HinovelDownload the book in the application

6 - Stampede

Champagne's POV

Mainit na pares ng braso ang tumulong sa akin upang tumayo.

"Hindi tayo pwedeng umalis ng ganito! Mahihirapan tayong tumakbo Az!" sigaw ko iyon sa kanya.

"We need to! Kailangan nating puntahan ang parents natin." napasinghap ako sa sinabi niya.

Oo nga pala, andito sila Mamay at Papay. I also need to find Solace. At nandito rin kaya si Erine?

"Sht. We need to fly! May stampede sa harap natin!" sigaw ni Carlie.

Not all Elementals can produce wings, tanging Elementians ang nakakagawa noon.

Sumalungat kami sa daloy ng mga tao at agad na nilabas ang mga pakpak namin. Bawat isa sa kanila ay nagnanais makaalis agad ng La Telmene.

Huminto ang pagyanig ngunit ang lupa ay nagkakaroon ng malalaking tipak.

"Aaaah!" sigaw iyon ng isa dahil sa pagbuka ng lupa.

Lumipad kami at natanaw ko sila Mamay at Papay, kasama ang Primos, Cardinals at Infinitius pati ang mga Elementus na patungo sa gubat.

May ilang Elementals ang nakasunod sa kanila ngunit halos karamihan ay kasama sa Stampede. Marami na ang nadadaganan at naaapakan ngunit wala ng pakialam ang iba doon.

Muli kong tiningnan ang direksyon nila Mamay at Papay.

For Coonies' sake! Bakit ngayon ko lang ito naalala! Hindi sila dapat doon tumungo!

Sht. Hindi pwede.

"They can't go there." eksaktong natapos akong magsalita ay nagsilabasan ang mga creatures mula doon.

Mga Centaurs, Alitaurs, Vipers, Scorder, GigaFrog at iba pa.

*(Scorder - scorpion plus spider.)*

"What the heck?" nagpasigaw si Silver dahil nilalabanan iyon ng mga Elementus. Bawat haharang sa dadaanan nila.

"We need to hurry!" sigaw ni Azure.

Sinubukan kong bilisan ang paglipad ngunit sadyang nanghihina na ata ako. Mabuti na lamang at nakaagapay sa akin itong Undine na katabi ko kung hindi baka kanina pa ako nahulog.

"Leo!" nakita ko ang lumilipad na Eidolon ni Carlie. Pinaghalong Golden Squirrel at White Tiger, isang Squiger. Kulay white and gold ang furs nito na bumabalot sa Tiger built body nito. Samantalang ang paws at features ng mukha maging ang buntot ay sa Squirrel. Kaya rin nitong magshape shift kung kaya't may pakpak ito ngayon.

"Adelaide!" this time si Azure ang sumigaw.

Nakita ko ang kanyang Eidolon na isang Shaphin, hybrid of Dolphin and Shark. Ang built nito ay kagaya ng sa isang Shark ngunit ang fins at mukha ay katulad sa isang Dolphin, at may butas din sa likuran.

"Come on Ast!" hinila ako ni Azure bago pa makatanggi.

Iginiya niya ang aking mga kamay payakap sa kanyang bewang dahil bumilis ang paglipad ni Adel.

"Ang layo na nila!" sigaw ni Carlie. Ni hindi ko man lang natanaw kung nandoon si Erine!

Nakita kong katabi na rin ni Teal si Polaris at nagpatuloy kami sa paghabol sa aming parents.

"Zube baby!" boses iyon ni Myrtle.

Isang Cagasus ang kanyang Eidolon. Lahi na pinaghalong Cannis at Pegasus. Maamo ito tingnan kagaya ng Cannis ngunit ang laki at katawan ay kagaya sa isang Pegasus. May pakpak din ito ngunit ang buntot ay sa isang Cannis din.

"Capella!" napalingon ako kay Flax at nakita ko ang malaking bulas niyang Eidolon.

Iyon ay pinaghalong Bear at Kangaroo, ang Bearoo. Kagaya ng Bear ay nakakatakot ang itsura nito ngunit kaya nitong tumalon ng mataas. May bulsa din ito at ang mga paa ay kagaya sa isang Kangaroo habang ang mga kamay ay katulad sa Bear.

"Ayan na si Draco!" nakita ko ang pag-asa kay Bubble.

Isang pinagsamang Deer at Scorpion ang Eidolon niya. Deepion ang tawag doon. Malaki ito di hamak sa pangkaraniwang Deer ngunit ang buntot nito ay kawangis ng sa isang Scorpion. Kaya rin nitong makalason at pumatay gamit iyon. Ang mga paa nito ay kagaya sa isang Scorpion ngunit ang binti ay sa Deer.

"Finally Eula!" si Silver ay nakita kong katabi ang Eidolon niya.

