HinovelDownload the book in the application

Chapter 5

Chapter 5

Jocas' POV

"Himala Jocas! Sinapian kaba ng masamang espirito? Bat naisipan mong magdrive?"-Freya

Inisnob ko siya..

Ano naman ngayon kung ako ang nagdrive? Bakit? Bawal ba?

Bumaba na kami ng kotse.

'Yiieh! Pumasok na siya!!'

'Oo nga! Antagal niyang hindi pumasok noh?'

'Yeah! Namiss ko ang gwapo niyang mukha!'

Andaming nagkalat na estudyante sa paligid

Ang aga aga. Chismisan ang inaatupag. Kung nagbasa nalang sila ng libro, baka yumaman pa sila xD haha. Walang konek. Alam ko.

"Yiiieeh! Cas! Andito na ang Prince charming ng buhay mo!" Bulong ni Freya.

Napakunot noo naman ako.

Ano nanaman sinasabi ng lukaret na to?

"Ano nanamang kabaliwan ang naiisip mo?"-ako..

"Kyaaah! Oo nga! Nandyan na siya!"-Shaika. Isa rin to eh..

Ngumuso silang dalawa na parang may tinuturo..

Pagtingin ko.....

Si Jalex. Papalapit siya..

Hep! Di ko na siya kras. Friends lang kami niyan.

Nakatingin lang ako sakanya habang papalapit siya saamin.

"Good morning Jocas"-nakangiti niyang bati..

Ngumiti din ako.

"Good morning din "-ako..

Kinalabit ako ni Freya.. Tumingin ako sakanila ni Shaika. Nakasimangot sila.

"Bakit??"-ako.

"Hindi siya ang tinutukoy namin "-Shaika.

Huh?? Eh sino? Ginagago ata ako ng mga ito eh.

"Siya ang tinutukoy namin" ngumuso ulit silang dalawa..

Tinignan ko ulit kung saan nakapoint ang nguso nila.

Si Rasuken... Nasa mini garden siya.

Nakaupo siya sa ilalim ng puno.

Mukhang natutulog siya dahil nakapikit siya.

Pumasok na pala siya.. 1 week din siyang nawala.

Bigla ko nalang naramdaman na parang namiss ko siya.

Uh.. Ano ba naman to. Kinukulam ata ako. Kung ano ano ng nararamdaman ko.

Di ko napansin na antagal ko na palang nakatitig sakanya.. Iminulat niya ang mata niya..

Agad kong iniwas ang tingin ko sakanya...

Naku naman! Baka isipin nito, tinititigan ko siya!! Eh totoo naman.

"~pasulyap-sulyap ka kunwari't patingin tingin saakin~"-Shaika

"~di maintindihan ang ibig mong sabihin~"-Freya.

"Tumigil nga kayo! Wala kayo sa tono!"-reklamo ko..

"Edi ikaw na magaling kumanta!!"-Freya. Napangisi ako.

"Thank you"-ako.

Inirapan niya lang ako. Haha. Maldita..

"You like him?"- halos lumuwa naman ang mata ko sa tanong ni Jalex.

Nasamid naman si Freya at Shaika. Oo nasamid. Nasamid sa sarili nilang laway. Yayks..

"W-What? O-Of course n-n-n...n-not!!"-ako.

"Bakit ka nauutal?"-Jalex.

"H-Hindi naman ah!!!"-depensa ko.

"Yes you are"-Jalex.

"No I'm not!"-ako

"Yes you are"-Jalex

"No I'm not!!"-ako

"Yes you are"-Jalex.

"Fine! Yes I am!!"-ako

"No you're not"-Jalex.

"WHAAT?!"- asar na sigaw ko

"Haha.. You're so cute!!" Kinurot ni Jalex ang left chick ko.

"Ouch! Di ako cute! I'm not a puppy!"-ako.

"But you're cute"-Jalex.

"No I'm not cute! I'm beautiful!"ako

"No you're not!"-Jalex

"Yes I am!!"ako

"No you're not"-Jalex

"Yes I am!"-ako

"You're not"-Jalex

"Yes I am!"-ako

"So you like him?"-Jalex

"Yes I a--- anong konek naman nyan?!!!"

"Hahaha!! Got ya'!!! "-Jalex.

"Ayiiiieeeh!!! Jin oh! Jocas likes y---" agad kong tinakpan ang bibig ni Freya. Napatingin kasi saamin si Rasuken.. nakakahiya naman tong mga to!

