HinovelDownload the book in the application

5 - Havoc Continues

Champagne's POV

Buong linggo bukod sa pagtetraining namin at ilang academic subjects ay natuon ang atensyon namin sa pagpapractice para sa play.

"I've heard Lilith's group will be performing the Syldine's Myth." bulong ni Teal habang nagpapahinga kami.

Hindi na naulit iyong lindol at honestly, ayoko na talagang mangyari pa ulit iyon. Una, nakakatakot, pangalawa baka si Azure na naman ang pumunta sa akin para icheck ako.

Okay sana kung si Flax, dahil mas kasundo ko siya kesa sa Undine na iyon. Pangatlo, ayoko ng makaramdam ng matinding kaba dahil sa pagkakalapit namin ng todo ni Azure.

"Hoy teka nga Azure! Bakit ba napakabilis mong nakarating kay Chammy noong lumindol?" sa mga araw na lumipas ay panay ang tanong ni Carlie kay Az habang ang huli ay laging iniiwasan ang topic na iyon.

"Nagjajog ako that time, malapit sa Dorm Building niyo. At nung lumindol siya agad ang pinuntahan ko." nagkunwari akong hindi ko narinig ako sagot niya.

Bakit ako? Bakit hindi si Carlie? Myr or Bubble?

"Guys! This is it. Remember the lines and feel your characters!" utos ni Myr na ngayon ay nakasuot ng White Cloak. Base na rin sa mga kwento ni Mamay at Papay noon.

"Wait sino ang narrator natin?" tanong ni Bubble.

"Syempre ako!" lumipad ang pusang may furs na kasing puti ng nyebe ngunit nahaluan ng pagkakulay bughaw ng dagat.

"Pol!!!!" niyakap ni Teal ang Eidolon niya.

Isang hybrid din gaya ni Sol si Pol. Mas malaki siya sa pangkaraniwang pusa at may pakpak na tila gawa sa yelo, isa siyang Catnix. Pinaghalong Icenix at Catrity ni Tito Frost at Tita Heavenne.

"Bakit ikaw? Dapat ako." pagsabat ni Sol.

"Solace! Mas bagay ang boses babae sa pagnanarrate. Manood ka na lang samin!" sagot ni Pol.

"Oh mag-aaway na naman ba kayo?" tanong ni Silver.

"Si Polaris naman kasi!" padabog na umalis si Sol at natawa na lamang kami.

"Not so goodluck to you losers." dumaan sa gilid namin si Lilith kasama ang grupo niya na nakabuhat sa kanya.

"Wow aga magbihis ah? Di bagay sa kanya maging mermaid." iritang saad ni Myr.

"Oy chill." pagsita ni Flax.

"Sus, pinagtatanggol mo yun? Palibhasa type mo." saad ni Azure at tinapik ang balikat ni Flax.

Gusto niya si Lilith? Seriously?

"Uy selos." bulong ni Teal at agad ko siyang sinikmuraan.

"Makapag-ayos na nga!" umalis ako sa kumpulan namin at nagpasyang bumalik sa Dorm Room ko upang makapaghanda.

"Let me help you Chams!" narinig ko ang sigaw ni Azure.

Nakakainit lalo ng ulo!

Mas binilisan ko ang paglalakad upang wala ni isa man ang makahabol sa akin.

Binasa kong muli ang script na pinagtulungan ni Myr at Carlie habang inaayos ang mga props na kailangan ko bilang pagganap na Seren Fierylus.

Madaming tao, as expected. This is the first event para sa foundation ng La Telmene, so what do I have to expect?

Isa pa pupunta sila Mamay at Papay, ang buong Primos upang manood. Bumalik na sila, probably to give updates sa kanilang mission.

Natapos ang palabas na gawa nila Lilith. I must admit na maganda ang nagawang script ni Ruru, na kanilang kamyembro ngunit hindi gaanong maganda ang pagkakadala ng mga tauhan sa istorya.

Huling parte ng kanilang performance ay ang pagyanig ng lupa kung saan masisira na ang pekeng mundo na pinangalanang Elementia.

