Champagne's POV
Lumipas ang limang araw at paunti unti na kaming nasasanay dito sa Sunkenin City.
Nakapagtayo na rin kami ng mga bahay at ng pinaka palasyo pansamantala.
We're now living in this underground city.
Per race ay may mga trabahong nakatoka. Kagaya ng mga Gnomes na nagtayo ng mga tinutuluyan namin ngayon. Ang mga Undines na bahala sa aming Water Supply. Samantalang ang mga Sylphs ay ang nagpapanatili ng hangin na malalanghap namin. Ang mga Salamanders ay may trabahong siguruhing laging may apoy upang magamit sa pagluluto. Pixies ang bahala sa food supply ng bawat Elemental. Ang Wisp ay ang bahala sa mga ilaw habang kaming mga Shades ang nagpapatibay ng mga harang.
Kalat kalat na rin ang mga Elementals sa bawat Zones. Hindi na nga lang nahahati per race kundi binalanse ang 7 lahi sa bawat Zones upang makasurvive kaming lahat.
Paminsan minsan ay lumalabas ang mga Elementus upang tingnan ang sitwasyon sa itaas. Kahapon ay nakapagligtas sila ng sampu pang Elementals ngunit noong mga nakaraang araw ay wala. Umuuwi sila ng sugatan at nanghihina.
Kaming Elementians ang nasa Sunkenin City. Ang grandparents namin ni Teal ay nasa loob ng pansamantalang palasyo kasama ang mga kapatid namin. At ngayon ay kasama kaming lahat sa huling pagpupulong ng mga nakakataas
"Intense silang lahat." bulong ni Teal at siniko ko siya.
"Malamang! Magkaiba na naman ang naisip nilang paraan upang lutasin ang problema." bulong kong sagot sa kanya.
"Hindi ba ito kayang lutasin ng mga Pandarens?" tanong ni Silver.
"They tried to. Kaya nga't tumanggi sila sa paanyayang dito sa Sunkenin City manatili. Andun pa rin sila sa Poli Mana naghahanap ng kasagutan." sagot ni Flax.
"Shhh mag-uumpisa na." hudyat ni Carlie.
True enough lumabas mula sa kanang side ng meeting hall dito sa pansamantalang palasyo ang parents namin. Kasunod nila ang mga Cardinals na sa kaliwa lumabas.
Namataan ko si Lilith na nakasunod sa kanyang ama habang si Mistress Racie ay kasama ang tila anak niyang lalake.
Ang Infinitius ay tahimik ngunit halatang malalim rin ang iniisip nila.
Even them didn't get any hint about this havoc. Ni hindi nakita ni Lady Astrean na mangyayari ito sa hinaharap namin. Maging sa panaginip hindi ito nasaksihan ni Lady Lachise.
"We should go outside! All of us!" iyon ang bungad ni Papay.
Mainit na naman ang ulo niya.
"Love, calm down." narinig kong saway ni Mamay.
"How can I? These people wants us to stay here for good! And what? Let those creatures wander around our planet? Ruin it?" padabog na naupo si Papay.
"Wag nating idaan ito sa init ng ulo King Haelles." narinig kong pagsasalita ni Master Damond.
"What we suggest is to stay here for months and let's see if anything would change up there." pagsingit ni Mistress Racie.
"We can't wait for too long! We need to do something!" ngayon pa ti si Tito Frost ay galit na.
"But we have to! Hindi naman nating pwedeng isakripisyo ang buhay niyong mga Primos! Ano? Susugod kayo without knowing kung ano ba talaga ang kalaban natin?" kumuyom ang kamao ni Papay sa sinabi ni Master Damond.
"But Papay has his theory Master Damond." as far as I know pwede kaming magsalita sa pagpupulong na ito.
"I'm not talking to you Ms. Champagne Yin." napakunot ang noo ko sa kanyang sinabi.
Halos padabog na rin akong umupo at nakita ko ang pagngisi ni Lilith.
"How dare you talk to my daughter in that manner?" inis na boses ni Mamay ang aking narinig.
