HinovelDownload the book in the application

KABANATA 8

Ginugol ko ang tatlong buwan sa pag-iwas sa kanya. Hindi ko nga alam na posible pala iyong mangyari. Basta, natagpuan ko na lang ang sarili kong maagang umaalis ng bahay, nauunang umalis matapos ng klase niya at gabing gabi umuuwi para lang hindi siya maabutan sa bahay.

Oo, sa bahay pa rin sila nakatira nila tito Emil. Mabuti na lamang at nairaos ko ang tatlong buwan na pag-iwas sa kanya. Dahil sa sobrang gabi na ako umuuwi ng mga nakaraang buwan ay hindi na ako nakakasabay ng dinner sa kanila. Ilang beses din niyang sinubukan na kausapin ako ngunit bigo ang lahat ng pagkakataong iyon.

Sa sitwasyon ko, napagtanto ko na posibleng maiwasan ko siya. Dapat ay nasa maraming tao ako para hindi niya ako malapitan. At dapat hindi ako bumibigay sa mga simpleng pag hawak at salita niya. Sigurado akong alam niya sa sarili niya kung bakit ko siya iniiwasan. Of course, I forgave him already but that doesn’t change the fact that he is dangerous, and I don’t trust him.

Hindi rin naman naging mahirap ang nakaraang tatlong buwan. Naging abala rin kasi ako sa mga gawain sa eskwela, projects na kailangan isubmit, papers at ang katatapos lamang na finals week. Huminga ako ng malalim at malakas na sinara ang pinto ng locker.

Kakatapos ko lang magbihis. Nandito kasi kami sa gym dahil nagkaroon kami ng practical exam sa PE. Nilingon ko si Aly na abala sa pagbibihis. I forced out a smile when I realized something.

We rarely hangout nowadays. I don’t know, I just…I feel guilty for keeping secrets from her. I don’t know if I can be the same Coleen when I’m around her. I want to tell her everything about me, about Ethan but it’s just so hard I don’t want to burden her from our problems. I’m just glad that to see her doing good for the past months.

She’s been nothing but happy for the last three months. That means, Ethan is doing a great job on courting her, and pretending that all is well when it isn’t. I sighed as I fixed my bag and went closer to her.

“Una na ako, Aly ha? Nandyan na yung sundo ko.” paalam ko sa kanya. Tumango siya at kumaway sa akin. Umalingawngaw ang malakas na sigawan nang mapadaan ako sa gym.

“Oh God…” umiling iling ako nang makita ang mga babae sa bleachers na halos mag lupasay kakasigaw.

“I LOVE YOU ZAC DELA VEGA!!!” lumandas ang tingin ko sa lalaking matangkad at naka kulay blue na jersey. May Dela Vega na nakasulat sa likod nito at isang malaking numero na, 07. Napailing na lamang ako sa mga babaeng nagsasabunutan na nang maka score ang lalaking iyon. Zac Dela Vega, son of Alexander Dela Vega, CEO of the Dela Vega Medical Group.

Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad dahil sumasakit na ang tainga ko sa gym na iyon.

Halos mapatalon ako nang mamataan ang pamilyar na lalaki. Naka kunot ang noo nito habang naka tuon ang buong atensyon sa kanyang cellphone. Napa ngisi ako nang mapag tantong magkikita sila ngayon.

“Hoy!” sigaw ko sa kanya. Nasa parking lot na kami at papunta na siya sa daan kung saan ako nanggaling.

“Coleen! Have you seen, Aly?” nahimigan ko ang pagpa panic sa kanyang boses. Ngumisi ako nang mapansing nag-aalala siya.

“Relax, Ethan. She’s in the locker room. Daan ka na lang sa gym doon siya lalabas.” Natawa ako nang wala sa sarili siyang tumango. Pinagmasdan ako ang itsura niya, he is doing good. He is in love and I am glad that he looks healthy. He looks so much better now and by that I am relieved.

“Alright…Take care of yourself. Nakita kong naka park na ang itim na Land Cruiser doon. Ingat sa pag uwi, okay?” sunod sunod niyang sabi habang tumango tango naman ako bilang pag sagot.

“By the way, hindi ka pa ba dadaan sa Sibonga? I think Tito Emil is waiting for you to come home.” Sabi ko at kumunot ang noo niya.

“Hmm, titignan ko kung makaka uwi ako bukas.” Mabilis niyang sagot at hinalikan ako sa noo.

“O-kay.” Matipid kong sagot nang agad siyang umalis sa harap ko.

Ginala ko naman ang mata ko sa loob ng parking at agad na natagpuan ang itim na kotse sa dulo. Naglakad ako papunta doon at maingat na binuksan ang back seat.

“Ang aga niyo manong ah.” Sabi ko pagka pasok sa loob ng kotse sabay pikit ng mata. Thank God, it’s Friday! Pagod na pagod ako!

