Chapter 6
Jocas' POV
"We started as a stranger
As I keep on watching you, I've know you better
As time goes by
I became your stalker
Ah shit.. This is not so me!
And now, I'll admit.
I'll consider myself as your lover"
Ngek?!! Kanino galing to?!!
Anong kakornihan ang pinagsasabi ng nagsulat nito?
Stalker?!! May stalker ako?!!!
Waaaaah!!! Creeeeeepyyyyyy!!!!!!!
Diba ang stalker ,panget?!!!. Kyaaaah!
Kinikilabutan ako.
Pagbukas ko kasi ng locker ko may nakita akong papel..
Love letter pala.
Di pa naman nagsisimula ang first subject namin kaya dumaan muna kami dito sa locker area.
"Bakit walang sender??"-Freya.
"Secret stalker kasi"-Shaika
"Baka pogi yan! "-Freya.
"Stalker nga diba, edi pangit yan"-Shaika
"Wag ka ngang nega! Malay natin"-Freya
Kinuha ko yung love letter at itinago sa bag ko.
Pano kaya nun nabuksan yung locker ko? May susi kasi ang bawat locker dito.
Baka naman may spare key yung stalker ko? lagot na.
"Ay bat mo tinago? Diba dapat tinatapon mo na yan ngayon?"-Freya.
"Gusto ko eh. Bakit ba"-ako
"Hindi ka naman kasi tumatanggap ng love letter"- Freya
"People change"-Ako
"Osya sya. Tara na sa classroom"-Shaika. Hinila niya kami ni Freya papunta sa classroom.
Pagpasok namin, wala pa yung prof.. Buti naman. Baka hindi kami papasukin paglate kami eh..
Umupo na kami sa seat namin..
Nakita ko sa kasulok sulukan ng mata ko si Rasuken. Nakaub-ob siya sa desk niya..
May natututunan ba ito?
Parang laging tulog sa klase yan eh.
Ilang sandali pa, dumating na ang prof namin.
"Ms. Almante and Mr. Lorvanh. You're excuse. Music club president request an urgent meeting for the members"-Prof.
Huh? Para saan naman?
Tumayo na ako at dinala ang bagpack ko..
Ganun din si Rasuken...
Nauna akong lumabas sa classroom at tinahak ang daan papunta sa Music room... Di kami pwede magsabay. Di kami close eh
Hindi pa ako nakakalayo sa classroom nang mapahinto ako. may biglang humawak sa braso ko..
Para akong nakuryente.
Napakalamig ng kamay niya..
"Wait. Let's go there together"
Ang napakacold niyang boses
Heto nanaman si heart.. Anlakas nanaman ng tibok.
"E-Eh.. S-si..s-sige"-nauutal kong sabi..
Inalis na niya ang kamay niya sa braso ko..
Sabay kaming naglakad.. Walang nagsasalita saamin. Tahimik lang kami. Awkward.
Wala pang gaanong estudyante sa paligid kasi class hour pa.
May iilang estudyante na pinagtitinginan kami..
Naiilang ako !!!!!
Parang gusto ko nalang magpalamon sa lupa! Gusto kong matunaw. Ewan ko kung bakit.
"How are you" bigla siyang nagsalita. Napatingin ako sakanya.
Ay ako ba kausap niya? Malamang. Saakin siya nakatingin eh.
"A-Ayos l-lang na...naman"- nyemas! Bakit ba ako nauutal!!!
"E-Eh ikaw?"-dagdag ko.
"I'm fine"-Rasuken..
Iniwas ko na ang tingin sakanya. Masyado siyang gwapo.
Ilang sandali pa, nakarating na kami sa Music room..
Binuksan ko ang pinto.
Nauna akong pumasok.. Sumunod naman si Rasuken.
"Kyaaaaaah!!!! Jocas!! Jin!!! You're here!!! "-Alaissa(President)
"Ayiieeeh! JinCas! JinCas!! JinCas!! JINCAAAAAAS LOVETEAM!!!"- Kyla(Vice President)
Nakigaya pa yung ibang members.
"Tss"- Rasuken. Umupo siya sa bakanteng upuan sa may boy's side.
Ako naman umupo na rin sa may girl's side.
Katabi ko si Kyla.
Si Alaissa nakatayo sa gitna..
Medyo marami din kaming members.
Malawak rin ang Music Room. Andito lahat ng instruments.. Kumpleto kami sa gamit.
"Ok guys! SILENCE!!!"-Alaissa..
Agad silang nanahimik.
"Hehehe.. Alam naman nating lahat na malapit na ang battle of the bands. 2nd Sem na and it's already December 6. Sa December 23 ang battle of the bands."-Alaissa.
Oo nga!!! Battle of the bands! Iprepresent namin ang school.. Makikipag compete kami sa iba't ibang bigatin na school..
