HinovelDownload the book in the application

1 - No Well in Farewell

Champagne's POV

"Mom told me that at the end of a storm, a rainbow that symbolizes hope will show. Unluckily opposite from what I've learned, what followed next to the heavy rains is the worst nightmare I've seen in my entire life. The skies turned from grayish to velvet real quick then I saw them devouring our people, drinking their bloods and cracking their bones.

Monsters.

Do I really have to be one of them just to get the revenge I want and to have the upper hand that will end this war? Or there's another way out of this catastrophe we never wished for?"

"Nice monologue Ast." napalingon ako sa aking kaliwa at nakita ko ang malapit na mukha ni Azure. Napaatras ako ng bahagya at nakita ko ang pag-angat ng gilid ng labi niya.

Oh jerk.

Wait? Have he read my thoughts? O napalakas lang talaga ang pagbabasa ko sa librong hawak ko?

"I'm No Monster, didn't know that you like books." usisa niya at padabog kong isinara ang librong hiniram ko kay Myr.

Tumayo ako ng marahas at tinitigan siya gamit ang pinaliliit kong mga mata.

"Go back to your seat Az. Carlie will be here any minute from now. And please stop calling me Ast." itinaas ko ang aking kaliwang kilay upang ipahiwatig na naiinis na ako.

"Yes Chammy the Pressy!" sumaludo pa muna siya saka ako kinindatan.

Ang walang hiya. Hindi man lang ako galangin bilang Student Council President? Isumbong ko kaya siya kay Tita Lors mamaya?

"Chammy!!!!" niluwa ng pinto ang bumubungisngis na si Carlie pero agad iyong nawala sa di ko malamang dahilan. Napalitan ng pag-aalala ang kanyang tuwa kanina. Napakatransparent din talaga ng isang ito.

Lumapit siya sa akin at inilapat ang likod ng palad niya sa noo ko.

"You're not sicked but why do you look like this?" ikinunot niya ang kanyang noo at pinagsalubong ang mga kilay saka nag poker face.

"Nothing." umiling ako. Saka ko narinig ang pagtawa ni Az.

"Az! Inaway mo na naman ba si Chammy?" baling na tanong ni Carlie.

"Carlie, wala akong ginagawa sa mahal mong bestfriend. I'm just sitting here, being a good boy." ngumisi pa ang loko habang pinaglalaruan ang kanyang maliit na Water Ball.

"Hahaha! Dude! Ang epic ng mukha nung babae kanina! Akala niya masarap yung binigay nating pagkain sa kanya!" naulinigan ko ang pilyong boses ng aking pinsan.

Ano na naman kaya ang ginawa ng isang ito? Mukhang idinamay pa si Lax at Silv.

"TEAL ZIONE YANG FIERYLUS! HOW MANY TIMES DO I HAVE TO TELL YOU, STOP PLAYING PRANKS ON THE STUDENTS!" inis kong saway sa kanya at binato siya ng maliit na Black Aura Ball.

Tinapatan niya iyon ng White Aura Ball kaya naman parang fireworks iyong sumabog sa loob ng classroom.

Napatigil saglit ang ilan naming mga kaklase pero dahil sanay na sila sa amin ay agad silang bumalik sa mga ginagawa nila.

Nakakairita talaga si Teal. Ilang students na ang nagdrop dito sa La Telmene dahil sa mga pranks niya.

At mas nakakairita ang mga fangirls niya na hindi marealize ang kasamaan ng kanyang ugali. Naturingan pa man din siyang isang magaling na Wisp.

"Chammy ang puso mo." puna ni Silver sa akin.

Napairap ako at agad nilabas ang aking Black Stick.

Ngayon, nagsusumigaw na ng otoridad ang aking presensya. Matakot sila aba!

Pinahaba ko iyon at agad itinutok sa hawakan ng pinto upang pagsarahan ang mga babaeng humahaba ang mga leeg kakatingin kay Teal.

"Woah easy Lady Chammy." nagpeace sign si Teal sa akin at iginiya ako paupo.

Narinig ko na naman ang paghalakhak ni Az, nakakainis talaga siya.

"Eat this, para naman may good vibes na papasok sayo." inilapag ni Flax sa table ko ang isang maliit na jar of Melgo Chipped Cookies.

"Thanks Lax! Alam mo talaga ang makakapagpakalma sa akin!" I said happily.

Inumpisahan kong buksan ang garapon at agad sumalubong sa aking ilong ang mabangong amoy ng freshly baked cookies ni Lax.

Kumagat ako sa pirasong aking nakuha ngunit hindi ko iyon maenjoy dahil nakatitig sa akin si Az.

