HinovelDownload the book in the application

2 - Synodrian Battle

Champagne's POV

Umakyat kaming dalawa ni Lilith sa gitna ng stage upang magkamay.

Nagkaroon ng mga kulay itim na fireworks tanda na dalawang Shades ang maghaharap ngayon sa entablado.

Umirap ako sa kanya ng makita kong ngumiti na naman siya. Tsk.

"The current President, Champagne Astrid Yin." naghiyawan ang halos kalahati ng mga manonood.

Nagpaulan pa ng maliliit na Fire Balls with Light Shadow Aura sila Teal at Carlie bilang suporta.

Mga pakulo nila.

"GO CHAMMY!!!!" sigaw ni Azure at nagflying kiss na naman sakin.

Sa itaas niya ay may mga kumpol ng tubig na nagpormang pangalan ko.

Itinaas ko ang aking nakakuyom na kamao. Madala ka sa gesture kong ito Az, kung hindi lagot ka sakin pagkatapos ko dito!

"Versus!" pagpapatuloy ng referee namin.

"The challenger, Lilith Meira Darsque!" sumigaw naman ang iba pang Elementals na kampi kay Lilith.

Tsk. They're pissing me off already!

"The first one who steps out the Heptagon will lose. Shouting 'dernsuerr' means you don't want to fight anymore. Draining one's mana is also a way to win." bakit oa ba nila inuulit ang mga alituntuning alam ko na noon pa?

Nangangati na akong burahin ang ngiti sa babaeng kaharap ko.

"This isn't a death battle, killing your opponent means losing your life also." tumango na lamang ako.

Nakakainip.

"3, 2, 1 Synodrian Battle start!" biglang sumakay sa isang Flying Leaf ang referee kung kaya't kami na lamang ni Lilith ang naiwan sa stage.

Tumakbo ako agad upang sugurin siya gamit ang mga Black Kunai ko.

Umikot ako sa paligid niya ng mabilis saka ako tumalon sa ere upang patamaan siya.

Nakita ko ang paglasag niya pero nagawa ko pa rin siyang sugatan.

Kinuha ko ang pagkakataong iyon upang makagawa ng Black Cannon, a big blow will end this.

Kinalkula ko si Lilith na ngayon ay sugatan pero bigla na lamang may humampas mula sa likuran ko.

Bumagsak ako sa stage at nagkaroon doon ng mga bitak.

"Chammy!" narinig ko ang sigaw ni Carlie.

Sht. Ano ba yun?

Para atang nabali lahat ng buto ko sa aking likod!

Lumingon ako kay Lilith na ngayon ay unti-unting tumatayo at may ngisi sa kanyang mukha.

What the hell just she did? Telepathy? No? Bawal ang Eidolon sa Synodrian!

"You chea....ter!" duro ko sa kanya at pinilit kong bumango kahit na parang makakalas na ang back bones ko sa aking katawan.

"Don't you dare point your fingers to me. You've got no evidences so shut up." nagtipon ang mga Black Smoke sa kamay niya at nagporma iyong isang espada.

Tumalon siya upang daganan ako ngunit nagawa kong makagumulong palayo saka ko siya pinaulanan ng maraming Black Aura Balls.

Napuno ng usok ang Heptagon dahil sa atake ko at nakaramdam ako ng kabog sa aking dibdib. Wrong move!

Alam kong may mali! She's doing something that's against the rules. Yet I can't see it with my eyes!

Oh gosh.

Nakaramdam na lamang ako ng hapdi sa aking tagiliran.

Itinulak ko ang kung sino mang sumaksak sa akin ngunit walang tao o kahit ano sa malapit sa akin.

What on Arkaios is going on?!

"Poor Champagne. Bye bye." narinig ko ang paghalakhak ni Lilith kasunod ang pagtama ng isang malaking espada sa akin.

Tumilapon ako paitaas!

I need to think, kung hindi ay matatalo ako! I can't lose, Mamay and Papay will be upset!

