Champagne's POV
It was midnight when Primos left. Doon sila sa gubat malapit sa La Telmene dumaan. I guess it's the only way out kung dito sa Sunkenin City mangagaling.
Pagkaalis nila ay agad kaming nagdasal sa mga Pandarens na gabayan sila.
"You think they can do all their tasks without getting hurt?" tanong ni Bubblegum.
"Of course! They are the Primos! Come on Bubble we all know that they're the strongest!" may halong pagkasarkastiko sa boses ni Myrtle.
Madaling araw na ngunit ni isa amin ay walang gustong matulog. Probably because natatakot rin kami sa maaring mangyari sa aming mga magulang.
"Who will be incharge habang wala sila?" tanong ni Silver.
"Cardinals, that what I've heard." kibit balikat na sumagot ni Carlie.
"Pero andyan naman ang Infinitius at sila Grandpa and Grandma." sagot ni Teal at nag-iwas ng tingin si Carlie.
Ano bang meron sa dalawang ito? Kahapon ko pa sila napapansin.
"Tell me Carlie, anong meron sa inyo ni Teal?" bumaling sa akin ang bestfriend ko habang ang iba naming kasama ay kumukuha ng pagkain na niluto ni Flax.
"Nothing but a dare Chammy. Hindi ko na sana sasabihin sayo kaso nagtanong ka. Natalo ako sa pustahan namin eh. Nakakainis nga ginagawa niya akong alipin ngayon! Hindi ako makalapit kay Silver." pumanghalumbaba siya at nagpout.
Sinundan ko ang direksyong tinitingnan niya at nakita ko si Bubblegum na kumakain kasama si Silver. Wala akong makitang chemistry sa dalawa pero itong si Carlie selos na selos ata.
Bawas pogi points na naman for Teal.
"You really hate my cousin eh?" panong hindi eh bukod sa napakamapang asar ni Teal, kay Carlie ata siya pinakasalbahe simula palang noon.
At kitang kita ko ang tuwa sa mukha ni Teal sa tuwing iiyak si Carlie at isusumbong siya kila Tito Flamey at Tita Garnet. Pero mas natutuwa si Teal ng matutong lumaban sa kanya si Carlie, nanghahampas kasi ito sinusuntok sa dibdib o braso si Teal.
Aso't pusa.
"I hate his guts. Buti pa si Silver." bumuntong hininga siya.
"Psh. Manhid mo din talaga eh. Puro ka Silver eh hindi ka nga pinapansin." tumawa ako ng mahina at kinurot ako ni Carlie.
"Napakasupportive mo talaga!" umirap siya.
"What are doing with my girl Chammy?" napalingon ako kay Teal na umiinom ngayon ng mainit ng chocolate drink.
"My bestfriend isn't your girl." I teased him.
Kumunot ang noo niya.
"Ask her in front of me." bakas ang inis sa tono ng boses niya.
"Nah no need. Iwan ko muna kayo. I'll get my choco drink too." tumayo ako habang nakangisi.
"Here's for you Ast." bakit siya ang nagdala?
"Thank you Az." poker faced kong saad.
Ngayon wala na akong dahilan upang makalapit kay Flax na kinakausap ni Myr.
Napabuntong hininga ako ng malalim. Panira talaga si Azure.
Buti pa pinsan ko kahit sa malupit na paraan nakakalapit sa gusto noya samantalang ako nakatayo dito habang nasa likuran ko ang lalakeng pinaka kinaiinisan ko.
"Good morning Princess Champagne." lahat ng atensyon namin ay nabaling sa isang lalakeng may blonde na buhok.
Ang unico hijo ni Mistress Racie.
"Good morning ugh....." babatiin ko sana siya pabalik ngunit hindi ko pa alam ang pangalan niya.
Lumapit ito sa akin at naglahad ng palad.
"Rouie Deepiole." inabot ko ang kamay niya saka ko narinig ang tikhim ni Azure.
"Azure Kyero Hydrakis, Prince of Undines and Champagne's special friend." siniko ko si Azure dahil sa kanyang sinabi.
Ang kapal ng mukha! Special enemy kamo!
"Don't mind him Rouie. Halika ipapakilala kita sa iba." sumunod sa akin si Rouie at nakipagkilala rin sa iba ko pang kasama.
Myrtle seems to lack interest on him. Mukhang si Flax na ang next target niya. Playboy and a playgirl.
Umiling ako. Should I give way or not? Infatuation palang naman itong nararamdamn ko for Flax.
"Bubblegum Xylia Dustpin." pinagpag muna ni Bubble ang kamay niya bago nakipaghand shake kay Rouie.
