Padabog kong sinarado ang pinto ng kotse at naglakad papunta sa kanya.
“What the hell are you doing? You’re supposed to be driving for me!” hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses sa kanya. He is unbelievable! Did he plan this? Na siya ang magmamaneho para sa akin para makuha niya ang oras ko? Kung ito ang paraan niya para makuha ang loob ko then he’s making a wrong move.
“We will just talk, Coleen.” Kalmado nitong sabi habang naka tuon ang buong atensyon sa malayo. Kumunot ang noo ko at napatingin sa tinitignan niya. My jaw almost dropped when I saw how beautiful Simala Church is.
Naglakad ako papalapit sa kanya. Nakalagay ang dalawa niyang kamay sa magkabilang bulsa habang tahimik na pinagmamasdan ang parang kastilyo na simbahan
“Monastery of the Holy Eucharist.” Sabi ko nang malapitan siya. Tumango siya nang hindi ako nililingon. Na para bang alam niya ito. Nag kibit balikat na lamang ako at ginaya siya na tahimik itong tinitignan. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang lugar na ito. At mas lalong hindi ako sigurado kung bakit niya ako dinala rito.
“Beautiful.” Nahimigan ko ang pagka mangha sa kanya niyang boses. Nilingon ko siya at nagtagpo ang mga mata namin. Kumunot ang noo ko nang mag-iwas siya ng tingin sa akin.
“Yeah. Parang kastilyo.” Sagot ko sa kanya at nilubayan na siya ng tingin. Sampung minuto pa ang lumipas bago siya muling mag salita.
“I’m sorry.” Rinig kong sabi niya ngunit hindi ko siya nilingon. He is sorry? For what? For being a jerk to me? Or he is sorry for what he’s about to do?
“I’m sorry for what I’ve said in my office. I’m sorry for acting like a douchebag. I’m sorry…for making you cry.” Doon ko siya nilingon. Muling nag tama ang mga tingin namin.
“Are you confessing your sins to me right now just because we’re in front of a church?” diretso kong tanong sa kanya ngunit seryoso lamang siyang umiling sa akin.
“No. I brought you here, so you can think twice before judging me. I know you wouldn’t believe whatever I say. That’s why I am saying this to you, and in front of Him… Please believe me, I am really sorry.”
Diretso ang tingin niya sa mga mata ko. I shouldn’t believe him. He’s been nothing but a jerk to me ever since we met after that night. But how do you refuse someone who is sincerely apologizing to you? Kung ang Diyos nga nagpapatawad, sino ba ako para tanggihan siya?
Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago dahan dahang tumango. Nasilayan kong muli ang dimples sa kanyang pisngi nang mag-angat ang kanyang labi. He is smiling. He is genuinely smiling, and the reason was because of me? Because I forgave him? That’s ridiculous but I can’t help but to smile too. Kinagat ko ang ibabang bahagi ng labi ko upang mapigilan ang tuluyang pag ngiti. Oh God, I am losing. Tumikhim ako at marahas na lumunok.
“Thank you…” mahina niyang sabi habang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kanyang labi. Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin. Damn, Coleen. Don’t fall for his trap! Paano kung ito ang way niya para makuha ang gusto niya sa’yo? Pero ano ba talagang gusto niya? Was he serious when he asked me about that ‘thing’?
“Basta huwag mo na ‘yon uulitin.” Sabi ko sabay talikod. I can’t do this! Hindi ko kayang makipag tagis ng tingin sa kanya ngayon. Lalo na at nasa harap kami ng simbahan at ang inaapakan namin ay isang banal na lupa. Baka hindi ako makapag pigil at ano pang magawa ko sa kanya. Oops.
“Wait—Coleen!” rinig ko ang pag sigaw niya ngunit nakapasok na ako ng tuluyan sa kotse. Sa back seat ko pa rin piniling umupo. Hindi porket nag sorry siya ay close na kami. I won’t let my guard down.
“Hey…” namilog ang mga mata ko nang pumasok siya sa kabilang pinto ng back seat.
“Anong ginagawa mo dito? Doon ka.” Kunot noo kong pahayag sabay turo sa harap kung nasaan ang driver’s seat.