"May, I'm okay." sagot ko at nakita kong hinahagod ni Tita Garnet ang likod ni Mamay.
Lumingon saglit sa akin si Mamay saka nakipagtitigan ng masama kay Master Damond.
Si Papay naman ay nagthumbs up sa akin at napangiti ako ng tipid.
"Let's just stay here and wait for the Elementus' report. Maybe they can find any clue soon." nabalingang atensyon kay Mistress Gail.
"At ano? Hayaan na maubos sila bago pa man makakuhang impormasyon?" pagsabat ni Tito Rainn.
"Let's have a duel! Kung sino ang manalo kanilang plano ang masusunod! Since mukhang naduduwag naman kayo, kami na ang pupunta sa taas." may halong pangkukutya sa boses ni Tita Perisse.
"Fine." umiling si Master Damond.
Nagkatinginan kami nila Carlie at nakita ko ang pagtayo ni Mamay kasunod si Master Damond.
Napasinghap ako. Ngayon ko lang makikitang lumaban si Mamay. Dahil pagkatapos ng Crisis ay naging maayos na ulit ang Arkaios.
Kumumpas ang kamay ni Tito Terran at Tita Daphne saka biglang lumawak itong kwartong kinalalagyan namin.
Woah. Nagkaroon ng parang maliit na battle area doon sa pwesto nila Mamay at Papay.
"3, 2, 1." hudyat iyon ni Master Kogan.
Unang sumugod si Master Damond na agad binalot ng kanyang aura. Gamit ang isang kulay itim na espada ay sinubukan niyang tamaan si Mamay.
Ngunit sadyang mabilis si Queen Seren. What to expect with her? She got the bloodline, the skills, experiences.
Agad inilabas ni Mamay ang ikinukwento niyang paborito niyang sandata, Meteor Wheel.
Kumikinang iyon dahil sa mga lava na dumadaloy doon. Nakakamangha! Kaya niyang kumontrol ng limang Meteor Wheels ng sabay sabay.
Naiwasan ni Master Damond ang tatlong Meteor Wheels kaya't agad na hinawakan ni Mamay ang natitirang dalawa saka lumapit sa kanyang kaduel.
Tig isang malaking cut sa braso at hita ang nakuha ni Master Damond.
Mabuti nga sayo! Duwag!
Tumalikod si Mamay upang pumunta ba sa amin ng mapahiga si Master Damond ngunit bigla siyang binato nito ng isang dagger.
Tumama iyon sa kanyang balikat.
"Cayrie!"sigaw ni Papay.
"Mamay!" I called her.
Nakita ko ang pag ngiwi niya ngunit agad iyong napawi. Agad niyang inalis ang nakabaong dagger sa kanya at binato iyon sa malayo.
Dahan dahang tumayo si Master Damond at naging dalawa na ang kanyang hawak na espada.
Tumakbo ito papunta kay Mamay ngunit tumalon paitaas si Mamay. Nagkaroon ng nga Meteor Disc sa bawat parte ng ere na tutuntungan ni Mamay.
Cool! Para siyang nagteteleport!
Palipat lipat siya hanggang sa nagpaulan si Master Damond sa kanya ng Black Aura Balls.
Lumabas ang kulay reddish yellow na aura ni Mamay at mas lalong bumilis ang kilos niya.
Mabuti na lamang at nasusunda pa rin ng aking paningin ang bawat galaw niya.
Nilabas niya ang kanyang Meteor Rapier. Para iyong maitim na bakal na may bitak bitak at dinadaluyan rin ng lava.
Si Master Damond ay hindi masundan ang ginawa ni Mamay kaya't ng tumalikod siya ay agad tumalon papunta sa kanya si Mamay.
Gamit ang kaliwang kamay ay hinawakan ni Mamay ang palapulsuhan ni Master Damond kaya napunta ang kamay nito sa kanyang likuran.
Itinutok ni Mamay ang kanyang Rapier sa leeg ni Master Damond.
"Daddy!" tili ni Lilith.
