HinovelDownload the book in the application

Chapter 4 Insane

Kabored!

"Wala ka bang pupuntahan?"

"Wala e. Wala naman si Ari, Ikaw ba? Hindi ka ba muna mag hahanap ng daan?" i asked.

"Kahit san naman ako makapunta, Dito ako bumabalik. Tapos sa school nyo. Tapos babalik dito. Sinubukan kong umalis pero dito lang ako bumabagsak" napatingin ako sa kanya na nakahiga din sa tabi ko.

"Mahirap palang maging patay." out of blue kong sabi.

"N-ni hindi ko alam kung san ako nakalibing." bigla syang tumingin sakin at tumihaya ako.

Mamaya na ko mag iisip, Baka mabasa nya.

"Tch, Ano naman iisipin mo mamaya?" 

Pumikit ako at di sya sinagot. "Wala ka bang naalalang pangalan ng mga taong kamag anak mo? Baka mapuntahan natin?" changed topic.

"Wala, Di ko sila kilal---shit!" Bigla akong napaupo.

Nakapikit sya habang hawak hawak ang dibdib nya. "E-eto nanaman." Tinignan ko sya habang nahihirapan sya.

"S-shit! Ano gagawin ko?" Hinawakan ko ang dibdib nya pero bigla nalang akong na kuryente. 

"Ugggghhh!" 

natataranta ako, hindi ko alam ang gagawin ko. Hinawakan ko ang muka nya at bigla syang pumikit pero nakakunot parin ang noo nya. 

Ano nang yayari?

i'm so worried, wala akong alam na pwedeng gawin. Para ko na syang kaibigan at parang may nararamdaman akong takot sa dibdib ko. Dalawang beses na tong nang yare sa kanya, Nung nakaraan halos sampong minuto ang tinagal nya sa ganitong sakit. Huminga ako ng malalim at pinag masdan sya.

Hawak hawak nya parin ang dibdib nya habang hirap na hirap ng tumingin sakin. Ang mata nyang mapupungay, ang ilong nyang matangos, ang labi nyang mapupula. Hindi sya namumutla mapula ang labi nya. Hindi tulad ng patay na namumutla? 

B-bakit ganun.

Napalayo ako ng bigla syang umungol, Yung noo nya. Lumalabas ang ugat? SHit! Ano to. Unti unti akong lumayo sa kanya pero agad hinawakan ang kamay ko.

"P-please.... d-don't ..l-leave me" huminga ako ng malalim. Kahit natatakot na ko pinikit ko nalang ang mata ko. Sobrang natatakot ako, hindi ko kinakaya ang ganito.

Eto ba yung magiging zombie tapos kakagatin ako sa leeg? Tapos magiging zombie din ako at kaming dalawa ang mag kakalat ng Virus? Eto ba yun mala train to busan? O eto yung the white dead? Anong klaseng halimaw ba sya? O isa syang asong lobo.

Tanga ko, Wala namang asong lobong nag tra transform sa tanghaling tapat.

Hindi mali, Baka bampira s-sya?

H-holy shet!

Dito ba yung may dadating na prince charming at ililigtas ako? O sya na yung prince charming ko. Shit! Natatakot na talaga ako. 

Ayoko ko pang mamatay,  gusto ko pang mag kaboyfriend kahit isang beses lang, Dapat bang sinagot ko na si Aron? Shit! Hindi pa ko umaamin kay Jacob? Hindi ko po nahahanap ang pumatay sa ate ko.

Huhuhuhu, Ate. Tulungan---.

"K-kung ..a-ano-ano n-naman i-iniisip mo." Unti unti kong dinilat ang mata ko. Nakitang kong nahihirapan parin sya pero nakangiti sya sakin. Hinawakan nya ang pisnge ko at hinawakan ko ang kamay nya.

"W-wag ka na ngang mag salita?!" inis na sabi ko.

Pero hindi ko alam pero kusang tumulo ang luha ko, Hindi ko mapigilan ang luha ko dahil sa pag aalala at takot. Na kahit ano ano iniisip ko nangingibabaw parin ang takot at pag aalala ko sa multong to.

"W-wag k-kang ... m-mag a-aalala."

"I'm not worried!" sigaw ko sa kanya sa gitna ng hikbi ko. "Wala na kasing gagawa saking sandwich tuwing maga! wala ng mag luluto ng dinner ko! so shut up." 

