Chapter 9
Jocas' POV
*time: 5pm
"Jocas! Okey na ba yang tuhod mo? Kaya mo na bang magpractice??"-Alaissa.
Well, hindi na ganun kalala yung tuhod ko.
Hindi kami nakapag practice kahapon dahil di ko pa kaya.
Teka. Wala pa akong ideya kung anong gagawin namin para sa battle of the bands .
"Oo. Kaya ko na"-sagot ko kay Alaissa
"So nasaan si Jin? Para makapagsimula na tayo"-Alaissa
"Ewan ko dun. Hindi siya pumasok"-ako
"HUWAAT?!! BAT DI MO SINABI AGAD?! PAANO TAYO MAKAKAPRACTICE KUNG WALA YUNG PAKNER MO?! DAPAT SINABI MO KAAGAD NA ABSENT SIYA PARA HINDI NA NAMIN HININTAY ANG DISMISSAL NIYO!
DALAWANG ORAS KAMING NAGHINTAY DAHIL SA LETCHENG P.E NIYO!!"-Alaissa
Tinignan ko siya ng masama
"HINDI AKO NAINFORM NA NAGHIHINTAY PALA KAYO!!"-sigaw ko.
Napaatras sila.
"He-he. J-Jocas. J-Joke lang yun noh. O-Ok lang kahit naghintay k-kami. He-he-he-he :}"-Alaissa.
"Tss."-ako.
. tsk. Naunang umuwi sila Shaika. Wala tuloy akong kasabay . baka kainin ako ng bampira dyan sa tabi
"He-he-he-he... S-sige Jocas, una na kami!!!"- sabay sabay silang kumaripas ng takbo.
What the?!!!! Iniwan nila akong mag isa?!!! Dito sa gym?!! Defuck!
Oh men .
Kinuha ko ang extrang damit ko sa bag at dumiretso sa shower room.
Hindi pa ako nakakapag shower since natapos ang P.E namin.. Natuyuan na ako ng pawis .
Bigla nalang kasi akong hinarangan nila Alaissa
Pumasok ako sa isang cubicle..
Nagsimula na akong maligo
Nasa kalagitnaan ako ng pagshashampoo nang makarinig ako ng ingay na parang may pumasok dito sa shower room.
Ah. Baka isa sa mga kasama ni Alaissa..
Pero umalis na sila diba? .
Narinig ko ang pagbukas ng pintuan.
Lumabas na ata siya Kung sino man yun
Nung natapos na akong maligo, tsaka lang ako natauhan.
Ako nalang mag isa dito diba?
Eh sino yung pumasok dito kanina?
M-Mumu?
Kinilabutan ako sa naiisip ko..
Lumabas na ako sa shower room at mabilis na kinuha ang bag ko
Nilibot ko muna ang paningin ko sa buong gym bago ko iyon nilisan
Wala talagang ibang tao kundi ako lang.
Habang naglalakad ako sa hallway, ramdam ko ang lamig ng hangin.
Unti unti ng dumidilim.
Nakarinig ako ng yabag sa likuran ko.
Napalingon ako sa may likod ko.
Wala namang tao?
Baka guni guni ko lang yun .
O baka naman mumu?!
Napahinto ako sa paglalakad nang makita kong may nakatayo sa may dadaanan ko..
Nakaharap siya saakin pero di ko makita ang mukha niya kasi against the light yung position niya.
All i know is lalaki siya
"Right timing. He's not here"-yung lalaki?
Parang kilala ko yung boses niya.
San ko ba yan narinig? .
Ang hilig kong magrecognize ng boses. Pero malilimutin ako minsan
"S-Sino ka?"-ako.
Hindi naman ako natatakot.
Kinakabahan lang .v
Feel ko ang pagngisi niya
"I'm your kidnapper."-yung lalaki.
Gusto kong matawa sa sinabi niya. joke lang .
Kidnapper? The fuck.
WAAAAAH! FREYA! SHAIKA! HELP MEEE!
"Hmm. What did you do to him? Why is he protecting you? He could kill just for you.. Actually he doesn't care about everything. Then why the hell is he acting like you're a precious thing that only belongs to him? He just started a battle between his clan and our clan"-yung lalaki.
Napapoker face ako. Anong pinagsasabi nito? . madaldal na kidnapper .
Isang iglap lang, nasa harapan ko na yung lalaki.
