HinovelDownload the book in the application

SIMULA

“If there is anything I can do to help, please let me know.” Ana ni daddy kay tito Emil. Tumango si tito at bahagyang ngumiwi. Tinapik nito ang balikat ni daddy bago tuluyang umalis.

“Enrico, mag-uusap lang kami ng kapatid ko.” narinig ko ang paalam ni mommy kay daddy sabay turo sa kakaalis lang na si tito Emil. Tumango si daddy bilang pag sang-ayon. Sinundan na ni mommy si tito Emil samantalang nanatili naman si daddy sa harap habang maingat na hinahawakan ang ataol.

“Khloe…” tawag ko sa kanya nang makitang nilagpasan niya ako. Bahagya siyang tumigil at hinarap ako. Lumantad sa akin ang maputla niyang balat at namumugtong mga mata. Khloe is my cousin on my mother’s side. She is five years older than me. I should call her ate but we’re not really that close to each other. She’s been mean to me since we were kids. At bihira lamang kami mag kita habang lumalaki at tumatanda. There’s really no particular reason why we hate each other. Maybe it’s just that, we’ve grown apart as an individual.

“I am really sorry about tita Klaudette…” I said with all sincerity. Hinanap ko ang reaksyon sa blanko niyang mukha ngunit wala akong nakita. Even though we didn’t have a good relationship with each other, I still feel bad for her. Her mother died. She was just nineteen and her mother is now gone. I don’t know if I can handle that if it was me.

“S-stop.” Kumunot ang noo ko nang mahimigan ang pagka basag sa kanyang boses. I was about to reach for her shoulders to comfort her nang bigla siyang umatras. Tinaas niya ang kanyang kamay na para bang ayaw niyang hawakan ko siya. Natigilan ako sa ikinilos niya.

“Stop acting like you care.” Mapait nitong sabi sabay angat ng tingin sa akin. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko at hindi na muling nagsalita. Naramdaman kong may taong lumapit sa may likod ko. Nilingon ko ‘to at natagpuan ang mga mata ng kapatid ko. Seryoso ang mukha niyang nakatingin sa pinsan naming si Khloe.

“Khloe, we are sorry for your loss. But don’t talk like that to my sister.” Seryosong pahayag ni Ethan. Hinawakan ko ang kanyang braso at nag-angat ng tingin sa kanya. Bahagya akong umiling, senyales na huwag na niya itong patulan. Khloe is at her most emotional state and I can’t blame her if she feels that way. I just want her to know that even though we were never close to each other, we are here for her.

“Tss.” ‘yon lamang ang sinabi niya bago niya kami talikuran. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago harapin ang kapatid ko.

“She’s devastated, you know.” Paalala ko sa kanya. Naglakad kami pabalik sa inuupuan kanina.

“I know. But the least that she could do is to appreciate the people who are willing to be there for her. Instead she keeps pushing them away.” Sagot ni Ethan sabay halukipkip. Tumango ako sa kanya bilang pag sang-ayon.

“Yeah. But the least that we could do is to understand, that she is having the worst day of her life right now…” sagot ko sa kanya. Bahagya niyang ginalaw ang ulo niya at umiling iling habang diretsong nakatingin sa harapan kung nasaan ang puting kabaong.

Napalunok ako. I can never imagine what Khloe is feeling right now. I was sincere with what I said earlier. But maybe my sincerity wasn’t enough for her to see that we are here for her. As much as I wanted to hug and comfort her, I think I just need to back off. Maybe what she needs right now is some time alone.

A few weeks have passed since the accident happened. Tito Emil was with Tita Klaudette that night. They went out to have a dinner meeting with Angelo Rosales. I don’t know him, but I heard that he was running for mayor in Cebu. Tito Emil was running as his vice mayor. That’s the reason why they were together that night. I heard that Angelo Rosales rode in their car. So Tita Klaudette was seating beside the driver while the two men were at the back seat.

I heard them said that a random car just bumped tito Emil’s car on their way home. Later on, they found out that the random car has no driver. So, they were skeptical if it was really an accident or an ambush.