Iyon ang kwento kung saan nanggaling ang Arkaios. Ang cool nga ng nakaisip at nagsulat noon. Makatotohanan!

"Next group!" pagtawag ng host para sa event na ito.

Tumayo kami bilang pagpapakita na kami ang susunod na magtatanghal.

Pumunta si Flax sa gilid ng Open Field saka pinayanig ng bahagya ang lupa. May iba't-ibang bato na lumabas mula doon at unti-unti nabuo ang isang artipisyal na Larcia Tower.

"Battle at Larcia Tower." bungad ni Pol.

Tumutok sa amin ang maliwanag na ilaw upang makita ng mga manonood ang aming ginagawa.

Bakit ba kasi gabi nila napiling simulan ito?

Nakatali ako ngayon sa pader na gawa ni Flax at nakita ko siyang naglalakad papunta sa akin.

Ang hot niya!

Okay erase that Chams! Takot ang dapat mong maramdam! Pagtatangkaan ka ng karakter ni Flax!

"You're so assuming Seren, no feelings attached. I know you're my cousin, we are blood related but I just want to taste you. To know if you're better than Ciera." kinilabutan ako sa boses ni Flax.

Tahimik na nakatutok ang lahat ng manonood. Hinagip ng paningin ko si Mamay na ngayon ay maluha luha na dahil sa eksenang napapanood niya.

It must be real hard to be betrayed by your own relatives.

"Layuan mo ako! Hayop ka! Walanghiya ka!" pilit kong pinapakawalan ang sarili ko sa kadena.

Nakalas ang isa ngunit hindi pa ito ang oras upang ipakita na natanggal na iyon.

Hinalikan ako ni Flax este Master Pyron sa leeg.

"So good Seren......" nagsitayuan ang mga balahibo ko sa batok.

Ugh Flax! Acting lang ito uy!

Napapikit ako dahil sa sensasyon pero agad iyong naputol dahil naramdaman kong nawala si Flax sa aking harapan.

"A..... Haelles?" pinilit kong magpalabas ng ilang mga luha sa aking mga mata.

Pero sadyang hindi pa ako nakakaramdam ng matinding sakit upang mapaiyak ng sobra.

Epic fail.

"Never touch what's mine you bastard!" niyakap ako ni Azure, I mean Haelles.

Saka niya sinugod si Flax na ngayon ay nakasubasob sa damuhan.

Mabilis ang naging mga pangyayari. Dumating si Teal bilang Frost na walang malay, sumunod si Carlie bilang Heavenne. Napatay si Master Pyron saka lumabas si Silver bilang Light.

At talagang binuhos lahat ni Silver ang acting skills niya hanggang sa magpatayan sila ni Teal sa kwento.

"Hindi pwede! Ang kapatid ko!" sigaw ni Empress Hellica, ginaganapan ni Bubblegum.

Sa tindi ng galit na ipinapakita niya ay napasigaw ang ilang estudyante.

Si Myrtle naman ay talagang inaral at isinabuhay ang pagiging Rairi.

"You're stealing what's mine Seren!" galing iyon sa pinagsamang tinig nila Myrtle at Bubblegum bilang RaiLica.

Iyon ang puntong nagsanib ang dalawa upang matalo ang kambal.

"This isn't good. Combined powers? Cheaters indeed. Prepare yourself Frost." paalala ko kay Teal na ngayon ay katabi ko.

Inilabas ko ang aking dalawang Shadow Rapiers habang ang Light Lance ni Frost ay pinalapad at pinalaki niya.

"You should die Fierylus Twins! Twins of Arkaios!" narinig ko ang pinaghalong boses ng RaiLica.

Agad lumipad si Myrtle papunta sa amin ni Frost at lumipad din kami papunta sa magkabilang direksyon dahilan para matigilan siya.

Binalot kami ng mga aura namin at dama ko ang intensity ng eksena. Parang may pinaghuhugutan itong si Myr, galit ba siya sa akin?

