“Kamusta?” nag angat ako ng tingin kay Louis na kararating lamang. Maingat niyang nilapag ang tray sa harap ko na may lamang Caramel Frappuccino at Mocha Frappuccino.
“Akin ‘yong Mocha, ha.” Dagdag niya pa nang mapansing nakatitig ako sa dalawang cup na nasa harap. Siya na ang nag lipat ng mga laman ng tray sa aming mesa. Nilapag niya sa harap ko ang Caramel frap at coffe cake na nasa platito. Ganun din ang inorder niyang cake sa kanya.
“Thank you.” wala sa sariling sabi ko at sinimulan ng inumin ang frap sa harap. Narinig ko ang pag buntong hininga niya habang tahimik akong pinagmamasdan.
“Lagi ba tayong ganito?” kumunot ang noo ko nang bigla siyang mag salita makalipas ang sampung minuto. Muli siyang nagpakawala ng buntong hininga bago muling mag salita.
“Lagi na lang tayong nagkikita nang lugmok na lugmok ka. Himala nga at nasa Starbucks tayo ngayon at wala sa Marshall’s. Mabuti yan, tama na ang alak. Uminom ka na lang ng kape nang magising ka na sa katotohanan.” Iniling iling niya pa ang kanyang ulo sabay inom sa kanyang Mocha frap.
“Alam ko na ang totoo, diba?” paalala ko sa kanya. Nakwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari kahapon. Kung paano ako umabsent at sumama kay Topher. Kung paano niya sinabi sa akin ang plano nilang mag-ina. Kung paano ako nag walk out at lumabas ng kotse para magpa hangin. At kung paano ko siya iniwan doon at nag hanap ng taxi pauwi.
“Hindi mo siya kaya iwasan habang buhay.” Paalala niya. Hindi ako pumasok ngayon. Pero hindi dahil na late akong magising. Sa katunayan, maaga akong nagising kanina. Ala sais pa lang ay umalis na ako ng bahay. Hindi naman nagtaka ang driver dahil ganoong oras naman ako talaga umaalis. Six thirty nga lang noon. Mas inagahan ko lang ng thirty minutes kanina para siguradong hindi kami magpang-abot.
“Alam ko ‘yon.” Sagot ko sa kanya sabay kain ng coffee cake. Lumipad na naman ang isip ko habang ngininguya ito.
Si Louis na lang ang tinawag ko ngayon. Hindi ako pumasok para makipag kita sa kanya. Siguro naman ay alam na ni Topher kung bakit ako lumiban ng klase. Sana mapagtanto niya na siya ang dahilan. Isa siyang malaking distraction. Gumugulo ang maayos kong buhay simula ng dumating siya.
“So, anong desisyon mo?” marahang tumaas ang kilay ni Louis kasabay nito ang pag kabog ng dibdib ko.
“I won’t tell it to tito Emil…” huminga ako ng malalim at nakita ang blangko niyang mukha. He expected it to be my answer. But he looks disappointed…
“Okay, then.” Matipid niyang sabi. Ngumuso ako nang mapagtantong nag susungit siya sa akin. Nabanggit ko sa kanya ang confession ni Topher sa kotse. Hiningi ko ang opinion niya sa kung anong tingin niya doon. He practically slammed to my face that Topher was lying. And after that, he’s been giving me cold stares and dismissive shrugs.
Hindi ko na muling inungkat ang tungkol doon. That was his opinion. That should be mine too. Pero wala siya doon at hindi niya naramdaman yung naramdaman ko noong mga oras na ‘yon. Topher’s hazel brown eyes were not just looking at me. They were looking through me. Tagos na tagos sa kaluluwa ko. But I blew the moment when I walked out of the car! Geez, I chickened out!
“I can’t just go right ahead to tito Emil tell him hastily everything that Topher has told me. I need to know first if he’s telling the truth. I need to confirm it before I make another move…” paliwanag ko sa kanya. Dahan dahan siyang tumango na para bang naiintindihan niya na ang mga naging desisyon ko.
“Right. What do you want me to do?” huminga ako ng malalim at inabot ang kamay niyang nasa lamesa.
“Thank you, Louis.” Agad kong sabi. Eto na naman ako. Ang bilis kong ma-carried away sa mga ganitong pagkakataon. Bahagya siyang natigilan ngunit agad din naman siyang naka bawi nang irapan ako at umiling.
“Wala pa nga akong ginagawa…” sabi niya nang natatawa. Natawa rin ako sa kanya. He doesn’t need to do anything. His mere presence was enough. I don’t know if I can do this without him. But right now, we both know that I can really get use of their family business to help me know the truth.
“I want you to do a background check…” dahan dahan siyang tumango bilang pag sang ayon sabay simsim sa kanyang Mocha frap. Ilang detalye ang mga hiningi niya sa akin tulad ng buong pangalan ni Topher at kung taga saan siya. Sinabi ko lahat ng nalalaman ko. Na taga Maynila siya pati ang pangalan ng nanay niyang si Megan Cruz.
