HinovelDownload the book in the application

4 - Cardinals' Orders

Champagne's POV

I need to do something para makakuha ng impormasyon tungkol sa mga Cardinals.

Hindi ako mapakali dito sa Open Field dahil sa tagal ng pagsasabi ng anunsyo.

I need to have my free time right away!

"Si Chammy mukhang kailangang maglabas ng sama ng loob." naulinigan ko ang boses ni Azure.

"Chammy? May problema?" tanong ni Bubble at umiling ako.

"Don't start with her Az! It's too early." paninita ni Carlie.

"What? Nagsasabi lang ako ng totoo. Gusto mo bang samahan kita sa restroom Chammy?" he freaking used his husky voice!

Narinig ko ang pagtawa nila Silver at Flax habang si Teal ay napatikhim.

"Anong gagawin niyo sa restroom?" ngiting aso na tanong ni Teal.

Sapakin ko kaya silang lahat?

"Gusto mong maunang makatanggap ng black eye Teal?" inamba ko ang aking kamay.

Napaatras naman ang pinsan ko ngunit ang ngisi sa mukha niya ay hindi naalis.

"Huy wag niyo ng awayin si Chammy!" ani Myrtle at hinigod ang likuran ko.

"Don't be affected Chams, Azure wants that and he'll push through so ignore him." lakas makapayo palibhasa halos lahat ata ng lalake ay nakasalamuha na niya.

Tumango ako at tumingin na lamang sa gitna ng Field kung saan nandoon ang mga Infinitius na nag-uusap.

"Wala naman kaming gagawin. Babantayan ko lang siya. Di ako maninilip." naramdaman ko ang pag-init ng aking nga pisngi.

Ayaw talaga akong tantanan ng isang ito!

Lumapit ako sa kanya at piningot ang kanyang kanang tainga.

"Ow Chammy!" pagsita niya at kita kong nasasaktan siya dahil sa kanyang itsura.

"Tigilan mo na ako pwede?!" halos isigaw ko iyon kung kaya't napatingin sa amin ang ibang estudyante.

"Hala ang terror talaga ni President. Daig pa si Lady Lachise." anang ng isang nakasuot ng unipormeng may kulay dilaw na kwelyo.

Sophomore huh?

"Easy Chammy." lumapit sa akin si Flax at nag-abot ng maliit na Coonie.

"Buti pa pagkain napapansin mo kahit wala itong ginagawa." hindi ko na inintindi ang sinabi ni Azure at nagfocus na lamang kay Lady Astrean na ngayon ay tumayo na.

"Ayan mag-uumpisa na!" nakangiting sabi ni Myrtle.

Kumagat ako sa Coonie na binigay ni Flax saka nakinig sa sinasabi ni Lady Astrean.

"As part of La Telmene Academy's foundation, we will be having a play as our annual contest!" nanlaki ang mga mata namin.

"Wala na yung The Battledia?" bulong na tanong ni Teal at nagkibit balikat ako.

"Bukod sa Battledia ay itong play ang magiging main event for this year." pagsasalita ni Lady Cleatha.

"Participants may form groups and reenact a story or myth. It will be performed next week." puro surprise talaga ang alam ni Lady Aletheia.

"You may pass your entry at our office starting tomorrow. Title of your story and names of member should be written in a clean piece of paper." iyon ang utos ni Lady Lachise.

"Dismissed Elementals." huling saad ni Lord Kogan at umalis na ang Infinitius.

Nagkaroon ng kanya kanyang pagpupulong sa Open Field dahil sa kakaibang anunsyon ngayong araw.

"Sasali ba tayo?" halos kuminang na ang mata ni Myrtle sa tanong niyang iyon.

Bookworm indeed.

"Of course." ngumiti sa kanya si Flax at halos lumipad na ng mataas si Myr dahil sa tuwa.

"Library tayo para makakuha ng magandang story!" suhestyon ni Bubblegum na aming sinang ayunan.

Opportunity ko na iyon, maghahanap na rin ako ng libro tungkol sa nga panukala o nagawa ng Cardinals.

Patakbo kaming umalis dahil anytime ay susugod na ang ibang estudyante sa Library upang maghanap ng piece nila.

"Any recommendations?" tanong ni Teal.

Isa-isa kaming umupo habang dala ang mga librong maaaring makatulong sa aming grupo. At syempre may libro akong nakuha tungkol sa Laws dito sa Arkaios.

"Yung Pink Walking Hood kaya?" narinig kong sagot ni Az.

"Isip bata ka talaga. Mas ok yung I'm No Monster." umento ko at itinuro ang isa sa mga librong nasa tapat ni Myr.

"Wag ka ngang panira ng trip." aba tinarayan ako?

"Oh wala munang lover's quarrel." nakangiting sabi ni Carlie.

"Gusto mong gawin kong kulay itim yang pula mong buhok hah Scarlet?" matalim ko siyang tinitigan at nagpeace sign naman siya sa akin.

"Bakit hindi nalang iyong Battle at the Larcia Tower?" napatigil kami sa sinabi ni Silver.

"Ang talino mo talaga Silver!" nakipag high five ako sa kanya.

"Maganda nga iyon." sabat ni Bubble habang umiinom ng Chocotea.

"Ako sa role ni Dad!" prisinta ni Teal.

"Well, it will suit you." saad ni Carlie at ngumiti ng malawak ang pinsan ko.

"Chammy will be Queen Seren and I'll be King Haelles," itinaas baba ni Azure ang kanyang mga kilay habang magkatitigan kami.