“Yeah, but I’m not yet done. We still need to talk, remember?” mabibigat na hininga ang pinakawalan ko saka nag-iwas ng tingin. What is up with him today? Bakit ang kalmado niya? Bakit ang bait niya sa akin? Why is he acting like this now?
“Okay. Ano ‘yon?” sabi ko nang hindi siya tinitignan. Naka tukod ang siko ko sa may bintana habang nakatingin sa labas.
“I need to ask you a favor…” panimula niya. Hindi ko pa rin siya tinitignan. Hindi ko alam kung kaya ko ba siyang tignan nang hindi siya sinusunggaban.
Okay? I admit it! My heart is fucking fluttering for no reason! Nakuha niya ako! Nakalabit niya ang something sa sistema ko kaya hindi ko magawang mag taray sa kanya ngayon! Was it the good attitude? I doubt that. Baka dahil sa dimple!?
“Can you please hide the fact that I’m a Navarro…” kumunot ang noo ko sa narinig. Hindi ko pa rin siya nililingon. Ngunit naramdaman ko ang kamay niyang nasa may pisngi ko at marahang hinarap ito sa kanya.
“Please look at me…I want you to look at me in the eye.” Mabagal niyang sabi. Napalunok ako nang magtagpo ang mga mata namin. Please, Topher. Stop this! I don’t know if I can hold it anymore!
“W-why?” I bit my lowered lip when I heard my voice broke. Damn, Coleen! You are better than this. You can do it!
Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan niya. Tinanggal niya ang kamay niyang nasa pisngi ko at mapait na ngumiti.
“Your uncle… Emil Villanueva was the reason why my father is dead.” Bahagya akong natigilan. Ilang beses pang kumurap ang mga mata ko bago tuluyang naintindihan ang sinabi niya.
“What do you mean?” kinakabahan kong tanong. Omygod, if that is true I don’t know what I’m gonna do! Should I tell Khloe?
“Four years ago, my dad was falsely accused of an ambush that happened with Angelo Rosales, Emil and Klaudette Villanueva…” bumilis ang tibok ng puso ko. Yeah, I remember. That was four years ago but I get the gist.
“B-but that was an accident…” mahina kong tugon. Or so it was what I chose to believed in. Dahil ayaw sabihin sa akin ng parents ko ang totoong nangyari. Was it because of this? Dahan dahan siyang umiling habang lumandas ang mapait na ngiti sa kanyang labi.
“No. My father knew who the real culprit was. That’s the reason why he was set up…” paliwanag niya. Mariin ang pagkakasabi niya sa bawat salita na binigkas niya. The way he said it feels like it was only yesterday when it happened.
“But, why is it my tito’s fault? Kasama siya sa na-aksidente…” naguguluhan kong tanong.
“Because he dropped the case!” napalunok ako nang magtaas siya ng boses. Nawala ang pagiging kalmado niya kani kanina lang. Parang bumalik siya sa kung sino siya noong muli naming pagkikita. Noong una kaming nagka sagutan.
Bahagya niyang ginulo ang buhok niya sabay iwas ng tingin sa akin.
“I’m sorry… I-I didn’t mean to shout at you…” bulong niya habang hindi ako tinitignan. Tumango ako kahit na hindi niya ‘yon nakita.
“Is that the reason why your mom is with him?” nanghihina kong tanong. Magkasabwat sila ng ina niya. That’s the reason why Megan used her maiden name. She cannot use Navarro and tito shouldn’t know that Christopher is a Navarro.
Nilingon ko siya at dahan dahan siyang tumango. Huminga ako ng malalim at mariin na pumikit. Hindi ko alam kung anong gagawin ko gayong nalaman ko na ang mga plano niya, nila ng nanay niya.
It was stupid! If tito Emil’s feelings for his mom were real, I don’t know what he will do if he found out about this. Everything that happened to him, and now this? Hindi ba parang sobra naman ata? Hindi lang sila ang nawalan…he lost someone too. He lost the love of his life and the mother of her daughter.
“Why…” kumunot ang noo ko nang mapag tanto. Nilingon niya ako at tumaas ang kilay niya.
“Why what?” tanong niya na para bang naguguluhan sa tanong ko. Umiling ako na para bang hindi naiintindihan ang mga plano nila.