“You know I need to go back to Manila to do this.” Sabi niya habang naka tuon ang buong atensyon sa daan. Nasa loob kami ng kotse niya at papalubog na ang araw. Ginugol namin ang buong araw na ito tungkol sa pag paplano at kung ano ang mga dapat namin asahan pagkatapos ng imbestigasyon niya.
Louis Rivera’s family business specializes in research, surveillance and other methods of investigation. In short, you hire private investigatos or professionals from them if you want to dig a little deeper into someone’s life. Which is what we are doing right now.
“I know. Please keep in touch.” Sabi ko sabay baling sa kanya. Matipid siyang ngumiti at tumango bilang pagsang-ayon.
“Gusto mong pumasok sa loob? Dito ka na kumain?” aya ko sa kanya habang pina-park niya ang pulang Alfa Romeo Stelvio.
“Sure.” Sagot niya at narinig ko ang pag bagal ng makina. Agad kong kinalas ang seat belt at binuksan ang pintuan ng kotse. Lumubog na ang araw kaya madilim na nang makarating kami sa hacienda.
“Good evening, young lady.” Salubong sa amin ni butler Royce. Lumandas ang tingin niya kay Louis na nasa likod ko. Tinanguan ko si Royce bago mag salita.
“He’s my friend. Kakain siya dito. May dinner na ba?” tanong ko nang makapasok kami sa loob.
“Yes. Tamang tama. Nandoon na rin ang tito at mga pinsan nyo.” Tumigil ako sa paglalakad kaya tumigil din silang dalawa. Nag tagpo ang mga tingin namin ni Louis at napa ngiwi ako sa kanya.
“Okay, Royce. Thank you. Magbibihis lang ako.” sabi ko sa kanya sabay hatak ko kay Louis paakyat sa kwarto ko.
“Woah, woah. Easy!” ani niya nang malakas kong sinarado ang pinto nang makapasok kami.
“Grabe. Hindi ko alam kung hanggang kailan sila magtatagal dito. Bakit ba sila nandito? Pwede namang sa Moalboal na lang sila.” Naiirita kong sabi habang tinatanggal ang skinny jeans na suot.
“Susmaryosep, Coleen! Doon ka nga mag bihis sa banyo mo. O kaya ay lalabas na lang ako. Sa baba na lang ako mag hihintay.” Kumunot ang noo ko nang mamataang dali dali siyang pumunta sa pinto upang umalis.
“Wait!” pigil ko sa kanya. Tuluyan ko ng natanggal ang skinny jeans at naka panty na lang ako. Namilog ang mga mata niya nang makita ang itsura ko at agad na nag iwas ng tingin.
“Ano ka ba Louis. Okay lang dito ka lang. Kaibigan kita at alam ko ang deep dark secret mo, ano!” kantyaw ko sa kanya at saka tumawa. Tinusok tusok ko pa ang tagiliran niya kahit na pilit niyang hinahawi ang kamay ko.
“Coleen! Stop!” pigil niya sa mga kamay kong kinikiliti siya.
“Sus, pabebe! Huwag ka ng mag inarte. Alam kong naiinggit ka lang sa kung anong mayroon ako na wala ka. HAHAHAHA” pinagpatuloy ko ang pag kantyaw sa kanya ngunit patuloy lang rin ang pag atras niya. Sa bilis ng pangyayari ay napansin ko na lang ang pag bilog ng mga mata niya at pag tumba niya dahil sa box na nasagi ng paa niya. Samantalang nadala naman ako sa kanya kaya napahawak ako sa dibdib niya bilang suporta at mariing pumikit.
Natawa ako nang bumagsak ako sa kanya samantalang naka agapay naman ang mga kamay niya sa ulo ko.
“Oh God! You’re such a klutz, Louis. Hahahaha!” natatawa kong sabi sabay tingin sa kanya. Magsasalita pa sana ako at muli siyang aasarin dahil sa seryoso niyang mukha nang sabay kaming napatingin sa malakas na pag balibag ng pinto.
Agad akong naitulak ni Louis kaya naman sabay kaming napatayo mula sa pagkakabagsak. Lumantad sa pinto ng kwarto ko ang seryosong mukha ni Topher na nakahalukipkip at pabalik balik kaming tinignan. Mas lalong nalukot ang mukha niya nang bumaba ang tingin niya sa akin. Saka ko lang napag tanto na naka panty lang ako!
Namilog ang mga mata ko at tinakpan ng kamay ang pang ibabang parte ng katawan ko. Pumunta ako sa likod ni Louis upang magtago at sabay na narinig ang pag tikhim ng dalawa.
“Omygod, Topher! Get out!” sigaw ko sabay turo sa pinto. Hindi siya natinag sa posisyon niya. Mas lalo lamang lumalim ang tingin niya sa akin at nag igting naman ang panga niya nang lumipat ang mga tingin kay Louis.
