Chapter 3
Jocas' POV
"I'm guarding you"
Nagising ako dahil parang may bumulong sa tenga ko.
Pagmulat ko ng mata ko,
Walang tao..
Kinapa ko ang cellphone ko sa bedside table.
Tinignan ko ang oras, 2am palang. Antok na antok pa ako.
Umihip ang hangin.
Ngayon ko lang napansin na nakabukas ang bintana sa kwarto ko.
W-Wait! Sa pagkakatanda ko sinara ko yan kagabi ah!!
Kinilabutan ako.
Agad akong tumayo at sinara ang bintana..
*sigh*
Bumalik na ako sa kama ko at humiga ulit. Nakatingin lang ako sa may bintana...
Ang ganda ng buwan.
Meron siyang red shadow.
Nanlaki ang mata ko nang may dumaan sa may bintana.. Hugis tao..
Shit!!! Baka may mumu!!
Nagtalukbong ako ng kumot..
At pinilit ang sarili kong matulog.
*****
"Class dismiss"-Prof
Huuuuurrraaaay! Uwian naaaaa!
5pm ang dismissal namin ngayon dahil may P.E at Experiment kami kanina...
Buong araw kong hindi nakita ngayon si Rasuken..
Grabe ha. Kebago bago umabsent agad.
"Uwi na tayooooo~"-Shaika.
Andito na kami sa parking lot.
"Hi Jocas " napahinto ako sa pagsakay sa kotse at tinignan si Jalex. Ay ang gwapo.
"U-Uhm hello"-ako.
"Haha you're cute"-Jalex
Napangiti naman ako sa sinabi niya.
Haha.. Pero sa totoo lang gusto ko na siyang hambalusin.
Cute daw? Ano ako? Puppy?
"Come on babe!!! Sino bang kausa--- ow.. Si attention seeker pala"
Biglang sumulpot si Amber at niyakap ang braso ni Jalex.
Napataas ang kaliwang kilay ko.
"Hanep Amber!! Bagong bedwarmer mo??!!"-sigaw ni Freya.
"SHUT UP!!"-Amber.
Haha.. Pikon?
Aight di ko na pala crush si Jalex. Nakapitan na siya ng Virus eh.
Pumasok na ako sa kotse.
Si Shaika ang driver namin ngayon
"Shaika, ibaba moko sa Convenience store. Mauna na kayong umuwi." - ako
Maglalakad nalang ako pauwi. Tutal medyo maliwanag pa naman. Wala naman sigurong mangyayaring masama saakin diba?
Tinignan niya ako ng alanganin.
"P-Pero, anong gagawin mo dun??"-Shaika.
"Kakamustahin ko si Jasmin"-sagot ko.
"Tsk. Hayaan mo na nga yan Shaika. Matanda na yan."-Freya
Tumango nalang si Shaika
Si Jasmin yung Cashier sa convenience.. Close kami dahil madalas akong tumambay dun haha.
Huminto na ang kotse.
Bumaba na ako at pumasok sa convenience store.
Agad kong nakita si Jasmin at nilapitan.
"Jasmin!! Kamusta kana!!!"-ako.
Napatingin siya saakin at ngumiti ng malapad.
"Kyah! Jocas! Ang ganda mo talaga!! Haha heto ayos lang naman :D"-Jasmin.
Nagkwentuhan lang kami.
Hanggang sa hindi ko na napansin ang oras.
Madilim na pala.
Nagpaalam na ako kay Jasmin.
Shit! 8pm na pala! Naku po! Sana walang mangyaring masama saakin!
Nagsimula na akong maglakad..
Ang lamig ng ihip ng hangin.
Napayakap ako sa sarili ko.
Medyo nakalayo na ako sa Convenience store...
Pansin ko ang poste ng ilaw sa may di kalayuan.. Maayos na siya.. Hindi na siya patay-sindi.. Medyo nakahinga ako ng maluwag nang dahil dun...
Laking tuwa ko ng makalagpas na ako sa may poste ng ilaw.
Pero agad iyong napawi nang mapansin kong madilim na sa susunod na dadaanan ko...
Bakit wala man lang ilaw dito??
