HinovelDownload the book in the application

Chapter 1

Chapter 1

Her POV

Agad akong napabangon. Tagaktak ang pawis ko.

Panaginip!

Ay Bangungot pala .

Nakakakilabot.

Galing daw ako sa convenience store nun. Natalo daw kasi ako sa Jack n' poy namin ni Freya. Kaya kailangan kong gawin ang dare. Kailangan kong bumili ng midnight snack ng mag isa.

Naglalakad daw ako dun sa may kanto tapos nung natapat ako sa poste, may lalaking nakatayo doon!

Mapula ang mga mata niya.

Tapos hinawakan daw niya yung mukha ko tapos pinindot niya yung temple ko tapos nahimatay daw ako tapos wala na.

Grabe! Sa sobrang pagkaadik ko kay Edward Cullen pati sa panaginip ko may bampira na!

"JOCAAAAAAAS! BUMANGON KANA!" dumagundong sa sa buong bahay ang sigaw ni Shaika.

Halos mapatalon ako sa kama nang kumalabog ang pintuan ng kwarto ko.

"JOCAAAAAAAAAAAAAS! " narinig ko ang pagkalampag ng pinto ko.

"OO NAAA!" Sigaw ko. Natigil ang pagwasak niya sa pintuan ko. Woooh. Buti naman.

Tumingin ako sa wall clock ko.

8am na. 9am hanggang 2pm ang klase namin.

Tumayo ako at dumiretso sa banyo dito rin sa loob ng kwarto ko.

Tatlo kaming nakatira dito sa bungalow house.

Si Freya , Shaika, at Ako! Jocas!

Matagal na akong humiwalay sa parents ko. Mga 2 years na siguro

Total lagi naman silang busy at 2 times a year lang kami magsama, naisipan kong maging independent nalang.

Pumayag rin naman sila

Hindi ako humihingi ng tulong o pera sakanila.

Kung tungkol naman sa pag aaral ko.

Walang problema. May part time job ako tuwing weekend sa isang bar.

Dun ko din kinukuha ang budget ko.

At yung school na pinapasukan ko ay regalo sakin ng parents ko nung nag debut ako. That means, pag aari ko ang school.

Diretso sa bank account ko ang kita ng academy, pero di ko iyon ginagalaw. Hindi pa yun nababawasan hanggang ngayon.

Uhm.. Except sa pinambayad ko sa bahay na tinitirahan naming tatlo.

Actually, nung una ,hinuhulugan ko palang yung bahay, tapos nung dumating sila Shaika. Naghati hati kami ng pambayad sa bahay. Sa ngayon, fully paid na kami. Bungalow ang bahay namin. Masyado na iyong malaki para sa aming tatlo

Gagalawin ko lang ang bank account ko kung kinakailangan.

Ay! Siya nga pala!

I'm Blair Jocas Almante

18 years old. 3rd year college .

Isa akong Dakilang NBSB

ako ang Admin ng NBSB group sa FB

Maraming nagsasabi na hindi daw ako mukhang 18 years old.

Parang 15-16 palang daw ako. Tsk

Eh tinipid kasi ako ni God sa height.

After ko maligo at mag ayos, lumabas na ako ng kwarto ko.

Naabutan ko si Freya at Shaika sa dining area.

"Oh Jocas! Kain ka na din!" - Freya.

Agad akong umupo sa bakanteng upuan.

"Natapos mo na ba yung thesis natin?"- tanong sakin ni Shaika. Tumango ako.

We're classmates. Same course and schedule. Request ko yan sa head eh hehe.

Katulad ko, independent din sila. Actually, business partners ang family namin. Pero mas nauna akong naging independent kesa sakanila.

Napatingin ako sa breakfast namin.

"Wow! Sinong nagluto nitoooo?"

"Sino pa ba? Edi si Shaika! Siya lang naman ang maalam magluto dito!"-Freya..

Di ko siya pinansin at nilantakan ang luto ni Shaika.

"Hmmmmm! Chalap chalap!!"-Ako.

Napailing si Shaika.

Dumale nanaman si Freya.

"Ghad Jocas! Halos araw araw na ginisang Corned Beef ang breakfast natin! Ganyan parin ang expression mo! Di ka ba nauumay?!!"

"Edi ikaw na lang magluto sa susunod" sabi ko.

"Nevermind"-Freya.

Nanahimik na siya at itinuloy ang pagkain niya. Pfft.

"Jocas! Kotse mo ang gagamitin natin ngayon!"-Shaika.

"Owkey. Basta kayo ang magdrive!"