"Rou.....ie." maikli at nauutal na pakilala ni Rouie.
Heh? Bakit siya nauutal? Napansin kong namumula rin ang kanyang mga tenga.
Cute.
"You want to eat dude?" alok ni Flax at sumalo sa amin si Rouie.
Patay na raw ang Papa niya bago pa siya ipinanganak kaya naman sobrang protective raw ng Mama niya kanya.
Ng matapos kami ay may nakita naming gising na ang Infinitius. Lumilibot sila upang icheck ang iba pang Elementians dito sa Sunkenin City.
Hindi lang naman kasi iilan ang Royal Bloods dito. Yung sa bloodline ng iba ay hindi ko pa masyadong kilala pero alam kong marami rami kami.
"What should we do now habang inaantay ang pagbabalik ng Primos?" tanong ni Carlie.
"Let's do some sparring!" masiglang saad ni Myrtle.
Sumang ayon kaming lahat tutal iyon lang rin ang tanging naiisip ko sa ngayon, ang magpalakas. Pero syempre bukod pa rin ang
"Fight with me Rouie." matigas na saad ni Azure.
Kita ko ang madilim na pagninitig niya sa binatang aking katabi.
Problema na naman nito? Nahawaan na talaga ng pagkapasaway at pagiging bully ni Teal.
Tumingin muna si Rouie kay Bubble saka bumaling sa akin.
"Pagbigyan mo na. Naghahanap ng bagong pwedeng kalabanin." I gave him a reassuring smile.
Nagnod si Rouie bago sumunod kay Azure.
Doon sila pumwesto malapit sa Mini Lake na ginawa ng Undines at Gnomes.
Parehas namin silang may kakayahang icontrol ang tubig kaya walang dehado sa kanila.
"Chammy ikaw na ang referee." tinapik ni Teal ang aking balikat.
"Yeah right whatever." I rolled my eyes at tumawa sila Flax.
Pumagitna ako sa ganadong si Flax at sa kabadong si Rouie.
Sino ba namang hindi kakabahan? Anak ng isang miyembro ng Primos si Azure, idagdag pa ang height niyang mataas at ang postura niya ngayon. Parang sinisindak niya sa tingin pa lamang si Rouie.
"Az vs Rouie, start!" I shouted at agad na tumalon saka umikot patalikod upang ibigay ang katamtamang espasyo sa dalawa.
Tinutubuan na iyon ng mga damo at ilang bulaklak kaya't masasabi kong parang ito na rin ang kinagisnan naming lugar. Ang pinagkaiba nga lang, walang araw o buwan dito dahil nga nasa ilalim ka.
"Azure easy dude!" humalakhak ng malakas si Teal.
"Hindi naman niya aagawin si Chams sayo!" I glared at Myr pero nagkibit balikat lamang siya.
Muli akong tumingin kila Azure at Rouie na ngayon ay dumidistansya sa isa't isa.
Si Rouie ay mayroon ng ilang galos at sugat samantalang si Azure ay nabasa lamang ang Cloak.
Is he that good already? Parang dati ay mayabang lang siya ngunit walang ibubuga. Naalala ko tuloy iyong panahong 7th birthday ni Silver. Hinamon ako ni Azure at pinagbigyan ko siya. Una ay puno ng hiyawan ang paligid namin pero ang sunod na nakita ko ay hawak hawak ko ang braso ni Azure habang nakahiga siya sa putikan, nabalibag ko siya.
Napailing ako, maybe puberty hit him that hard kaya lumakas siya, tumangkad at gumwapo. Wait what?
Oo na gwapo na pero mas gwapo pa rin si Flax.
Sabay silang gumawa ng Waternado ngunit di hamak na mas malaki ang kay Azure.
*(Waternado - imbis na hangin ang umiikot ng mabilis ay tubig. I can't call it whirlpool dahil wala naman sila sa sea or ocean.)*
Parehas din silang nagkatamaan pero agad nakaahon si Azure gamit ang mga pakpak niya.
Para siyang Syldine kung titingnan pero ayon sa alamat orange ang pakpak at buntot ng Syldine. Hindi gaya ng kay Azure na kulay bughaw.
Syldine's wings are more visible dahil kapag wings lang na gawa sa kapangyarihan namin, except sa Sylphs, faded ang itsura at kulay nito. Mas nakakatagal din ang isang Syldine in both form pero si Azure ay hindi.
Nawala ang mga pakpak niya ng hindi pa nakakaahon si Rouie mula sa Mini Lake.
Sumisid si Azure at sadyang napakabilis niya, iyon nga lang halata ko na ang pagkahapo sa itsura niya.
