“Cheers!” itinaas ko ang basong may laman ng Jack Daniels na whiskey at agad itong nilagok. Napangiwi ako nang maramdaman ang tama nito sa aking lalamunan. Hindi ako sigurado kung pang ilang baso ko na ‘to dahil medyo kanina pa kami nag iinom dito.
“Coleen.” Ramdam ko ang pag bigat ng mga mata ko. Ngunit sinikap kong dumilat para lingunin ang pag tawag ni Louis.
“Hmm?” sagot ko nang may panghihina. Katabi ko siya ngayon sa couch dito sa may Marshall’s. Kasama namin sina Sasha at Ellie.
“That’s enough.” Ngumuso ako at inabot ang pisngi niya. Marahan ko itong tinapik tapik ngunit hindi man lang natinag ang reaksyon ng mukha niya.
“Are you mad?” tanong ko sa kanya nang mapansin ang lalong pagka lukot ng mukha niya. Dahan dahan siyang umiling kaya agad akong napangiti. Muli akong nag salin ng whiskey sa aking baso at nilagok ito. Marahas akong sumandal kay Louis na kanina pa nakadantay ang braso sa sofa.
“What does he want from me?” wala sa sarili kong tanong. Naramdaman ko ang marahang pag haplos ni Louis sa buhok ko.
“He wants to fuck you.” nahimigan ko ang pait sa boses niya. Napa kunot ang noo ko at sinikap na umiling. Tinapunan ko ng tingin ang dalawang babaeng kasama. Sasha is making out with this guy on the other end of the sofa. Ellie is busy on her phone while holding a glass of bourbon.
“No. He wants something else.” Sagot ko kay Louis habang nakasandal pa rin sa kanyang balikat.
“Layuan mo na siya, Coleen.” Seryosong pahayag ni Louis. As much as I want to, I can’t. I can feel that he’s up to something. I need to know what it is.
“I need to know, Louis.” Nakapikit kong sagot sa kanya. Sa mga nangyayari ngayon, hindi na ako sigurado kung nagkataon lang ba nagkita kami o hindi. The coincidence is just too much! Pati ‘yong ina niya na bigla biglang sumulpot at sa ganitong pagkakataon pa. Now I am more skeptical sa relationship ni Megan Cruz sa tito ko. I mean, I don’t care who the fuck he wants to date as long as he stays the hell out of my house and my family. But me, meeting his girlfriend’s son is not a coincidence. It can’t be.
“What do you want to do?” marahan kong minulat ang mga mata ko. Naramdaman ko ang pag tama ng labi ni Louis sa tainga ko ngunit hindi ko na ‘to pinansin. Kailangan kasi naming mag bulungan dahil sa sobrang ingay dito, hindi kami magkakarinigan.
“I want to investigate him.” mariin kong sabi at nag angat ng tingin sa kanya. Kunot noo niya akong tinignan ngunit unti unti rin naman siyang tumango bilang pag sang-ayon.
“Okay. Kung iyan ang ikatatahimik mo.” Isang buntong hininga ang pinakawalan niya kaya naman agad ko siyang niyakap. Naka subsob ang mukha ko sa kanyang dibdib dahil nararamdaman ko na naman ang muling pag init ng mga mata ko. Hindi ko rin sigurado kung bakit ako naiiyak. Siguro dahil sa alcohol?
“Hey…” naramdaman ko ang marahan niyang pag hagod sa likod ko. Napangiti ako kahit hindi niya nakikita. I don’t know what I will do without him. I know his life is in Manila, and I appreciate that he goes here if he has time to spare. I wonder how much time he wasted just to be here for me.
“Thank you.” I whispered. I am not sure if he heard it, but I guess he did when I felt his hands on my temple. The last thing I remembered was feeling his gentle strokes on my hair before everything went black.
Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko nang maramdaman na lumulutang ako sa ere. Kumunot ang noo ko nang maamoy ang hindi pamilyar na amoy ng lalaki. It’s not bad. In fact, it smells good.
“Are you awake?” kumunot ang noo ko nang marinig ang pamilyar na boses ng lalaki. Damn, of all people. Inangat ko ang braso ko at bahagyang tinulak ang dibdib niya. Buhat buhat niya ako at hindi ko alam kung saan kami papunta.
“Don’t move. I’m just carrying you to your room.” Mariin akong napapikit nang biglang pumintig ang ulo ko sa sobrang sakit. Shit, am I home? Did I go home drunk? What happened? Omygod, wala dapat makaalam na nanggaling akong bar.
Mabibigat na hininga ang pinakawalan ko nang maramdaman ang malambot na kama sa aking likod. Maingat niya akong nilapag dito habang iniinda ko pa rin ang sakit ng aking ulo.