"Tss. Tamad"-Freya.

"Siya nga pala Cas, MADUGA KAAAAAAA!!!!!" dinuro duro pa ni Freya ang maganda kong mukha.

Napahinto ako sa pagsubo.

Nakaawang pa ang bibig ko.

Pumikit pikit ako dahil tumatalsik yung mga kanin na galing sa bibig ni Freya. Ew! Naturingang anak mayaman, pero kinulang sa manners!

"Bakit naman?"- tanong ko habang tinatanggal sa mukha ko ang mga kanin..

"HINDI MO GINAWA ANG DARE MO KAGABI!!! MADUGAAAAAAA!"

Magkatapat lang kami sa totoo lang. Di naman ako bingi.

Napahinto ako.

W-what?

"Anong dare?" Tanong ko.

"Usapan natin kung sinong matalo sa jack n' poy, siya ang bibili ng midnight snack!!!"

Unti unti akong nakaramdam ng kaba

"A-Anong sinasabi mo?"- nauutal kong tanong.

"Ngayon naman nag mamaang maangan ka?! Na---"

"Wait!!!! Ang OA mo na ha! Kukutusan na kita!" Asar na sabi ko.

Tumawa naman ng mahina si Shaika.

"Eh kasi naman Jocas, akala talaga namin, bumili ka ng snacks natin.. Pero ilang oras na ang nakilapas wala ka pa rin. Akala namin kung napano kana. Then nakarinig kami ng mahinang tunog sa kwarto mo.. Akala namin may multo. Ako ang pumasok sa kwarto mo kasi naduduwag si Freya, at dun. Nakita kitang mahimbing na natutulog."

Mahabang paliwanag ni Shaika.

Uh-oh....

Y-Yung panaginip ko.

Totoo kaya yun?

Ah hindi !!! Panaginip lang talaga yun!

"G-Ganun ba?"-ako

"Oo ganun nga!!! Maduga! Ituloy mo mamaya yung dare! Hindi natuloy yung movie marathon natin!" Sabi ni Freya.

O-oh god.

"P-Pwede mamayang uwian nalang ako bumili ng snacks natin?"ako.

"Bahala ka! Basta dapat matuloy yung movie marathon natin!"

Napabuntong hininga ako...

Naku naman.

*****

---Almante Academy---

Naunang lumabas ng kotse si Freya..

Then sumunod si Shaika.

Ako naman naiwan sa backseat.

Bakit?

Wala lang. Tinatamad ako.

May kumatok si bintana.

Si Shaika.

Binuksan ko ang bintana ng kotse.

"Huy. Lumabas ka na jan. 15 minutes nalang magsisimula na ang klase natin"-Shaika.

Nagpout ako.

Tinatamad talaga ako

"Tara na. Nauna na si Freya."- kinulit pa ako ng ilang beses ni Shaika kaya bumaba na ako ng kotse.

'kyaaah! Jocas is here!'- girl #1

'Ang ganda niya talaga!'-#2

'Para siyang doll!'-#3

'Yung mata niya! Cold pero maganda!'#4

'Mukha siyang anghel!'

Heto ang nakakainis dito sa academy

Lahat ng atensyon nila nasa akin.

Minsan lumalapit sila saakin para makipagkaibigan.Tss. Nakikipagkaibigan lang naman sila dahil ako ang may ari ng academy.

Di ko kailangan ng plastik. Kuntento na ako kay Freya at Shaika kahit pareho silang siraulo.

My school is for elites only..

Though. We have some scholars.

As usual, kung may fans ako, may haters din ako.

Mga isa siguro.

'Girl may gwapong tranferee!!' Kinikilig na sabi ng babae.

May tranferee daw? 3 months ng nagsimula ang klase ah.

Malapit ng matapos ang 1st sem.

'Talaga?! Nakita mo na ba?! Sabi nila hot daw yun eh!'

'Oo girl! Grabe! Makalaglag panty!!'

Bakit naman malalaglag yung panty niya?? Siguro makikisilip yung panty para malaman kung gwapo ba talaga yung lalaki.

'Kyaah! Anong course niya?! Saang Department siya?! Gusto ko siyang makita!'

'Fine arts! Fine Arts 3 Dept. siya!"

It means, classmate ko siya!

Ay blockmate pala. Baka hindi na namin siya kaklase sa ibang subject.

Sino kaya yung transferee? Pogi daw? Mas pogi kaya kay Jalex? Siya yung crush ko.. Siya ang Ace player ng basketball team dito sa Almante Academy, medyo close naman kami. Hinahangaan ko siya dahil magaling siyang magbasketball tas gwapo siya. Yun lang.. Nothing more nothing less... Walang attraction. Crush lang talaga. Paghanga.