"O-okay" unti unti nanaman sya pumikit at hinawakan ko ang balikat nya. Nakakaramdam parin akong kuryente sa katawan ko.

"H-hey! Open your eyes, Multo!" sigaw ko. "S-shit! T-tutulungan pa kitang hanapin ang daan so p-please.. o-open your eyes!" 

Niyakap ko sya at umiyak sa dibdib nya, Tanga na kung tanga! Pero wala akong pakielam. Alam kong patay na sya pero double dead ang nang yare sa kanya! Ganito din ba ko pag namatay? shit! 

"B-black" napalayo ako sa dibdib nya. Nakita ko syang nahihirapan habang nag sasalita. Hinawakan nya ulit ang kamay ko. Niyakap  nya ko at umiyak lang ng umiyak

Sampong minuto, Sampong minuto ang sakit na nararamdaman nya. Kung sa araw araw mang yayare to baka araw araw na din akong umiiyak. Sinusuklay nya ngayon ang buhok ko at ako naman nakatingin sa kanya.

"N-nakita mo ulit?"

"Yes, May tumatawag saking bata, She called me 'Kuya itim'"

"K-kuya itim?" sinubukan kong tumawa pero agad nawala din. Sobrang nag aalala ako kanina kahit di ko sabihin alam kong alam nya yun. Hinawakan nya ang balikat ko at iniharap ako sa kanya.

"Don't worry too much, Okay. Everything will be fine. A-and p-please." tinignan ko sya sa mata. Yung mata nya na puno ng lungkot."D-Don't fall inlove with me"  Nagulat ako sa sinabi nya.

"O-ofcourse! P-patay ka na e. HAHAHAAHA, B-bat naman ako maiinlove sayo, N-ni mag aalala nga hindi ko nararamdaman sayo e!" umiwas ako ng tingin. 

Narinig ko ang pag buntong hininga nya.

"Good, Ayokong masaktan ka. You are so innocent." ngumiti ako ng tipid.

Nang bandang lunch ay ipag luluto nya sana ako pero wala ng stock sa ref kaya nag pasya kami mag grocery kasama sya. Tulad ng dato sa isip lang ako nag sasalita.

Ano pa ba kakailanganin?

"A-ahmm, Fruit?"

Tumango ako sa kanya at nag lakad kami dun. Kumuha sya ng apple orange, Grapes, mango. Nilagay nya lahat yun sa cart. Hindi naman ako namomoblema sa pera dahil may calling card ako. 

Saka ko napansin na may mga nakatingin samin na parang natatakot. At nakita ko yung apple na hawak nya. 

Shit! Bitawan mo yan bilis!

Mukang napansin nya ang tingin ng mga tao kaya nabitawan nya. "MAY MULTO BA DITO?!" Tanong ko sa kanila.

Syempre kailangan gumawa ng paraan, Tinignan ko si Multo na nag pipigil ng tawa. Unti unti akong umantras na kunyare natatakot! 

"Pate, Sinusundan ka nya ata?" napatingin ako sa babaeng asa tabi ko.

"P-po?"

"Tumatawa sya e" nanlaki ang mata ko. 

"N-nakikita nyo sya?" bulong ko.

"Magandang tanghali po, Ma'am" tinignan ko ng masama to. 

Hindi ko alam pero ngumiti lang sakin ang babae. "Mag iingat ka, Maraming mata" Tumango ako at pumunta nalang sa meat, Bumili ako ng tatlong kilo gaya ng sabi nya. Pumunta din ang fish at bumili dun. Pag katapos ay hinila nya ko sa palaman at sandwich, Tinuro nya ang isang palaman dun at kinuha ko yun.

"Masarap yan." tumingin ako sa kanya.

Okay.- Sagot ko sa isip ko.

Nang natapos na kaming mamili ay pumila na ko, Ilang minuto akong nag hintay. Nang ako na ay nilagay ko lahat pinamili ko dun. 

"Ma'am, Marami po to? Wala po ba kayong kasama?"

"I'm fine, Don't worry. May cart naman." she nodded.

Binigay ko ang credit card ko at hindi ko pinansin ang presyo. Nilagay nilang lahat sa cart ang pinamili ko at lumabas na agad ako. Sa pag labas ko ay tumawag ako ng trysikel para tulungan ako. Pumasok ako sa loob at ang multo naman ay sumabit.

