HinovelDownload the book in the application

Chapter 2

CHAPTER 2

Jocas' POV

It's already 1pm and start na ng second to the last subject namin.

Ang akala ko hindi ko na kaklase si Rasuken sa ibang subject. Napapataas nalang ang kilay ko tuwing nakikita ko siya sa isang tabi na pinagkakaguluhan ng mga babae.

Tss. All over classmate ko ang masungit na to.

Medyo natatawa ako kasi halatang nabibwisit siya sa mga nangungulit sakanya. Ang cute niya haha..

Kung hindi makuha sa snob yung mga babae, sinasamaan niya sila ng tingin... Napapaatras tuloy sila.

Naglelecture na yung prof namin pero pinagkakaguluhan parin siya.

Yung prof naman walang pakialam.

Yung mga straight na lalaki at kaming tatlo nalang nila Freya ang nakikinig sakanya.

Napalingon kami sa pwesto ni Rasuken nang bigla nalang silang nanahimik.

Tanging tunog ng pagguhit ng chalk sa black board ang maririnig.

Wala talagang pakialam si Ms. Prof.

"I SAID GET.THE.HELL.OUT.OF.MY.SIGHT." madiin na sabi ni Rasuken. Medyo tumaas na ang boses niya. Tsk. Tsk. Naubos na siguro ang pasensya niya.

"Hala galit siya"- rinig kong bulong ni Shaika.

"Ang hot niyang magalit "-Freya.

Naman. di na ako magtataka kung may sasalo ng laway ni Rasuken pag dumura siya.

Agad nagsibalikan sa kanya kanyang upuan ang mga babaeng nakapalibot sakanya.

Natakot ata?!

Tumingin siya saakin...

Yung galit niyang expression ay agad na kumalma nang magtama ang mga tingin namin.

"Huy!"- iniwagayway ni Shaika ang kamay niya sa harap ko.

Napapikit pikit ako.

"What?!!"-ako.

Napatingin saakin yung mga kaklase ko. Aight! Napalakas pala ang boses ko.

Yung prof? Ayun. Guguho na ang mundo wala pa rin siyang pakialam.

Nagpeace sign nalang ako sakanila.

"Ikaw ha! Kanina pa kayo nagtitinginan!"-Shaika.

Napataas ang kilay ko.

Di ko siya tinitingnan! Uh. Siguro? Konti lang.

"Nakakainggit kana huh!" Freya. Di ko sila pinansin at umub-ob nalang ako sa desk ko.

*****

"Gising na Jocas" malambing na sabi ng babae.

Hmm? Gusto ko pa matulog.

"Jocas~"

"Jocas~" teka. Boses to ni Freya ah?

"Jocas~"

"JOCAAAAAS!!!!!! SHITZU! DI KA MAGISING SA MALAMBING NA TONO HA!!!!"-Freya..

H-Huh?!!

Agad kong minulat ang mata ko.

"Sleeping beauty!!! You're alive!!!"-Shaika.

Tss. Bat wala ng tao dito sa classroom? Nakatulog pala ako.

"Last subject na! Lilipat na tayo ng classroom!"-Freya..

Inayos ko na ang gamit ko at lumabas na kami ng classroom.

"Kyah! Excited na akong marinig ang pagkanta ni Jin!"-Freya.

"Kyaaah! Ako din!!"-Shaika.

"Eh ikaw Jocas?" Tumingin silang dalawa saakin.

Bakit ako?

"Bakit?!"ako

"Excited ka rin bang marinig ang boses ni Jin?"- kumikinang ang mata ni Shaika habang nagtatanong.

Si Rasuken?

Uh. Parang Excited din ako. Hihi.

"Medyo"-sagot ko.

Napa'ayiiiiieh naman sila.

Pumasok na kami sa next subject namin.

Ang hirap ng buhay college. Palipat-lipat ng classroom. Nakakatamad umakyat sa hagdan.

Classmate namin ngayon si Jalex! Si kras koooo!

Tinulak ako ni Shaika at Freya then

Nag unahan silang umupo sa dalawang bakanteng upuan.