Nanlaki ang mata ko
"What will he do if I'll get his precious love ?*smirk*"-lalaki
bago pa ako mapaatras bigla siyang nawala sa harapan ko. Naramdaman ko nalang siya sa may likod ko.
Ow sssshhhhit! Bampira!
Inilagay niya ang hintuturo niya sa sentido ko.
Gusto kong tumakbo, kaso huli na ang lahat.
Pero bago ako mawalan ng malay, nakita ko ang mukha ng kidnapper ko.
Shit.. Damn him!
Then Everything went black.
************
"Her scent. Human"-???
Naalimpungatan ako sa ingay ng mga nag uusap.
Naman! Sarap na ng tulog ko eh.
"There's nothing special about her"-??
"Can I bite her now?"-???
Agad akong napamulat ng mata ng marinig ko yun.
What the?! Bite?? Ano siya? Aso?! .
T-Teka. Anong lugar ito? . wala ata ako sa bahay?
Ngayon ko lang napansin na nakatali ang mga kamay at paa ko.
Tsaka ko lang naalala ang nangyari bago ako makatulog..
Kidnapper daw?
Tapos kung ano anong kaek-ekan ang mga sinabi niya.
Tapos bigla siyang sumulpot sa harap ko.
Tapos nakita ko yung mukha niya.
I can't believe this! Ganun ba siya kaobsess saakin at kinidnap niya ako?! Waaah! Gwapo naman siya eh! Papakasalan ko siya kung yun ang gusto niya!
Kaso, bampira ba siya?
"She's awake"-???
Bumangon ako sa pagkakahiga ko sa sahig .
Yayks! Andumi ko na!
Tinignan ko ang mga nilalang sa loob ng parang .....warehouse ata ito?
Nakapalibot sila saakin.
Uhm. 7 guys and 1 girl
Bat parang wala dito yung kumidnap saakin?
" *smirk* I wanna suck her... Hmm. sweet scent .. Damn! She's beautiful!"- lalaking gwapo pero di ko kilala
May ilaw naman dito sa warehouse kaya nakikita ko ang pagmumukha nila
"Shut up Jio!"-yung nag iisang girl.
Ang ganda niya. Kaso nakakatakot siyang tignan .. Parang maldita
"You're jealous again Fhara"-Jio daw
"I said shut up!"-Fhara daw.
Ay parang si Rasuken lang. Shut up ng shut up
"Ok. Ok chill"-Jio
Lumapit sakin yung isang lalaki.
" What's your name darling?"-lalaki.
Hinawakan niya ang chin ko.
Napatitig ako sa mata niya.
Bigla iyong nagpalit ng kulay.
Kulay dugo. Pula.
Nanginig ang sistema ko. Bampira
"J-Jocas"-nanginginig na sagot ko
Pero bakit napaka plain ng mata niya? Walang design di katulad nung tambay sa kwarto ko. Ang astig ng mata niya. May design.
"Eh? I thought your name is Blair. Did we got the wrong human?"-yung lalaki.
Ay. Di nila alam ang full name ko? Hahaha. Panneh!. (funny)
"HUH?! Hindi siya si Blair?"-isang lalaki
"Siraulong Lucas, maling tao ang kinidnap ." -isang lalaki pa
"She's lying. Her name is Blair."-Fhara.
Napatingin ako sakanya..
"Right Blair?"-Fhara. Ngumiti siya ng nakakatakot saakin.
Di ako nakasagot.
Nakakatakot yung aura niya eh!
Teka lang. Bat andaming tumatawag saakin ng Blair .
Biglang bumukas ang pintuan ng warehouse.
Pumasok ang kumidnap saakin.
"Oh. Hi Blair"-Lucas
Kumulo ang dugo ko. Nandidilim ang paningin ko.
This bastard stalker!
"Lucas"-madiin na sabi ko.
He chuckled.. Lumayo na saakin yung lalaki
"Bakit mo to ginagawa sakin? Akala ko proprotektahan mo ako? Pero ano itong ginagawa mo!!"-ako
Napataas ang kilay niya. Napasinghap yung ibang nilalang dito
"What are you saying? Stupid ."-Lucas.
"Ikaw yung stalker ko diba? Y-Yung naglalagay ng sulat sa---"
"WHAT?! STALKER?! BWAHAHAHA!"-yung Jio.
"Lucas?? Stalker ka?"-Fhara
"HAHAHAHA!"- yung anim na lalaki.
"Of course not!!!"-Lucas..
HUH?!! So hindi siya yung stalker ko?