"At napag isip isip ko na, uhmm... Si Jocas at Jin ang gagawin nating vocalists"-Alaissa
"Huwaaat??!!!! Ako??!!! Si Kyla nalang!! Total siya naman ang representative natin!"-reklamo ko..
Ayoko nga maging vocalist! Baka matalo lang kami!
"Ngayon lang naman Cas, malay mo manalo na tayo this time, lagi nalang tayong talo"-Alaissa.
"Oo nga! Oo nga!!"-Kyla ...
Naman eh.
"Kyah! JinCas!!!"-other members
Si Rasuken naman hindi tumututol... Nakatingin lang siya saakin..
Ay hindi pala saakin. Baka sa bintanang nasa likuran ko . assuming nanaman ako eh.
"Ayoko"ako
"Eeeh! BAKIIIT?!!!"-Alaissa
"Baka matalo tayo."-Ako
"HINDI!!! MANANALO TAYOOO!"-Alaissa
"How do you say so?"-ako
"Naks. English yun ah.. Basta nafefeel kong mananalo tayo!!"- Alaissa. .
"Ok. Ganito nalang. Majority wins.. Payag kaba Jin?"-Alaissa.
Tumango lang si Rasuken.. Pumayag siya.
"Yieh! Payag siya!! So guyz! KYLA OR JOCAS??!! RAISE YOUR HAND FOR KYLA!!!"-Alaissa.
Walang nagtaas ng kamay. Uh-oh.
Ang bad nila!!!
"Hihihi.. FOR JOCAAAAAAS!!!"-Alaissa.
Nagtaas silang lahat ng kamay.
Pati si Kyla nakisali na.
Eh ano pa nga ba??!!!
"Pano ba yan Jocas?"-sabi ni Alaissa habang nakangisi..
"Ok fine"-ako.
"KYAAAAAAH!! JINCAS!!! MANANALO NA TAYO!!!!"-silang lahat except samin ni Rasuken..
"So dating set up ha! Isa lang ang mapapalitan. Ang Lead Guitarist"-Alaissa.
"Sino?"-tanong nila
"Ako! Hahaha ."-Alaissa.. anong nakakatawa dun ?? Baliw rin to eh
"So JinCas! Yiiieeeh! Bukas na ang start ng practice natin!"-Alaissa.
Tumango nalang ako..
JinCas JinCas ... Tss. Di kaya kami close. Pano nabuo yang JinCas na yan? Syempre, si Freya at Shaika ang salarin.
After ng meeting, bumalik na kami sa classroom..
Nakisabay ulit saakin si Rasuken..
Parang bumait siya ng 0.0001 percent.
Pano ko nasabi? Wala. Feel ko lang .
Sakto pagdating namin sa room tapos na ang 1st subject...
Lilipat na kami ng classroom.
Nakisama na ako kila Freya
"Uuuuuuui~ magkasama sila~ ayiiiiieeeeh!!"-Freya at Shaika.
"Malamang. Pareho kami ng club eh "-ako..
"Ayiiiiieeeeh! So kasali kayo sa battle of the bands?"-Shaika
"Syempre"-ako
"Si Kyla parin ba ang representative ng school?"-Freya..
Umiling iling ako.
"Ay bago na? Sino?"-Freya.
"Ako at si Rasuken"-ako
Natulala sila. After ilang minutes,
"HUWAAAAAAAAAAAAAT?!!!! OH MY GHAD!!! OH MY GHAAAAD!!!!! REALLY??!!!!!"-Silang dalawa.
Tumango ako.
"KYAAAAAH!!! JINCAS FEVEEEEEEEER!!!!"-Silang dalawa ulit.
"Kayo talagang dalawa ang pasimuno dyan sa JinCas na yan eh noh"-ako
"HIHIHIHIHI."
Habang naglalakad kami, napansin namin si Rasuken na mag isang naglalakad. Nasa harapan namin siya.
Nge.. Mahigit 3 months na siya dito pero loner parin siya.
"Ui Cas, samahan mo siya!!"-Shaika
"Ayuku nga. Masungit yan eh"-ako
"Sige na! Close naman kayo!"-Freya
"Atsaka ikaw palang nakita kong kinausap niya ever since!!"-Shaika.
Napataas ang isang kilay ko.
Tsk.. Masungit kasi siya kaya ganyan.
"Ayoko."-ako
"Jin! Sabay kana samin!!"- biglang sigaw ni Freya. Nanlaki ang mata ko..
"Ang kapal talaga ng pagmumukha mong babae ka!"-gigil na bulong ko sakanya.
"Haha. Ayos lang yan! ."- bulong din ni Freya.
Naku naman.
Huminto si Rasuken sa paglalakad at lumingon saamin..
Mukhang hinihintay niya kami.
"Parang napipilitan ka lang ah. Sige na! Wag mong pansinin si Freya!"-ako.
"Tss. Just walk faster!"-Rasuken.
Sungeeet!