Nakakairita ang kanyang mga mata na may kakaibang pagkakulay asul, na pinaghanguan ng pangalan niya.

Problema ng isang ito? Bagay nga sa kanya ang pangalang Azure, azungot sa buhay.

"Penge!" bigla siyang kumuha ng 3 piraso at agad ko siyang sinamaan ng tingin.

"Ibalik mo nga kay Chammy yan!" bulyaw ni Carlie.

Inaasar ba talaga ako ng lalakeng ito? Hindi porke best of friends ang parents namin ay papayag akong kayan kayanin niya lang ako.

Mukhang hinahamon niya ako. Mabuti ng pagbigyan siya kesa lagi niya akong tratuhin ng ganito.

Biglang may Black Kunai na lumabas at lumutang sa may malapit sa pisngi ni Az.

May marka iyong CAFY, nakasulat sa kulay pulang tinta.

"Drop those or I'll leave a scar on your pretty face." matigas kong sabi at nakita ko ang pagngisi niya.

"Fine. You already called me pretty face, I guess my day is now complete." malumanay niyang sabi at ibinalik ang precious cookies ko sa garapon, inismiran ko siya.

Itinaas niya ang kanyang dalawang kamay na parang sumusuko sa mga Elementus.

Akala ko ay aalis na siya ngunit bigla siyang nagbend ng kaunti at hinagap ang aking tenga.

"You're really cute when you're pissed off. Can't you notice that you're the only one I always tease, Amazona?" gusto ko siyang itulak papalayo pero nakikiliti ako sa kanyang mga salita.

Hindi ako makagalaw.

"WHAT THE?!" bigla akong napatayo ng umalis si Az sa tabi ko kasunod ang pagbuhos ng tubig mula sa ulunan ko.

Yumakap sa akin ang lamig ng tubig at ang kahihiyan.

Tumawa si Az ng malakas at nakisabay pa si Teal at Silv, habang si Lax ay natahimik sa pagkagulat.

Dinaluhan ako ni Carlie ngunit mabilis akong lumayo sa kanya, ayoko siyang mabasa. Napatingin ako sa libro ni Myr na ngayon ay nasa sahig at napapalibutan ng tubig.

Patay ako kay Myr, mukhang kakailanganin ko si Bubble upang hindi magalit sa akin ang isang iyon.

"YOU JERK!" sigaw ko sa kanya at sa kumpas ng aking dalawang daliri ay lumipad ang aking Black Kunai papunta sa kanya.

Pag angil niya, pagtawa ni Teal at Silv at ang mabilis na paghinga ko lamang ang aking naririnig. Nakita ko ang pagsinghap ng ilang nakakita kaya sigurado akong tinamaan siya nga atake ko.

Inirapan ko ang mga babaeng patay na patay sa lalakeng iyon na tinititigan ako ng masama.

"Your foot is bleeding Azure!" pagsasabi ng isang babae.

Huh! I'm really a good shooter, 99.9% accuracy!

Serves you right and best, annoying Undine!

Mabilis akong naglakad patungo sa dorm room ko upang makapagpalit.

Mahahalata sa uniform kong basa ang undergarment ko! Nakakahiya.

Feeling ko pa nga binabalot na ako ng Black Aura kong may silver glitters. Kainis talaga!

"Si President high blood na naman." bulong ng isang estudyante.

Oh come on Chammy, ignore these people!

"Nah, wag mo na siyang tawaging President. Sabi ni Ate Lilith siya na ang magiging President this year." tugon ng may green collar ang uniform. Freshman huh?

Lilith will be the President? Really? It won't be easy for her. I won't let her have that triumphant smile and mocking gazes.

Padabog kong isinara ang pinto sa aking kwarto.

"Oh Chammy bakit nandito ka? hindi ko pa rin maiwasang di mamangha kapag nakikita ko siya.

Isang hybrid, just like a Chimera, meron siyang sheep's head, lion's body, snake's tail at ang bonus ay may wings siya. Iyon nga lang ang body built niya ay katulad ng sa Blanther ng aking ama. Ang furs niya ay black na may golden yellow highlights. Kung tawagin namin siya ay isang Chimther.

"That Azure did this to me!" piniga piga ko pa ang laylayan ng aking palda at napangiwi siya.

"Oh, I see. Magshower ka na, ihahanda ko ang damit mo." nag nod ako sa kanya.

"Thanks Sol." nagsmile ako sa aking Eidolon at mabilis na nagshower.

"You should hurry Chammy. The Synodrian Battle would start in less than 5 minutes from now." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Sol.

Oh no not now. Nawala sa isip ko! Magpapanic na sana ako ng maalalang may resbak ako.