"Parang bumigat?" takang tanong ni manong.

"Mabigat po kasi ang tao sa loob!" tatadyakan ko sana to pero bigla nalang umiwas. Dumila pa ito at tinaasan ko ng tingin.

Mamatay ka na! 

"Patay na talaga ako!"

Ay, Oo nga pala. Tanga mo naman Cyan

He laughed. Umupo sya sa baba ko at nilagay nya ang ulo nya sa hita ko. Ngumiti sya sakin at eto nanaman ang puso ko, Nag uunahan sa pag tibok. Kinagat ko ang ilalim ng labi ko. Naalala ko naman ang topic namin sa love last week!

Napapikit ako at pinatlihin kong blanko ang isip ko.

Nang pumunta ako sa bahay ay tinulangan ako ni manong sa pag pasok. Ngumiti ako kay manong at nag thank you. Tumingin ako kay multo na naka busangot.

"If i'm not ghost? Siguro ako na mag bubuhat ng mga mabibigat na dala mo. Naiinggit ako." he smiled sadly.

"It's fine, Multo. Kaibigan tayo diba?" ngumiti sya.

"Yeah!" 

Napatingin ako sa gate at nakita kong nakatingin ang isang kapit bahay namin na nakakunot ang noo. Dali dali akong pumasok at sinarado ko ang pinto.

"Bakit?" Umiling ako.

"Ipag luto mo ko ah? Wag ka munang aakyat sa taas!" inis na sabi ko.

Tumango sya sakin at nakakunot parin ang noo. Nang umakyat ako sa taas ay hinanap ko agad ang speaker ko at binuksan ko to. Nilakas ko ang tugtog at pumikit ako.

For 6 days?! Pwede na ba kong mag kagusto sa kanya? Hindi diba? Shit! Hindi pwede, Patay sya, Cyan. Buhay ka? Ikaw lang masasaktan pag umalis sya. Wag mong hayaan ang nararamdaman mo.  Ikaw ang masasaktan.

Shit! I like him.

Pwede ba yun? Nag sisimula palang ang istorya gusto ko na sya? Napapaikit ako at dumapa sa kama ko. Ayoko nito, Pano ko sya makakalimutan. Aakto ako ng walang gusto sa kanya tapos sya walang alam.

Kailangan nyang di malaman to!

Hinawakan ko ang ulo ko at pumikit, Nakaramdam ako ng gutom at pumasok ako sa cr. Binuksan ko ang shower at pumikit. Naririnig ko parin ang kanta mula sa labas.

"Nagugustuhan ko na sya"

Yan lang ang alam ko. Pero dapat pigilan ko to, Dahil hindi ko ata kaya.  Sobrang hirap ng ganito. Ngayon alam ko na ibig sabihin ni Ari. Hindi dapat ganito, Diba dapat crush muna bago like? So crush ko lang sya ngayon.

"TAMA!"

Napasapok ako sa noo ko.

Lumabas na ko at nagulat ako ng nakita ko si Multo na nakakunot ang noo. "A-ano ginagawa mo dito?" i asked.

"Kakapasok ko lang, Di mo naman sinabi na maliligo ka. Saka adobo nga pala niluto ko." Tumango ako sa kanya.

May narinig kaya sya?

"Anong dapat kong marinig?" napangiti ako.

Confirmed! Wala nga.

"WALA!" malakas na sabi ko.

"Tch" Umupo sya sa kama at ngumisi sakin. "Crush mo ko no?" Nanlaki ang mata ko.

"O-ofcourse not!" sigaw ko agad. "Hindi kita magugustuhan duhh? Patay ka na, Fyi!" i rolled my eyes.

Pumunta ako sa cabinet para kumuha ng damit kong pangbahay, Pumasok ako sa cr ng makuha ko na at dun ako nag palit. Nang matapos ako mag palit ay hinila nya ko paupo sa kama. Kinuha nya yung blower at sinak sak nya to. Kumuhad din sya ng suklay at sinimulan na nyang patuyuin ang buhok ko habang sinusuklay.

"Maling pag kakataon" napatingin ako sa kanya.

"Huh?" 

"Hanggang kaya mong pigilan, Pigilan mo. Ayokong masaktan ka ng dahil sakin." napahinto ako dahil sa sinabi nya. "Kahit ako sa sarili ko? Gusto kita. Gustong gusto kita kaya sinusundan kita. Pero mali na ata ang pag sunod ko sayo dahil unti unti kang nahuhulog sakin."