"Shut up!! I don't like him!!!"-sigaw ko..

At nauna na akong naglakad papunta sa classroom namin.... Nakakahiya talaga sila!!

Buti nalang di namin classmate si Jalex ngayon. Baka matadyakan ko yung siraulong yun eh!!

Umupo na ako sa may last row. Sa tabi ng bintana.

Ang ganda ng view ng garden sa baba..

Napakarelaxing sa mata.

Ilang sandali pa, naramdaman kong dumating na sila Freya.

"Kyah! Grabe nakakatakot siya!"-rinig kong sabi ni Freya.

"Pero ang gwapo parin!"- Shaika. Naku po. Lalaki nanaman pinag uusapan nila.

"Napahiya yung girl! Ang kapal naman kasi ng mukha niyang hawakan siya."-Freya.

"Hindi lang niya hinawakan. Hinila pa niya! Eh hindi naman sila close!"-Shaika.

"Anong meron?"- tumingin na ako sakanila. Curious kasi ako sa pinag uusapan nila.

"Si Jin! Oh my god!" OA na sabi ni Freya.

Si Rasuken?? Bakit yun?.

"Oh bakit?" Tanong ko.

"Habang naglalakad kasi si Jin, may biglang humarang sakanya.. Tapos inisnob lang siya ni Jin at nilagpasan niya yung girl. Pero yung girl bigla niyang hinila sa braso si Jin. Ayun. Nairita ata si Jin, kaya winakli niya yung kamay niya. Napatumba yung girl. Tapos narinig pa namin yung sinabi ni Jin na 'Don't you ever dare to touch me'.. Grabe. Ang cold ng pagkakasabi niya nun. Pero ang cool niya parin... Napahiya si girl. Masyado kasing fc"-Shaika.

Napatango tango ako..

"Ang arte naman ng supladong yun.. Daig pa babae"-comment ko.

"Hmm. Napansin ko lang. Ayaw niyang magpahawak sa iba pero nung nag audition siya sa music club dati, hawak niya ang kamay mo nun diba Jocas?"-Freya.

Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko. Naalala niya pa yun?!

"H-Huh??"-maang maangan ko.

"Wag ka ng magdeny Jocas. Nagblublush kana oh"-Freya.

Natawa naman si Shaika..

Napayuko lang ako..

Ewan ko ba. Nahihiya ako eh.

"Yii~ nandyan na si Jin!"-bulong ni Shaika.

"Ngi. Mukhang badtrip parin siya"-Freya.

Tumingin ako sa may pintuan. Pumasok si Rasuken.

Magkasalubong ang kilay niya..

Badtrip nga ata siya.

Napatingin siya saakin.

After a long time. Nagtama ulit ang mga mata namin...

Umayos ang magkasalubong niyang kilay..

Umamo ang galit niyang expression..

Kumalma ang aura niya..

Iniwas ko ang tingin ko sakanya .

Bakit ganun ang tingin niya?

Parang may ibig sabihin?

Parang nalulungkot?

Nagsusumamo?

Nahihirapan?

Umiling iling ako...

Assuming lang siguro ako.

Dumating na ang prof namin..

Buong araw lutang ang utak ko.

Wala akong natutunan kahit isa.

"Wuy Cas! Kanina kapa tulala.. Anong iniisip mo?"-Freya

"Sinong iniisip mo?"- tanong naman ni Shaika.

"Wala. Umuwi na tayo"-ako.. Total 2pm na. Tapos na lahat ng klase namin

"Oh sige"-Freya

"Ok fine"-Shaika.

Habang naglalakad kami papunta sa parking lot, lumilipad ang utak ko. Di ko na napapansin ang mga nadadaanan ko...

Hanggang sa nabunggo nalang ako sa kung sino..

"Aray naman bakit di ka man lang umiwa---- ah,..pasensya na Rasuken" agad akong napayuko ng makita ko kung sino ang nakabungguan ko... Pero bakit ba naman kasi di siya umiwas.

"I tried to avoid you. But I just can't " sabi niya at naglakad na siya palayo saamin.

"Anoooo daaaaaaaw??????"-Freya at Shaika.

"Huh?? Ano daw???"-ako

"Sinubukan ka niyang iwasan?"-Freya

"Pero di niya kaya?"-Shaika.