“Why are you still here?” sinikap kong magsalita upang matanong ‘yon sa kanya. Are they planning to stay here for awhile? For what? My brother isn’t here. My parents are abroad. Seriously? What does tito Emil want?
Pinagmasdan ko siyang ilatag ang comforter sa ibabaw ko. Hindi niya sinagot ang tanong ko.
“Christopher—”
“I said, call me Topher. A’right?” sa sobrang bagal ng boses niya ay halos makalimutan ko ang dapat kong sabihin. Muli akong nawala sa pag-iisip nang maramdaman ko ang unti unting pag bagsak ng talukap ng aking mga mata. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa alak o dahil sa boses niya. Hindi siya agad umalis. Ramdam ko pa rin ang presensya niya kahit na tuluyan na akong nakapikit. Sinikap kong labanan ang antok ko pero alam kong nabigo ko ako.
Dumapo ang kamay ko sa aking mukha nang magising ako sa matinding sikat ng araw. Napabalikwas ako at agad na hinanap ang cellphone ko upang makita ang oras.
“Shit.” Bulong ko sa sarili ko at dali daling tinahak ang bathroom sa aking kwarto. Hindi ko alam kung paano ko nagawang maligo ng limang minuto ngunit nagawa ko. Nagmamadali kong sinuot ang aking uniporme at agad na nag sipilyo. Nilagay ko ang tuwalya sa aking ulo at marahas na kiniskis ito sa basa kong buhok. Wala na akong panahon para mag blower kaya hahayaan ko na lang ‘tong matuyo sa hangin.
Kasalukuyan kong sinusuot ang aking medyas para mag sapatos nang mapagtantong hindi ko naman pala kailangang mag madali. Una, dalawang oras pa ang byahe ko para maka punta sa school at wala na akong magagawa dahil ala syete na ako nagising at ang unang klase ko ay alas otso. Pangalawa, hindi rin naman maganda ang bubungad sa akin pag dating ko doon. Dahil first subject ko ang math, ibig sabihin ay umagang umaga mukha niya na naman ang una kong makikita.
“Royce, paki handa na ang sasakyan.” Sigaw ko habang nagmamadaling bumaba. Tinakbo ko ang hagdan pababa at halos matalisod ako nang magkamali ng hakbang ang paa ko. Mariin na akong pumikit dahil alam kong malakas ang magiging bagsak ko nang isang minuto na ang lumipas at wala akong maramdaman.
Dahan dahan akong dumilat at natagpuan ko ang pamilyar na pares ng mga mata. Naka tukod ang kanang kamay niya sa handrails ng hagdanan bilang suporta. Samantalang ramdam ko naman ang kaliwa niyang kamay sa may beywang ko, at ang mga tuhod niyang naka sa akin upang pigilan ang dapat na pagdausdos nito. Napalunok ako at dahan dahang lumayo sa kanya. Ngumuso siya at maingat akong binitawan. Pinagpatuloy ko ang paghakbang sa isang palapag nang bigla siyang magsalita.
“You’re late.” Kunot noo ko siyang nilingon. Nilagay niya ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa habang naglalakad papalapit sa akin. Bahagya akong napa atras. Magsasalita na sana ako nang marinig ang baritonong boses ng aking tiyuhin.
“Coleen, iha.” Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. Baka tanungin niya kung nasaan ako kagabi?
“Good morning, tito.” Bati ko sa kanya. Ito ang isa sa dahilan kung bakit kailangan ko talagang pumasok ng maaga. Ito ay para hindi sila masalubong habang naglalagi sila dito. Pero dahil nga sa lasing ako kagabi, ito ang magiging parusa ko ngayon.
“Hindi mo nabanggit na sa school niyo pala nagtuturo itong si Topher. Na destino ba siya sa klase niyo?” naka ngiting tanong ni tito Emil sabay inom sa kanyang kape.
Okay, look. I know nagpapa good vibes lang siya sa akin pero hindi na niya kailangan gawin ‘yon. Sa anak niya siya mag simula. Pero tulad nga ng sabi ko, kinakain lang siguro ni Khloe ang lahat ng sinasabi ng tatay niya sa kanya. I get it, she can’t do anything. And his father is doing everything para matanggap ng mga Salazar ang bago niyang babae. But what for? Kahit sino pang dalhin niya, no one can replace tita Klaudette.
Sooner or later magpapalit na naman siya ng babae. That’s what I don’t understand with him. If he’s not serious, then he shouldn’t move so fast na ipapakilala niya ang lahat ng nagiging babae niya sa pamilya niya. Hindi ba pwedeng siguraduhin niya munang magtatagal sila?
“Uh, yeah. I didn’t think it was important to mention.” sagot ko. Naramdaman ko ang tuluyan niyang pag lapit sa likod ko kaya naman nilingon ko siya.
“He’s our math teacher, tito.” Dagdag ko pa. Tumango si tito Emil at hindi na lamang pinansin ang una kong sinabi.
