Saka ko na kasi naalala ang sinabi ni Sir noon. Na pwede daw ako makipag usap gamit ang utak ko sa multo? Edi dapat. Don ko nalang sya kakausapin. Diba? Kahit naman sumigaw sya kami lang ni Julia makakarinig? Bakit di ko nga ba naisip.
"Para kang baliw."
"Edi wow"
"Tch!"
Effective, Pak!
Tinago ko na ang cellphone ko saka natulog na may ngiti sa labi.
Dating gawi, Nagising ako sa himas sa pisnge ko. Tumingin ako sa tabi ko at nakita kong may Gatas at sandwich dun. Nakangiti sya habang inaayos ang buhok ko.
"Ang aga mo laging nagigising."
"Hindi ako natutulog sa gabi." Kumunot ang noo ko. Umupo ako at kinusot kusot ang mata ko saka humikab.
"Baho talaga ng hininga mo!"
Tinadyakan ko sya at narinig ko ang tawa nya, Parang wala lang sa kanya ang malag lag.
Ano pa nga ba? Eh multo nga pala sya so imposibleng masaktan.
Tinignan ko sya habang tumatawa parin.
"Nag bibiro lang ako, Bango bango nga ng hininga mo e." he lauged.
Hindi ko sya pinansin at tinignan ko ulit ang gatas at sandwich na nasa gilid ko. Kinuha ko ang sandwich at kinain ko yun sa harapan.
Infairness, Masarap sya gumawa nito ah? Buti nalang pala nandito sya. Mapapakinabangan ko sya.
"Tch"
"Ano?" taas na kilagy kong sabi.
Umiwas sya sakin ng tingin at kinain ko ang sandwich na gawa nya. Ninam nam ko to sa loob ng bibig ko at hindi sya pinansin. Nang naubos ay bigla akong napasimangot.
Bitin, Bes.
"Bukas dalawa gagawin ko sayo nyan" Napangiti ako sa sinabi nya.
"Talaga?!" tumango sya at bigla ko naman sya niyakap.
"T-teka! Hoy" Lumayo ako sa kanya at saka ko narealize at ginawa ko.
"S-sorry!" sabay iwas kong tingin.
Nakakahiya ka hoy! Bat ganyan ka makayakap .Multo yan!
"Okay lang. Gagawa kita araw araw para may yakap din ako araw araw!" he laughed.
"Che!"
Inabot naman sya sakin ang gatas at ininom ko to. "Pano gumawa ng sandwich na yun?"
"Secret!"
Tuloy tuloy kong ininom ang gatas ko dahil di naman mainit yun, So kanina nya pa siguro tinampla kaya ganun,
Nang maubos ko at pumunta sya sa cabinet at kinuha nya uniform ko dun. Pati underwear ko inayos nya. Shet!
"H-hoy!" bawal ko agad.
"Oh?" Tumingin lang sya sakin at nilapag nya sa sofa at mga susuotin ko. "Tumayo ka na jan, Ako na aayos ng mga gamit mo." Tumayo ako at tinignan ko lang sya.
"Titingin ka nalang ba?"
Iniwas ko ang tingin.
Hmp! Yabang, Porket gwapo akala mo kung sino!
Padabog ako pumasok sa Cr, Saka ko napansin na naririnig nya nga pala ang mga nasa isip ko.
Oh shit!
"Kunyare di ko narinig"
"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!"
Pumunta ako sa shower at binuksan to. Napapadyak ako dahil din.
"Nakakahiya ka, Alam mo yun, Cyan? Ang tanga tanga mo!"
Napasabunot pa ko sa buhok ko.
"Okay lang yan, Eh totoo naman syang gwapo sya e. Kaya wag ka ng mag inarte!"
Para akong baliw.
Kinuha ko ang body gel ko at nag lagay sa kamay.
"Haisst! Sayang!"
Hinubad ko na mga damit ko at kumuha ulit ng shower shower. Saka ko pinahid sa katawan ko. Nang matapos ako at nag shampoo na ko.
Pano ka ngayon lalabas?
Nag banlaw na ko ng mabilis at pumunta sa harapan ng salamin. Saka ako nag toothbrush ng tatlong beses.
Nakakainis kasi, Ikaw ba naman sabihan ng mabaho ang hininga kahit? See? Sino ba kasi di maiiinis dun? Aba! Hayss.