Tinulak ni Mamay si Master Damond palabas ng naging Battle Area nila.
"Never mess with my daughter, with my family." cold na sabi ni Mamay at naupo sa kanyang upuan.
I gave her a wide smile at agad siyang dinaluhan ni Papay. Tumabi rin sa kanya si Tita Llorelie upang gamutin siya.
"This is over. We'll head back to the La Telmene this midnight." saad ni Tita Heavenne.
Walang nagawa ang Primos at tahimik na lumabas. Nahuhuli si Master Damond na akay akay ni Lilith.
Nakakapagtaka, natalo siya ngunit bakit siya nakangisi?
Tumakbo ako papunta kay Mamay at niyakap siya.
"You okay May?" tumango siya sa akin.
"Okay kids, job's done. Pwede na kayong bumalik sa palasyo." utos ni Tito Luken.
"Eh kayo Dad?" tanong ni Silver.
"Susunod kami hijo." si Tito Janus ang sumagot sa kanya.
"Oh wag ng maganong ng magtanong. Lakad at kakain na tayo pagbalik namin." hinalikan ni Tita Tanya si Bubblegum.
Tumingin sa amin ang tahimik na Infinitius. Parang sinasabi nila na sumunod kami sa utos.
Kibit balikat kaming tumalima sa sinabi nila.
"Check your Grandpa and Grandma okay Champagne?" tumango ako kay Papay at tumakbo pabalik sa kanya upang humalik. Ganun din ang ginaa ko kay Mamay.
Isinara ni Azure ang pinto ngunit hindi umalis si Teal sa tapat noon.
"Teal! Tara na!" pagtawag ni Carlie ngunit hindi siya nito pinansin.
Lumapit ako kay Teal at piningot ang kanyang tenga.
"Pasaway!" saad ko ngunit hinila niya lang ako pabalik.
Nagsquat ako upang pantayan si Teal.
May maliliit na butas doon sa pinto at nakuha ko ang gustong sabihin niya.
Ang makinig sa Primos.
Gumaya na rin ang iba naming kasama at ang lecheng si Azure ay sa itaas ko pumwesto.
Epal talaga ito.
"I get your plan Renren." boses iyon ni Tito Skylar.
"We'll find Drake, Yukie and Yuko's daughter first." si Mamay iyong nagsalita.
"We agree with Queen Seren's idea." boses iyon ng Rare Four o ng apat na babae sa Infinitius.
"Hindi ba pwedeng resolbahin muna iyong mas malaking problema?" tanong ni Tita Kazerine.
"We need Drake, Rine. Baka may kasagutan tayong makita sa journal na hawak niya. Iyong hinanap niya noon sa tulong ni Pyron." kumunot ang noo ko.
Journal? Kaninong journal?
Nagkatinginan kami ni Azure at puno ng pagtataka sa aming mga mukha. Agad akong nag-iwas ng tingin. Hindi ko talaga kayang titigan ng matagal ang isang nakakainks na Undine.
"Someone's outside." boses iyon ni Tito Frost.
Mabilis kaming nagtulakan nila Teal at tumakbo palayo.
Muntik na kaming makita!
"Sumama kaya tayo sa Primos?" suhestyon ni Flax habang naghihintay kami ng pagkain sa palasyo. Tulog ang mga kapatid namin pati ang grandparents ko.
"As if papayag sila." sarcastic na sagot ni Myrtle.
"Eh di palihim tayo susunod!" iyon ang sagot ni Silver.
"Malalaman nilang nakasunod tayo!" singit ni Bubblegum saka kumain ng Chocuit.
"May point si Bubble." pag sang ayon ni Carlie.
"Eh anong gagawin natin? Hihinayin lang sila?" tanong ni Teal.
"Guess so dude. Wala tayong choice." sagot ni Azure.
Tahimik lang akong nakikinig sa kanila. May point sila pero hindi naman pwedeng tutunganga lang kami dito.
Dapat kumilos din kami. Para saan pa at naging Elementians kami na may titulong prinsipe at prinsesa?