"H-hey! I'm not falling." i laughed.

Hindi na sya nag salita at pinatilihin kong wag mag isip ng kung ano ano. Kaya kumanta nalang ako sa isip ko.

  He might got the biggest ca-ar-r

  Don't mean he can drive me wild or he can go for miles.

Said he got a lot of ca-a-ash,

Darling he can't buy my love, it's you I'm dreaming of.  

  They try to romance me

But you've got that nasty

And that's what I want (That's what I want)

So baby, baby,

Come and save me

Don't need those other numbers

When I got my number one.  

"Ang ganda pala ng boses mo" he said.

"Mana kasi kay ate ko, Mahilig syang kumanta e." 

Hindi ko maiwasan mamiss sya, Dati sabay kaming kumakanta, Ngayon ako nalang. Huminga ako ng malalim at tinuloy ko ang pag kanta ko.

  Last night I lay in bed so blue

Cause I realized the truth, they can't love me like you

I tried to find somebody new

Baby they ain't got a clue, can't love me like you.

"Sobrang close siguro kayo ng ate mo?" 

"Super, Actually. She's my first bestfriend." i replied.

Napansin kong malungkot sya kaya naman nag salita ako. "Don't worry, Kahit nakapunta ka na sa taas, Di ka mawawala sa puso ko. At hahanapin ko ang puntod mo. Dadalawin kita araw araw."  

Ngumiti sya sakin. "Pano mo naman ako madadalaw, Ni pangalan ko nga di ko alam." He joked.

"How about julia? Let's ask her! Duhhh. Pag naalala mo na lahat kung sakali, Mag paramdam ka pwede?" i smiled sadly.

"Kahit di mo na hanapin, Babantayan kita mula sa taas."

Nakaramdam ako ng lungkot. Oo nga patay na sya. Kaya nga nag kakilala kami dahil dun. Pero ano ba ang kinamatay nya? Bakit di sya makauwi? Sobrang damit kong tanong pero hindi nya masagot dahil wala syang maalala.

Gusto ko alamin lahat lahat, Kung pano sya namatay. Kung sino pamilya nya. Kahit di nya sabihin aalamin ko parin yun.

"Kumain na tayo" Tumango ako sa kanya.

 Nang linggo ay nag simba kami, Pumasok kaming dalawa sa simbahan at nakatayo kaming pareho. Pareho kami nag dadasal sa isip. 

Lord, Thank you po sa lahat ng meron ako ngayon. Maraming salamat po. Pero sana po, Kunin nyo na yung multo sa tabi ko. At sana mo bantayan nyo po ako. At sila mama at papa po. At si ate po na nandyan na at kasama nyo. Pakisabi sa kanya na miss na miss ko na sya.

Matapos ng pag simba namin ay umuwi agad kami, Sa pag dating ko dun ay may mga chismosa sa harapan ng bahay namin. 

"Anong meron?" Kunot na tanong ko.

"Ano nga bang meron? Baliw ka na bang bata ka? Ilang beses ka na namin nakikitang nag sasalitang mag isa." nanlaki ang mata ko. 

"H-huh?" shit!

"Alam namin na mag isa ka dito" sagot ng kasing edad ko na di ko ka close.

"Yeah, Sigaw ka ng sigaw ni wala ka ngang kausap." irap nila sakin.

"And so? Bakit diba pwedeng kausap sila sa cellphone? Na nakababa sa kama? Sige nga?" mga nagulat sila.

"Sige nga? Si Ari wala na dito kaya madalas kami mag usap sa cellphone tapos sasabihin nyong baliw ako?" taas na kilay na sabi ko.

"E-eh" napairap ako at pumasok sa loob. 

"MGA CHISMOSA!" sigaw ko.

Padabog ako pumasok sa loob habang ang multo naman ay tumatawa. Inirapan ko sya at umakyat sa taas.

"HINAAN MO KASI BOSES MO?!" Sigaw nya habang tumatawa.

Joy's Pov (It's me ^_^)

 Nang dumating na ang gabi ay hindi parin mapigilan matawa ng multo. "She's cute! I love her so much" sabi nya sa sarili nya.