Nakakamangha ang magkaibang kulay ng mga mata ng kanyang Eidolon na isang Doper. Ang kanang ay Crimson habang ang kaliwa ay Blue. Pinaghalo kasing Crimson Viper at Blue Dove ang parents nito. Ibon na kulay Viper na may kaunting highlights ng puti, buntot na kagaya ng sa Viper at kakaiba sa lahat ng ibon dahil may dila ito.

"Chams are you okay?" litanya ni Sol na nasa gilid ko na pala.

Tumango ako at nahagip ng aking mga mata sila Bubblegum at Flax na nasa lupa na.

Madali nilang naiiwasan ang mga nagwawalang creatures. Nakakatakot!

"Myrtleee!" impit na sigaw ni Bubblegum.

Kitang kita ko ang pagsugod ng isang Centaur sa kanya at kay Draco na Eidolon niya.

Pero napasinghap ako ng makita kong kinakain ng Centaur ang paa ni Draco!

What in Arkaios is this?!

Nilinga linga ko ang paligid at ganoon ang nangyayari sa buong La Telmene!

"Chammy! Tulu...ngan mo kami!" gamit ang special ability ni Draco ay narinig ko ang umiiyak na si Bubblegum.

Ang mga creatures ay agresibong umaatake sa mga Elementals na makakasalubong nila pagkatapos ay kakainin nila ang mga iyon.

Dugo, buto, mga lamang loob ang nagkalat sa damuhan.

"What the actual fvck?!" iyon ang nasabi ni Teal.

Agad kaming bumalik upang tulungan si Bubblegum. Nakita kong nilalabanan niya ang Centaur ngunit mas malakas ito sa kanya.

Nakakapagtaka, dahil ang sabi ni Mamay, walang agresibong creatures dito. Tanging nasa Sacred Fortress ang mga iyon, doon nahihimlay.

Pinatalsik ng Eidolon ni Flax na si Capella ang Centaur sa isang hampas lamang.

Iyak ng iyak si Draco habang dumudugo ang isang paa nito habang si Bubblegum ay humihikbi.

"Get your shts together Bubbs! Maglabas ka ng Flying Leaf! We need to get out of here!" sinampal ni Myr si Bubblegum at tila effective iyon.

Muli kaming pumunta sa ere maliban kay Flax.

"Be safe Flax Craigen!" sigaw ko sa kanya at kinindatan niya ako.

Pinilit ko pa ring tanawin sila Mamay at Papay ngunit hindi ko na magawa. Nasa loob na sila ng gubat.

Sigawan at iyakan kasama ang mga ungol at tunog ng mga kumakaing creatures ang naririnig ko.

Nakakabingi! Nakakakilabot! Sana bangungot na lamang ang lahat at sa totoong mundo ay pinagpapawisan lamang ako ng malala.

Sana bulabugin na ako ni Teal upang magising sa hindi magandang tanawin na ito.

"Tulong po! Ate! Ate! Ang Ate ko!" nakita ko ang isang bata na sa tingin ko ay freshman na nakasubsob sa damuhan.

Pinipilit nitong makagapang patungo sa Ate niyang dinadaganan ng isang Mini Cyclop.

"We'll teleport!" iyon ang sabi ko at tumango si Sol.

"Sasama ako!" humawak sa akin si Az kaya bago ko pa siya pagbawalan ay naisama ko na siya.

Nilabas ko ang aking Black Stick at sa isang iglap ay nasa likuran ko na ang batang freshman.

I need to this! Bilang prinsesa at SC President! Bilang isang mamamayan ng Arkaios!

Hinampas ko ang Mini Cyclop ngunit kaunting sakit lang ata ang nadama nito.

Tumitig iyon sa akin gamit ang mga mata niyang namumula.

"Az! Ilayo mo na sila dito!" sigaw ko kay Azure.

"I can't leave you here Ast!" sigaw niya pabalik sa akin.

Nagpakawala ng isang Water Bomb si Azure at tumalsik ang Mini Cyclop.

Agad kong dinaluhan ang Junior student na kapatid noon Freshman.

"Solace! Pakibantayan sila!" panay pa rin ang sigawan at iyakan sa aking paligid.

Ghad this is breaking me. Parang anytime ay bibigay na ako sa nangyayari!

Kinakalaban ni Azure ang Mini Cyclop ng biglang dumating ang mga kasamahan nito! Ngayon ay tatlo na sila.

"I can handle this Ast!" saad ni Azure at nagpakawala ng Water Wave na sinundan niya ng Water Spears. Maging si Adelaide ay tumulong na sa aming dalawa.

"I can't leave you also!" nakita ko sandali ang pag-angat ng gilid ng kanyang labi.

Jerk!

