HinovelDownload the book in the application

Chapter 8

Chapter 8

Jocas'POV

Itinago ko ang sulat sa bag ko.

Anong drama ng nagsulat nun?

At tinawag pa niya akong Blair!!

Nakakakilabot.

Sino kaya yung stalker ko?

Nakakapagtaka.

Parang lagi ko siyang kasama.

Parang alam niya ang lahat ng nangyayari sa buhay ko.

Ay tanga Jocas, syempre stalker yan edi lagi ka niyang sinusundan.

Waaaah! Stalker!!

Baka si kuyang bastos naman ang stalker ko?

Yung lalaking tambay sa kwarto ko.

Diba sabi niya lagi niya akong binabantayan?

Edi baka siya nga yung stalker ko!

Kung hindi naman, baka kilala niya?

Teka. Bakit ko ba tinatago tong mga sulat nung stalker ko?

Nandito pa rin sa bag ko yung love letter niya kahapon.

Tss. Parang ang weird ko na.

Tumingin ako sa wristwatch ko.

Shocks!!!! Late na ako!!!

Sana hindi pa nila sinara ang pintuan sa next subject ko!!!

Tatakbo na sana ako kaso naalala ko, may lagnat pala ang tuhod ko.

Kaya no choice, gagapang nalang ako.

De juk lang.

Naglakad na ako paalis sa locker area..

Ako nalang pala ang tao dito.

Di man lang nila sinabi saakin na time na.

Bago ako tuluyang lumabas ng locker area, sumulyap ako sa may locker ko...

May lalaking nakatayo sa tapat ng locker ko..

Nakatingin siya saakin.

Lah!!!,Sino yun?!

Di ko naman siya kilala.

Baka magnanakaw!

Nasa locker ko yung spare key ko ng bahay!

O baka naman……

Siya yung stalker ko! Waaaaaah! Bakit ang gwapo?

Diba ang stalker panget?! Hindi dapat siya stalker! Admirer dapat!

Transferee kaya yun? Parang ngayon ko lang siya nakita eh

Tuluyan na akong nakaalis sa locker area..

Shemay.

Kasindak sindak na paglalakad nanaman ang gagawin ko.

Sa third floor pa naman ang classroom namin ngayon.

Sigurado di na ako papapasukin sa next subject ko.

Ako kaya ang owner nitong school!

Bakit walang special treatment?! Bad sila no! Charr.

After 100000000000000000 years, nakarating din ako sa tapat ng room. Grabe. Ang hirap umakyat sa hagdan. Buti nakasurvive ako.

Sarado na ang pintuan.

Sumilip ako sa may bintana.. Nagtuturo na yung prof

Hindi talaga pumasok yung dalawang lukaret.

Wala rin sa loob si Rasuken. Di rin siya pumasok?

Bakit ko ba siya hinahanap?

Ah!!! Para may alalay ako.

Pansin ko ang pagtingin nung prof sa bintana kung saan ako nakasilip...

Napaatras ako dahil sa pagkabigla

Para akong nahuling namboboso.

Napasobra ata ang pag atras ko dahil naramdaman ko nalang na nabunggo yung likuran ko sa di kilalang nilalang. Na-out of balance ako...

Nabigla ata yung tuhod ko.. Nanginig yung kaliwang paa ko. Di ko maigalaw. Napaupo ako..

"A-Arayssshhht"-daing ko.

Kumikirot ang tuhod ko.

"H-Hey! I'm sorry! Are you alright?"-anonymous guy..

"Mukha ba akong alright?!"- sabi ko habang nakayuko...

Aray ku pu. Nasan ba si Jalex? Kung kailan kailangan ko yung hinayupak na yun di ko naman siya mahagilap.

"I'm sorry!!"-yung lalaki. Inalalayan niya akong tumayo...

"Tsk."-ako.

Tinignan ko ang pagmumukha niya..

Ito yung lalaki sa tapat ng locker ko!

"I-Ikaw yung nasa tapat ng locker ko diba?"-tanong ko.

Napakagat labi siya

Ang hot!

Nu ba yan. Lumalandi ako

Tinanggal na niya ang pagkakahawak niya saakin.

Humawak ako sa pader. Para makatayo ako ng maayos.

"A-Ah... Eh.. A-Ano kasi---"siya

"Ikaw yung stalker ko?!!!"-ako

"U-Uhm... E-Eh"

"Anong pangalan mo?!!"- masayang tanong ko.

"I'm Lucas"-nakangiting sabi niya.

"Ako naman si--"

"Blair "- sabi ni Lucas

Ngih. Blair daw.. Sabagay. Yun ang nakalagay sa mga sulat niya.