Muntik na akong matumba sa pagkakatulak nila pero may sumalo saakin..

*sniff sniff*

Ang bango niya. Ano kayang pabango nito? Magpapabili ako kay dad. Joke.

Naamoy ko ang pabango ng kung sino mang to.

Ang bango.

Di pa rin niya tinatanggal ang pagkakapulupot ng braso niya sa bewang ko.

T-Teka. Sino ba to?!

Inangat ko ang mukha ko----

The fuck... His black eyes.

Wag kang gagalaw Jocas!

Baka makiss mo siya!

Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa...

Magkadikit ang tip ng nose namin.

Ang bango ng hininga niya.

Ilang millimeters nalang ang pagitan ng lips namin!!

Damn! Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Parang pag binitawan niya ako mapapaupo nalang ako.. Nanlalambot ang tuhod ko..

Ghad. Anong nangyayari sakin!

I'm gonna die!! I can feel the....

The.....

Uhm..

Butterflies in my stomach??

Kyaaaah!

Ano ba naman yan Jocas! Don't tell me kinikilig ka!!-sabi ng isip ko.

"AAAAYIIIIIIIIIIIEEEEEEH/KYAAAAAAAAAAAH!!!"- agad kong tinulak si Rasuken.. Ramdam kong parang kamatis na ang mukha ko sa sobrang pula..

Nauna siyang pumasok sa classroom. Ako naman naiwan sa may pintuan. Parang walang nangyari ha.

"Bagay sila!!"

"Ang cute nilang tignan kanina!"

"Kyaah!"

Mas lalo akong namula sa mga sinabi ng kaklase namin.

Naman!

Pumasok na rin ako kahit hiyang hiya ako.

"Uuuuuuuuuuuuuy" kantyaw nila na pinangungunahan ni Freya at Shaika.

Naghanap na ako ng mauupuan.

Dalawa nalang ang bakante.

Sa tabi ni Jalex at sa tabi ni Rasuken..

Nakangiti saakin si Jalex.

Tumingin naman ako sa kabilang side.

Nakatitig saakin si Rasuken.

"Jocas dito ka nalang!"-Jalex.

Ngumiti din ako sakanya..

Nahihiya ako kay Rasuken kaya kay Jalex nalang ako tatabi. Katabi ko ang inspiration ko hahaha. Ampogi talaga niya.

Umupo na ako sa tabi niya.

Sumulyap ako kay Rasuken. Nakatingin siya sa labas ng bintana.

Nagiimagine siguro yan.

****Dismissal.

"Jocas pw---"

This is the time!

Mabilis kong hinabol si Rasuken dahil agad siyang lumabas ng room.

Di ko na tuloy pinansin si Jalex para lang makahabol kay Rasuken...

Pagdating ko sa hallway.

Nawala siya?? Nasan na yun?! Nakita ko siyang lumiko dito eh.

Naku naman -_- baka umuwi na yun.

Sayang. Pinahanda ko pa naman ang stage sa gym para sakanya.

"Why are you following me?"

Halos mapatalon ako sa gulat nang may biglang nagsalita sa likod ko. Ang cold ng boses niya. Tsk. Kilala ko na to.

Agad akong humarap sakanya.

"Bakit kaba biglang sumusulpot jan?!" Singhal ko sakanya.

Tinaasan niya ako ng kilay..

Wutda?! Nagdududa na ako sa kasarian nito ha! Baka pusong babae talaga siya!

"Tss. Why are you following me?" Tanong niya ulit.

Bumuntong hininga ako. Suplado talaga.

"Nakaset na ang stage sa gym. Diba sasali ka sa Music club?"-ako

Di niya ako sinagot at

Tinalikuran nalang ako.

Naman!!! Di ko siya maintindihan!

Nakalayo na siya pero nakatayo parin ako kung saan niya ako iniwan.

Huminto siya sa paglalakad at humarap sakin.

Nagsalubong ang kilay ko.

Naglakad siya palapit ulit saakin.

Anlabo nito.

"Why are you still standing here?" Naiiritang tanong niya ng makalapit siya saakin.