“Here” napatingin ako sa kamay ni Louis kung nasaan ang jacket niya. Tinanggal niya ito at inabot sa akin. Agad ko ‘tong kinuha at binalot ang harap na parte ng pang ibaba ko. Pagkatapos ay diretso akong naglakad patungo kay Topher at tinulak siya palabas.
“Labas!” sabi ko habang tinutulak ang dibdib niyang matigas. Napalunok ako nang hindi man lang siya natinag at parang balewala ang pwersa ko sa kanya. Kunot noo niya akong tinignan bago magsalita.
“Tinakpan mo ang harapan para hindi ko makita pero kitang kita naman ng lalaking yon ang likuran mo. Yung pwet mo kita niya, Coleen! Takpan mo rin ‘yon!” halos mapatalon ako sa pag diin ng boses niya. Hindi siya sumisigaw dahil baka marinig kami pero malinaw sa akin ang pagka irita sa kanyang tono.
Napa kamot ako ng ulo at padabog na tinanggal ang jacket sabay tapon sa kung saan.
“Ayan! Kita mo na rin! Happy?!” namilog ang mga mata niya sa ginawa ko kaya agad siyang lumapit sa akin at nag tungo sa likod ko.
“What the hell are you doin—” haharap sana ako sa kanya ngunit pinigilan niya ang pag pihit ng katawan ko nang hawakan niya ng dalawang kamay ang balikat ko.
“Don’t move. Makikita ka niya.” masungit nitong sabi. Nalaglag na lamang ang panga ko sa narinig. Omygod, I am gonna lose my mind because of you, Navarro.
“Topher, he is my friend. It’s okay.” Sinikap kong maging mahinahon ang boses ko at akmang lilingunin siya ngunit muli niya akong pinigilan.
“I said, don’t move! I don’t care if he’s your friend. Ako lang ang pwedeng maka kita niyan!” napahilamos ako sa aking mukha nang maalala ang presensya ni Louis. Oh crap! Nakakahiya sa kanya at naabutan niya pa ng live ang pag-aaway namin ni Christopher!
“Topher—” naputol ang sasabihin ko nang mag salita si Louis.
“I-It’s okay, Coleen. Mauuna na lang ako. I’ll see you…when I get back.” Diretso ang pag lakad niya patungo sa pinto. Nang makalapit siya sa amin ay agad akong hinatak ni Topher sa likuran niya.
“W-wait—” bumalandra sa aking ang pag sarado ng pintuan at hindi man lang ako nakapag paalam ng maayos kay Louis. Buong pwersa kong inapakan ang paa ni Topher kaya agad niya akong nabitawan dahilan ng pagkakawala ko sa kaniya. Nakapa meywang ako nang harapin siya at handang handa na siyang bulyawan.
Ngunit mula sa pagkaka baluktot niya gawa ng pag-apak ko ay bigla na lang siyang lumitaw sa harap ko at marahas na hinigit ang batok ko. Umurong ang dila ko nang maramdaman ang malambot niyang labi sa akin. Ilang beses pa akong napa kurap bago tuluyang mata uhan na hinahalikan niya ako at bumibigay ako. I clenched my fist and tried to push his chest, but I failed. I’m not sure if he was just too strong or I was just to weak because of his kisses.
Napa awang ang labi ko nang dahan dahan siyang lumayo sa akin. Hinabol ko ang sariling hininga kahit na mababaw lamang ang mga halik na binigay niya. It was so shallow but at the same time it was warm, it was slow, and it was fucking gentle. Muli kong nasilayan ang dimple niya nang bahagyang umangat ang kanyang labi. He smiled. He smiled but it wasn’t because of joy. He smiled because I gave in!
“What were you doing earlier with him, hmm?” I shivered when I felt his fingers ran from my nape down to my spine. I am still wearing a damn shirt but shit, I just want him to rip this piece of clothing right here and now!
I was about to speak when his other hand touched my lips with its thumb, preventing my lips to move. His thumb played with my lower lip while his eyes are intently staring at me.
“Uh, oh. Don’t ever do that, again. A’right? No man can see you uncovered…” his words linger to my ears as I felt his hand stroking my back and finally slipping it inside my shirt.
“No man can ever touch you the way I touch you…” I felt my cheeks heat up. Oh, fuck! Coleen Salazar, what the hell is happening to you? He is playing with you and you’re just letting him!
“Lastly, no man can ever kiss your lips…” he leans on face as he gently pinched my lips with his fingers. Naka tuon ang buong atensyon niya sa mga labi ko habang unti unting nilapit ang kanya rito. Napa pikit ako nang muling maramdamn ang mainit niyang labi.
“Mine.” Sabi niya nang humiwalay siya sa akin at marahang hinaplos ang mukha ko. Napalunok ako nang titigan niya ako ngunit agad akong nag iwas ng tingin. Nag iinit ako at hindi ko alam kung kaya ko pang panindigan ang mga prinsipyo ko, o piliin na lamang bumigay sa tukso ng demonyo. He is using me after all, might as well take what I can and make the best out of it!?