WAAAAH! NAKAKAHIYAAA!
"What makes you think that I am your stalker?!"-iritang sambit ni Lucas.
"K-Kasi ..... A-Ano"-ako
"Urgh! Forget it!!"-Lucas
Napayuko ako.
Napapaligiran ako ng mga bad na bampira
"B-Bakit ba ako nandito?"-nakayukong tanong ko.
Gusto kong maluha.
Baka hinahanap na ako nila Freya.
Naiimagine ko yung mga reaksyon nila pag nagfrefreak out.
Disaster!
"Because you are Blair."-Lucas.
"What? Marami akong kapangalan,"-ako
"You are the reason why our clan members, the Nightwalkers are decreasing"-Lucas.
Huh? Anong ako?
"I didn't do anything!!"-ako
"Sinabi ko bang ikaw ang pumatay sakanila?!!"-Lucas.
Napataas ang kilay ko.
"Ikaw ang dahilan kung bakit sila pinatay"-Lucas
"Bakit naman ako?"-ako
"The Prince.. Pinoprotektahan ka niya.. Pinapatay niya ang mga bampirang may balak na masama sayo"-Lucas.
"P-Prince?"-ako
"Yeah. The youngest Prince of the Vampires"-Lucas.
Prince? Sino naman yun?
Baka Yung tambay sa kwarto ko? Pinoprotektahan daw niya ako eh
"Wala akong alam sa mga sinasabi mo!!!"-sigaw ko.
"Oh really? Then why are you always with the prince?"-Lucas
"Ni hindi ko nga kilala yang Prinsipe niyo! Pakawalan niyo ako!"-ako
"Hindi ka makakaalis dito hanggat hindi siya dumadating"-madiin nyang sambit.
"The fuck??!,sino ba yun?!!! Pakawalan niyo na ako!!!! Damn you monsters!"-sigaw ko.
Nagsalubong ang kilay ni Lucas.
"Shut up!!!"-Lucas
"I won't shut up! Just let me go fuckin' MONSTERS!!!"
*SLAAAAAAAP!* Napahawak ako sa pisngi ko.
Nalasahan ko ang dugo sa labi ko.
Muntik ng humiwalay ang panga ko.
Ansakit ng sampal ni Lucas huhu.
"Manahimik ka. Wag mong sasagarin ang pasensya ko. I might kill you before he come here"-malamig na sabi ni Lucas.
Tumulo ang luha ko.
Napapaligiran ako ng mga bampira..
Hindi na sila astig . nakakatakot sila.
Mas mabuti pa yung tambay sa kwarto ko.
Mabait siya *sniff*
Sa pagkakaalam ko wala akong ginawang kasalanan .
Bakit nila ito ginagawa saakin huhuhu .
"Are you sure that he'll come over to get that human?"-Fhara
"Yeah.. So be ready"-Lucas
Nanlaki ang mata ko ng lumitaw bigla sa harapan ko si Fhara
. nakakatakot talaga siya!
"Hmmmm. Napakabango mo"-Fhara.
Inamoy amoy niya ang buhok ko.
Lumakas ang kabog ng dibdib ko.
Lalo akong nanginig.
Lalo akong natakot..
"L-Lumayo ka sakin"-sabi ko habang pilit na lumalayo sakanya. Ang hirap gumapang! . di ako makalayo!
Hinila niya ang collar ng damit ko at inilapit ang mukha niya sa mukha ko..
"Can I taste your blood? *smirk*" - Fhara.
Tsaka niya nilapit ang bibig niya sa leeg ko ....
Gusto kong pumalag kaso di ako makagalaw.
Lalo akong nanigas nang makita kong lumabas ang pangil niya.
Kumislap iyon ng mailawan.
Tuloy tuloy sa pag agos ang luha ko.
N-No.. Please
Somebody help me.
Hindi ko alam pero Sa mga oras na to, si Rasuken ang nasa isip ko..
Naramdaman kong dumapo ang pangil niya sa balat ko.
Natulala ako.
"R-Rasuken"- nasambit ko ang pangalan niya...
Napakabilis ng pangyayari..
Biglang tumilapon si Fhara. Tumama siya sa pader.. Muntik ng matibag yung pader...
"AAAAAH!"-Daing ni Fhara...
"Shit! He's here!!"-Jio
May lalaking nakatayo sa harap ko..
Nakatalikod siya saakin...
"You came!!"-Lucas.