Tinatagan ko ang loob ko at nagpatuloy ako sa paglalakad.
Liwanag lang ng buwan ang tanging nagbibigay liwanag dito pero hindi iyon sapat upang maibsan ang kabang nararamdaman ko.
Napahinto ako nang may humarang sa daan ko..
Tinignan ko sila..
Masyadong madilim.. Di ko makita ang mukha nila..
"Hmm. Ang bango niya"- sabi ng isang lalaki. Bale tatlo sila...
"Mukhang mabubusog ako nito ha"- umabante ang isa pang lalaki.. Napaatras ako...
A-Anong sinasabi nila?
"Anong pangalan mo binibini?"- napatalon ako sa gulat nang maramdaman ko yung isang lalaki na nasa likod ko.
Nasa harap ko lang yan kanina ah!
"S-Sino kayo?? Anong kailangan niyo saakin?"- nanginginig na tanong ko. Natatakot na ako pero tinatatagan ko ang loob ko.
Ramdam ko ang pagngisi ng lalaki sa likod ko..
"Napakabango mo.. Masarap ka siguro"-yung lalaki.
Nanlaki ang mata ko...
M-Masarap daw?!
Manyakis!!!
Lumayo ako sa tatlong lalaki..
Umabante sila palapit saakin.
Shit.. Nakakainis! Mga rapist!
Umatras ako ng umatras hanggang sa maramdaman ko ang malamig na pader sa likod ko.
Damn!!! Lalo silang napangisi.
Nacorner nila ako!!
Lumapit sakin ang isa sakanila at hinawakan ako ng mahigpit sa braso..
N-No!!! Bata pa ako!!!!!
Inilapit niya ang mukha niya sa leeg ko...
Wah!! Ayokong magkaroon ng hickey!!
"WAAAAAAAH!!! TULOOOOOONG!!! MAY RA-----HMMMP"- Agad tinakpan ng lalaki ang bibig ko..
Ang lamig ng kamay niya.
Waaaaaaah!! Naluluha na ako.
Masyado pa akong bata!!!
Ayokong marape!!
Huhuhu!
Mabilis ang pag agos ng luha ko...
"Dalian mo na jan Jack. Baka may makakita pa satin dito"-sabi ng isang lalaki.
Huhuhu. Mga walangyang Rapist... Huhuhu! Takot na takot na ako.
Nanginginig na ang buong katawan ko.
Agad nilapit ng lalaki ang bibig niya sa leeg ko.. Ramdam ko ang pagnga nga niya..
Nanigas ako dahil may matulis na bagay na dumapo sa leeg ko. Medyo basa iyun.
A-Ano yun?? Pangil?!
B-Bampira??!! Ganito ang mga bampira diba??!!!!
Waaaaaah! Lalo akong naluha..
Baka patayin nila ako.
Napapikit nalang ako..
Oh god. Save me from these monsters...
Agad akong napamulat nang may marinig akong dumaing..
May lalaking nakatalikod saakin at hawak niya sa leeg yung lumapit sakin kanina.. Nakaangat na sa lupa yung lalaking sinasakal niya..
Pamilyar yung built ng katawan niya.
Napaupo ako.. Sobrang nanginginig ang tuhod ko... Wala paring tigil sa pagtulo ang luha ko
"A-Acckk!!"-yung rapist..
Napaatras yung dalawa pang rapist..
"L-Lorvanh"- sabi ng isang lalaki.
Lorvanh???
Don't tell me si ---
"Go to hell bastard"-malamig na sambit ng lalaking sumasakal sa rapist..
Y-Yung boses niya..
Lalong lumakas ang pagdaing ng lalaki..
Hanggang sa parang humihiwalay na yung ulo niya sa leeg niya..
Nanlaki ang mata ko..
Hindi ako makapagsalita.
Kitang kita ko kung pano napugutan ng ulo yung rapist..
Nangilabot ako...
Kitang kita ko din na naging abo siya.. Sumabay sa ihip ng hangin ang mga abo..
Nakatulala lang ako..