Nalukot ang mukha ko. Di ko talaga siya maintindihan! Para siyang Math Problem na ang hirap masolve! Nakakadugo ng utak!

"Tsk"-siya. Tsaka niya ako hinawakan sa kamay at hinila.

Parang may dumaloy na kuryente sakin..

Ang lamig ng kamay niya..

Parang walang buhay..

Parang bangkay.

Sobrang lamig talaga.

"W-Wait. Where are we going?!"- naks. Napapaenglish na din ako.

"To that damn gym!"- he said coldly.

Ay oo nga

Engot ko talaga. Di ko manlang napansin na tinatahak namin ang daan papuntang gym.

Nakarating na kami sa gym.

Andamin tao! Andito ata lahat ng student ng Almante Academy.

Pati gradeschoolers nandito.

Nakita ko sa likod ng judge's table si Freya at Shaika.

Nanlaki ang mata nila ng makita nilang magkasama kami ni Rasuken, nalaglag naman ang panga nila nang mapansin nilang nakahawak parin si Rasuken sa kamay ko.

Tss.

T-teka! Nakahawak parin?!!

Agad kong inalis ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko.

Napatingin siya saakin.

"Tss"- Rasuken. Pumunta na siya sa stage.

Umupo na rin ako sa bakanteng upuan ng Judge's Table. Ako ang nasa gitna.

Narinig ko ang pagbungisngis ni Alaissa sa tabi ko.

"Kinikilig ako sainyo miss Jocas!" Tsaka niya ako hinampas sa braso.

Aray.

"Boyfriend mo ba siya?"-Alaissa.

Napakunot noo ako sa tanong niya.

"Hindi ah! Ngayon ko nga lang nakilala yan eh"

"Ay ganun"-Alaissa. Tsk...

Madaldal.

Nakatayo sa gitna ng stage si Rasuken habang nakatapat sa mic. Di pa siya nag sasalita.

Wala man lang 'Hi everyone'? Or 'hello?' Tss. Supladong bugok.

Inabutan naman ni Kyla(VP ng Music Club) ng mic si Alaissa.

"Uhm. Hi Jin!"-Alaissa.

Nakatingin lang sakanya si Rasuken. Naghihintay siguro ng sasabihin niya.

"E-Eh .. Anong kakantahin mo?"-Alaissa.

Tumikhim muna si Rasuken, bago nagsalita sa mic.

"I'll Be"- siya.

Napataas ang kilay ko.

I'll Be?? Nu yun?

Halos mangisay naman sa kilig yung mga babaeng audience. Pati na din tong mga katabi ko at yung dalawang baliw sa likuran ko.

Nagsimula ng tumugtog ang banda sa likod niya.

.. Injerness. Instrumental palang maganda na ang tono.

"~ The strands in your eyes~"

Natulala ako nang magsimula siyang kumanta. Napakaganda ng boses niya.

Y-Yung boses niya. Sobrang Pamilyar... Pilit kong iniisip kung saan ko narinig ang boses na yun

"~That colour them wonderful

Stop me. And steal my breath~"

Nakatingin siya sakin habang sinasabi ang lyrics ng kanta.

Saakin o sa iba? Assuming nanaman ako.

"~Emeralds from mountains

Thrust toward the sky

Never revealing their depth~"

Kilig na kilig lahat ng nasa paligid ko.

Ako naman nakatingin lang sakanya. Siya lang ang nakikita ko. Siya lang ang naririnig ko.

At ngayon sigurado na ako.

Na saakin din siya nakatingin.

"~Tell me, that we belong together

Dress it up. With the trappings of love~"

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Parang nagwawala yung mga paru paro sa tummy ko.

"~I'll be captivated. I'll hang from your lips

Instead of the gallows

Of heartache

That hang from above~"

Nakapako lang ang tingin namin sa isa't isa.

Parang may gusto siyang ipahiwatig.

Unti unti kong narerecognize ang boses niya..

Yung kagabi..

N-No..

H-He c..c-can't be..