“And you are late.” Napabalikwas ako nang marinig ang baritonong boses na ‘yon. What the fuck?

“What are you doing here?” kunot noo kong tanong sa kanya.

“Well, I will drive you home para hindi ka na late umuwi.” Naka ngiti niyang sagot at agad na binuksan ang makina ng kotse. Napamasahe ako sa sentido ko nang mapagtantong wala na akong magagawa. Pagod ako! Wala na akong gana para patulan siya ngayon.

“Okay. Then, drive.” Matabang kong sagot at muling sumandal at pumikit. I can’t ignore him forever. Darating talaga ang mga panahong kailangan namin mag-usap at magkita dahil maliit ang mundong ginagalawan namin. Ang maiiwasan ko lang ay ang mga panghihina sa tuwing inaakit niya ako para lumambot ako sa kanya.

“Was that your brother?” rinig kong tanong niya habang nagmamaneho.

“Yeah.” Walang gana kong sagot habang naka pikit pa rin ang mga mata. Hindi ko na siya ulit narinig na nagsalita dahil naka tulog rin ako sa sobrang pagod.

“Coleen…” marahan kong binuksan ang mga mata ko nang maramdamang may umuuga sa braso ko. Kumunot ang noo ko nang matagpuan siyang nasa loob ng back seat, katabi ko.

“Bakit ka nandito?” tanong ko habang dahan dahang umayos ng upo at pinasadahan ang buhok kong nagulo dahil sa pag tulog.

“Ginising lang kita. Hindi ka kasi magising kung tatawagin lang kita.” Tumango ako sa kanya at agad na humarap sa pinto para buksan ito. Ngunit hindi ito nabuksan dahil naka lock pa ito mula sa loob.

“Buksan mo.” Walang gana kong utos sa kanya ngunit hindi siya gumalaw.

“Let’s talk first.” Mabilis niyang sabi. Huminga ako ng malalim at hinarap siya.

“I am tired, Topher.” Nanghihina kong sagot sa kanya. Para malaman niya na wala ako sa mood makipag iringan sa kanya ngayon. Pagod talaga ako dahil naging marahas ang linggong ito na puro exams at projects lang ang inatupag ko.

“I know. Pero paano kang hindi mapapagod kung gabi gabi ka na lang parati umuuwi? Mapapagod ka talagang iwasan ako, Coleen. And I am just waiting for the time na mapagod ka para hindi mo na ako iwasan.” Nahimigan ko ang pang hihina sa kanyang boses. Mahinahon ito at mabagal. Pero ramdam ko ang pag hihirap sa kanyang pagsasalita.

“Then leave me alone. Hindi ako iiwas kung lulubayan mo ako.” mabilis kong sagot. Tinignan ko ang mga mata niya at bahagya itong natigilan. Para bang hindi niya inaasahan na iyon ang isasagot ko. Siguro, akala niya bibigay na naman ako? Tss. Not happening.

“Nakakapagod talaga yung ganito, Topher…” panimula ko. Ramdam ko ang mabibigat na hiningang pinakawalan niya habang hinihintay ang mga susunod kong sasabihin.

“So please, do both of us a favor. I won’t tell your secrets to tito Emil but please leave me alone. Huwag mo na akong landiin para lang hindi ako kumanta. You don’t have to force yourself to me. I won’t tell it, I promise. Unless you do something that will threaten me and my family but until then, your secret’s safe with me. Okay?” hindi siya agad sumagot nang matapos akong magsalita.

Huminga ako ng malalim nang mapagtantong pinoproseso pa ng utak niya ang mga sinabi ko. If he got that, then everything is going to be okay. Everything will be back to normal. I will treat him casually. Hindi ko na siya tatarayan o ano pa man. Not until I know the truth. I’m just waiting for Louis to come back, then I’ll make a move.

Nang muli kong sinubukang buksan ang pinto ay bumukas na ito. Salamat naman at pinakawalan na niya ako.

Naging mabilis ang pag lipas ng gabing ‘yon. But for some reason, hindi naging maayos ang pag tulog ko. Hindi ko alam kung nakokonsensya lang ba ako kaya buong magdamag kong inisip ang huli naming pag-uusap ni Topher. I should be happy right? Na sa wakas nasabi ko rin ‘yon sa kanya. Na sa wakas, may choice na siya. It’s either I will ignore him forever or he would leave the fuck out of me. I guess he chose the later.

Naka busangot akong bumaba sa hagdan habang humihikab pa.

“Mornin’ sleepy head.” Napa kurap ako ng ilang beses nang marinig ang boses niya.

“Ethan!” masigla kong salubong sa kanya sabay yakap. Parang hindi kami nagkita kahapon no?

I heard him chuckled habang mahigpit akong niyayakap.

“Dito ka natulog?” kunot noo kong tanong sa kanya nang mag bitiw kami ng yakap.

“Nope. Kararating ko lang kaninang madaling araw…” sagot niya at tumango ako.