Lumabas na ko ng C.r at nagulat ako ng wala sya.
Okay, Better.
Kinuha ko ang damit panty ko na kanina na hawak nya.
Holy! Nakakahiya bes.
Binalik ko to sa cabinet at kumuha ng panibago.
NANG makarating kami sa school ay ngumiti sakin si Julia, Tumingin sya sa tabi ko kung nasan ang multo. Huminga ako ng malalim at nag salita sa isip ko.
Susunod ka pa ba?
"Oo, Kung nasan ka nandun ako"
Hindi ako sumagot at naramdaman ko ang kamay nya sa blouse ko. Di ko sya binawal at nakita ko naman si Ari nanakangiti habang kumakaway. Pero naka civilian sya.
"San ka pupunta?" tanong ko.
"2nd grading na e. So, Mag tra transfer na ko sa manila." Nagulat ako dahil dun.
Oo nga pala, Sabi ng mama nya. Dapat nung June pa eh? Kaso, Gusto nya makasama ako dito kahit sa first grading lang.
"Ah sige! Mag iingat ka dun ah. Sa pasko nandun ako."
"Yeah i know, Dahil sama sama naman tayo lagi nag papasko." niyakap ko sya at niyakap nya din ako.
"Ari!" napatingin ako sa tumawag sa kanya at nakita ko ang pinsan nya.
"Oh ikaw pala yan , Cyan" ngumiti ako kay Jacob.
"Yeah! Kamusta?" ngumiti lang sya at ginulo ang buhok ko.
"Mahirap ang college sobra, Kaya sobrang busy ako. Buti nalang may oras pa ko para sunduin tong payat na to!" sabay pisil sa pisnge ni Ari.
"Ikaw? Di ka pa ba luluwas? Namimiss ka na ni tita ah?" Umiling ako.
"May kailangan pa kong gawin dito. Saka dun naman ako sa pasok at new year e." I smiled.
"Nakakamiss ka!" sabay yakap nya sakin at naramdaman ko naman ang pag bilis ng tibok ng puso ko.
Shit! Ang bango bango nya pa. Crush ko talaga sya, Pwede ba ganito nalang kami? Kahit isang araw lang.
"Hoy! Kinikilig ka na kay Jacob." inirapan ko si Ari at bumitaw na kay Jacob.
"Minsan lang to, Ari!"
Napanguso ako. Tinignan ko ang katabi ko.
Tahimk ito at masama ang tingin kay Jacob.
Anong tingin yan ah?
Napatingin sya sakin at umiling.
"Sige alis na kami ah? Ingat ka lagi" Tumango ako sa kanila at kiniss ko si Ari sa pisnge. Sabay silang lumabas ng dalawa at huminga ako ng malalim.
"Crush mo ba yun?"
Oo, Simulang pag kabata.
"Talaga? Mas gwapo pa ko e."
Wow ah? Mas gwapo sayo si Jacob. Saka, Ideal man ko sya.
Hindi ko maiwasan kiligin dahil dun.
"Uwi nalang ako."
Hindi ko sya pinansin at tumakbo na ko papunta sa room ko at hanggang ngayon di mawala sa isip ko si Jacob. Shit! Nung summer huling pag kikita namin pero eto? Shet! Parang taon na ah. Kinikilig ako. September na ngayon.
Hindi ako makapag hintay sa christmas. Sana wala pa syang girlfriend dahil aamin na ko sa kanya na gusto ko sya kung sakali. Tapos gusto nya ko. She---
"Tsk! Bat kasi nag de-day dream habang nag lalakad!" Tinignan ko sya ng masama.
Ano bang problema mong multo ka?! inis na sabi ko sa utak ko.
"Tsk! Wala akong ginagawa no? Ikaw lang tong di tumitingin sa daan dahil puro yung jacob ang nasa isip mo!" tinaasan ko sya ng kilay.
Syempre, Gwapo gwapo e.
Tumakbo na kong paalis dun at pumasok sa room
Dapat maging malungkot ako dahil wala si ari pero pakshet. Kinikilig ako ng makita ko si Jacob. Jusko Lord!
"Hi, GoodMorning!"
"GoodMorning." Bati ko kay Aron.
"Good mood?" i nodded.