“What do you think, Ethan?” I looked at him with worry in my eyes. Bahagyang tumaas ang kilay niya nang lingunin ako. Napa nguso na lamang ako nang ilagay niyang kamay niya sa ulo ko at marahang tinapik ito.

“I think that you shouldn’t be meddling with older people’s problems.” Mahinahon niyang tugon kaya napa irap na lamang ako sa kanya.

“I am fourteen, Ethan. I am not seven.” Mariin kong sagot sa kanya ngunit umiling lamang siya.

“You’re still young, Coleen. Don’t stress yourself with their problems. Darating ang panahon na magkakaroon ka rin ng sarili mong problema.” Tinignan niya ako at matipid siyang ngumit. I sighed in defeat. That’s it. That is Ethan Salazar being a big brother to me. And that’s him protecting me.

“Kung nandito lang si Aly…” bumulong bulong ako at marahas niya akong nilingon. Naningkit ang mga mata niya sa akin na para bang may masama akong sinabi. Pfft— he is still not over by the fact that my best friend left without saying goodbye!

“What?” nag taas ako ng kilay at ginaya ang seryoso niyang mukha. Ngunit agad itong napalitan ng pag nguso dahil hindi ko nakayanan ang resting bitch face ng kapatid ko. That was too much! How can he do that?

“Don’t impersonate me, Coleen Andrea.” Nahimigan ko ang pagbabanta sa boses niya.

“Okay, okay!” I said while raising my hands. I give up. Even though isang taon lamang ang tanda niya sa akin, ay mahirap pa ring sumuway sa kanya. He’s still my big brother after all.

“Hmm. About that… do you know when she is coming back?” nag-aalangan niyang tanong habang diretso ang tingin sa harap. Napa irap ako sa hangin dahil sa reaksyon niya. He can’t even look at me in the eyes while asking about Aly!

“I don’t know, Ethan. Her grandmother died, okay? Give her a break.” Matabang kong tugon sa kanya ngunit lalo lamang kumunot ang noo niya. Ayan na naman ang masungit niyang mukha. Kaya hindi siya pinapansin ng best friend ko eh.

“Psh.” Ngumuso siya at hindi na muling nagsalita.

Ilang oras pa ang tinagal ng pananatili namin sa lugar na ‘yon. The funeral took place in Quezon City, where tita Klaudette was born. As much as tito Emil wants to hold it in Moalboal, tita Klaudette’s relatives are in Quezon so it has to be here.

Biglaan nga lang rin ang pag punta namin dito. Pag kauwi namin kanina galing school ay nadatnan na lang namin na nakalabas ang ilang maleta sa bahay. Sabi ni mommy we will be staying here for two nights. Biyernes ngayon kaya ayos lang dahil makakabalik kami ng Cebu bago mag lunes.

Napa kunot ang noo ko nang may kakaibang ingay na narinig sa may bandang likod. Tumingin ako kay Ethan na nakapikit at medyo naka tingala pa ang ulo. Naka tulog na ata siya kaka hintay sa aming mga magulang. Hinanap ng tingin ko si daddy ngunit wala na siya sa kaninang pwesto niya. Sa tingin ko ay sinundan nito si mommy kung saan kausap si tito Emil.

“No! Padaanin niyo ako. I need to see Emil Villanueva!” hindi ko na napigilan at tumayo na ako para malapitan kung ano ang nagdudulot ng ingay na ‘yon. Nag tago ako isang malaking halaman na naka display sa loob at may malalagong dahon. Sinilip ko kung sino ang kanina pang sumisigaw.

Nakita ko ang isang lalaking naka itim na sombrero at may itim na damit. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil sa sombrero niya at medyo madilim sa lugar kung nasaan siya dahil na rin sa gabi na. Hawak hawak siya ng dalawang security guards na naka bantay sa labas samantalang may tatlong body guards na naka harang papasok sa loob kung nasaan ako.