"You.hurt.her?"-malamig na tanong ng lalaking nasa harap ko.
Yung boses niya.
Napatitig ako sa likod niya.
Huhuhu. . Rasuken.
Lalo akong naluha.
Bakit siya nandito .
Bigla siyang nawala sa harap ko.
Napatingin ako kay Lucas dahil dumaing siya.
Sinasakal siya ni Rasuken..
Huhuhu . i knew it! He's a vampire too..
Pero kailangan ko ng confirmation
Hindi agad nakagalaw yung mga kasama ni Lucas.
"*cough* L-Let me g-go!! *cough*"-Lucas.
"I'll kill you. But not now"-nakakatakot na sabi ni Rasuken...
Tsaka lang natauhan sila Jio at mabilis na inatake si Rasuken..
Bago pa man sila makalapit kay Rasuken, hinagis niya si Lucas sa mga sumusugod sakanya.. Napatumba silang lahat..
Mabilis siyang nakalapit saakin. Para siyang si Edward Cullen . huhu. Ang astig! Nakakainlab .
Feeling ko ako si Bella .
Mabilis niyang naalis ang mga tali sa kamay at paa ko..
Binuhat niya ako in bridal style.
Ang bilis niyang kumilos
Wahuhuhu . Edward Cullen !!!!! //////<
"You killed just to protect me?"- ako
Di niya sinagot ang tanong ko. Instead,,
"You know what, if you're in trouble, I can see you crying inside my mind, asking for help. If you're hurt, I feel scared and hurt too. I don't know why"-Rasuken..
Nakatingin lang ako sakanya
"What's with you? Why are you making me feel this way?"- Rasuken
Di ako nakasagot. Di ko alam ang irereact ko.
May butterflies nanaman sa tyan ko.
Ang lakas ng tibok ng puso ko.
This feeling. Ano to? .
>////<
"I can't even get away from you so i asked you to stay away from me.. But you don't want to do it so."-sabi niya habang umaabante palapit saakin.
Ako naman si layo ng layo .
Napahinto ako ng marating ko na ang headboard ng kama..
Lalong lumakas ang tibok ng puso ko..
"R-Rasuken"-nauutal kong sambit sa pangalan niya..
Inilagay niya ang dalawang braso niya sa headboard..
Kinulong niya ako.
Nilapit niya ang mukha niya saakin
"Then, stay with me.. Just stay beside me. I won't let anyone hurt you. Not again"-Rasuken
Speechless!!!
********
Kakatapos ko lang tawagan sila Freya. Pinahiram saakin ni Rasuken yung phone niya... At tulad ng inaasahan ko, ang OA ng reaksyon nila. Akala daw nila nakipagtanan na ako. The fuck!
Pero sabi ko, nasa bahay ako nila mommy. Hehe kunwari namiss ko yung mga katulong namin.
Nakatambay kami sa veranda ng kwarto..
Ang ganda ng view...
Nasa taas ng bundok ang mansion..
Kitang kita ko ang mga maliliit na ilaw sa bayan na malayo dito... Napakaganda.
Napatingin ako sa mga bituin..
Kumikinang sila..
Napangiti ako..
"Ang ganda dito."-ako
"Tss. Here. Wear this. You might get cold"-Rasuken..
Inabot niya saakin ang suot niyang jacket..
Sinuot ko yun..
Ambango . parang amoy niya lang.
"Ilan kayong nakatira dito?"-tanong ko..
"Four"-siya
What?!!! Ang laki ng mansyon nila pero four lang silang nakatira dito??!!! How boring .
"Bakit apat lang kayo?? Sino naman sila??"-ako
"My brother and the maids"-siya
"Eh nasaan ang parents niyo?"-ako
"They're in the world of Vampires"-siya.
Kumislap ang mga mata ko. Woooooow.
"W-World of vampires? Does it exist?"-ako
"Of course it exists, but in the other dimension.."-siya
Lalong kumislap ang mata ko..
"How will you get there?"-ako
"There's a portal... But only Nightwalkers are now using it.. We prefer to chant the spell of the portal for the easy way"-siya
Waaaah!!! Spell?!!! Portal??!!! MAGICAL! .
"Can I go there?!!!"-ako
Sinamaan niya ako ng tingin.
"Of course not. Do you want to die?"-siya.
Napatakip ako ng bibig.
Di pala pwede ang human doon..
But wait, kung si Rasuken ang prince, does it mean, King and Queen ang parents niya?!! Kyaah! Cool!! .