Nilabas ko ang aking Black Stick na nilagyan ko ng hook sa dulo.

Itinutok ko iyon sa isang dulo ng Heptagon saka iyon pinahaba.

Kumabit ang hook na siyang naging dahilan upang mapigilan ko ang aking pagtalsik palabas ng stage. Pinaikli ko ang stick kaya nahila ako pababa at agad akong nag-isip ng sunod na atake.

Ngumiwi si Lilith ng tumama ang Black Stick sa kanyang sikmura.

Bingo! Este Billiards!

Gumulong siya sa stage at halos malagag na siya sa isang dulo ngunit tila may humarang doon kaya hind siya lumabas.

Cheater indeed. Invisibility siguro ang kapangyarihan ng Eidolon niya na last week niya lang ata nakilala.

Tumayo siya at agad akong humanda sa pag-atake niya.

Lumabas ang Black Aura ko at naglaho ang Black Stick ko. Bihira talaga ang pagtatagal ng weapons na gawa sa aming kapangyarihan.

Ngayon ay dalawa na kaming niyayakap ng aming mga aura, bakas ang inis sa kanyang mukha.

Huh. Para namang matatalo ako agad dahil lang sa pagtulong ng Eidolon niya.

"I'll win this time Yin." at mabilis siyang tumakbo papunta sa akin habang nagform sa kamay niya ang isang bow na may arrows.

"Long range? Wrong choice Lilith." I said at pinadausdos ko ang aking sarili sa sahig upang tamaan ang paa niya.

Natumba siya habang ako ay nakahiga sa may likuran niya.

"Ugh." pag-angil niya.

Pumalibot sa kanyang ang nasa higit sampung Black Kunai at sabay-sabay ko iyong pinapunta sa kanya.

Isa, dalawa, tatlo, apat, lima.

Wala ni isang tumama! Parang may kung anong nakaharang kay Lilith kahit pa hindi siya gumagawa ng shield o kahit anong pananggalang.

Naghiyawan ang manonood.

"Whoooo go Lilith!" hindi ba nila napapansing nandadaya ang isang ito?!

Napatingin ako sa itaas, sa mga judges dahil may malakas na palakpak ang nangagaling doon. Nakatayo ang ama ni Lilith habang nakangiting nanonood sa amin.

Tsk. Hinayaan niyang gumawa ng kalokohan ang anak niya para lang manalo!

Agad akong nagpakawala ng Black Smoke at pinalibot iyon kay Lilith. Dinig na dinig ko ang pag-ubo niya at ng kanyang Eidolon na hindi ko makita.

This is my opportunity! Mukhang hindi alam ni Lilith ang gagawin sa Black Smoke!

I immediately jumped in top of her neck at naglabas ng chain na gawa sa aking kapangyarihan.

Pinulupot ko agad iyon sa leeg niya habang ang kamay niya ay nasa likuran at iniipit ng aking hita.

Gumawa ako ng maliit na shield, yung kami ang kasya upang hindi makagambala ang Eidolon niya.

"I know what you're doing Lilith! Come on, give up already." mas hinigpitan ko ang chain sa kanyang leeg.

"Ak, ugh." pag-angil niya.

Napahawak ang nanlalamig niyang mga kamay sa aking hita, pasikip ng pasikip.

Nahihirapan na siyang huminga.

"Surrender now and tell them that you're cheating." I whispered at kita ko ang pagtutol sa sa kanyang mga mata.

Niluwagan ko ng bahagya ang kadena kasabay ang paghupa ng Black Smoke.

Kita ko ang gulat sa mata ng mga manonood, lalo na ni Master Damond.

Napangisi ako. I'm not an Elementian for noting. I've got the Fierylus' blood together with Yin's blood, exception and Pandarens.

"Su.....ko na a....ko! Onyx!" biglang lumitaw ang isang sugatang kulay light brown na Bearcat sa tabi namin.