"Uhm. Jocas??" Napatingin ako kay Shaika.

Tsk. Ang layo ng building namin. Tinatamad na talaga akong maglakad.

"Bakit?"-ako.

"A-Ano.. U-Uhm. A...A-Ano k-kasi.." Nauutal siya.

Napano to?

Huminga siya ng malalim.

"A-Ano... Saan ka talaga galing kagabi?"

Huh??

"Huh?? Sa pagkakaalam ko, di naman ako umalis ng bahay kagabi"-ako.

"Lumabas ka Jocas.. Sinamahan pa nga kita hanggang sa labas ng bahay. Nakatingin ako sayo habang papalayo ka sa bahay"-Shaika.

Oh ghad. You've got to be kidding me.

"W-Wala akong maalala. Paano ako nakauwi? Paano ako nakapunta sa kwarto ko?"-ako.

Huminga muna siya ng malalim bago sinabi ang bagay na nakapagpakilabot saakin.

"Nung nakarinig kami ng ingay sa kwarto mo, ako lang ang pumasok sa loob, hindi sumama si Freya kasi natatakot siya.

A-Ano..u-uhm.. M-May lalaki sa kwarto mo. Buhat buhat ka niya. Dahan dahan ka niyang ibinaba sa kama mo.. H-Hindi ko nakita yung mukha niya kasi nakapatay yung ilaw sa kwarto mo.. N-Nag stay pa siya ng ilang minutes sa kwarto mo. Tinitigan ka lang niya. N-Nung humarap siya saakin, N-Na...Nakita k-ko y-yung mata niya....

K-Kulay pula! Jocas! Kulay pula yung mga mata niya!"

Napatakip ako sa bibig ko..

Jusko po! So totoo ang panaginip ko!

"A-Akala ko namamalikmata lang ako. Pero ilang minuto din akong nakatingin sa mata niya.. Kumikinang iyon sa dilim. Pagkatapos ka niyang titigan ng ilang saglit, bigla nalang siyang naglaho kasabay ng pag ihip ng hangin sa may bintana ng kwarto mo" tuloy niya.

"S-Shaika. Shit! So totoo pala.. A-Akala ko panaginip lang.. Nangyari pala talaga....Y-Yung kagabi"

"Anong ibig mong sabihin Jocas?"-Shaika.

Kwinento ko sakanya ang panaginip ko. Na totoong nangyari pala.

Kinilabutan din siya sa kwento ko..

"Wag nalang muna natin sabihin ito kay Freya. Mag frefreak out yun"-Shaika.

Tumango ako.

Tumingin si Shaika sa wristwatch niya.

"Kyah! Jocas! Malapit ng mag simula ang first subject natin!"

Sabay kaming tumakbo ni Shaika.

Nangangalay ang tuhod naming dalawa ng marating namin ang 3rd floor ng Fine arts building... Pati hagdan tinakbo namin

Wala kasing elevator dito sa academy. Hanggang 4th floor lang naman ang mga buildings dito.

Buti naman at wala pa yung prof namin sa first subject.

Umupo na kami sa seat namin..

"Bakit ngayon lang kayo?"-Freya.

"Mabagal maglakad si Jocas"-Shaika.

Tss. Dinamay pa ang katamaran ko.

Magkakatabi kaming tatlo..

May napansin akong pinagkakaguluhan ng mga babae sa sulok ng classroom, malapit sa may bintana.

Yun siguro yung transferee.

Iniisip ko parin yung nangyari kagabi. Shit! Bampira kaya yun,?! Red kasi yung mata niya. O baka naman Demon? Aissst!

Ilang sandali pa, dumating na ang prof.

"Where's the transferee?"

Agad naman siyang tinuro ng mga kaklase naming babae.

"Uh, Mr.? Can you go here in front and introduce your self?"

Tumayo siya.

Wow. Sexy. Model kaya ito?

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makarating siya sa harapan ng klase.

Humarap siya saamin.

A-Ang Gwapo.. At Ang ganda niya din.

Para siyang si snow white. Masyado siyang maputi. Kalalaking tao nag'glugluta ...

Tumingin siya sa may direksyon ko.

Lumingon naman ako sa likod ko baka andun yung tinitignan niya.

Wala naman? Sa last row kasi ako nakaupo. Baka naman yung katabi ko? Eh kaso malaki ang space sa pagitan namin ni Freya at Shaika.

