HinovelDownload the book in the application

KABANATA 2

“Aly!!! I missed you!” masayang salubong ko sa kanya nang makita siya.

“Grabe, ang saya mo ha?” nahimigan ko ang pait sa kanyang boses. Tsk tsk. I bet, hindi pa rin sila maayos ni Ethan. Well, problema na nila ‘yon. Ethan clearly told me to stay out of this and that’s what I’m doing.

“Oo naman! At last pasukan, nakaka excite kaya ang senior year” sinikap kong maging masaya at excited ang tono ng boses ko. Aly can never think twice. Hindi niya pwedeng malaman ang nangyari buong summer.

Mabuti na nga lang at umalis siya ng bansa para mag bakasyon. Although, hindi na naman siya nag paalam and it made my brother crazy at least I don’t have to deal with lying to her every time na magkikita kami. I mean? I can lie. I am good at lying! But I can’t lie to my best friend. It’s an unwritten code you know. But I’m still doing it. I don’t have a choice. That’s the least that I can do for Ethan. And as much as possible, I will do anything for him to be happy. That’s the only thing that matters right now.

“Tabi tayo, Aly.” Sabi ko nang makarating kami sa upuan. I seriously tried my best to ignore the E-word habang nagkukwento sa kanya. I mean, it’s inevitable! But I did it! And it’s not really all lies you know. Totoo namang nag beach ako at kung saan saan ako dinala ng mga paa ko last summer. Totoo ring sinasamahan ako ni Ethan if he is available.

But what I didn’t tell her was that, I was the one who spends most of my time with him sa hospital. I wanted to be with him at times like this, so I volunteered. It’s not really a big deal. I just want to do everything I can for my brother. Besides, he’s recovering now as far as I can remember. From what the doctor has told my parents who told me, Ethan can still go to college. Like, he doesn’t need to be home schooled or such. I am just happy for my brother, I know he can fight this. He can do it.

“Good morning class. My name is Mr. Christopher Miles Navarro, and I will be your adviser and teacher in Math—”

Nag angat ako ng tingin nang marinig ang pamilyar na baritonong boses. O.my.god. You’ve got to be kidding me! Bahagya kong sinandal ang likod ko sa upuan at marahan na tinagilid ang ulo ko. No…no, no, no, no way in hell. Sabi niya hindi siya taga Cebu. So, what the hell is he doing here?!

Dali dali kong kinuha ang cellphone ko at nag tipa ng text kay Louis.

[me]

Dude, you remember that night in Marshalls? That guy who stole me from you sa dance floor?

Agad na nag vibrate ang phone ko kaya sinilip ko ang text.

[Louis]

Yup, it’s been months. But I remember his face. Why?

Napalunok ako nang mabasa ang reply ni Louis. Agad ko ‘tong ni-replyan habang nakatalikod ang lalaking guro.

[me]

Okay, I’m going to send a picture. Tell me if he is the same guy.

Nilagay ko sa camera ang cellphone ko at pinindot ang click ng ilang beses. Ilang anggulo rin ang kinuhanan ko. May naka talikod, naka tagilid, at bahagyang naka harap. Agad kong sinend ang picture kay Louis at pinatay na ang cellphone ko. Napakunot ang noo ko nang mapansin na halos lahat rin pala ng nasa klase ay kinukuhanan siya ng litrato. What the hell?

“I swear if I caught anyone using their phones right now…”

Halos mabilaukan ako nang muling marinig ang boses niya. Hot damn. That stranger guy at the bar looks exactly like him. But how is this possible? If he is a teacher then he wouldn’t be spending his time on places like that, right?

Huminga ako ng malalim at pilit na kinalma ang sarili ko. Napatingin ako sa cellphone ko nang muli itong mag vibrate. Agad ko ‘tong binuksan para mabasa ang reply ni Louis.

[Louis]

Yup! He’s the guy! Wait, what’s happening?

Bumagsak ang balikat ko nang makumpirma ang lahat sa text ni Louis. It can’t be. Baka magkamukha lang sila. He clearly told me that he was not from Cebu and even though I was drunk, or we were both drunk that night, hindi ako pwedeng magkamali. Narinig ko ‘yon!

“You!” kumunot ang noo ko nang maramdaman ang mga matang nakapako sa akin. Napatingin ako sa paligid at wala na ang mga cellphone nilang kanina lamang ay nakalabas. Fuck!

“Ms. Salazar! Give me your phone and follow me in the office after class.” Nalaglag ang panga ko nang tawagin niya ang apelyido ko. He knows me! What should I do? Omygod? omygod!

