Nagising ako dahil sa isang himas sa muka ko. Nandito ba sila mama? Si papa. Agad agad akong dumilat at nagulat ako na may isang mukang lalakeng bumungad sakin.
"GoodMorning, Cyan!"
Napapitik ako sa sarili kong noo! Hindi yun panaginip! Hayss! Nakakainis, Nakakainis! Sobrang nakakainis! "Bat nandito ka pa?!" inis na tanong ko.
"Grabe ka naman sakin, Ayaw mo ba kong makasama?" Sabay pout nya.
"Sa totoo lang, Multo? Ayoko kitang makasama! WALANG TAONG GUSTONG MAKASAMA ANG MUL--hhmmmmm"
Tinakpan nya ang bibig ko habang nakahiga ako. Shit! Dali dali kong inalis ang kamay nya sa bibig ko at tumayo. Nakita ko naman na inamoy nya yun.
"Baho ng hininga mo!"
"Wow ah?! Kung umalis ka dito."
"Kung alam ko lang ang daang pauwi?! Baka sakaling nakauwi na ko" sarcastic na sabi nya.
Napabuntong hininga ako."Sa totoo nalang multo? Ayoko talagang makasama ka e? Pag ba nakita mo na ang daan, Iiwan mo na ko?" Tumango sya.
"Okay" ngumisi sya sakin.
"Pwede na din ako matulog sa tabi mo?"
"AYAW KO! RAPIN MO KO E"
"Sige nga? Pano ka re-rapin ng isang multo?"
Oo nga no? May point sya. Bat di ko napansin yun. Tanga mo talaga, Cyan. Ganda ganda mo wala naman laman ang utak ko. Nako nako.
"Gusto mong kumain?" tanong ko dito.
"Oo, Makakain ako e?" he said sarcastically.
"Oo nga pala. Jan ka lang ah? Maliligo lang ako" Ngumiti sya sakin at tumango.
Pumasok ako sa loob ng Cr at nag simula ng maligo, Sa bawat punas ko sa katawan ko at tumitingin ako sa paligid. Baka kasi silipan ako ng impaktong yun. Hindi parin dapat akong mag tiwala dun.
"Ts!"
Nagulat ko dahil dun.
Kaya binilisan ko mag bihis at kinuha ko agad ang Tuwalya. Lumabas ako at nakita kong prente syang nakahiga sa kama.
"HOY, MULTO! LUMABAS KA NGA!" inis na sigaw ko.
Bigla naman sya nawala, Ano yu? nag teleport. Pumunta ako sa cabinet para kumuha ng panty a bra. Kumuha ako ng sando at sickling. Sinuot ko yun at kinuha ko na ang palda ko at blouse ko. Sa patingin ko sa kama nandun na sya.
"Wag kang mag aalala wala akong nakita kahit nakita ko na lahat yan!" dali dali kong kinuha ang sapatos ko at binalibag sa kanya.
Natawa lang sya ng malakas!
"LUMAYAS KA DITO!" Sigaw ko
Lumabas ako ng kwarto ko pero bumalik agad ako para kumuha ng suklay. Nag polbo ako pero di ko sya napansin dito. Nag pabango ako at dinala ko ang suklay sa pag baba ko. Pero sa pag baba ko ay nakita ko ang isang sandwich at milk.
"Sorry na!" napatingin ako sa gilid ko at nandun sya.
Ngumiti ako at pumunta ako dun. "Sayang di ka kumakain." i teased.
"Tch."
Tinapos ko ang pag kain at sumakay ako sa Trysikel, Huminto kami sa tapat ng bahay ni Ari at kumaway ito sakin. Nakita ko si Multo na nakasabit sa gilid ko. Nakangiti lang sya at si Ari naman ay walang ka ide ideyang may kasama kami.
"Naniniwala na ko sa multo" sagot ko kay Ari.
"Ayan nanaman yan. Ano ba binasa mo kagabi? I'm inlove with the ghost?" natawa ako.