"Call me Jocas."- ako.

"Why? Your name is Blair, right?"-Lucas

"Uh. I hate that name." ako

"I prefer calling you Blair"-Lucas

"Whatever"- nag form pa ako ng W sa daliri ko..

Ambantot kaya ng Blair. Masyadong boyish.

"By the way, transferee kaba?"-ako.

"Huh? N-No. Matagal na ako dito"-Lucas.

Eh? Parang ngayon ko lang siya nakita dito.

Nagtatagalog pala siya.

"Owkie! Wala ka bang klase ngayon?"-ako

"A-Ah. E-Eh. W-Wala.. "-Lucas

"Ganun ba "-ako

"O-Oo. Pwede na ba kitang maiwan? Hinihintay kasi ako ng mga kasama ko sa cafeteria"-Lucas.

Pansin ko lang. Parang kinakabahan siya..

Hindi siya mapakali.

"Ay! Sige sige! Pasensya na sa abala!"-ako

"Wala yun."-Lucas.

"Nga pala! Nice to meet you!"-ako

Inilahad ko ang kamay ko para makipagshake hands

Ngumiti siya.

"Nice to meet you too"-Lucas.

Tinanggap niya ang kamay ko..

Ewan ko pero nakaramdam ako ng sobrang kaba ng maglapat ang mga kamay namin..

Biglang nanginig ang sistema ko. Buti nalang nakasuporta parin ako sa pader.

Ako ang unang nagbawi ng kamay..

"A-Ah.. S-sige na. Baka hinihintay kana ng mga kasama mo"-ako

"Ok.. See you around"-Lucas. Ngumiti siya ulit.

Kinilabutan ako sa ngiti niya..

Tumalikod na siya saakin at nagsimulang maglakad..

What was that?

Nakakakilabot talaga ang mga stalker.

"Blair"

Napaharap ako sa taong tumawag sa mabantot kong pangalan

Its Rasuken...

Blair? Blair his face.. Isa rin to eh

"Jocas"-madiin kong sabi

"Huh? Im Jin Rasuken. Not Jocas"-Rasuken.

Napaface palm ako.

"May pagkaengot ka pala." - ako.

"Who's that guy??"-Rasuken.

"Huh? Sinong guy?"-ako.

"The one you're talking with before I came here"-Rasuken

Ay. Yun pala

"Si Lucas, stalker ko"- nakangiwi kong sabi.

"What? Stalker?"-iritang sambit niya..

Nu naman problema nito? bipolar?

"Ahyeah.. Naglalagay siya ng love letter sa locker ko. Nakasulat dun ang mga kakornihan niya."-ako

"Corny?" - Rasuken.

Nagsalubong ang kilay niya.

Teka.. Curious ba siya sa mga nakasulat sa love letter??? Pwede ko naman ipabasa sakanya.

"Gusto mo bang basahin yung mga korning love letter niya? Wait lang ha! Kunin ko lang yung sulat dito sa bag ko!!"-ako

Akmang hahalungkatin ko na yung bag ko nang pigilan niya ako.

"Ah. N-No. No.. I don't give a damn to that CORNY love letter "-Rasuken.

"Teka lang. Bakit parang ang bitter mo?"-taas kilay kong tanong.

He frowned.

"What are you saying? . tss"-Rasuken.

Kita mo to. Nagsusungit nanaman

"Tsk. Wala wala.. Tara sa garden"-ako

Inirapan niya ako.

Bakla ata to eh!!

Hinawakan niya ang kaliwang braso ko

Inalalayan niya ako..

" Bakit nalate ka rin? San ka pala galing?"-ako

"Somewhere"-Rasuken

"Down the road?"-ako.

Tinignan niya ako ng masama..

"Hihihi. Jokie "-ako

"What's his name again?"-Rasuken

"The who?"-tanong ko..

"Your damn stalker ."Rasuken

"Ah. Lucas.. Bakit? Kras mo?"-ako.

"The fuck are you thinking? . you're crazy "- Rasuken

"Juk lang! To naman"-ako

"Shut up or I'll push you to this stairs"-Rasuken.

Nanahimik ako agad.. Ansama ng hinayupak na to .

"I don't like that guy"-Rasuken

"Bakit, sinabi ko ba na--"-ako

"I told you to shut up . "-Rasuken

Napatakip ako ng bibig.

"Don't go near him, do you understand?"-Rasuken.

Di ako nagsalita.

Bakit naman? Anong meron kay Lucas?

Well, medyo creepy siya pero mukha naman siyang mabait. Siguro?