Pinasadahan ko ng mga daliri ang buhok ko. Kanina pa siya nagsasalita sa harap tungkol sa function ng x pero walang pumapasok sa isip ko. This isn’t me. Magaling ako sa math! Pero ni hindi ko man lang masalubong ang mga mata niyang kanina pa ako pinupukol. Anong gagawin ko? Sasama ba ako sa kanya?

Napatalon ako nang marinig ko ang tunog ng bell. Agad niyang nilisan ang classroom kaya agad ko ring inayos ang mga gamit ko para sundan siya. Well, I don’t really have a choice. I need my phone back!

Hindi na ako nakapag paalam kay Aly dahil sa sobrang pre-occupied ng utak ko ngayon. I can’t believe how stupid I was. That was my first night and it led me to this crap! Of all people na makaka one-night stand, bakit yung teacher ko pa? I mean, hindi naman siya kahina hinala. I knew he was older than me. But it never crossed my mind na sa lahat ng pwedeng maging trabaho, ay teacher pa! I am really freaking out right now, I can’t even imagine what I look like.

“Close the door.” Halos mapatalon ako nang muli kong marinig ang boses niya. Damn, I remember his voice that night. His moans, his groans when our skin touched—Wait! Get a hold of yourself Coleen Salazar! He is your damn teacher, for Pete’s sakes!

Agad akong umupo sa sofa na nasa loob ng office matapos isarado ang pinto. Kasalukuyang nakatungo ang ulo ko dahil hindi ko alam kung kaya ko ba siyang harapin o kung may mukha pa ba akong maihaharap sa kanya. Irereport niya ba ako? Dahil nakita niya ang isang estudyante sa bar? But I am already eighteen! Legal na ako!

“Miss Salazar.” Napatuwid ako ng upo at agad na nag angat ang mga tingin ko. Hindi siya nakatingin sa akin. Nakatingin siya sa isang folder at may kung ano anong papel na hinahanap doon.

“Yes s-sir?” hindi ko maatim na tawagin siyang ganoon. Ugh! I just can’t! Can we just talk about what happened? Kasi I can’t handle this kind of awkwardness, this is just too much! Wait, are you supposed to talk about what happened after that night? But that was just one night! Hindi na kami nag kita after that ‘cause I immediately left before sunrise. I am not even sure kung natatandaan niya pa ako.

Well maybe he doesn’t remember me at all. Kaya parang ang cool niya. Sinikap kong kalmahin ang sarili ko sa pag-iisip na ‘yon. Maybe, hindi niya nga ako maalala. Maybe, I am just overthinking. Right! Tama, Coleen Andrea, you got this. Sa dinami dami ba naman ng babaeng naka siping niya, sino ka ba para maalala? Err.

“Coleen.” Nagtama ang mga tingin namin. Hindi na ako nag iwas ng tingin. I am now confident that he doesn’t remember me. Good for me! I have no intention of making him remember! Tumayo ako sa pagkaka upo at bahagya siyang napa atras. Siguro ay nagulat sa biglaang pag kilos ko pero malawak na ngiti lamang ang binigay ko sa kanya bago huminga ng malalim at magsimulang magsalita.

“Mr. uh…” kumunot ang noo ko nang malimutan kung ano ang pangalan niya. Kinuha ko ang ID niya na nakasabit sa leeg niya para silipin ang apelyido niya. Oooh, Navarro. Christopher Navarro.

“Mr. Navarro. I sincerely apologize for what happened in your class today. I was just texting…my brother earlier. My emergency po kasi sa bahay. I hope you let me pass this first time.” Napansin ko ang pagka lukot ng mukha niya matapos kong magsalita. Magaling akong umarte, hindi pwedeng hindi siya kumagat. Bahagyang tumaas ang kilay niya at tinalikuran ako.

Nakahalukipkip siya nang muling humarap sa akin. Mas lalong kumunot ang noo ko nang pasadahan niya ako ng tingin simula ulo hanggang paa. Literal! Agad na dumapo ang mga kamay ko sa sarili ko, na para bang matatakpan nito ang katawan na nakita na niya. Wait, he doesn’t remember right?

Lumandas ang mga daliri niya sa kanyang labi at pinaglaruan ito na para bang may malalim siyang iniisip. Hindi pa rin nawawala ang mga tingin niya sa katawan ko. Yep, sa katawan ko talaga hindi sa mukha ko. Bahagya pa itong umiling iling bago marahang tumawa na para bang may nakakatawa siyang naiisip.