"Hindi kasi, Totoo sila!" tinaasan nya ko ng kilay.
"Oh sige? Maniniwala ako! Pero mag ingat ka" Kumunot ang noo ko. "Baka may mabigay ka sa kanila at madala nila at hindi na nila maibalik. Tandaan mo patay na sila."
"Hindi kita maintindihan"
Nag kibit balikat sya.
"About last year kay ate mo?"
"Oh?" Nag suklay ako at tumingin sa kanya. "Yung binayaran ang pulis para mahinto ang imbestigasyon."
"Yeah, Hindi ko parin matanggap" Huminga ako ng malalim at nilagay ko sa loob ng bag ko at gamit ko.
Wala na si multo kaya naman nakahinga na ko ng maluwag. "G-gusto ko maging Lawyer, Para naman mapag higanti ko si ate!" napangiti ako.
"I want too, Pero mas gusto ko maging reporter!"
"Di sayo bagay! Pulis dapat" napailing ako.
"Interior design ang gusto ko. Gusto ko ako mag dedesign ng bahay namin pag nakabili ako ng bahay"
"Architect! I want too"
Nang makarating kami sa school ay nakita ko si Multo na katabi si Julia pero si Julia walang pake. They look cute! Close talaga sila?
"Thanks Julia"
Hindi to pinansin ni Julia at naunang nag lakad. Hinawakan naman ng multo ang kamay ko at kumunot ang noo ko dahil dun.
"Ano ginagawa mo?" Bulong ko.
"Shh, Pag kakamalan kang baliw."
Ay oo nga pala.
"Hey, Tara na" Hinatak ako ni Ari at hindi parin binibitawan ni Multo ang kamay ko. Nakangiti sya sakin at iniwas ko ang tingin ko.
Nang makarating kami sa room ay umupo na kami pareho, Nasa baba ko sya oo, Asa baba. Wala na kasing bakanteng upuan kaya nasa baba ko sya at nakapikit.
Napailing nalang ako. "Inaantok ako! Matutulog lang ako ah?"
"Wala akong pakielam!" masungit na sabi ko.
"Uy! Kanina ka pa nakatingin sa baba tapos nag sasalita ka? Wag mong sabihin nakita mo na ang multo ni Julia?" Then he laughed.
"Oh? Pano kung oo? " Taas na kilay na sabi ko.
"Cute cute mo talaga!" sabay pisil sa pisnge ko at umiwas ako sa kanya. "Ayan di nanaman nya ko papansinin." pinikit ko ang mata ko at tumingin sa binta.
"Hey, Joke joke lang naman e."
Hindi ko parin sya pinansin. "Huy, Cyan. Sorry na" Tumingin ako sa kanya.
"Alam mo Aron, Iisipin ko talagang crush mo ko kasi abot ang papansin mo sakin this past few weeks!" Ngumisi sya. "Napunta ka lang sa section namin naging madaldal ka na worst nakatabi mo lang ako." inirapan ko sya.
"What if, Yes?" tumingin ulit ako sa kanya.
"I don't care, Aron" He's inhaled.
"Nag aral akong mabuti para mapunta sa section A kasi gusto talaga kitang makasama at maging kaklase gusto rin kita maging kaibigan kaya abot ang papansin ko these days."
"So? Nung June and July bat di ka nag papansin sakin?" Taas na kilay kong tanong.
"Dahil may hiya pa ko nun" I laughed.
"Manahimik ka nalang" saktong dumating ang guro namin at umayos na kaming lahat umupo. Tumayo kami para bumati ng isang magandang umaga.
Umupo ulit kami at sinipa ko yung multo sa baba ko, Para na kong baliw dito na sinisipa pero ang katabi ko pinanunuod lang ang galaw ko. Tch.
"Stop watching!" mahinang sabi ko.
"Totoo bang may multo sa baba mo?" Tumango ako habang nakatingin sa harapan at nakikinig sa guro namin.
"S-sino?"