"Kasama na nila sila Pa and Ma! We need to get there Ast! May pagtataguan sila!" iyon ang narinig kong saad ni Azure.

It's either kinausap siya ni Bubblegum o ang Enhanced Hearing Ability ni Adel ang ginamit niya.

"Where are they?" tanong ko at nagpakawala ng Black Wheels upang sugatan ng malalim ang mga Cyclops. I can't kill them, I don't have the guts to do so.

"Heart of the Forest." sagot ni Azure at gumawa ng isang Water Space na sasakto sa tatlong sugatang Cyclops.

Nagwala ang mga ito ngunit ng tuluyang makulong ay hindi na sila nakagalaw. Bakas sa mukha nila ang galit at pagkagutom.

Cannibalism? Or more like Elementalism?

Binalot ko ang Water Space ni Azure gamit ang Black Aura ko na aking pinadaloy papunta doon.

Iba na ang sigurado upang hindi sila makaalis doon.

Sa kwento ni Mamay, nasira nila ni Tita Garnet iyong Water Space ni Tita Rairi. Ugh. Ayoko man siyang tawaging Tita but Mamay insisted it. Bilang respeto man lang daw. As if namang nirespeto siya ng babaeng iyon?

Okay shut up rude Chammy.

"Ast!" napalingon ako kay Azure ngunit may matigas na bagay ang tumama sa mukha ko.

Napasubsob ako sa sobrang sakit.

Sht naman! Nahihilo ata ako!

Napadapa ako dahil sa pagsulpot ng isang Alicorn sa harap ko.

Gaya rin ng iba ay nanlilisik at namumula ang mga mata nito.

Umungol ito ng pagkalakas lakas. At sinunggaban ako.

Agad kong pinorma ang Dark Rapier ko mula sa aking Black Aura.

"Ast! Hintayin mo ako!" napansin kong may kinakalaban siyang isang Spider Monkey.

Hinarap ko ang aking kalaban na nagngingitngit na sa galit. Hindi sila ganito noon, this creatures used to be tamed and friendly.

Sinaksak ko ito gamit ang aking Dark Rapier sa kanyang paa.

Napaatras ito kaya kahit masakit ang ulo ko ay ginawa kong tumayo upang makalayo.

Pero agad itong nakalapit dahil sa mabilis na paglipad nito.

Iniharang ko ang aking sandata subalit ang kamay ko ang nakagat nito.

"Aaaaah!" napaluhod ako sa sakit at nawala ang Dark Rapier ko.

"Astrid!" dumalo sa aking si Azure na tagaktak ang pawis.

Naglabas ng Water Chain na ipinulupot niya sa Alicorn.

"I'll be back! Hold on Ast! Please!" hindi ko napansin ang facial expression niya pero dama ko ang takot sa boses niya.

Natuon ang atensyon ko sa aking kamay na nilalabasan ng sariwang kulay lilang dugo.

Ang sakit! Naiiyak na ako sa sobrang hapdi at kirot. Kita ko na rin ang ilang laman doon parteng natanggalan ng balat.

Dahan dahan akong pumunta kay Sol na bakas ang pag-aalala sa mukha na katabi ang dalawang Elementals na niligtas namin.

"President! May sugat ka po!" tarantang sigaw nung Freshman.

"Inumin niyo po ito upang mapigilan ang pagdurugo." inabot niya sa akin ang isang bote na may lamang malapot na likidong kulay puti.

Isa pala siyang Pixie.

Napatingin ako sa Ate niya at nakita ko ang birthmark nito na isang buwan.

Isang Shade ang kapatid niya.

Nilagok ko ang gamot ngunit hindi ako nakaramdam ng kahit kaunting ginhawa.

Palala ng palala ang sakit! Mabuti at natulungan ako ni Azure.....

Teka si Azure! Baka kung mapaano rin siya!

"Azure sa kaliwa!" sigaw ko dahil papasugod na ang Alicorn sa kanya.

Nailabas niya ang isang Water Dual Sword na gamay na gamay niya.

Yumuko siya at umikot saka hiniwa ang pakpak ng Alicorn.

Diretso itong bumagsak sa lupa at binaon pa ni Azure ang kanyang espada sa dibdib ng creature na iyon.

Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi.

Napapikit ako dahil tingin ko'y umiikot ang aking paligid. Pahina ng pahina ang mga ingay na aking naririnig ngunit palalim ng palalim ang sakit na aking nararamdaman.

Pinilit kong imulat ang aking nga mata. Malabo man ay naaaninag ko pa rin ang isang Undine na paika ika ang takbo papunta sa amin, sa akin.

"Azu.....re Kye....ro." iyon ang huli kong nasabi bago naging madilim ang lahat para sa akin.

Kasing dilim ng kalangitang walang bituin ngayong gabi, kasing itim ng aking kapangyarihan.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free