“Why what, Coleen? Can’t you see? He’s the reason why my father is dead! He’s supposed to be the target! But because my father is a decent person, he chose to do the right thing! He chose to tell the truth and look where it got him?” muli kong nahimigan ang pait sa kanyang boses. He is mad. That is for sure. Pero anong magagawa ng plano nila if his father is already gone?
“Why tito Emil? Why not the real culprit? You said yourself that your father knew who it was. Then you should’ve told the police! Or the lawyer!” sabi ko na para bang alam ko ang nangyari. But that should be the case. You shouldn’t put justice in your hands. Kaya tayo may law para magkaroon ng peace and order. Hindi para labagin ito.
“Did you think we didn’t do that? We did everything, Coleen! We waited for them to file another suit, but they didn’t. Instead, they turned the tables and made my father the criminal just because they needed someone to blame!” mariin akong pumikit. That’s it. That’s what I needed to hear.
“What are you planning to do?” matigas kong tanong. Ano pa bang magagawa nila ng nanay niya? The case has been dead gone. It’s been four years!
“My mom plans to convince Emil to re-open the case.”
“And how will you do that without getting caught?” sabat ko sa kanya. Natigilan siya at napatingin sa akin. See? I told you this is stupid. They’re just wasting their time. Bakit hindi na lang nila sabihin ang totoo?
“Emil will know eventually. He should know…” makahulugan niyang sabi. Muling kumunot ang noo ko.
“And why are you telling me these? How can you be so sure that I will not ruin your plans?” seryoso kong tanong sa kanya. Hindi siya sumagot kaya muli akong nagsalita.
“Christopher Navarro, you should know that you are taking a really huge risk by telling me these things. I could ruin everything you and your mom have planned from the beginning. I can easily tell these to tito Emil and everything will be over. You are surely underestimating me and the way I care for my family…”
I narrowed my eyes on him. This is it. This is his big secret. This is what he wants from me. His mom’s using tito Emil while he plans to use me. But I don’t get it! Why me? Why not Khloe? He’s the daughter of Emil Villanueva. I’m just his niece.
“No, Coleen. I believe in you. That is why I am asking you this favor. As someone who cares about her family. I know you will understand. Please? As soon as we convinced him you don’t have to put up with our lies. As soon as my mom persuade your uncle, the case will be re-open, and the real culprit will get caught. I need to do this to clear my father’s name. Until then, I need you… I need you to cooperate with me. Can you do that?” napalunok ako nang bumalik ang pag hinahon ng boses niya. Hindi tulad kanina na halos sumabog siya sa galit. Huminga ako ng malalim bago siya sagutin.
“Seriously, Topher? Hindi ko alam. Hindi ko alam kung kaya ko bang mag sinungaling para sa’yo. I mean, why do you think that I would willingly do this for you? That I will trick my own family, my own blood just for you to execute your plan?”
Umiling iling ako habang sinasabi ang mga salitang ‘yon. Dahil mismong sa sarili ko ay hindi ko maipaliwanag… a part of me wants to help him when in reality, a part of me shouldn’t even believe every word he is saying.
Napa sandal ako nang unti unti siyang lumapit sa akin. Mariin kong nakagat ang ibabang bahagi ng labi ko nang maramdaman ang bintana sa likuran ko. Hindi siya tumigil at patuloy niyang nilapit ang mukha niya sa akin. Isang pulgada na lamang ang layo namin nang muli siyang mag salita.
“Because you like me, Coleen. You are trying so hard not to feel that way for me, but I know better. And I want you to stop trying so hard because you don’t need to worry about it…”
Natigilan ako sa sinabi niya.
“Because I like you too.” Napalunok ako sa narinig. Is he serious?
“And that is the reason why I’m telling you these. It’s because I trust you.”
My heart literally skipped a beat. Pinilit kong mag iwas ng tingin ngunit sinundan niya lamang kung saan tumungo ang mga mata ko. His eyes glow like firelight and the wood is screaming as it burns. Hindi ko mawari kung saan nanggagaling ang pawis na namumuo sa sentido ko. Dahil ba sa saradong kotse o sa mga mata niyang nag-aapoy na naka pukol sa akin?