"I don't know him, also"
"W-what? Nakikipag usap ka sa dimo kilala" Tumingin ako sa kanya.
"Y-yeah. Wala naman syang magagawa sakin bukod sa multo sya di sya marunong manakit. Manakot kaya nya" sabay irap ko.
"Tch! Di parin ako naniniwala"
Hindi ko sya pinansin at nakinig nalang.
"This is about love, What is the meaning of love ?"
Maraming nag taas, Abay syempre! Love e? Active lahat ng kaklase ko. English ang first period namin. Tinignan ko sila isa isa. Ang daming nag taas ako lang ang hindi. Miski katabi ko nakataas ang kamay.
"Love is blind!"
"Love is Love"
Nag tawanan ang mga kaklase ko sa sagot ng isang bugok sa room namin.
"Love is becoming overly comfortable" Napatingin ako sa baba. Kung nasan ang multo.
"Love seeing you even you're not here" Napatingin ako sa kaklase kong sumagot.
"Love is putting in effort for you"
Nang tinawag si Aron bigla itong tumingin sakin.
"Love is Cyan"
"Yieeeeeeeeeeeee"
Napasampal ako sa noo. "Because i love you, Cyan"
"Yieeee!"
Ghad! Issue nanaman to bwisit!Nakakahiya! Nakakahiya. Humanda sakin ang lalakeng to pag labas ng room. Letse hays!
Umupo na to sa tabi ko at halatang natatawa dahil sa reaction ko. "Okay class, Marami akong nalaman about sa love? Katulad ng kay Aron, He confessed his feelings for Cyan. You think is that love?"
Tumingin ako sa harapan ako pa talaga ginawang example.
"YES!" Malakas na sigaw ng katabi ko.
"Pano mo naman nasabi?"
"First year ako nung una ko syang nakita, Nakita ko syang pumasok sa room na pinapasukan ko at akala ko dun sya dahil may dala syang gamit. Mabilis akong pumasok dahil isang cute na babae pumasok sa room namin. Saktong pag pasok ko ay pag labas nya kaya nabunggo ko sya napaupo. Tinulungan ko sya mag ayos ng aklat na nalag lag at nang hingi ako ng sorry. Sobra akong natulala sa ganda nya. Pero hindi nya ko pinansin"
Napayuko ako sa hiya.
WHAT THE HELL ARON!
"Naniniwala ako sa Love at first Sight. 3 years ko na syang sinusubay bayan. Hindi parin ba love yun?"
"Yieeeeeeeeeeeeeee"
Napakamot ako ng ulo ko.
"Okay, Enough of Yie class!"
Nag si tahimik ang nasa room.
"Pero iba ang love na sasabihin ko?" Kumunot ang noo ko. "Pero may tanong muna ako?"
"Kaya nyo bang isakripisyo ang lahat para love? Kaya nyo bang mag paraya para sa love?" Lahat kami natahimik dun.
Kaya ba?
"N-no" Hindi ko alam kung bakit ko nasagot yan.
"Selfish ka, Cyan" napatingin ako sa teacher ko.
"Selfish na kung selfish pero wala naman masama kung ipag laban ang pag mamahal ko sa kanya diba?" Tumango ang mga kaklase ko.
"Pano kung yun ang makakabuti? Nag mag paraya."
"Then i let him" mabilis na sagot ko. "But it is not? No. "
"Okay, That's good answer! May tanong pa" tumango ako.
"Nainlove ka na ba?" Umiling ako. "Good!"
"Kasi ang love yan ang pinakamasakit sa lahat, Sobrang hirap nya. Nakakaapekto sa lahat ng bagay. Sobrang nakakamatay din yan pag sobra sobra kang mag mahal." Bigla akong kinabahan.
"Lalo na't pag nainlove ka sa taong hindi ka mahal, Sa taong akala mo mahal ka, Sa taong pag lalaruan ka." napalunok ako.
"Pag lalo mong iniwasan? Lalo kang maiinlove" Napapikit ako.
