HinovelDownload the book in the application

3 - Mission Failed

Champagne's POV

Mabilis kong tinapos ang aking pagkain saka ako tumayo upang umalis.

"Chams, saan ka pupunta?" tanong ni Myr at halos lahat sila ay napatingin sa akin.

"Gonna talk to the Infinitius." sagot ko.

"Tungkol ba ito kay Lilith? Alam mo namang naparurusahan na siya by now." pagsabat ni Teal.

"Hayaan mo na siya Teal." suporta ni Silver sa akin.

"Samahan na kita." Az presented at umiling ako.

"No need Az." napailing siya sa aking sagot.

"Si Carlie na ang sasama." Bubble insisted.

"Go ahead na guys." Flax shooed us and I rolled my eyes.

Tumayo si Carlie at agad kaming nagtungo sa Head Office nila.

"What are you up to Chams?" tanong niya sa akin.

"Magkasama ba si Sol at Leo?" pertaining to our Eidolons. Tumango siya pero tumigil sa paglalakad para harapin ako.

"Seriously Champagne?" kabisado talaga ako ng babaeng ito. Just like how her Mom, Tita Garnet can read my Mamay's actions and gestures.

"Kanina ka pa bothered." napabuntong hininga ako sa tinuran niya.

"Wala talaga akong ligtas sayo ano?" tumawa ako ng bahagya.

"Look Carlie, it's been a month since we last saw the Infinitius. Kung ano man ang mission nila, mukhang nahirapan sila doon at sa tingin ko hindi sila nagtagumpay based on their faces kanina." hindi talaga maganda ang kutob ko sa kung ano mang ginagawa nila.

"You've changed Chammy. After Manarens left, curiosity hit you like a bang!" natawa ako ng bahagya sa sinab niya.

"Their last words left a mark on me." tugon kong mahina.

"Let's go. Andun na sila sa Fierylisia Hall." tinig ng pamilyar na boses sa sakin.

Bigla kong hinila si Carlie papasok sa isang walang taong classroom malapit sa isang hagdan.

"Chammy? Anong ginagawa mo?" tanong niya at sinenyasan ko siyang tumahimik.

"They're going somewhere, we need to follow them." tumango sa akin si Carlie.

Hinintay ko munang humina ang nga footsteps na naririnig namin mula sa labas saka kami umalis.

We are almost 20 steps behind them at hindi ko alam kung saan ang Fierylisia Hall na sinasabi nila.

"Fierylisia? Isn't that your Grandparents' combined surnames?" bulong ni Carlie.

Bakit ba napakaslow ko sa ganitong topic? Kung di niya pa binanggit ay hindi ko iyon mapapansin.

Tumuloy ang Infinitius sa loob ng Head Office nila at agad kaming pasikretong sumunod bago pa magsara ang pinto.

Itinuro ni Carlie ang isang book shelf na unti-unting nagsasara kung kaya't hinila ko siya ng mabilis para makalusot kami doon.

Inilabas ko ang aking Black Stick upang mapigilan ang book shelf at patagilid kaming dumaan doon.

Dumilim ang katamtamang pasilyo na kinaroroonan namin ng magsara ng tuluyan ang book shelf.

"Carlie, gawa ka ng maliit na torch." agad sumunod si Carlie at lumitaw ang maliit na kulay dilaw niyang apoy.

"We're going down?" pagtataka ni Carlie ng makita ang isang hagdan.

Mahina ang mga hakbang na ginawa namin hanggang sa makarating kami sa pinakadulo niyon.

"Didn't know they have this underground facility." sabi na ba, may hindi tama eh.

"Shhhhh. Mukhang marami sila doon." tinuro ni Carlie ang double doors na gawa sa bakal. Ang pintong simbolo ng mga lahi sa Arkaios ay nakaukit doon.

Paano ba kami makakapasok ng hindi nila nalalaman?

"How can we get informations kung ganyan ang pinto? Paniguradong makikita nila tayo kapag sinubukan nating pumasok." mahinang reklamo ko kay Carlie.