"Frost!" pagtawag ko kay Teal at magkasabay naming sinugod si Myrtle.

Pero mabilis siyang nakailag sa pag-atake namin ni Frost at kami pa ang nasugatan niya.

Pasimple akong gumawa ng mga Shadows na alagad ni Empress Hellica sa kwento.

Pinalabas ko ang Black Discs ko habang si Teal ay gumawa ng White Chain.

Inikot niya ang kanyang Chain sa mga Shadows saka ko sila hinati gamit ang tatlo kong Wheels.

Naglaho bigla ang mga Shadows na parang bula saka ko naramdamang may sumabunot sa akin at hinila ako.

Masakit ah! Kahit pa scripted!

"LET HER GO!" sigaw ni Teal at ibinato niya ang kayang Light Lance pero nagawa iyong ilagan ng RaiLica.

"One more wrong move Frost, or else your Twinsister will have her blood bath right now." plakado ang linyang iyon dahil tandang tanda pa iyon ni Mamay.

Nakaramdam ako ng matalim na Dark Dagger sa leeg ko.

"Frost! Huwag ka makinig sa kanya! Magtiwala ka!" sigaw ko sa kanya pero hindi siya gumalaw.

Pakunwaring sinaksak ni Myrtle ang balikat ko gamit ang Airial Dagger at nakarinig na naman ako ng sigaw mula sa audience.

"Ate!" pagtawag ni Teal.

Palihim kong ikinumpas ang mga kamay ko at naglaglag ang isa kong Dark Rapier kasunod ang paglipad papunta sa RaiLica ang aking Black Wheels.

Tumama iyon sa kanilang likod at narinig ko ang impit na ungol nila.

"ARGH! YOU DAUGHTER OF FVCKING ELEMENTIANS!" mas pinatindi ni Myr ang mga linya sa script version namin. Para raw mas instense.

Napabitaw kuno sa akin si Myrtle kaya lumayo ako sa kanya.

Agad na lumipad papunta sa akin si Teal at inalalayan ako.

Nagbulungan kami upang ipakita na nag-iisip kami ng plano o susunod na atake.

Naunang sumugod si Teal pero ni daplis ay hindi niya nagawa, siya pa ang nakatamo ilang mga sugat. Sumunod ako pagkakuha ko sa isa ko pang Dark Rapier.

"You think you can defeat us? We're more powerful than you little shts!" sigaw nila Myr at Bubblegum.

At naging Wind Shears Sword ang Dagger

"Let's finish this! We're just wasting our time!" lumabas muli ang mga ginawa kong Shadows.

Iginiya ko sila upang higupin kuno ang kapangyarihan namin at lagyan kami ng maraming hiwa at sugat sa katawan.

Narinig ko ang mapangutya nilang pagtawa habang kami ni Teal ay napapaungol dahil sa sakit na nararamdaman namin kunwari.

"Maybe we'll finish Frost first!" panuniya nila Myr at Bubble.

Should we call them MyrBle?

Nagpalabas ako ng Black Wheels upang tulungan si Teal ng bigla siyang nabalot ng isang malaking Light Ball.

Bumagsak iyon sa sahig at nakagawa ng malaking impact. Nabasag iyon at lumabas si Teal na binabalot ng liwanag ang buong katawan.

"Ang dami niyo namang baong technique, but that can't help you." pagmamayabang ng RaiLica at biglang umulan ng maliliit ng Light Aura Balls.

Pumalibot iyon kay Myr at umarte siyang tila hindi siya makagalaw.

"What did you do to us? Why can't we move?" galit na tanong niya.

Tumigil ang pag-ulan at lumipad si Teal na may dalang White Chains saka pinaikot iyon kay Myr.

Mabilis akong lumipad papunta sa likod nila.

"This is for all the evilness in you two! For all the damages, and lives you have taken!" sigaw ko at hinati ko kunwari ang pakpak niya gamit ang Dark Rapiers ko.

Paeffect na pinawala ni Myr ang mga pakpak niya.