Ayoko mainlove. "Okay, Class. Bukas ko na sisimulan. Oras na para sa second subject nyo" Lumabas si Ma'am ay may pumasok namang isa.
Napapikit ako at naramdaman kong may humawak sa kamay ko. Huminga ako ng malalim at tumingin ulit sa harapan.
"GoodMorning Class"
Nang natapos na ang second and third class namin ay nag si punta na kami sa Canteen para kumain. Nakasunod parin sakin ang multo si Ari naman ay salita ng salita. Sa pag tapak ko sa canteen napunta ng 'Yieeee' to.
Nakatingin sila sakin at ako naman ay nakakunot ang noo.
"CYRON!"
Cyron? "Sino si Cyron?" Tanong ko kay Ari.
"Ikaw saka si Aron." sagot nya.
Inikot ko ang mata ko sa canteen at nakita ko si Aron na nag kakamot ng ulo kasama ang mga kaibigan nya. Tumingin ito sakin at mabilis na nag iwas ng tingin. Dumiretso ako sa counter para bumiling pag kain ko at naupo sa pinaka malapit na mesa.
Habang kumakain ako ay nakatingin sakin si Multo. Gusto ko man sya kausapin kaso mag mumuka akong baliw dito dahil ako lang nakakakita sa kanya.
"So, Close na kayo?" Nagulat ako kay Julia na may dalang pag kain habang umuupo.
"Oo naman, Julia. Salamat ah?" Masiglang sabi ni Multo.
"We are not!"
Mabilis na sagot ko. "I don't think so" inirapan ko sya.
"Help me" yan agad ang sinabi ko kay Julia. "Tulungan mo kong hanapin ang daan pauwi sa kanila?" Turo ko sa multo pero agad kong inalis kasi muka akong tanga.
"I don't know either. Kaya siguro sya lumapit sayo dahil may koneksyon kayo sa isa't isa." Kumunot ang noo ko.
"Hayss! Mababaliw na k---"
"Hoy!" napatingin ako kay Ari na kadadating lang.
"Para kang baliw" inis na sabi nya., "HOY JULIA. LAYUAN MO BESTFRIEND KO! NAHAHAWA SYA SAYO E!"
Hindi sumagot si Julia.
Nang uwian ay 6:30 ulit. Kaya eto ako? Nag lalakad mag isa. I mean kasama si Multo. Si Ariya kasi naunang umuwi. Parang baliw. Nakasunod lang sya sa likod ko at ako naman ay unang nag lalakad.
"Crush ka nong Aron" Bukas na topic nya.
"I don't care." malamig na sabi ko.
"Hey, Are you mad at me?" Umiling ako.
"H-hindi mo ba kayang mag hanap ng daan para makauwi k---?" Napahawak sya sa dibdib nya at nakita ko naman sa muka na nang hihina sya.
"A-ano nang yayare sayo?"
"M-masakit." daing nya.
"S-san parte?" Napahawak sya sakin at hinawakan ko din sya.
"N-naninikip dibdib ko."
Kumunot ang noo ko.
Pwede ba yun? Yung multo sumisikip ang dibdib. H-hindi kaya? Hindi siguro. Huminga ako ng malalim at inalalayan sya. Pumasok agad ako sa bahay at inupo sya sa sofa.
"M-may tumatawag sakin"
"S-sino?"
"H-hindi ko alam. B-basta sumisikip dibdib ko." napapikit ako. Eto diba? Problemado din ba ko sa lalakeng to?
"Shit!"
Lalo akong nag aalala, Di ko alam ang gagawin ko. "Ano ba gagawin ko?" Takang tanong ko.
Hinawakan nyang mahigpit ang kamay ko. Pumikit sya at huminga na ulit ng maayos. Dumilat sya at umupo ng maayos.
"Kailan mo pa ba yan nararamdaman? Baka sinusundo ka na ni kamatayan?" umiling sya.
"May tumatawag saking black."
"BLACK?!" Tumango sya.
~