“Please, kailangan ko lang pong maka usap si Mr. Villanueva.” Napaatras ako nang marinig na nabasag ang boses niya. Malalim at buo ang boses niya. Parang boses ng binata. Medyo hawig nito ang kay Ethan kaya lang mas matigas ang boses ng estrangherong ito. Sigurado ako na mas matanda siya sa akin. Ngunit anong kailangan niya kay tito Emil?

“It’s okay, lalabas ako.” sabi ng kadarating lang na si tito Emil. Nasa likod niya si mommy samantalang si daddy naman ay tumungo pabalik kung nasaan kami kanina. Mas lalo kong siniksik ang sarili sa likod ng halaman. Mabuti na lamang at maliit ako at madilim dito.

Seryoso ang mukha ni tito Emil at mommy nang hinarap nila ang lalaking naka cap. Bahagya silang lumayo kaya naman namilog ang mga mata ko dahil hindi ko na sila maririnig. Nagpalinga linga ako para makahanap ng lugar kung saan malinaw kong maririnig ang pag-uusap nila. Limang minuto na ang lumipas nang nag desisyong pumasok ang tatlong body guards samantalang nanatili naman sa labas ang dalawang security guards.

Maingat akong naglakad palabas. Good thing may isa pang halaman dito na mas matangkad pa sa akin. Nakatalikod ang dalawang security guard kaya hindi nila ako napansin na pumuslit sa likod nila. Sinundan ko kung saan nag tungo sila mommy at agad akong nag preno at nag hanap ng matataguan nang makita silang tatlo malapit sa kotse. Marahan akong naglakad at bahagyang lumapit para marinig ang pag-uusap nila.

“Please, attorney. Bakit niyo po itinigil ang kaso? My father was certain it was Henry Cojuangco!” kumunot ang noo ko sa narinig. Muli kong nahimigan ang pag piyok ng boses niya. I am certain that guy is crying. Nagkatinginan si mommy at tito Emil. Umiling lamang si tito Emil at hindi nag salita. Dahil sa ilaw na nanggagaling sa mga poste ay bahagya kong namataan ang pag kislap ng mata ng lalaking ‘yon.

Kumunot ang noo nito nang tignan ang dalawang matanda sa kanyang harap. Para bang hindi niya maintindihan ang mga reaksyon nito. Muli pa sana siyang magsasalita nang mapatalon ako dahil may kumalabit sa likod ko. Marahas kong nilingon kung sino ito. Handa na akong sigawan ang taong nang istorbo sa akin ngunit umurong ang dila ko nang lumantad sa akin si daddy.

“Coleen, what are you doing there?” humalukipkip ito habang hinihintay ang pag sagot ko. Tumuwid ako ng tayo bago siya nilapitan at ngumiwi.

“Hehe, napadaan lang po ako daddy…” sagot ko sabay kamot ng ulo. Naningkit ang mga mata niya na para bang pinag-iisipan kung maniniwala siya sa akin o hindi. Lumandas ang mga tingin niya sa likod ko kaya naman napakunot ang noo ko nang bigla niyang higitin ang braso ko at hinila ako papasok sa loob.

“Bakit dad?” nagtataka kong tanong. Akmang lilingon pa ako sa likod ko nang umangat ang kamay niya sa batok ko dahilan kung bakit napigilan ang pag pihit ng ulo ko.

“Magagalit ang mommy mo sa’yo kapag nakita ka niyang nakikinig sa usapan nila.” pangaral niya sa akin. Ngumuso ako at nag angat ng tingin sa kanya.

“But daddy, I just want to know what really happened…” sabi ko habang nanghihina ang boses ko. I heard him sighed nang makarating kami sa upuan namin kanina kung nasaan si Ethan na ganoon pa rin ang itsura. Bahagyang naka tingala ang ulo nito at nakapikit.

“Coleen, some things are not appropriate for kids at your age to know. In time, you will know what happened. For now, just listen to daddy okay?” isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago dahan dahang tumango. He smiled in relief nang makita ang pag tugon ko. Bumagsak ang balikat ko nang talikuran niya ako at hinarap si mommy na kadarating lang kasama si tito.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free