"He's a trouble"-Rasuken

"Pano mo na--" ako

"Shut up"-Rasuken.

Salbaheng nilalang .

"Just stay away from him"-Rasuken.

Inirapan ko lang siya

Anlabo talaga nito .

Tinitigan ko siya..

"Bat maputla ka?"-ako

"Shut up"-Rasuken ..

Tsk! Sarap takbuhan ng lalaking to!

Letcheng tuhod kasi eh!

"Are you sure that he is the one who's sending you love letters?"-Rasuken.

That question caught me off guard.

Whooooh! English!

Pero. Si Lucas nga ba talaga?

Malamang oo . nahuli ko kaya siya sa tapat ng locker ko eh

Ngayon ko lang napansin. Magkatunog pala ang pangalan namin. Hahaha. Cool! Jocas, Lucas.

Oh diba!

Tumango lang ako sa kanya.

Baka ma'shut up' nanaman ako eh

"Tss. You think so"-Rasuken.

Ano bang problema nito .

Nakarating na kami sa garden..

Umupo kami sa isang bench

"Depressed ka ba?"-tanong ko

"No"-Rasuken.

"So, malungkot ka?"-ako

"No"-Rasuken.

"Eh bakit hindi ka ngumingiti?"-tanong ko..

"It's none of your business" masungit niyang sabi..

Napakagat labi ako.

Calm down Jocas. Wag mo siyang sapakin. Sayang ang kagwapuhan niya .

"Ang sungit mo ."-ako

"Tss. Are you hungry?"-Rasuken

"Libre mo ako?"-Ako

"Yeah yeah.. What do you want?"-Rasuken.

Ay! Mabait pala siya ng konti.

"Kahit ano! Basta libre. Wag mong kalimutan ang drinks ha!"-ako

Naglakad na siya paalis.

Hohoho.

Biglang nagtaasan ang mga balahibo ko.

Parang may nagmamatyag saakin.

Tumingin ako sa paligid.

Ako lang ang nandito.

Malamang. Oras pa ng klase..

Ang weird.. Wala akong makitang ibang tao dito. Pero pakiramdam ko may nakatingin saakin..

Hindi ko na iyon masyadong pinansin

Ilang sandali pa, bumalik na si Rasuken.

Andami niyang dalang pagkain.

Yum yum!!!

"Easy. I'll eat too"-sabi niya ng agawin ko sakanya ang mga dala niyang pagkain

"Nge . akala ko sakin lang lahat yan"-ako

"In your dreams"-Rasuken,, sabay irap saakin.

Shocks! Mas mataray pa siya saakin .

Nagsimula na kaming kumain...

"By the way Rasuken, are you a human?"-ako

Napakunot noo siya

"What makes you think that I'm an Alien?"-Rasuken

"Sinabi ko bang alien ka? ." -ako

"Then what? ." siya

"Angel"-ako

"."-siya

"."-ako

".???"-siya

"Joke lang syempre. "-ako

"Tss"-siya.

Haha. Ang awkward .

Pero totoo naman. Mukha siyang anghel na masungit .

*********

" Jocas~ "-Freya and Shaika.

Poker face lang ako .

Iniwan kasi nila ako kanina kaya si Rasuken sungit ang kasama ko buong magdamag .

"Kamusta pag aaral mo?"-Shaika

"None of your business ."-ako

Nagagaya na ako kay Rasuken

"Ay sunget!"-Shaika.

Inirapan ko lang siya

Kasalukuyan kaming nasa living room ng bahay

Nanunuod kami ng Mythical Detective Loki. Grabe! Ang ganda nito! Ilang beses ko na itong napanuod pero di pa rin ako nagsasawa!

Nakakainlove si Loki! Hihihi.

Kapangalan pa ni Freya yung isang character hehe

Hango kasi iyon sa Norse Mythology

"So sinong kasama mo buong araw?"-Freya

"Rasuken"-ako

"KYAAAAAH! KAYO NA?!!"-silang dalawa.

Anong kami na ? . lawak ng imagination nila..

"Tigil-tigilan niyo nga ako ."-ako

"Hihihihi!”

Napahikab ako.

Uh. Inaantok na ako .

Tumayo na ako sa pagkakaupo ko sa couch.

Nagtungo ako sa kwarto ko..

Past 11pm na. At himala! Wala yung bampirang tambay dito sa kwarto ko...

Baka naging abo na?

Wag naman sana .

Wala na akong bodyguard tuwing gabi.

Nakatulog na ako.

Hanggang sa paggising ko ng umaga, walang bakas ni Mr. Tambay sa kwarto ko.

Naging abo na ata talaga siya.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free