"Kaya kami nagbungguan?"-ako

Parang may kung anong kumiliti sa tyan ko..

AnLakas ng kabog ng puso ko.

"Kaya ba hindi kayo nagpapansinan?"-Freya

"Kasi iniiwasan ka niya?"-Shaika

"Pero hindi ka niya matiis?"-Freya

"Kaya sinadya niyang magbungguan kayo?"-Shaika

"Para-----"

"Tama na!!!!! Umuwi na tayo!!!!"-sigaw ko.. . sumasakit ang ulo ko sa mga sinasabi nila.

"Ayiiiiiieeeeeh! May double meaning yung sinabi ni Jin~"-silang dalawa.

At pano naman nila naisip yan? Kung ano ano nang pumapasok sa utak nila...

"Miss Jocas!!!" Napalingon kami sa sumigaw.

Eh? Sino naman to?

"Yes?"-ako

"Pwede ka po bang mainterview? Para sa activity namin sa Oral Com."-girl

"Uh.. Pwede bang Bukas nalang?? Uuwi na kasi kami. Kailangan kong magpahinga"-nakangiting sabi ko sakanya ... Ngumiti siya ng malapad.

"Sure sure!!! Basta po bukas ha!!!" At tumakbo na siya paalis habang kumakaway saamin..

Mukhang Grade 11 ang isang yun..

Ang cute niya huh.

Pagdating namin sa parking lot, si Freya na ang nagdrive. Tamad ako eh.

Pag uwi namin sa bahay, nagmovie marathon kami.

8pm, kumain na kami ng dinner...

After namin magdinner. Pumasok na kami sa kanya kanya naming kwarto.

*sigh* di ako makatulog...

Tinignan ko ang oras sa phone ko..

12:38 am na...

In-off ko na ang lampshade sa bedside table at nagtalukbong ako ng kumot from head to toe.

Makakaidlip na sana ako ng magtaasan ang balahibo ko sa batok.. Pakiramdam ko may iba akong kasama dito..

Pero kahit kinikilabutan ako, pinilit ko paring matulog..

Alam kong di ako kayang saktan nito.

Ramdam ko yun.

Binabantayan niya ako.

********kinabukasan

"So Miss Jocas, how was the feeling of managing the Almante Academy?"-tanong ni Interview girl.. Siya yung girl kahapon... Kanina pa ako namemental block sa mga tanong niya

"Uhm.. It was cool?"- sagot ko..

Di ko talaga alam ang isasagot ko. Malay ko ba.. May assistant kasi ako at siya ang nagmamanage ng academy.

"Alright.. So, how was it feels when all the students here were throwing respect on you?"-interview girl

"Uh. Not all the students here are showing me respect.. Some are playing the role of a bitch.. And keep on ruining my reputation"-Ako.

Yeah right. Like Amber.

"Oh.. Do you mind if I ask who is that bitch?"-Interview girl.

Ang harsh naman ng interview nito.. May inappropriate words.. Baka ibagsak siya ng teacher niya xD

"Uh. Next question please"-ako.

"Hehe. Ok. What can you say about JinCas loveteam??

You easily earned a lot of fans from the first day he transferred here in Almante Academy"-Interview Girl.

Nanlaki ang mata ko.

"What?! JinCas LoveTeam?! May ganun dito?!"-gulat kong tanong.

Diba yun yung sinasabi nila Freya at Shaika 3 months ago?!!

Damn. Mukhang alam ko na kung san nagsimula yang JinCas na yan ah.

"Don't you know? Sikat na sikat dito ang JinCas loveteam.

Yun nga lang parang nalungkot ang mga fans niyo dahil hindi na kayo nagpapansinan ni Jin."-Interview Girl.

Nge.

"Wala akong alam sa JinCas na yan"-ako

"Hmm. How about JaCas Loveteam?"-Interview girl.

Naparoll eyes ako.

"Anong JaCas nanaman yan?"-ako

"Jalex And Jocas.. Yun ang kalaban ng JinCas Loveteam"- Interview Girl. Defuck?!! Andami nilang alam!,

"May ganun pala dito! Bat di ko nainform?" Sarcastic kong sabi.. Pati si Jalex napagtripan nila. Pano naman kami naging loveteam?

