HinovelDownload the book in the application

Chapter 1 Ghost

"Okay, Bago ang uwian may kwe kwento ako sa inyo" Napatigil ako sa pag aayos ng gamit ko.

"Sir, Kahit ngayon lang sir, Pauwiin nyo kami ng 6:30, Madilim po sa daan!" natawa si sir sa isang kaklase namin.

"Madilim ba? Edi exciting! Kasi ang kwento ko ay tungkol sa isang ligaw na kaluluwa" Bigla naman akong kinalibutan sa sinabi ni Sir.

"Sir naman!" 

Huminga ako ng malalim at tumabi kay Ari. "Natatakot ka no?" 

"Sshh" 

Ariyana De santos is my bestfriend, Simula pag kabata ay mag kaibigan na kami. Hindi naman kasi kalayuan ang bahay nila sa bahay namin. Saka mula Grade 1 mag kaklase kami. Dito kami nakatira sa Gapan Nueva Ecija.

"Lakad tayo o Trysikel?" Tanong ko sa kaibigan ko.

"Lakad nalang tayo" tumango ako.

"Kayo na bahala kung maniniwala kayo ah? Naniniwala naman siguro kayo sa mga multo at masasamang kaluluwa dito?" 

"Opooo" Para kaming mga bata na pumunta sa unahan dahil sa takot, Well, 4rth year palang kami. Kahit ganito kami, Still na bata parin kami. Matatakutin at masayahin. Hinawakan ko si Ari at narinig ko naman ang mahina nyang tawa.

"Ang masasamang kaluluwa, Nag papakita sila ng ibang ka anyuan, Ipapakita nila sa inyo at puro dugo nilang muka at masasamang tingin. Di nila kayang manakit pero kaya nilang manakot. "

Napahawak ako mahigpit sa bag ko.  Natatakot talaga ako.

"May mga kaluluwa na sa isip mo lang sila nakakausap, Minsan naman sa bibig mo. Pero mag iingat kayo lagi dahil hindi lahat ng kaluluwa ay mabait. May iba? Nag babait baitan.  At may iba din na mabait talaga" 

"Sir, Pano mo po malalaman kung mabait o masama?"

"Tulad nga ng sabi ko, Aning. Mag papakita sila ng iba, Puro dugo. Sugat, Masama tingin. Sila ang masasama. Pero ang mabait, Nakangiti to at mukang masayahin. Hindi nila ipapakita sa inyo ang nakakatakot na anyo nila."

"Sir, May kaluluwa bang buhay ang katawan?" nagulat ako sa tanong ng isang kaklase namin.

"Balita ko, Julia. May Third eye ka daw?Totoo ba?" Nagulat ako ng tumingin sakin si Julia. 

"Oo Sir. Lagi ko syang nakikita. Mabait sya, Nakakausap ko sya pero isang taong gusto nya makausap at makilala" tumayo ang balahibo ko ng ngumiti sya sakin.

"Sino?"

"Si cyan lang po makakakilala sa kanya dahil lagi itong nasa tabi nya" 

"WAAAAAAAAAAAAAAH! WALANGYA KA JULIA WAG MO KONG TAKUTIN!" Tumawa ito ng malakas kasama ng mga kaklase ko.

"Hala, Julia. Wag kang ganun, Baka lagnatin si Cyan, Matatakutin talaga sya" Naluluha akong yumakap kay Ari.

Nag sitayuan na kami ng bandang ala syete at lumabas ng room, Ako naman ay nakakapit lang kay Ari habang pababa ng hagdan.

"N-natatakot ako" Humawak sya sakin.

"Marami tayo dito oh, Yung iba palabas palang. Ano Trysikel na ba tayo?" Tumango ako dito. Pero nakaramdam ako sa pantog ko. 

"Wait. Iihi lang ako. Hawakan mo muna bag ko"

Thanks god! Dahil bawat building dito ay may cr. Buti nalang ay malapit na ko kaya agad akong pumasok dun. Nagulat ako ng bumungad sakin si Julia na nakangiti.

"ANO BA?! NAKAKAGULAT KA!" inis na sabi ko at nilag pasan sya. Pumasok ako sa unang cubicle at umiihi agad dun.

Sa pag labas ko ay nakita ko si Julia na nakasandal habang nakatingin sa gilid ng pinto ko. "Lagi syang nasa tabi mo. May kailangan ata sya sayo. Pero wag kang mag aalala. Mabait sya" Tumayo nanaman ang balahibo ko dahil dun.

"NOT FUNNY!" Naiiyak na ko.

"Sana nga nag papatawa ako. But he's here. Lagi syang nakasunod sayo. Pero bakit di mo sya nakikita?" 

"What do you mean? May multo bang nag babantay sakin?" Tumango sya. 