"Easy Chams." itinutok ni Carlie ang index finger niya sa isang gilid ng pinto.

Mula doon ay lumabas ang manipis na ray of fire diretso sa pinto. Pinaikot niya iyon ng ilang ulit hanggang sa bumagsak sa isa niya pang kamay ang bilog na parte ng pinto.

"Cool! Nakagawa ka ng butas!" sumilip ako mula doon at nakita ko ngang napakadami nila sa loob!

"Our parents are here?" bulalas ko at itinulak ako ng bahagya ni Carlie upang makasilip.

"Oh my? What are they doing here? Akala ko gagawa pa sila Mommy and Daddy ng kasunod ni Maroon." napahagikhik ako sa sinabi niya.

Hindi pa pala sapat kila Tita Garns at Tito Flame ang tatlo nilang anak na sila Carlie, Chil at Roon.

"Wait! Di tayo kasya dyan eh. Gawa ka pa ng isang hole." agad sumunod si Carlie at ginawan ako ng para sa akin.

Natuon ang atensyon naming dalawa ng magsimula ang tila pagpupulong sa pagitan ng Infinitius at ng Primos.

"We failed." bungad ni Lord Lorcan na katabi ang asawang si Lady Lachise.

"Still we can't find them." ang sabat ni Lady Astrean katabi si Lord Ronan.

"Are we going to continue this?" tanong ni Lord Yohhan na hinawakan ang kamay ng kabadong di Lady Cleatha.

"We need them, lalo na ang anak ni Yuko. Baka ipapatay siya ng Cardinals." problemadong tugon ni Queen Seren este ni Mamay.

Anak ni Tita Yuko? Iyon ba ang batang babaeng may iba't-ibang kukay ang buhok?

"Can you keep searching?" pakiusap ni Tito Frost.

"Of course. We will try again." sagot ni Lord Kogan na sinang-ayunan ng katabi niyang si Lady Aletheia.

"Kung may lead lang tayo sa kinaroroonan nila Drake at Yukie, matagal na nating nahanap ang bata." pagsingit ni Papay.

"How about your mission?" tanong ni Lady Cleatha.

"We are still looking for those. Hindi kami susuko." saad ni Mamay.

Nagkatinginan kami ni Carlie at parehas kaming naguguluhan.

I forgot the name of Tita Yuko's daughter. Iisang beses ko lang naman kasi nakita iyon.

At bakit hindi nagpapakita sa amin ang parents namin gayong napunta naman pala sila dito?

Ano iyong hinahanap nila?

"Isn't that the informations you needed?" tanong ni Carlie.

Gusto ko pa sanang magtagal ngunit baka mahuli kami na nakikinig sa kanila.

Mabilis ngunit maingat kaming umakyat ni Carlie palabas ng Fierylisia Hall.

"Wait, pano tayo makakaalis dito?" I asked Carlie.

"Chammy, uso mag-isip." napasimangot ako sa sinabi niya.

Hindi naman sa hindi ko matalino, sadyang pre occupied lang ang utak ko ngayon.

May hinila pababa si Carlie na isang piraso ng bakal at biglang sumilay ang ilaw mula sa Head Office ng Infinitius

"Pano ka nakakapag-isip kahit pa may gumugulo sa utak mo?" I asked Carlie ng makalusot kami.

Nagkibit balikat lamang siya at nagtungo kami sa pinto palabas.

"Wait." pagpigil ko ng muntikan na siyang lumabas kaagad.

Ako ang humawak sa doorknob saka iyon dahan dahang inikot.

Baka may Elementus na rumoronda sa labas. Mahirao na baka mahuli kami.

Binuksan ko ang pinti ng bahagya, tama na para makasilip ako sa labas.

"Okay clear." lumabas kamk agad at nagtatatakbo hanggang sa makalabas kami ng building.

Pawisan at hinihingal kaming tumigil sa Open Field kung saan maraming Elementals ang nagsasanay.