"Ikaw ba naman makita ang crush mo!" sagot ko sa kanya. Iniwas nya ang tingin nya sakin.
"Y-yung lalakeng kaninang yakap mo?" tumango ako.
"He's jacob, My childhood crush and firstlove!"
"Tch" napatingin ako sa baba at gulat ng makita ko sya, Iniwas ko ang tingin ko dahil mukang galit sya sakin.
Ano ba ginawa ko?
Wala naman diba?
"Ahh.A-ano, C-cyan" tumingin ako kay Aron.
"Bakit?" ngiting sabi ko at nakita kong namula ang pisnge nya.
"W-wala!"
Nag yieeeeeeee naman ang mga kaklase ko dahil dun. Napailing ako at inayos ko ang bag ko. Nilabas ko notebook ko.Last week lang nag simula ang 2nd grading namin. Hihihi . Kay may konting notes dito.
"Sabihin mo na Aron habang wala pa si Ma'am" napailing ako sa kanila.
"Tell me Aron, Ano yun?" i said while reading my notes.
"P-pwede ba---"
"GO ARON! KAYA MO YAN?" Napailing ulit ako sa kanila. Tsk.
May toyo talaga mga kaklase ko, Buti nalang wala si Ari dito dahil for sure isa pa syang kakana dito or baka pinangunahan nya na si Aron sa sasabihin nya.
"CYRON! CYRON"
"Tch, Ingay." Tinadyan ko ang nasa ilalim ko .
Manahimik ka dyan, O umuwi ka nalang.
"Tch"
"Ano na aron?" natatawa nalang ang mga kaklase ko.
"Torpe tol!" someone teased.
"GoodMorning class!" Tinignan ko si Aron na namumula parin. Pero tumayo na kaming lahat para bumati ng isang magandang umaga..
Pag upo namin ay umingay nanaman.
"Ma'am, Bago po mag simula ang klase, Pwede po bang sabihin muna ni Aron ang gusto nya kay Cyan?" tumingin ako sa isang kaklase ko na si Cindy.
"CINDY!" tawag ni Aron dito.
"What? Torpe mo talaga." Tumawa nanaman sila.
"What is it aron? Bago mag simula. Tell her." Tumingin ako kay Aron na nag kakamot ng batok.
"A-ano po. P-pwede bang lumabas tayo mamaya? Ihahatid kita bago mag 8 ng gabi."
"WWWWWWWWWWWWWOOOOOOAHH!"
"BINATA KA NA PRE."
"IBA NA ARON!"
"CYRON TALAGA E!"
Napailing ako sa mga kaklase ko pero ng tumingin ako kay Aron bigla syang namutla. Siguro dahil sa pag iling ko. Akala nya sya.
"Wag kang sasama." hndi ko pinakinggan si Multo.
"Okay, Mamaya"
Napuno nanaman ang ingay ang buong klase dahil sa sagot ko. Na akala mo bang nanalo kami sa isang pageant or quiz bee dahil sa ingay. Tinakpan ko ang tenga ko at pati Ma'am natawa din sa nang yayare.
"Yes!" masayang sabi nya.
Nag simula na ang klase naming about sa love, Bat ang tahimik ko ngayon? Shit! Ano ba nang yayare. Wala man epekto sakin si Aron? Bat kaya.
"Okay,Class. Tuloy na natin ang nasimulan kahapon." Umayos na kaming lahat. "Pano mo masasabing inlove ka?" Agad nag taas si Aron ng kamay at napailing ako.
"Pag nakikita mo sya, Bumibilis ang tibok ng puso mo, Pag nakakatabi mo sya para may kung ano sa tiyan mo na nag wawala. Bakla man pakinggan pero hindi sya nawawala sa isip mo. Gusto mo lagi mo syang nakikita." Bigla syang tumingin sakin. "At lagi kang kinakabahan pag may sasabihin ka sa kanya."
"Awwwwwwwwwww!"
"Yung makita mo lang sya, Parang ang saya saya na at buo na ang araw mo."
Umiwas ako ng tingin sa kanya at naramdaman ko nalang na nag iinit ang pisnge ko.
What the fudge!
Natapos ang klase namin at lunch na, Ako lang mag isa ang nag lalakad, I mean dalawa pala kami dahil ma kataba akong multo.
"Sasama ka ba talaga?"
Yes, Friendly date.