Nagulat ako ng may binigay sya saking kwintas.  "Suot mo pag uwi mo sa inyo" 

Lumabas na sya at ako naman naiwan sa loob ng cr. Puno ng takot at kaba ang dibdib ko kaya lumabas na din ako. Buti nalang sa pag labas ko ay nandun si Ariya. Hinawakan nya ko at muka syang nag aalala.

"Ano nanaman sinabi sayo ni Julia?"

"Wala naman" Tumango sya at ngumiti.

Nag lakad na kami palabas ng campus pero ngayon ko lang naramdaman tong pakiramdam na to. Nanlalamig ako, Feeling ko may katabi ako bukod kay Ari, Bumibigat din ang dala kong bag. Pero pag lingon ko dun wala namang tao.

"Isuot mo yung kwintas"

Humangin ng malakas ng narinig ko yun.

"May nararamdaman ako?" napatingin sakin si Ari.

"Ano yun? Masama ba pakiramdam mo?" Umiling ako.

"Parang may Multo" kumunot ang noo nya.

"Walang multo, DI SILA TOTOO!" 

Pilit ko man pinaniniwala ang sarili ko pero wala e. Takot parin ang nangibabaw. Ngayon kaming dalawa palakad ng pauwi. Nanginginig ako kahit may sasakyan na dumadaan. Nakasunod talaga sya sakin. Pano pag sinuot ko to? Ano mang yayare? Mawawala ba sya. 

Hayss! 

Inayos ko ang buhok ko ng lumiko kami sa gasan, Na dadaanan namin dun ay madilim na. Unang makakauwi si Ariya sakin  kaya naman di ko maiwasan kabahan. Madilim. Kaya naman ng makarating kami sa kanila ay pumasok na sya at nag paalam.

Ako na mag isa, Hindi na kalayuan pero kinakabahan ako. Nag lakad na ko palayo dun at feeling ko may humawak ng kamay ko. Ewan ko pero imbis na matakot ako naging komportable pa ko. Nag lakad na ko ng walang takot pero pag humahangin ng malakas ay natatakot ako.

Nang makauwi ako ay kumain agad ako sa kusina namin. Wala ang magulang ko dito kaya walang kaso. Nag luluto ako sa maga hanggang mag hapon na yun. Ang parents ko ay nasa Manila. Gusto ko lang dito mag aral para ipag patuloy at sinimulan ni ate. Nang namatay sya year ago, Gusto nya dito ako grumaduate dahil dito din nya gusto grumaduate, Na aksidente sya. . Namatay sya pero yung naka banggaan nila? Wala. Binayaran nila nag police para itigil ang mag iimbestiga. 

Nag tago sila at di na namin sila makilala, I was 15 years old. Kahit isang taon na? Masakit parin. Masakit parin mawala ang bestfriend mo. ANg ate mo, Ang kakampi mo sa lahat.

Sa pag pasok ko sa bahay namin ay pumasok na ko sa kwarto ng ate ko. Nag hubad ako at nakita ko nalag lag ang kwintas na bigay sakin ni Julia, Nilagay ko lang to sa study table ko at nag bihis na.

Kinabukasan ganun ulit nang yare,.

6:30 ang uwian at ngayon, Patakbo akong pumupunta ng CR at sa pag pasok ko? Si Julia agad ang nakita ko. Nakangiti sya sakin at inaayos ang buhok nya.

"Nakita mo ba sya?" Nagulat ako sa tanong nya.

"Sino?"

"Stalker mo? Yung multong stalker" she laughed.

"Bat parang di ka natatakot sa mga nakikita mo?" takang tanong ko.

"Sanay na ko, Para lang sila guni guni sakin at wala akong pakielam sa kanila. Ikaw? Yung kwintas na binigay ko sayo? Pinaabot nya lang. Ikaw sya at ako lang makakakita nya pag sinuot mo" 

"Huh?" Gusto kong matawa.

Para syang baliw.

"Sa pag uwi mo? Suotin mo yan. Para makita mo sya. Makausap dahil ikaw talaga ang sinusundan nya."

"Ayoko" 

Lumabas ako sa cr at pumunta na ulit kay Ari.

"Trysikel tayo?" Tanong ko sa kanya. 

"Oo, Sige. Masakit na din ang paa ko"

Sumakay kaming dalawa sa Trysikel at kumakanta pa kami. Gumaan na ang pakiramdam ko pero di ko parin maiwasan makaramdam sa tabi tabi. Nagulat nalang ako ng kinapa ko ang bulsa ko ay nandun ang kwintas.

"Ari?" 

"Yes?" Ngumiti ako sa kanya. Nilahad ko ang kwintas pero kumunot lang sya.

"Ano?" natatawang sabi nya.

"Ano nakikita mo sa kamay ko?" 

Gusto ko malaman kung totoo. Gusto ko malaman lahat. Dahil sobrang pinapatay ako ng mga nalalaman ko. "Malamang daliri, Guhit yun lang" Umiling ako.