"Ayoko nga! Si Flax na lang!" mariing pagtanggi ko.

"No. Flax will be Master Pyron. Bagay sa kanya, pervert eh." natawa ako sa tinuran ni Silver.

"Eh sino ka?" tanong ni Bubble.

"Light, ang cool niya kaya!" itinaas pa ni Silver ang kamay niya na tila tuwang tuwa.

"Myrtle will be Rairi and Bubblegum will act as Empress Hellica." sabat ni Azure.

"Teka pano si Carlie?" tanong ni Myrtle.

"She will be my Heavenne." napatikhim ako sa sagot ni Teal.

Galawan hah?

Natapos ang usapan namin ng ganun ganun lang. Ni hindi na ako nakatanggi na si Azure ang gaganap bilang si Papay.

Pag hindi niya nabigyang hustisya iyon, patay siya sa akin.

Palihim kong naitago sa aking Black Cloak ang libro patungkol sa mga batas dito sa Arkaios kung kaya't nailabas ko iyon sa Library.

Order 1

The technique Aura Heisting and Lacrimal Infusion will be banned and who shall ever do such will be punished with a public execution.

Aura Heisting, iyon ata yung pagkuha ng Praimastin sa pamamagitan ng pag-asinta sa birthmark ng isang Elemental pagkatapos ay ilalagay sa isang Lacrima. Sabi nila Mamay at Papay, nakasaksi na sila dati ng ganoon at kaya ipinagbawal ay dahil delikado ito para sa mga Elementals.

Order 2

Any Elenials shall undergo the Drainicosse Process in order to be a normal Elemental. Anyone who rejects to do so shall be killed.

Elenials - Elementals with more than one Element Power.

Ibig sabihin ba nito ay isang Elenial ang anak ni Tita Yuko at Tito Nap?

"Baby, this is Tita Yuko. Siya ang tanging Elemental na nakasurvive sa Project Lacrima."

Isa ngang Elenial si Tita Yuko ayon kay Mamay! No wonder at naging ganoon din ang anak niya.

Pero bakit hindi nalang nila isagawa yung Drainicosse Process sa kanya? Para hindi nalang siya patayin ng Cardinals?

"There's something more about Tita Yuko's offspring. But what is it?" naibulong ko saka ko isinara ang libro.

Napasinghap ako ng biglang natumba ang vase malapit sa aking kama at nabasag iyon.

"Lumilindol?" palakas ng palakas ang pagyanig ng lupa.

Agad akong nagtago sa ilalim ng aking study table at naghanda sa kung ano mang maaaring mangyari.

Natumba ang sabitan ko ng cloak at kita ko ang paggalaw ng mga gamit ko.

Lumipas ang ilang segundo ay tumigil ang pagyanig.

"1, 2, 3." umalis ako sa aking pwesto at dumiretso sa bintana upang sumilip sa labas.

Ano ba talagang nangyayari? Ang mga creatures sa katabing forest ng La Telmene ay nagwawala ngayon!

Kitang kita ko ang pagtakbo nila at ang pag-aaway ng ilan. Binabangga nila ang mga puno at walang pag-aalinlangang sinisira ang iba.

Napatakip ako sa aking mga tainga dahil sa ingay nila.

"Argh ang sakit!" tingin ko anytime ay dudugo ang mga iyon.

May malamig na pakiramdam ang bumalot sa akin mula ulo pababa at sasabihin kong nakakaginhawa iyon.

May pwersang humatak sa akin patayo kaya nagpatianod ako.

"You okay Ast?" tanong niya.

Tumango ako kasabay ang paghina ng mga ingay na aking naririnig.

Teka, pano siya nakapunta agad dito? Magkahiwalay ang Dorm Building ng boys at girls ah?

Inalalayan niya ako palabas ng kwarto at nakita kong madaming estudyante ang nasa pasilyo na tila naguguluhan sa nangyayari.

Tumingin sila sa amin.

"Bakit ka narito? Pinagtitinginan tuloy tayo." bulong ko sa kanya.

"Ganyan ka ba magpasalamat?" balik na tanong niya at napatungo ako sa pagkapahiya.

"Sorry. Salamat nga pala sa kung ano mang ginawa mo kanina. Kung di ka dumating baka kung ano na ang nangyari sa akin kanina." sumilay ang ngiti sa kanyang mukha at napairap ako.

Lalaki na naman ang ego nito dahil sa sinabi ko!

Napahawak ako sa balikat niya dahil sa muling paglindol.

Ugh really what's going on?

"Should I wish for more earthquakes?" hinawakan niya ang aking mga kamay at iginiya iyon papunta sa likuran niya.

Naubos ang distansya sa pagitan naming dalawa dahil doon.

Nanlaki ang aking mga mata. Mukhang hindi lang ang lupa ang nayayanig, maging ang aking kalamnan ay ganoon din!

Niyakap niya ako at isinandal ang aking ulo sa kanyang dibdib.

Nanigas ako sa aking kinatatayuan at nag-init ang aking mga pisngi. Nalanghap ko ang bango niya na mas matamis pa sa mga bulaklak.

"Hey, don't be scared. I'm always here to protect you, to be your guardian." sumandal siya sa pader at dahan dahang umupo pababa.

Sumalampak kami sa sahig at nakita ko ang pagkakaroon ng shield sa palibot namin.

"Why are you do....ing this A....zure?" utal kong tanong.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free