The first time he saw her na gustuhan nya na agad to, Bukod sa maingay at matatakutin din to. Kaya naman sya nag iingat sa lahat. Hindi nya aakalain na mapapalapit ang loob nito sa kanya at magugustuhan sya. Kahit ilang beses man nyang isipin na hindi dapat pero nang yare na.

Alam nyang masasaktan nya to sa huli dahil patay na sya. "Kung sana sa tamang panahon panahon lang." he smiled sadly. 

"Hayss! Nag papakamalan na kong baliw dahil kay Multo, Nakakainis naman oo! Pano ba to, Tapos pag nakarating kay Ari to baka isipin din baliw ako. Shit! Ano ba dapat kong gawin. Lalo na yung dalawang babaeng impakta akala mo kung sino magaganda eh halos kagatin na ng isang kampon ng langgam ang labi sa sobrang pula ng labi!"

he laughed.Napahawak sya sa tiyan nya dahil dun.

Kung ano ano nalang naiisip ni Cyan, Kahit sa isip nya lang sinasabi. Naririnig nya parin to. Nakaisip sya ng magadang paraan. Umalis sya sa bahay na yun at pumunta sa dalawang babae. At sakto ay nakita nya to sa tindahan habang pinag uusapan ang babaeng gusto nya, May hawak itong sigarilyo at ayos palang nito ay muka ng pa walk.

"I know, She's baliw." 

"Ang conyo naman nito, Hindi naman maganda. Haba ng nguso." Kumuha sya ng bato at binato ito sa isang babae.

"Aw! Sino yun?" maarteng saad nito.

"Sigurado ka ba sa nakikita mo?" tanong ng kasama nito.

"Ofcourse! Lumulutang ang sandwich at gatas? Muka ba kong tanga? I know meron sikreto yang pa maria na yan!"

Kumuha ulit to ng bato at binato sa braso ulit ang babae.

"Shit! Who's that?! You don't know me. So stop!" galit na sigaw nito.

"Hoy, Wala naman ah? Ano ba nang yayare sayo" Binaba nito ang sigarilyong hawak at tumayo. "Aalamin ko talaga ang tinatago ng babaeng yan!" inis na sabi nya.

"Uuwi na ko!" Tumakbo naman si multo sa basurahan at bigla itong sinipa.

Nagulat naman ang babae at mukang natakot dahil dun. Sinipat nya ang buong paligid pero wala naman. Nang tumingin sya sa tindahan ay sarado na to.

"SINO NANJAN?!" inis na sigaw nya.

Mas lalo syang nakaramdamam ng takot ng makita nyang papalapit sa kanya ang lalagyan ng basurahan at bigla nalang sya sumigaw at nag tatakbo.

Habang si multo naman ay tawa ng tawa habang hawak ang tyan. "Nakakatawa sila!"

Bumalik na sya ulit sa bahay at nakita nya si Cyan na tulala habang kumakain. "Ari, I'm sorry."

"What?! So, totoong may multo? O nababaliw ka lang talaga? Jusko. Ginawa mo pa kong dahilan!" rinig nyang sabi ng kausap nito.

"He's real ari! Kung alam mo lang!" inis na sabi nito. "And i think i like him" Hindi alam ni multo kung matatawa ba sya o hindi. Pero alam nyang masama ito. Makakasakit sya ng damdamin. Isa lang syang patay na naliligaw ang kaluluwa. Kung sana lag buhay sya.

"Okay fine! Who is he? Is that good ghost or what? Cyan? Please. Stop and enough this! WALANG MULTO!" Nalungkot ang muka ni Cyan dahil dun.

Pinag masdan nya ang bestfriend nya habang nakaharap sa laptop. Skype. Nag uusap sila gamit ang skype.

"M-maniwala ka!" Naiiyak na sya, Dahil sarili nyang bestfriend di sya pinaniniwalaan.

"Then okay! I believe! But, you told me? Y-you like him. Are you insane?! He's ghost. Masasaktan ka! So better stay away from him. Dapat bang sabihin ko pa to sa mama mo, Cyan? TELL ME!"

"NO!" She cried. "Don't please! He's my friend. I'll help him. So please. Don't tell mama and papa about this." 

"B-but please, Cyan. Walang patay na nabubuhay. Masasaktan ka lang. Don't cry, P-please" I nodded.

"T-thank you." she smiled and pinatay na nya ang laptop.

~

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free