"You're right here Sol. No need to worry." nakahinga ako ng maluwag. Eh bakit nga ba ako namomroblema? I've got Gumi and her special ability.

Isinuot ko ang aking uniform, black skirt, white blouse with red collar. Saka ko isinuot ang aking badge na kahugis ng aking birthmark.

"You always use me in times like this." maktol niya.

"Eh... come on. I'll treat you later. Let's eat Coonies after the battle." wala na rin naman siyang choice.

*(Coonies - cookies + brownies)*

Atsaka I'm sure papanoorin niya ang laban ko.

Sumakay ako sa likod ni Sol at lumitaw ang mga pakpak niyang may katamtamang laki.

"This is going to be a fast and good ride!" I yelled at naramdaman ko na lamang ang malakas at malamig na hanging dumadampi sa aking balat.

Hindi ko na halos makita ang dinadaanan namin. Sobrang bilis talaga niya, nakakamangha.

"Thank you so much Sol!" hinaplos ko ang katawan niya bago siya sumama sa kumpulan ng aking mga kaibigan.

Nakita kong napatigil sa pakikipag-usap si Myr sa lalakeng nanliligaw ata sa kanya, ng kinalabit siya ni Bubble saka ako itinuro.

Kumaway ako sa kanila at ganun din sila kahit pa may pag-aalinlangan kay Myr. Siguro alam na niya ang nangyari kanina.

Napairap naman ako ng nagflying kiss sa akin ang kaninang seryosong si Az na hindi pinapansin ang babae sa tabi niya na kinakausap siya.

Oh really? He's not a playboy like Flax? Or he's doing those moves secretly? And why am I thinking about that guy? Ugh.

Bakit ba kasi hindi ko pa siya sa dibdib inasinta kanina? Tsk.

Sila Teal, Silver, Lax at Carlie naman ay inilabas na ang banner nilang may pangalan ko.

Nakakahiya man, nasanay na ako sa ganitong pagkakataon. For the past 3 years ng buhay ko, taon taon nilang ginagawa iyan.

Naglakad ako patungo sa isang Arena na may seven sides, ang Heptagon. Naghiyawan ang mga manonood sa unang pagtapak ko kaya nilingon ko sila.

Mula Freshmen hanggang Seniors kagaya ko ay andito. Ang iba ay sakin nakasuporta habang ang iba naman ay kay Lilith.

Hinanap naman ng mga mata ko ang panel of judges. I'm hoping that the Infinitius will be in those seats since the Manarens left Arkaios a year ago.

Infinitius is the group of Heads here in La Telmene. They are the Rare Four, together with the Prowess Cousins, their husbands.

Sila ang pinagpasahan ni Mamsu Jewel at Papsu Zero ng responsibilidad sa paghahawak at pagpapatakbo ng Academy.

Nakaupo ang mga judges sa nakalutang na mga upuan habang ang mga aura nila ay nakabalot sa kanila.

Holy Coonies! I'm wrong! Taliwas sa inaasahan ko ang nandoon! Bakit hindi sila? Nasa mission pa rin ba sila?!

The judges are the Cardinals. Sila ang isa pang Council na namamahala sa buong Arkaios, bukod sa Primos. Ang Primos ay binubuo ng mga magulang namin ng aking mga kaibigan, mas kilala sila noon bilang Stellar Brigade at Phantom Knights.

At nasa Cardinals ang ama ng babaeng lagi na lamang akong gustong higitan sa kung ano mang bagay.

"Hi Champagne!" narinig kong sigaw ni Lilith mula sa kabilang side ng Arena.

"Lilith Meira Darques." I called her fullname. Ang init ng dugo ng babaeng ito sakin. Lagi akong kinakalaban.

She's smiling widely, at na naging dahilan upang ang pangamba ay dumaloy sa aking sistema. Mukhang hindi ako dapat magpakapanatag na wala siyang pandarayang gagawin.

Lilith never smiled at me while we're having this battle. She got her confidence now. I wonder what's behind her cloak and what's inside her filthy mind. Tsk. This is going to be tougher.

Oh I wish that Manarens are still here. I miss them and alot changed since they left. Well, probably this event will be one of the proofs.

The four of them used to facilitate this event. Siguradong sigurado ako noon na walang lalabag sa rules at walang bias or favoritism towards sa mga kalahok. It has been a battle of pure abilities and power since, but now? I don't really know. I'll find the answers later and while the battle is on going.

Muli ay tiningnan ko si Lilith na may kung anong sinesenyas habang nakatingin sa kanyang ama. Tsk, Master Damond Darques.

I shouldn't let my guard down.

What will the Manarens do in times like this? I wish my mentors are still here beside me. Really, there's no well in farewell eh?

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free