"Kyah! Kinikilig ako!"-Shaika
"Ako din!"- Freya
"Bakit naman?" ako.
"Hinihintay ka niya kasiiii~ "-silang dalawa.
"Anong ako? Tayo.. Kaya dalian niyong maglakad"-sabi ko..
Nakalapit na kami kay Rasuken...
"Tsk."-Rasuken. At nagsimula na kaming maglakad.
PMS ?? Tss.
Nangunguna saamin si Freya at Shaika. Gusto kong sumabay sakanila kaso pinagtatabuyan nila ako kaya si Rasuken ang kasabay ko..
Hindi kami nag iimikan.
Nang makarating kami sa hagdan ng kabilang building, andaming estudyante... Siksikan sa hagdan.
May mga pababa at yung iba naman, paakyat.
Parang may stampede.
Nakipagsiksikan kami para lang makaakyat.
Kaso nasusuffocate na ako, di parin kami nakakaakyat.
Minsan nasisiko ako, naaapakan ang paa ko, tinutulak ako at binubunggo ako.. Ouch ha.
Biglang May tumulak saakin ng malakas. Halos masubsob ako sa hagdan. Buti nalang may biglang humawak sa damit ko. Kaso tumama parin ang tuhod ko sa may edge..
"A-Aray"-ako. Medyo nahihirapan narin akong huminga.. Di ako sanay sa siksikan.
"DAMN IT!!! ALL OF YOU!! STEP OUT IN OUR WAY!!!!"
Lahat ng tao napahinto.. Biglang tumahimik ang lahat..
Napaupo ako sa isang isang step ng hagdan..
Napatingin ako sakanya.. Siya pala ang humawak sa damit ko para di ako masubsob... Galit na galit ang mga maitim niyang mata. Nagliliyab sa galit.
Tumingin ako sa tuhod ko.
Hala. Namamaga. Huhuhu~
Kaya pala masakit. Di ko maigalaw ang kaliwang paa ko.. Sinubukan kong tumayo kaso napaupo ulit ako.. Masakit talaga!
Nagulat ako ng bigla akong buhatin ni Rasuken.
In bridal style.
"R-Rasuken, ibaba mo ako!"- angal ko.
"You can't walk.. Damn these humans "-galit niyang sabi..
Makapagsalita naman to akala mo hindi siya human.
Depende nalang kung---
"WHY ARE YOU NOT MOVING?!! GET OUT OF OUR WAY!!"-Rasuken.
Shit.. Nakakatakot siya... Galit na galit talaga siya. Ramdam ko ang panginginig niya dahil sa galit.
"Ibaba mo na ako Rasuken. Nakakahiya"-bulong ko.
Tinignan niya ako.
"Shut up"-Rasuken.
Ang sungit talaga.. Hinayupak.
Gumilid lahat ng estudyante.
Binigyan nila kami ng daan.
Pag akyat namin sinalubong kami nila Freya.
"Ayiiieeeh. What happen Jocas?"- kinikilig na tanong ni Shaika.
Letche. Nakuha pa nilang kiligin.
"Hala! Namamaga yang tuhod mo!"-Freya
"Dalhin natin siya sa clinic Jin!"-Freya ulit.
"W-Wag na! Iuwi niyo nalang ako"-sabi ko.
"Are you sure?"-concern na tanong ni Rasuken.
Wah! Concern siya! Unbelievable!
"Y-Yeah"-ako.
"Ikaw na bahala sakanya Jin"-Shaika.
"No. You'll take care of her"-masungit na sabi niya.
Bipolar talaga.
Walang nagawa si Freya at Shaika kaya sumunod sila saamin..
Bumaba ulit kami sa hagdan..
Pinagtitinginan nila kami habang naglalakad kami sa hallway. Yung iba tumitili, yung iba naman kinukuhanan kami ng picture, isa na dun si Shaika at Freya..
Pagdating namin sa parking lot, itinuro ni Freya kung saan nakaparking ang kotse ..
Binuksan ni Shaika ang backseat
Maingat niya akong nilapag sa backseat na akala mo ako ang pinakamahalagang bagay sa buong mundo... Feeling nanaman ako. Napakafeeler ko talaga
Handle with care ? Tss.
"T-Thank you"-I murmured to his ears.
Naks! Umi'english!!
"Tsk. Don't get yourself hurt"-cold niyang sabi at sinara ang pintuan ng backseat. Naglakad na siya pabalik sa campus.
"KYAAAAÀAAAAAAAAAH!!!!!!"-biglang sigaw ng dalawang lukaret.
"NAKAKAKILIIIIIIIIIIIIIG!!!!!!! HE CARE FOR YOU!!! KYAAAAAAH"-Shaika.
"KYAAAAAAAAAAAAAH!! ANG SWEET!!!"-Freya.
Di ko sila pinansin. Pinikit ko nalang ang mata ko...