“Coleen Andrea Salazar…” napataas ang kilay ko nang mapansin na kanina niya pa inuulit ulit ang pangalan ko.

“Yes Mr. Navarro?” sagot ko. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya pero sigurado akong hindi ito maganda. Base sa mga tingin na pinupukol niya sa akin, alam ko…alam ko na kilala niya ako at natatandaan niya.

“You’re a Villanueva…right?” mas lalong dumami ang katanungan sa isip ko nang marinig ang apelyido ni mommy sa pagkadalaga. How come he knows? Nakita niya ba sa mga documents ko? At ano naman?

“Yes, my mom was. I am Coleen Andrea Villanueva Salazar. And what is it to you?” nahimigan ko ang pagtataka sa boses ko pero hindi ko iyon pinansin. I don’t even care anymore. I can feel like he’s up to something. Like he knows a part of me and he’s going to use it against me.

“Nevermind. Forget that we had this conversation.” Mabilis niya akong tinalikuran at agad na nilagay sa malaking drawer ang folder na hawak hawak niya kanina. This guy is unbelievable. What does he want?

“O-kay. So, can I have my phone back?” matabang kong tanong. I seriously lost all my interest in him when he played that lame move. Was that to threaten me? To remind me that he knows my dirty side? Well, then guess what? Nobody cares.

Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko. Hawak niya ang cellphone ko and he obviously wants me to get it from his hand. Kaya naman hindi na ako nagdalawang isip at nilapitan ko na siya para maabot ang cellphone at makaalis na dito.

“Aahh!” napasigaw ako nang bigla niya akong higitin at marahas na sinandal sa dingding. Namimilog ang mga mata ko nang tignan ko siya. Hindi ako makapaniwala nang sumalubong sa akin ang naka ngisi niyang mukha. Napatingin ako sa dalawa niyang kamay na nakatukod sa dingding at nakakulong sa akin. I cannot think straight right now. But I know one thing for sure, he can’t do this to me.

“What do you want?” naiirita kong tanong nang mapagtantong hindi niya ako papakawalan kung hindi ko itatanong ‘yon sa kanya. He obviously wants something and he’s not going to stop until he gets it.

“How can you act like nothing happened?” napalunok ako nang mahimigan ang pait sa kanyang boses. Oh god, he is mad. Bumaba ang mga tingin ko upang maiwasan ang mga matatalim niyang titig. Naramdaman ko ang marahan niyang pag haplos sa baba ko dahilan kung bakit ako muling nag angat ng tingin sa kanya.

“After that night? You left me. And now that we’re seeing each other again for the first time, you act like you don’t even know me!”

Napasinghap ako nang medyo tumaas ang boses niya. What the hell does he want from me? Ano ang gusto niyang mangyari? Salubungin ko siya with open arms? Ask him if he missed me? like seriously? Is he not getting the reason why we are in his office? He is my teacher and I am his student. Whatever he wants, and whatever he thinks that we had doesn’t matter anymore.

“What do you want?! That was one night, Topher.”

“Now, you remember my name!” singit niya sa akin. Mabibigat na hininga ang pinakawalan niya bago muling mag salita.

“Coleen, you should’ve not left me that night.” Ramdam ko ang pag pipigil sa kanyang boses. He is in rage. I can feel that. But I don’t get it. Bakit siya nagagalit? Is he mad that I left? Like I’m sorry! That was my first time I didn’t know you shouldn’t leave.

“Okay, Topher. This is enough. Whatever you think we had that night, is done. That was one night, Topher. And it’s not going to happen again. I’m sorry if you’re mad over something but let’s not do this again. Please, you could lose your job. I don’t want you to get involve with me.” I said that with all sincerity and I mean it. I mean, he is insane if he still wants to get involve with me. He is older, that means he should be mature enough to accept what I said and be better than this.

“Coleen, please. Let’s start over…” napa kunot ang noo ko sa kanya. He doesn’t get it. And he doesn’t want to get it. Sarado ang utak niya. Sa tingin niya ba mapagpapatuloy namin ‘to nang ganito ang sitwasyon? He’s crazy!

“Christopher, we’re not supposed to meet that night. It was a mistake. And I’m sorry. We’re just in a wrong place and wrong time.” Dahan dahan siyang umiling na para bang hindi niya matanggap ang mga sinasabi ko.

“No.” tanging sagot niya at saka ako nilagpasan. Napatalon pa ako nang marinig ang marahas na pagsarado ng pinto sa office.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free