Napatingin kami sa may gate nang may bumusina..
Ang gara! Limousin! Pero teka. Sino naman yan??
"Oh shit... He's here"-rinig kong bulong ni Rasuken..napatingin ako sakanya.
"Sino yun?"-ako.
"Let's go down. We will have our dinner"-sabi niya..
Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming bumaba ng hagdan.
Taray! Grand staircase!!
Dumiretso kami sa dining room. Nakahanda na ang mga pagkain sa mahabang lamesa..
Nakaupo sa upuan ng padre de pamilya ang isang napakagwapong lalaki na may hawig kay Rasuken. Parang magkasing edad lang sila .
Sa right side niya, nakaupo ang isang lalaki na... Uh... May malaking katawan... John cena? Di juk .v
"Why did you brought a knight?"-Rasuken...
Umupo kami sa left side.. Magkatabi kami ni Rasuken
Tumawa ng marahan yung lalaking kahawig ni Rasuken
"Trip ko lang."-lalaking kahawig ni Rasuken..
Mukha siyang masayahin.. Di katulad ng katabi ko . masungit.
Teka! Parang namumukhaan ko siya!!!
"Tss"-Rasuken.
Pansin ko ang masamang tingin ng isang lalaki.. >\\\< parang gusto niya akong sakmalin. Malamang bampira din yan.
"So, dinala mo na pala siya dito"-sabi nung kahawig ni Rasuken habang nakatingin saakin..
"You don't care"-Rasuken.
"Yes I care.., Hi there lady! I'm Vin Kaisuken Lorvanh. Older brother of Jin"-masayang sabi ni Kuya Kaisuken.
Bat ang astig ng pangalan nila?! . older brother? parang magkasing edad lang sila? Sabagay. Hindi tumatanda ang bampira.
"Tsk"-Rasuken
"Uh. Hello kuya? I'm Jocas."-ako.
Napataas ang kilay niya.
"Isn't your name is Blair?"-kuya Kai
"Blair Jocas Almante"-sabi ko..
"Oh. Almante? Rank 2 most powerful in business world"-kuya Kai..
Wew.
"How did you know?"-ako
"Haha.. I just know."-Kuya Kai
Tahimik lang na kumakain yung isang lalaki. Ansama talaga ng tingin niya saakin.
Oh wait.. Parang naalala ko na siya..
"AH I KNEW IT!!"-sigaw ko..
Halos mapatalon naman sila sa gulat..
"Blair??"-bulong ni Rasuken.
"I knew it! I knew it!!!"-tinuro turo ko pa si kuya Kai
"What?"-Kuya Kai
"Ikaw yung nakabungguan ko sa Ice cream parlor!!! Kyah!!! Ikaw yun!!"-napahampas pa ako sa mesa.
Napahinto ako nang maramdaman kong may malamig na kamay na nakahawak sa leeg ko..
"Give respect to the prince, human"-sabi nung lalaking di ko kilala..
"A-Ahck."-ako. Lalong humigpit ang pagsakal niya saakin..
Shit! Di ako makahinga!
"Let her go. Or I'll blow your head off"-sabi ni Rasuken.
Nakita ko sa peripheral vision ko ang pagsakal ni Rasuken sa bampirang nakasakal saakin..
Agad napabitaw saakin yung lalaki..
Habol ko ang hininga ko.
Shit!, halos mawalan ako ng hangin kanina
"Go away now, Arson"-Kuya Kai.
"B-But---" yung Arson
"Just go!!"-sigaw ni Kuya Kai...
Biglang naglaho yung sumakal saakin
Umupo na ulit si Rasuken sa tabi ko.
"Don't let him show his goddamn face to me again. That bastard"-inis na sambit ni Rasuken..
"Sure brother... Don't worry , I won't let him go near to your precious"-nakangiting sabi ni Kuya Kai
Precious?
Sinamaan ng tingin ni Rasuken si Kuya Kai
"Shut up"-Rasuken.
"By the way Jocas"-kuya Kai
"Yes Kuya Kai?"-ako
"Woah. May nickname agad ako sayo ha.. Everyone's calling me Vin.. By the way ,Don't call me kuya . Kai is fine with me.. Nagmumukha kasi akong matanda pag tinawag mo akong kuya."-Kai daw
"Oh sure Kai."-ako
"Pagpasensyahan mo si Arson ha.. He really hates human."-Kai ..
Tumango lang ako sakanya..
Human hater?.