*(Bearcat - bear with whiskers and cat's ear and paws.)*

Bulungan ng mga manonood ang naririnig ko at ang mahinang hikbi ni Lilith.

"Champagne wins!" anunsyo ng referee.

Tumalon akong muli palayo kay Lilith at hinarap ang mga manonood.

Nakangiti sa aking sila Teal, habang ang ibang estudyante ay sinisigaw ang pangalan ko.

Ngunit nakakapagtaka dahil biglang sumakay sa isang Water Wave si Az na tila papunta sa akin.

"Ast, look out!" itinaas ko ang aking kilay dahil sa pagtataka.

"Not so easy Yin." narinig ko Lilith.

Sht.

Yumuko ako ng maramdaman ang presensya niya at umikot ako papunta sa likuran niya.

Nahawakan ko palikod and ang palapulsuhan ng kamay niyang may hawak na blade at pinisil iyon kung kaya't nabitawan niya iyon.

Desperate moves.

Sinipa ko ang itim niyang sandata papalayo at hinintat na makalapit ang mga Elementus sa amin.

Halos lahat yata ng estudyante ay hinahamak na si Lilith.

"Booooo! Mandaraya!" sigaw ng ilan at kumuyom ang kamao ni Lilith.

Nagwalk out si Master Damond kasunod ng pagdadala ng mga Elementus kay Lilith palabas ng Heptagon.

"Our undefeated Student Council's President, Champagne Astrid Yin!" lumapit sa aking ang isang babae na kulot ang dulo ng buhok na sa tingin ko ay mas matanda ng kaunti kina Mamay at Papay.

"Thank you Mistress Racie." I bowed down.

Kinuha niya ang kamay ko saka itinaas iyon sa ere at naghiyawan ang mga estudyante.

Hinarap niya ako at inilagay ang pin na sumisimbolo sa katungkulan ko sa buong Academy.

"Your bloodlines never fail to amuse me." bulong niya sa akin at ngumiti ako bilang tugon.

"Thank you po." I answered.

Mabuti na lamang at natunugan ko ang plano ni Lilith, kung hindi ay baka natalo ako. Kainis talaga siya. Kung hindi rin ako nakapagpigil baka nasakal ko siya ng todo kanina.

"Ast, utang mo sa water ko ang pagkapanalo mo. Nabinyagan ka bago lumaban!" nakangising saad ni Azure sa akin at nagtawan sila Silv.

"Oh shut up. My skills and abilities are the keys for that win, not your power." umismid ako at napangiwi siya.

"Huwag mo na kasing asarin Az." sabat ni Carlie at sinuklay suklay ang buhok ko.

"Congrats Chammy!" she said and kissed my cheeks.

"Ay ang sweet talaga ng dalawang ito." singit ni Bubblegum.

"Because you won, di na ako galit sa pagkabasa ng libro ko. Atsaka napatuyo ko na naman eh." nag thumbs up sa akin si Myr.

"Whoo! Akala ko kakainin mo ako ng buhay dahil dun. Pero si Az talaga may sala eh." umiling si Az at tumawa ng malakas sila Teal at Flax.

"Puro kayo tawa!" pagsaway ko sa kanila.

"Sorry na Chams!" nagpacute pa si Flax at kinurot ko ang pisngi niya.

"Tara na nga sa Cloudria! My treat cause my cousin's still the president!" aya ni Teal at sumang ayon kaming lahat.

*(Cloudria - mas malaki at upgraded na Sky Deck.)*

"I'll treat her wounds also." sabat ni Az at lumapit sa akin.

Eksato, I'm craving for sweets and noodles now.

At sa ganitong mga pagkakataon, may silbi itong nakakainis na si Azure.

"Wait! Hindi ba't iyon ang Infinitius?" pagsasalita ni Carlie.

Napatingin kami sa direksyong itinuturo niya.

"They're back! I'm so happy!" I exclaimed pero agad napawi ang saya ko at excitement.

Bakit kaya parang nanlulumo silang walo? Did something bad happened? I wonder and I'm curious.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free