Eh??? Imposible naman na ako. Di kaya kami close, Di ko nga siya kilala eh.

Tumikhim yung prof dahil di parin siya nagsasalita.

Hindi niya inalis ang tingin sa direksyon ko.

"Jin Rasuken Lorvanh." ang cool ng boses niya.

Teka. Parang pamilyar yung boses niya. Di ko lang maalala kung saan ko narinig.

"Your age?"-prof

"19"

Pinabalik na siya sa seat niya.

Nagsimula nang magturo ang prof ...

Buong klase namin, pakiramdam ko may nakatingin saakin.

Nakakaconscious.

Lumingon ako sa kabilang dulo ng row namin.

Bat nakatingin saakin to?

Ah. Baka kay Freya. Ibinalik ko ang atensyon ko sa prof namin. Pero malaki talaga ang space namin eh! Baka ako talaga ang tinitignan niya? Ay wag assuming Jocas!

Newbie lang yan. Di mo yan kakilala

****Lunch Time.

Sabay kaming naglunch ni Shaika at Freya.

Nagkikwentuhan kami habang kumakain.

"Kyah! Ampogi ng transferee!"-Freya.

"Oo nga bes! Ang hawt!"-Shaika.

Napahalumbaba ako.

Oo nga. Gwapo talaga siya. Sobra.

Hot din. Kaso napakamisteryoso ng dating niya.

Snob.

Parang Suplado.

Walang pakialam sa paligid niya

At...

Misteryoso talaga siya eh

*snap*

"Tulaley ka Cas. Iniisip mo din yung poging transferee noh?!! Ayiieh!" Pang aasar ni Freya.

"Kyah! Alam mo napansin ko siya kanina! Nakatitig siya sayo Jocas!" Pinalo ni Shaika ang braso ko.

Aray naman.

"Eeeh! Oo nga bes! Nagtataka nga ako kung bakit buo kapa rin hanggang ngayon! Buti hindi ka natunaw sa pagkakatitig niya.....You know what Jocas, Siguro crush ka niya!" kinikilig na sabi ni Freya

Baliw tong mga to. Ni hindi nga kami magkakilala tapos crush agad?!

"Ano bang pinagsasabi niyo?"-ako.

Inuuto ako ng mga ito eh

"Awiieeh! Nagblublush si Jocas! Haha" hinampas hampas ako ni Freya.

"A-Aray! Ano ba?!"

"Kinikilig ka! aminin mo na!" Tsaka ako binato ng crumpled paper ni Shaika.

"Ewan ko sainyo! Mga baliw!" Singhal ko.

Napahinto si paghampas saakin si Freya at natulala.

Ganun din si Shaika.

Nakatingin sila sa likod ko

Hala! Andito naba si Jalex sa cafeteria?! Si crush!

At dahil nakatalikod ako sa entrance ng cafeteria, inikot ko ng bongga ang leeg ko para makita kung sino ang bagong dating..

Si Rasuken lang pala.

'Kyah! Yung transferee!'

'Jin daw ang pangalan niya!'

"Hey Jin! Wanna join us?" Sabi ng isang bitch na lumapit kay Rasuken.

Tsk. May nakita nanaman siyang bagong lalandiin.

Inisnob siya ni Rasuken.. Haha! Tama ako! Snob nga siya!

Natawa naman yung mga tao dito sa cafeteria dahil sa pag snob ni Rasuken kay Amber.

Haha. Pahiya!

Pati tuloy kaming tatlo natawa din.

Si Amber lang naman ang die hard hater ko. Isama mo na rin yung tatlong alipores niya.

Ang laki ng galit niyan sakin..

Kesyo malandi daw ako.

Mang aagaw , fame whore.

Duh. eh wala naman akong ginagawa sakanya. Wala din akong inaagaw. Tsaka medyo snob din ako sa mga di ko kilala.

"Why are you all laughing??!!!" Galit na sigaw ni Amber. Napahinto sila. Kaming tatlo nalang ang natirang tumatawa.

"SHUT UUUUP! YOU BITCHES!"-Sigaw ni Amber habang nakatingin saamin. Lalo kaming natawa. Haha. Her face was priceless!

Napansin naming nakatayo parin si Rasuken

Naghahanap siya ng mauupuan, pero dalawang upuan nalang ang bakante. Sa tabi ko at sa tabi ni Amber na nasa gitna ng cafeteria. Sa sulok ang pwesto namin.

Sila talaga ang fame whore

Pang 4 na tao ang table namin.

So--

"Hi Jin! Wanna sit beside Jocas?" Malakas na sabi ni Freya.