"Wala ka bang nakikitang kwintas?" 

Tumawa sya.

"Baliw ka ba? Eh wala ka ngang hawak e!" 

Hayss. Totoo nga? Ako lang nakakakita at sya. At yung sinasabi nyang multo. Pero natatakot ako? Pano kung nakakatakot pala itsura nya? Pano? Edi nahimatay ako sa takot pero, Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Julia.

"Julia, Paano sya makakaalis sa tabi ko?" 

Tinago ang cellphone ko at sakto nasa tapat na kami ng bahay ni Ari.

"Babyee!"

Umandar ulit ako Trysikel at naramdaman ko naman may pumatong sa balikat ko. Hindi ko na yun pinansin at umayos ako ng upo. 

Namimiss ko na ate ko. Bat kaya ako sinusundan ng multo? Bakit ako? Eh ang dami dami dito. Babae kaya sya o lalake?

Naramdaman kong nag vi-brate at cellphone ko at mag bukas ko ay nag text si Julia.

"Kausapin mo sya. Suoting mo yung kwintas" 

"Ayoko"

Mabilis na reply ko.

"Di sya aalis sa tabi mo" 

Nang makarating ako sa bahay ganun ulit ginawa ko. Kumain at umakyat na. Kinuha ko ang notebook ko ang basa basa. Gusto ko lang mag basa. Nireplyan ko muna si Julia at kinuha ulit ang kwintas sa bulsa ko.

"Ano ba dapat kong gawin?"

"Kausapin mo sya."

"How?"

"Suot mo nga ang kwintas" 

Hays! Bat kasi ganun e. AYoko naman istorbohin to? Kung pumunta akay ako ng espirtistas? Tapos sasabihin nila baliw ako! Ayoko nun. Baka akalain nila nababaliw ako. 

Huminga ako ng malalim at unti unti sinuot ang kwintas. Pumikit muna ako at nag dasal. Nakasuot na sakin ang kwintas at biglang may sumigaw.

"SALAMAT! SINUOT MO DIN!" Napatayo ako dahil dun.

Isang lalakeng gwapo naka suot ng Vneck shirt at simpleng pants. Ngumiti sya sakin at tumawa. Unti unti syang lumapit at hinawakan ang braso ko.

"Nakikita mo na ko diba?"

Don't tell me? Sya yun?

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!" 

Bigla nyang tinakpan ang bibig ko.

"Grabe ka naman. Ang gwapo gwapo ko tapos para kang nakakita ng multo!"

"Eh multo ka naman talaga e!" sigaw ko.

"Shh, Nandito lang ako sa harapan mo makasigaw ka pa" he laughed.

"Who are you?" i asked.

"I don't know. Basta sinusundan lang kita. Di ko kilala sarili ko tapos di ko alam kung pano umuwi" nagulat ako sa sinabi nya.

"B-but why? Bakit ako?"

"Hindi ko din alam. Ang ganda mo kasi!"

Pinalo ko sya at napaaray sya.

"Grabe ka naman sakin" nag lakad sya papunta sa kama ko at humiga dun. "Ang bango bango mo talaga" nanlaki ang mata ko.

"W-wag mong sabihin n---"

"Yes! Araw araw kitang katabi, Nakita ko na la---"

"BASTOS!" sigaw ko.

Shit?! Bat imbis na matakot ako ay naiinis ako,oo gwapo sya!

"Eh sino ka ba talaga?" Tanong ko ulit.

 "Kapagod mag lakad at tignan ka. Tulog muna tayo" Tinaasan ko sya ng kilay.

"Pumunta ka dun. Dun ka matulog" Turo ko sa sofa.

"Grabe ka naman. Mga katabi tayo natutulog tapos jan mo pa ko papatulugin saka di ako rapist. Multo ako, Kaya malabong galawin kita" 

Oo nga naman.

"Kahit na!"

"Tsk!" Tumayo sya.

Hinila nya ko palapit dun" Baliw ka na bang multo ka?" 

"Hindi. hAHAHAHA. Ano ba pwede mong itawag sakin, Cyan?"

Oo nga pala, Di nya daw alam kung sino sya at ano ang pangalan nya. 

"Bakit kailangan pa? Alis na!" napanguso sya. 

"Ayaw.  Pangalanan mo na ko" Napabuntong hininga ako.

"Ghost" 

"Ghost? Multo?" he laughed. "Sabagay. Ghost nalang tawag mo sakin" 

"Okay. Then pumunta ka na sa sofa at matutulog ako"tumayo at ako naman umupo sa kama ko. Akmang tatanggalin ko ang kwintas ng mag salita sya.

"Wag mong tanggalin bahala ka di mo makikita gagawin ko" 

Oo nga no? Malay mo tumabi sya sakin? Tapos silipin nya ko. 

"Matulog ka na"

Pinikit ko ang mata ko at natulog na!

~~

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free