"So hindi mo alam ang tungkol sa loveteams?"-Interview Girl

"Obviously, Yes"-ako

"Ow is that so..Hmm.. Ok na siguro to Miss Jocas. Salamat sa time mo!"-Interview Girl.

Ngumiti ako sakanya.

"You're welcome. Salamat din sa libre "-ako.

Haha. Dito niya kasi ako ininterview sa cafeteria. Sakto naman at lunch time na.. May klase na ulit kami maya maya.

Si Shaika at Freya naman, nasa mall. Wala ata silang balak pumasok sa next subject.

"No Problem miss Jocas!" she bid her goodbye then umalis na siya sa cafeteria. Loner na ako.

Psh. Loveteam loveteam. That's stupid!

"Ow. Nasan ang mga alalay mo Jocas?, iniwan kana?"-pang aasar ni Amber na bigla nalang lumitaw sa harap ko.

May lahi ba itong kabute?

"Oo. Kung gusto mo ikaw ang pumalit sakanila. Gusto mong maging alalay ko?"-sarcastic kong sabi.

Nagsalubong ang kilay niya.

"In your dreams bitch!"-Amber

"Yeah. Sa panaginip ko, personal maid kita"-ako

"What??!!!"-Amber

"Just kidding"-sabj ko habang nakapoker face. Napahikab pa ako. Ang boring.

"Uurrgh!! Bitch!!!"-Amber

"Ikaw din"-ako

"Di ako katulad mo!"-Amber

"Sino bang may sabing magkatulad tayo ?" ako

"Low class ka kaya" dagdag ko

Natatawa ako sa pagmumukha niya

Kulang nalang magbuga siya ng apoy.

"I can't believe this!!"-Amber.

Pfft.

"Amber, anong ginagawa mo kay Jocas?" Biglang dumating si Jalex.

Wiie. Ampogeh!

"Wala akong ginagawa sakanya!! Dyan na nga kayo!!" Nagwalk out na siya.

Haha.. Umupo na si Jalex sa tapat ko.

"So, nasaan si Freya at Shaika?"-Jalex.

"Nasa mall"-ako

"Di sila papasok?"-Jalex

"Siguro"-Ako...

Napatingin ako sa wrist watch ko.

Ngek! Ambilis naman ng oras!! 1pm na! May klase na kami.

"Lah Jalex!! May klase na tayo!!"- sabi ko.

Magkaklase kami sa last subject remember?

"Haha. Oo nga. Kaya nga kita pinuntahan dito"-Jalex.

Inismiran ko siya.. Lumabas na kami ng Cafeteria

"Bakit ngayon mo lang sinabi? Nagrelax kapa sa harap ko"-ako

"Hehe.. Namental block kasi ako nung nakita kita *wink*"-Jalex..

Muntik na akong matapilok sa sinabi niya..

"A-Ano??"-ako

Natawa naman siya. Huminto kami sa paglalakad

"Hahaha!! You're blushing!!!"-Jalex.

Napahawak ako sa mukha ko..

Pinagtitinginan kami ng mga estudyante. Yung iba kinukuhanan pa kami ng picture.

"No I'm not"-ako

"Yes you are!!"-Jalex.

Eto nanaman tayo.

"Hindi nga sabi!!"-ako

"Oo kaya! Uuuuuuuy~ kinilig siya! Haha xD"-Jalex.

Hinampas ko ang braso niya.

Siraulo kasi.

"MOVE"

agad kaming tumabi ni Jalex.

Nakaharang pala kami sa hallway..

Napatingin kami sa kanya.Nakakatakot ang aura niya. Parang badtrip siya

Masyadong cold ang mga itim niyang mata..

Cold din ang boses niya..

Nagpatuloy na siya sa paglalakad..

Lahat ng madadaanan niyang estudyante, dumidistansya sakanya..

Tsk. Lakas ng epekto niya ha. Pati ako naapektuhan na niya.

"Tara na nga Jalex. Late na tayo " ako

"Bakit ganun yung crush mo? Parang laging galit?"- Jalex

"Hindi ko siya crush!!!"-ako

"Wuuushuuu~ deny pa siya oh"-Jalex.

Naman! Masasabunutan ko na tong lalaking to!

"JinCas Loveteam?? The fuck! Hahahahahaha!!!"-Jalex.

At sa di inaasahang pagkakataon, nasapok ko siya

"Aray naman Cas!!"-daing niya.

"Shut up!!!!"-ako.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free