Wutda?!

Naibuga ko ang juice na iniinom ko.

Buti nakaiwas si Shaika

Siya kasi ang katapat ko.

"The fuck Freya?!!"-ako. Kumindat naman siya saakin.

Ano yun? Crush niya ako?

Lumingon ako kay Rasuken.

Nakatingin din siya saakin..

At yung tingin na yun, nauwi na sa titig.

Nahyhypnotize ako sa mata niya. Itim na itim.. Ang gandang titigan. Parang napunta sa ibang dimension ang kaluluwa ko.

Unti unti siyang naglakad palapit sa table namin.

Don't tell me, makiki table siya saamin?!

"Uuuuuy. Nagtitigan sila~" pang aasar ni Shaika.

Di ko siya pinansin.

Nakalapit na saamin si Rasuken.

"Can I?"-Rasuken.. Pamilyar talaga sakin ang boses niya..

"Sure! Sure! Upo kana!" Masayang sabi ni Freya.

Oh god.

Di pa rin umuupo si Rasuken. Nakatingin lang siya saakin.

Waiting for my permission?

"Upo kana" simpleng sabi ko at ipinagpatuloy ang pagkain ko.

Pansin ko ang pagtingin ni Freya at Shaika sa gawi nila Amber. Sabay silang bumelat.

Childish, Nang gagalaiti tuloy sa galit si Amber

Tumabi na siya saakin... At inilapag ang order niyang pagkain.

Ngayon ko lang natitigan nang malapitan ang mukha niya.

He looks pale. Mapapansin lang yun kung titignan siyang mabuti.

"Aight! Ako nga pala si Shaika Rosales!" pakilala ni Shaika.

"Ako naman si Freya Jimenez"

.tumingin sila saakin kasi Di ako nagsalita.

Tss. Bakit? Tinanong niya ba ang pangalan ko?

"Ah siya naman si Blair Jocas Almante! May ari nitong school at

Call her Jocas!" Napairap ako kay Freya.

"Blair" mahinang sambit ni Rasuken.

Napangiwi ako. I hate my First name! Panlalaki kasi!

Inirapan ko din si Rasuken..

Astig ng name niya huh.

Rasuken.

"Nga pala Jin, may nasalihan ka ng club? Required kasi yun eh!"-Freya..

Napataas ang kilay ni Rasuken.

Taray!

Siraulong Freya. Alam naman niyang transferee yang supladong yan eh! Kakapasok niya palang kaya!

"None"-Rasuken.

Tipid ??

"Kung gusto mo dun ka nalang sa club namin! Archery Club "-Shaika

"Mas maganda sa club namin! Sa Volleyball!"-Freya

Hindi sumagot si Rasuken... Bastos. Palayasin ko kaya to dito sa table namin?

"O kung ayaw mo, may basketball club din, photography , swimming, and Dance club."-Freya.

"Meron pa! Yung club nila Jocas!

Music club!"-Shaika.

Agad napahinto si Rasuken at tumingin saakin..

Napano to?

"How can I join in your Music Club?"-Rasuken. Ang cold naman nito.

Teka! Music club talaga??? Sa Club namin??!!

"Sasali ka?"-ako.

"Tss" sabi niya at inisnob na ako.

Agad kong tinawag ang president ng Music club na nasa kabilang table lang.

"Alaissa!!!!!" Sinenyasan ko siyang lumapit saakin. Gusto nila akong maging president kaso ayoko. Masyadong mabigat ang responsibilities.. Nakakatamad kaya.

"Ugh... Nosy"- bulong ni Rasuken.

Wengya. Siya na nga ang tinutulungan. Suplado! English spokening pa!

"Yes Miss Jocas??"-Alaissa. Damn that formality! Ngumiti siya saakin kaya ngumiti din ako.

"Sasali daw si Rasuken sa club natin!!!"-ako.

" Sinong Rasuken?" Tinuro ko naman tong katabi ko. Biglang kuminang ang mata niya.

"Si Jin?!Really?? Ihahanda nalang namin ang stage mamaya, tsaka tayo magdecide kung tatanggapin siya" sabi niya... I smiled. Bumalik na siya sa table niya.

Grabe ha. Kakapasok palang ng masungit na to ,sikat na agad siya

Edi siya na gwapo.

"Kailangan mong kumanta sa gym mamayang after class."- I said to Rasuken.

"Tsk."-Rasuken.

"Sasali ka o hindi?"-naiinis na tanong ko.

"I'm in"-Rasuken.

Yun naman pala eh.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free