"Good afternoon po President!" bati ng ilang estudyante at tipid akong ngumiti sa kanila.

I can't be friendly with them. Dapat malaman nilang may fine line between them and me as their Student Council's President.

"Di talaga nakakapagtaka kung bakit maraming takot, ilag at galit sayo. Napakasuplada mo." kinurot ni Carlie ang aking pisngi at sumimangot ako.

"You know my reasons Carlie. Ayokong api apihin ako gaya ng nangyari kila Grandma and Mamay." I stated at tumango si Carlie.

"Tingin mo nasa Cloudria pa sila?" tanong ko.

"Siguro. Tara tingnan natin." hinila ako ni Carlie pabalik sa lugar na pinag-iwanan namin kila Teal kanina.

"Uy they're back!" puna ni Silver na katabi ang isang babaeng kung makatingin sa kanya ay napakalagkit.

"Ehem selos." siniko ko si Carlie na nakabusangot ang mukha.

"What happened?" tanong ni Teal.

"Wala. May ibang kausa....." naputol ang pagsasalita ko ng lumapit si Teal kay Carlie.

"Di ikaw ang kausap ko Chams." aba! Padabog akong umupo sa isang tabi ni Myrtle na ngayon ay mayroong kausap na lalake.

Manliligaw na naman niya ata. Si Flax na nasa kabing table ay pinaliligiran ng mga limang babae.

Harot din ng isang ito.

Si Bubblegum ay tahimik na kumakain habang si Azure kunot noong nakatingin sa akin.

Nag-iwas ako ng tingin at lumipad na ata ang utak ko pagkatapos.

Thoughts filled my mind again. Bakit kailangang mahanap iyong anak ni Tita Yuko? Atsaka nasaan ng ba sila? Si Tito Drake, Tita Yukie, ang asawa ni Tita Yuko na si Tito Nap?

Bakit siya ipapapatay ng Cardinals?

So there are two teams, Primose and the Infinitius, searching for something and someone we don't know.

Mukhang kailangan kong nagresearch. Ibang usapan na kapag may namamatay. Hindi lang siguro rivalry against Primos ang dahilan ng mg Cardinals.

Naramdaman kong may kumukurot sa aking braso at napangiwi ako.

Dapat ba ang akong magpasalamat dahil natigil ang pag-iisip ko sa mga bagay na dapat ay hindi ko pinapakealaman?

Lumingon ako at nakita ko si Az na nakatitig sa akin. Bakit katabi ko siya ngayon?!

"Oh what do you want?" tanong ko at pasimpleng sumilip sa ilalim ng mesa upang icheck ang paa niya.

"Nagamot ko na iyong sugat but it would heal faster kung hahalikan mo." napangiwi ako sa sinabi niya.

"Kadiri ka! As if naman hahalikan ko ang paa mo!" umirap ako sa kanya at narinig ko ang pagtawa niya.

"Oh eh di dito mo nalang idampi ang labi mo." hinawakan niya ang aking baba at iniharap ako sa kanya saka itinuro ng isa pa niyang kamay ang kanyang pisngi.

"In your dreams!" tumayo ako upang makalayo sa kanya ng bigla siyang tumawa ng mas malakas.

Siraulo talaga.

"Yup, in my dreams. That happens every night." seriously? Hindi niya ako madadaan sa pambobola.

"Saan ka pupunta Chammy?" naulinigan ko ang boses ni Teal.

Itinuro ko ang mga upuan sa labas ng Cloudria.

"I need fresh air! Baka mapollute ako ng kasamaan ni Az!" nakita ko ang pagpout ni Az sa sinabi ko.

Nagpatuloy ako sa paglalakad ngunit napahinto rin naman agad.

"Good afternoon students of La Telmene. We will have our General Assembly tomorrow on the Open Field at exactly 8 in the morning. Don't be late so you won't miss our announcement." isang Aerial Message.

Halos lahat ay iyon na ang naging bulung bulungan pagkatapos.

Ano na naman bang pakulo ito?!

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free