“And about that…” muli kong pahayag at naka ngising nilingon si Topher. Kumunot ang noo niya nang mapansin ang panunuya sa boses ko.
“What do you want me to call you? I mean, practically we’re step cousins, right? So, what about cuz? Or kuya ‘cause basically you’re what? Four or five years older than me? or do you prefer Sir—”
“Topher would be much appreciated.” Napataas ang kilay ko nang putulin niya ang pagsasalita ko. I was gonna say, ‘sir Navarro’. Nanliliit ang mga mata ko nang tignan siya ngunit pasimple niya lang akong pinandilatan. Nag kibit balikat na lamang ako nang matagpuan ng mga mata ko si Royce.
“Well then, tito and Topher…” binigyang diin ko ang kanyang pangalan.
“Una na ako. ‘Cause I am seriously late.” Paalam ko. Matipid na ngumiti si tito Emil sa akin at tinanguan ako. Hindi ko na muling tinapunan ng tingin si Topher at agad ko ng tinahak ang daan papalabas.
“Sabay na tayo!” I rolled my eyes when I heard what he just said. Naka labas na ako nang lingunin ko siyang patakbong tinatahak ang daan papunta sa akin. Bahagya kong tinagilid ang ulo ko at humalukipkip.
“Let’s go. You’re late.” Sinalubong niya ako nang malawak na ngiti na para bang walang nangyaring awkwardness kanina at para bang close kami. Ngunit nilagpasan ko siya at dire diretsong nag punta sa kung nasaan naka park ang itim na Toyota land cruiser. Kumunot ang noo ko nang mapansing wala ang driver sa loob nito.
Bago pa ako maka lingon ay naramdaman ko na ang mahigpit na pag hawak ng isang kamay sa braso ko.
“Are you kidding me?” walang gana kong tanong sa kanya ngunit hindi siya umimik. Binuksan niya ang passenger’s seat ng puting Ford Edge at inilahad ang kamay niya doon.
“Ikaw ang maghahatid sa akin?” tanong ko sa kanya.
“Yup.” Sagot niya na para bang hindi iyon ang pinaka obvious sa sitwasyon ngayon.
“Okay.” Sagot ko at binuksan ang pintuan ng back seat. Nakita ko pa ang pag iling ng kanyang ulo bago siya tuluyang umikot para makapasok sa driver’s seat.
“So, this is your master plan? You plan to make me your driver?” sarkastiko niyang tanong pagka pasok na pagka pasok sa loob.
“Oh please. You’re the one who wanted to take me to school.” Matabang kong sagot. Hindi na niya ako inimik. Narinig ko na lang ang pag tunog ng makina hudyat na paandar na ang sasakyan.
“I’m surprised you have your own car here.” Sabi ko habang naka tingin sa labas ng bintana. It’s been thirty minutes full of silence until this very minute when I decided to speak.
“Bakit? Kailangan bang mag may-ari muna ng hacienda bago magkaroon ng sasakyan?” kumunot ang noo ko at napatingin sa kanya sa salamin. Nag salubong ang mga mata namin ngunit hindi ‘yon nag tagal dahil kinailangan niyang ituon ang atensyon sa daan.
“That’s not what I meant.” Matipid kong sagot. Marahan siyang tumawa at iniling iling pa ang kanyang ulo. Seriously?
“Yes, I have my own car because I have my own job. What about you, Coleen?” nahimigan ko ang panunuya sa kanyang boses. Is he mocking me? Making me look like a useless brat who depends on her parent’s money to live? ‘Cause if that’s what he thinks then he doesn’t know me to judge me like that.
“Well, I don’t need my own car when I have a driver. Besides, nag-aaral pa kasi ako diba?” Bahagyang tumaas ang kilay ko at tinuon ko ang mga titig sa salamin. Tinapunan niya ako ng tingin at saka ko siya inirapan. Marahan siyang tumawa at hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o natatawa lang talaga siya.
“Hmm. About earlier… Don’t call me ‘sir Navarro’ ever again.” kumunot ang noo ko at ako naman ang natawa.
“Seriously? Anong gusto mong gawin ko? Teacher kita, as if I have a choice!” naiirita kong sagot sa kanya. He’s making everything about us complicated.
“Call me anything. Just not that. Especially when tito Emil’s around.” Natigilan ako sa sinabi niya. Muling nag salubong ang aming mga tingin sa may salamin bago siya nagsalita.
“I think I need to renew our terms of agreement…” I narrowed my eyes on him. Natigilan ako nang maramdaman ang unti unting pag hina ng makina bago ito tuluyang tumigil. Napatingin ako sa labas, we’re not in school.
“Mind to have another deal from me? This time, for real.” Seryoso niyang sabi sabay kalas sa kanyang seat belt. Is this the answer I’m looking for?