“Breakfast?” alok ko sa kanya. Tumango siya at sinundan ako patungong dining area. Halos umurong ang mga paa ko pabalik nang makitang nandoon si Topher na nagkakape kaharap si Khloe na kumakain ng breakfast. It’s only nine in the morning pero sa pagkakaalam ko kasi ay maaga silang nagb-breakfast.

“Good morning young lady, young master…” ani ni Royce nang mamataan kami. Naramdaman ko ang pag tingin ni Topher dahil naka upo siya sa kung saan naka harap lamang siya sa amin samantalang si Khloe ay nakatalikod. Lumingon ito at matipid kaming nginitian.

“Good morning Ethan and Coleen.” Matabang na bati ni Khloe. Dumiretso ako sa katabi niyang upuan habang umikot naman si Ethan at umupo sa tabi ni Topher kaya magka harap kami.

Dumating ang ilang butler at nilagyan ng plato at pagkain ang harap namin ni Ethan.

“And, coffee please.” Sabi ni Ethan sa butler at tumango ito.

“Where’s tito?” kaswal kong tanong ko kay Khloe.

“Maaga silang umalis ni Meg—uhm, I mean ni tita Megan.” Sagot ni Khloe. Nag angat siya ng tingin at dumapo ito sa harap niya. Kumunot ang noo ko nang makitang matamang naka tingin si Topher sa kanya.

“Oh. Okay.” Matipid kong sagot at tinuon na lang ang atensyon sa pagkain. Dumating na ang kape ni Ethan at ‘yon ang pinagtuunan ko ng pansin.

“Pwede ka ba niyan?” masungit kong tanong habang hinihiwa ang bacon sa aking plato. Umangat ang tingin ko at dumapo kay Ethan na nakataas ang kilay habang sinisimsim ang kanyang kape. Tinuro niya pa ang sarili niya bago niya ilapag ito. Tumango ako bilang sagot at natawa siya sa reaksyon ko.

“Are you kidding me, Coleen? Oo naman.” Umiling iling pa siya at pinag patuloy ang pagkain. Tumango na lamang ako at naghanap ng ibang pagkaka abalahan. Muli sana akong magsasalita nang maunahan ako ni Khloe.

“By the way, Ethan. Kailan pala ang uwi ng parents niyo?” kaswal na tanong nito. For no reason ay napatingin ako kay Topher na nakatingin kay Khloe. Nag iwas ako ng tingin nang magtagpo ang mga mata namin. Napansin niya sigurong tinitignan ko siyang tinititigan si Khloe.

“Di ko alam. Kung kailan nila trip.” Matabang na sagot ni Ethan. Sumimangot naman si Khloe sa sagot nito. Tumikhim ako para mawala ang tension sa kanilang dalawa. Ethan talaga, napaka sungit!

“So, naabutan mo ba sila tito, Ethan?” pagbabago ko ng topic. Tumango siya at napatingin sa katabi niyang naka tuon ang atensyon sa kape at tinapay.

“Yeah. Pinakilala niya sa akin ang bago niyang girlfriend at ang anak nito. Christopher, right?” kaswal na pagkakasabi ni Ethan. Lumingon siya kay Topher na nakatingin na rin sa kanya. Tumango ito at matipid na ngumiti.

“Yes, Topher na lang…” sabi nito at tumango naman si Ethan.

“How old are you by the way? You look older than us.” Muling tanong ni Ethan at pinasadahan ako ng tingin. Well nagmukha lang siyang mas matanda kay Ethan dahil sa katawan niya. Ethan 19 and he has a nice built too. Kaya lang he’s taking medications kaya medyo pumapayat siya di tulad noon. Samantalang ang katawan naman ni Topher ay parang katawan ni Chris Evans.

Mariin akong pumikit at tinanggal sa isipan ang katawan ni Topher. Kumunot ang noo ko at napatingin ako kay Topher na ngayon ay naka tingin na sa akin. Nag igting ang panga niya sabay iwas ng tingin.

“I’m 23.” sagot niya sa tanong ni Ethan. Tumango si Ethan sabay tingin kay Khloe.

“Magka edad pala kayo ni Khloe.” Matabang na pahayag ni Ethan. Napatingin ako kay Khloe na bahagyang natigilan.

“Uh, yes.” Naka tungong sagot ni Khloe at wala na muling nag salita.

“He’s my teacher.” Dagdag ko. Kumunot ang noo ni Ethan at napatingin kay Topher. Tumango ito bilang pag kumpirma samantalang lumandas naman ang tingin ko kay Khloe na ngayon ay namumutla na.

“Excuse me.” paalam ni Khloe sabay tayo papaalis ng dining room. Nilingon ko si Ethan na walang pakealam na nakatuon na ngayon sa kanyang cellphone.

Tumungo ako nang maramdaman ang mga matang naka tuon sa akin.

“Excuse me rin.” Paalam ko. Umalis ako nang hindi siya nililingon.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free