"UGH THIS CAN'T HAPPEN!!!! NO! SEREN MUST DIE NOT ME!!! HAE! HELP ME KUYA HAELLES!" boses iyon ni Myr, na si Rairi kunwari.

"CURSE YOU IRRIA! YOU'RE SO WEAK! YOU CAN'T HANDLE MY POWERS WELL ENOUGH TO CRUSH THEM!" sigaw ng boses ni Bubblegum at narinig ko ang paghikbi ni Myr.

Lumuhod si Teal at humawak sa sahig saka lumabas ang mga naglalakihang Light Spikes sa lupang pinalambot ni Flax upang hindi raw gaanong masaktan si Myr.

Sa paglapit ni Myr ay unti unting nawala ang nilagay doon ni Teal. Eksakto upang isipin ng mga manonood na tumagos iyon sa katawan ng aming kaibigan.

"That's for Mom, Dad, their comrades, for La Telmene, Arkaios, and Light!" sigaw ni Teal at bumuhos ang mga luha niya.

Kasunod noon ay ang paglabas ni Bubblegum na nagtatago sa ilalim ng lupa sa tulong ni Flax.

Sila Silver naman, Carlie at Az ay kunwaring nagsasalita gamit ang mga malalalim na boses.

Iyon kunwari ang mga tinig ng kaluluwang sumusundo kay Empress Hellica na ang gumaganap ay mga Shadows na gawa ko.

"NO! NO! LEAVE ME ALONE! I DON'T WANT TO BE THERE AGAIN! STOP PLEASE!" sigaw niya ngunit bumukas ang lupa sa kinatatayuan niya at nawala si Bubblegum.

Napatingin ako kay Teal na sugatan habang nakatukod sa kanyang Light Lance.

"It's over, finally." sabi ni Teal ng maging abo kuno si Myr.

Naupo kami sa gitna ng Open Field at hinintay ang huling narration ni Pol.

Sobrang ginalingan namin sa effects, dahil kada mali namin ay nagiging halimaw si Myrtle. Gusto niyang manalo dito kaya't binigay namin ang lahat.

"It was a bloody ending but we can't have peace if we won't fight back. Life is a matter of survival. Now the Twins of Arkaios saved us, resolved the Mana Crisis and made our world better." saka namatay ang ilaw na nakatutok sa amin.

Madilim ngunit dinig namin ang sigawan ng mga manonood.

"Nagustuhan nila!" tinig iyon ni Myr.

Marami pang sinabi ang mga kasamahan ko ngunit may gumugulo sa utak ko.

Resolved the crisis, pero ni isa man sa kanila walang nakakaalam kung panong nagkaroon nito.

"Teal, may ideya ka ba kung ano ang dahilan ng Mana Crisis?" bulong na tanong ko kay Teal habang naglalakad kami paalis ng parteng pinagtanghalan namin.

"Why bother knowing it? We're happy already Chams. Wag kang mag overthink. Binibigyan mo lang ng sakit yang ulo mo." he patted my head pero hindi pa rin ako mapakali.

I need answers, I do really. It's bothering me and I'm scared.

"Next group plea......." natigil sa pagsasalita ang host at maging kami ay nanigas sa aming nilalakaran.

"Guys wag kayong lalayo! Lumilindol na naman!" sigaw iyon ni Silver.

Naramdaman kong hinila ako paupo ni Teal at yumakap ako sa aking nga tuhod.

Umalingawngaw ang sigawan sa buong Open Field at nababalot ng takot ang bawat isa.

Dahil kumpara sa mga nakaraang lindol, di hamak na mas malakas ang isang ito. Parang anytime masisira ng tuluyan itong lupang inaapakan namin.

Parang anytime lalamunin kami pailalim at mahuhulog kami sa kawalan saka doon mamamatay.

Kumalabog ang puso ko. Hindi kaya? Maaari ba iyon?

Matagal ng tahimik ang Arkaios, pero bakit ganito? Can a havoc continue even if it's gone for a long time?

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free