"Go Azure!" sigaw ni Flax saka ito umakbay kay Silver.
"Para kay Champagne!" napailing ako at agad silang binato ng maraming Black Aura Balls.
"Hoy Chammy wag kang pikon! Is that your defense mechanism para hindi namin mahalatang kinikilig ka?" ngumisi sa akin si Myr pagkatapos niyang gumawa ng napakalaking shield na sumakop sa kanilang lahat.
Padabog kong pinadyak ang aking mga paa.
Bakit ba inaasar nila ako sa bwisit na ito?! Nakakawala sa mood. Sana manalo si Rouie.
Nanlaki ang aking mga mata ng parehas ng walansa Mini Lake sila Azure at Rouie. Kapwa sila walang pang itaas kaya nag-iwas ako ng tingin.
Sige ikaw na Azure ang may 6pack abs. Leche!
Mula sa peripheral view ko ay kita ko ang pagkilos ni Rouie.
Okay this seems to get more exciting. Nagkakaroon na ng confidence si Rouie.
Hindi ko na lamang pinansin pa ulit ang mga katawan nila sa halip ay itinuon ko ang aking atensyon sa mha taktika nila.
Naglabas ng isa malapad na sword si Rouie. Kulay light blue iyon at mayroong umiikot na tubig doon mula sa kamay niya paitaas.
"Oh ano Azure hindi ka maglalabas ng weapon?" pangungutya ni Teal.
"No need bro! Partidahan ko na!" ngumisi si Azure.
Napakahambog talaga ng isang ito.
"Go RouRou!" sigaw ko at nag thumbs up sa akin si Rouie habang si Azure ay tinitigan ako ng matalim.
Wala akong pake sayo self centered Undine!
Sumakay sa Water Disc si Rouie habang si Azure ay tumakbo papasalubong sa kanya.
Psh akala mo kung sinong magaling!
Masasaksak na sana ni Rouie si Azure ng bigla itong nagpadausdos pailalim sa Water Disc.
What the heck? Gaya gaya ng moves? Slide rin ang peg?
Napairap ako ng di oras.
Umikot ng mabilis si Rouie upang mahagip pa rin si Azure ngunit sa pangalawang pagkakataon ay hindi pa rin siya nagtagumpay.
Napanganga na lamang ako ng hinawakan ni Azure ang parte ng Water Disc na katapat niya saka niya iyong buong pwersang pinabaliktad.
Nalaglag si Rouie una ang likod.
"Holy Milkteas!" daing ni Rouie.
"Nice one Azure!" sigaw ni Carlie.
Hindi ko inintindi ang kakaibang move ni Azure, sa halip ay lumapit ako kay Rouie.
"Suko na ako Princess Champagne." he said and gave me a weak smile.
"I understand. Halika at ipapagamot ka namin." umiling siya.
"Self heal can do but I also want those medicines and potions from Princess Bubblegum." napataas ako ng isang kilay sa kanya.
"Okay. But stop calling us Princess or Prince, you're an Elementian also so we're almost the same." inalalayan ko siyang makatayo.
"But almost is never enough." wow lalim nun hah? Ngumiti na lamang ako sa kanya dahil wala na akong maisagot sa sinabi niya.
"Bubble! He needs some meds!" pinaupo ko si Rouie sa tabi ni Bubblegum at agad itong naglabas ng mga gawa niya.
"Ehem." I felt someone poked me habang nanunuod sa paggamot ni Bubblegum kay Rouie.
"What?" irita kong tanong.
"Make your final announcement Princess Astrid." ngumisi na naman siya at napilitan akong tumayo.
Baka kapag hindi ko siya sinunod ay mas lalo lang siyang mangulit.
"Azure Kyero Hydrakis wins!" kinuha niya ang kamay ko at inihawak sa kamay niya saka iyon buong giting na itinaas.
Naghiyawan sila Flax, Silver, Myr at Carlie.
"Simpleng tsansing hah?" uminit ata ang pinsgi ko sa sinabi ni Teal at agad akong lumayo kay Azure.
Kaso ilang hakbang palang ang nagagawa ko ay napigilan na ako ni Azure.
"You won't congratulate me?" may halong pagtatampo sa boses niya.
"Congra......" isang sigaw ang nakapagpatigil sa akin. Malapit ito sa amin at pakiramdam ko, pamilyar ang boses na iyon.
"Tulong po! Tulong po! Ate! Wait kapit ka lang! Hihingi ako ng tulong!" pagpapanic at hikbi ang namamayani sa tinig na iyon.
Mabilis akong tumakbo upang puntahan ang pinanggagalingan noon.