"Hindi friendly date yun. Tch, Gusto ka ng tao."
And so?
"Aasa sya"
Yamusya.
"Tch"
Nang makarating kami sa caf at umorder na ko ng pag kain, Nakita ko si Julia at dun akong umupo. Napatingin din sya sa tabi ko.
"Di daw close!"
"Ikaw naman Julia, Namiss kita!" tinaasan ko ng kilay tong multo na to.
Aba ang landi ah?!
"May nag seselos."
"Tch! May date sya mamaya kaya wala syang pakielam"
Ano kaya pakielam nya.
Kumain nalang ako ng kumain at di ko pinansin ang usapan nilang dalawa. Ano bang pake ko? Kahit mag sama pa sila wala akong pakielam.
Nang natapos ako ay tumayo na ko, Pumunta agad akong library at yumuko dun. Kahit naman sakto lang tulog ko nakakaramdam parin akong antok.
Wala akong makausap kahit sino dito. Haysss.
Nang uwian ay awkward kami ni Aron, Hindi kami nag tatabi. nasa malayo kami sa isa't isa at parang hindi kami mag kasama. Kaya naman abot ang tawa ng multo dahil dun.
"Sobrang torpe talaga!"he laughed. "Kung buhay ako niligawan na kita non" napahinto ako at tumingin sa kanya.
Hindi ko alam pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko, 3 days palang kami mag kakilala. Pero nakakaramdam na ko ng ganito.
H-hindi naman ako mag papaligaw sayo.
"Talaga ba? Kung buhay lang talaga ako."
Hindi na ko sumagot at nag lakad ng mabilis. Shit!
Napahawak ako sa dibdib ko at nakita ko naman si Aron na nag lakad din ng mabilis. Siguro dahil sakin. Hinawakan na nya ang braso ko at hinila nya ko sa Park.
"Dito ka lang, Bibili kitang ice cream ah?" Tumango ako.
Tumakbo agad sya at iniwas ko ang tingin ko sa multong kasama ko. "Torpe talaga!" sabay akbay nya sakin.
"Pero totoo, Kung buhay lang talaga ako, Baka niligawan na kita."
Pinipilit kong wag mag isip ng kung ano ano pero yung puso ko talaga sobrang bilis ng tibok. Shit!
"Maling panahon kasi e!"
"B-baliw ka!" sigaw ko
Napatngin ang mga tao sakin dito at nakakunot ang noo! Shit! Bat di ko inisip yun. Nakakahiya.
Buset ka talagang multo ka!
Natawa sya ng malakas.
Nang dumatin si Aron ay nakita kong may dala syang ice cream at bulak lak. Ngumiti sya at tumabi sakin. Inabot nya sakin at tatlong rosas at umiwas pa ng tingin.
"P-pwede ba kong manligaw?"
"H-huh?" pulang pula ang muka nya.
Ang cute ng dating nya. Pero mas cute si Jacob.
"Pinaka gwapo naman ako"- Multo
Hindi ko pinansin ang multo sa tabi ko.
"A-ano kasi, B-bawal ako mag boyfriend sabi ng mama ko."
Tanga ng palusot mo, Cyan.
"Kaya kong mag hintay." sabay ngiti nya.
Ngumiti din ako at tumango sa kanya.
"Friends muna tayo ah?" Tumango sya sakin.
"Oo naman."
Natapos ang date namin dun, Dahil sobrang awkaward ay inaya na nya kong umuwi. 7:30 ay nasa bahay na ko. Gusto nya sanang kumain muna kami bago umuwi, Nakakahiya naman dahil binusted ko tapos kakain pa kong dinner? Diba nakakahiya.
Kaya pag dating ko sa bahay walang pag kain. Nakaupo lang ako sa sofa at walang ginagawa. Pero nakita ko naman si multo na may dalang sandwich at gatas.
"Eto muna kainis. Mag luluto ako?" napatingin ako sa kanya.
"M-marunong ka?" He nodded.
Kinain ko na ang sandwich at ininom ang gatas, Hindi ko maiwasan mapangiti dahil dun. Napa care free nya tapos hindi sya maarte. Imbis na tulungan ko sya, Inaasikaso nya ko. Nakakaturn on sya.
What! Ano sinabi ko?
Nakaka turn on? Napailing shit!
Shit! No way! Di pwede.
~