Stranger lang siya Jocas. Wag mo siyang husgahan. Sabi ng isip ko.

Pero yung boses niya!

Yun ang hinding hindi ko makakalimutan!

"~I'll be, Your crying shoulder

I'll be a love suicide~"

Ang Boses na yun ang nakapagparamdam sakin na ligtas ako. Nung gabing takot na takot ako. Dahil sa may sumusunod saakin, at dahil sa mata niya. Alam kong hindi siya ang sumusunod saakin nun.

Pero nawala lahat ng takot ko ng dahil sa boses na yan.

"~And I'll Be better when I'm older

I'll be.. The Greatest fan of your life~"

Pero pula ang mata nun eh!

Tapos si Rasuken , itim.

Pero sila Edward Cullen, kaya nilang magpalit ng kulay ng mata!.

Di ko na alam ang iisipin ko.

Nagpalakpakan ang lahat ng nandito sa gym. Tapos na siyang kumanta

Tulala lang ako.

"Payag na ako! Welcome to the Music Club Jin!!"-Alaissa.

Sino ka ba talaga Jin Rasuken Lorvanh? Bat napakamisteryoso mo?

Naghiwayan ang lahat.

May sumigaw pa ng 'I LOVE YOU NA JIN!!!'

Nakakabingi sila.

****

Nagsialisan na ang mga tao sa gym.

Pumunta muna ako sa locker area.

Iiwan ko ang ibang gamit ko dito. Masyadong mabigat sa bag. Di na ako nagpasama kila Freya.

Nagpahintay nalang ako sa may gate.

Pagsara ko ng locker ko,

"AYYY EDWARD CULLEN!!! Ano ba naman Rasuken! Bakit ba bigla bigla ka nalang sumusulpot?!!" Singhal ko kay Rasuken. Nakasandal siya sa kabilang locker na katabi ko.

Hindi ko man lang naramdaman o narinig na dumating siya! Ang alam ko mag isa nalang ako dito sa locker area

Konti nalang talaga maniniwala na akong bampira to o kaya naman demon.

"Tss"-Siya

sunget!

"Bakit kaba nandito?"-iritang tanong ko.

Tsk. Bumibilis nanaman ang tibok ng puso ko.

"Nothing" tsaka siya naglakad at umalis ng locker area.

Eh? Ang hirap spellingin ng lalaking yun

Umalis na rin ako ng locker area at pinuntahan sila Freya sa may gate.

Di ko narin nakita si Rasuken

"Nakita niyo bang umalis si Rasuken??" Tanong ko sakanila.

Agad silang napangisi.

oh man

"Uuuuuuy. Hinahanap niya!!! Hahahaha!"-Freya.

Inirapan ko siya.

"Yiiieeeh! JinCas shipper!! Kyah! Parang Jin Cast lang ng Montello high!!!"-Shaika.

Anong JinCas naman yun?

"Tss! Sumagot nga kayo ng maayos!"-ako

"Ay masungit teh? Meron kaba ngayon?"-Shaika

Tinignan ko sila ng masama.

"Fine! Fine! Hindi namin siya nakita. Tayo nalang kaya ang natitira dito tsaka si Manong guard." Sabay turo ni Shaika kay manong guard na ngumiti naman saamin.

Ngumiti din kami.

"Tara uwi na tayo" aya ko sakanila.

Sumunod naman sila sakin sa parking lot habang lumulundag lundag at pumapalakpak.

"JinCasnatics! Ayiiehh!"-Freya

"JinCasnians! Kyaaah!!"-Shaika

"JinCas shipper!!! Wiiiiieeeeh!"-silang dalawa.

Napahinto ako.

"Ano ba yang JinCas na sinasabi niyo??!!!"-singhal ko

Napangiwi sila.

"Nge. Di mo alam? Jin & Jocas duh~"- Freya. Nagsalubong ang kilay ko.

Baliw na tong mga to.

"Magdrive ka Freya" sabi ko. Tsaka ako nahiga sa backseat.

Haaaaay. Nakakatamad kumilos.

Then umuwi na kami sa bahay.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free