"Hide.. Nightwalkers"- nakakilabot na sabi ng lalaki... Agad silang naglaho.. Yung tumulong saakin ang natira dito.. Tinulungan nga ba talaga niya ako??
Humarap siya sa kinaroroonan ko.
At dahil sa sinag ng buwan, nakita ko ang mukha niya..
"R-Rasuken" sambit ko sa pangalan niya.
"Tss." Lumapit siya sakin at tinulungan akong tumayo..
"Why are you walking here alone in the middle of the night??"- iritang tanong niya..
Nanginginig parin ako kaya inalalayan niya akong maglakad..
"Kaya kong maglakad"- sabi ko.
Agad niya akong binitawan kaya agad akong napahawak sakanya.
"Ano ba! Joke lang yun" bawi ko.
"Tsk."-Siya. Inalalayan niya ulit ako
"S-Salamat" nakayukong sabi ko.
Di siya nagsalita.
"A-Ano sila? Bakit naging abo yung lalaki?" Hindi ako basta basta naniniwala sa bampira dahil kathang isip lang sila.. Pero kahit papano fan ako ng vampire stories.
Di ulit siya nagsalita.
Gusto kong malaman..
Gusto kong malaman kung ano sila..
Oh kung kauri niya sila..
"Sino kaba talaga?" Bakit balot ng misteryo ang pagkatao mo?
"I'm Jin Rasuken Lorvanh" simpleng sagot niya.
Napapoker face ako.
"Ano ka? Tao ka rin diba?"- di siya sumagot.
Isa lang ang gusto kong malaman.. Ang tunay na pagkatao niya.
"I-Ikaw ba yung lalaking nakita ko nung isang gabi? Yung may pulang mata" ako ulit..
Wala nanaman akong nakuhang sagot.
Gulong gulo ako.
Gusto ko ng kasagutan.
Pero ayoko naman basta nalang manghimasok ng buhay ng iba lalo na't di ko siya kilala. Pangalan niya lang ang alam ko. Wala ng iba.
"Stop asking.. It might bomb your brain because of the things you shouldn't have known" siya.
Haba ng sinabi niya ngayon ah.
Curious talaga ako..
May part sakin na sinasabing 'hindi siya tao'
May part din sakin na sinasabing hindi iyon totoo.
"Take a rest.. Don't stress yourself" malamig na sabi niya. Tsaka niya ako iniwan sa gate ng bahay.. Naglakad siya palayo.
Nakatingin lang ako sakanya hanggang sa maglaho na siya..
Concern siya sakin?
Pagpasok ko sa bahay--
"Waaaah! Akala ko di ka na makakauwi!!" Niyakap ako ng mahigpit ni Shaika.
"OA mo Shaika"-Freya.
Bakit ang bitter ng babae to.
"Di na ako makahinga." agad siyang humiwalay saakin..
Kumain muna kami ng dinner bago kami nagsipasukan sa kanya-kanya naming kwarto..
Nakatulala lang ako habang nakatingin sa kisame ng kwarto ko.
*sighA hindi ako makatulog..
Masyado akong Curious sa pagkatao ni Rasuken..
Nakarinig ako ng kaluskos sa may bintana..
Naku naman.. Minumulto nanaman ba ako?
Nakatingin lang ako dun..
Wala namang dumaan na multo or what..
Bumangon ako at lumapit sa bintana.
Binuksan ko iyon..
Sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin.. Napayakap ako sa sarili ko.
Ang lamig...
Pakiramdam ko may nakatingin saakin.
Pero kahit saang sulok ako tumingin wala namang tao...
Napadako ang tingin ko sa may puno sa garden. Sa garden kasi nakatapat ang bintana ng kwarto ko..
Pinasingkit ko ang mata ko para makita ko ng mabuti ang dalawang bilog na kumikinang sa may puno..
Kulay pula iyon..
Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang mapagtanto ko kung ano yun..
Mga mata.. Mapupulang mata.
Lalo akong kinabahan dahil nakatingin din iyon saakin..
Agad kong sinara ang bintana. At humiga sa kama.
Nagtalukbong na ako...
A-Ano yun?? Kaninong mata yun?? Yun yung matang nakita ko nung isang gabi.....
****