MAGANDA ang umaga ni Sythia. Finally, makakapaglangoy na din siya sa dagat.
Kahapon, hindi siya nakapag-swimming at inapoy siya ng lagnat. May pakiramdam siya na aatake na naman ang UTI niya dahil para na namang red ice tea ang ihi niya. Masakit na din kapag umiihi. Pero sa bukas na siya magpapatingin. Hindi na kasi niya maalala ang gamot na reseta sa kanya dati kaya magpapacheck up nalang ang dalaga. Every two years, nagkaka-UTI siya.
Paano ba naman. Hindi niya maiwasan ang softdrinks. Every meal ay naka-coke siya. Hindi na niya mapigilan. Parang hindi buo ang meal niya kapag wala noon. Pahamak pa ang commercial at parang nang-iinggit. Kaya ayun. Kahit alam niyang bawal na, sige pa din siya.
'Di bale, nakukuha naman sa gamot. Iinom nalang din siya ng madaming tubig. Na actually ay madalas niyang makalimutan. Mabilis makabusog ang coke.
Coke is life!
Papalabas na siya ng front porch nang mapansin ang pamilyar na sasakyan. Vios. Walang may Vios sa pamilya niya na mukhang secondhand pa.
Isa lang namang tao ang nakikilala niya na may ganitong sasakyan.
Bigla siyang inatake ng kaba.
“Beautiful morning!”
Kamuntik nang mapalundag si Sythia sa pamilyar na gwapong timbre ng boses. Sa paglingon niya ay agad ngang nakita ang kanyang kinatatakutan.
But the fright was easily change into heat. Dahil ang maiinit na mga mata nitong humagod sa kanya mula ulo hanggang paa ay parang literal na humahaplos sa kanya. To think that she was almost naked in her skintone two-piece swimsuit. Pakiramdam niya ay para siyang hubad sa mga paningin ng lalaki.
“L-Linster?”
Umarko ang mga labi nito sa isang napakagwapong ngiti. Sabay taas ng mug nito na may lamang umuusok na kapeng-barako.
Nakakagising na ang amoy ng usok ng matapang na kape. Pero mas nakakabuhay ng himaymay ang mga ngiti ni Linster. Kung ganito ba naman kagwapo ang sasalubong sa iyo sa umaga, hindi ba mabubuhay ang iyong...
Takot?
Agad ngang pumaligo ulit kay Sythia ang kaba. Anong ginagawa ng magaling na lalaking ito dito?
“Baka naman mausog ka diyan sa suot mo? Hindi ka muna magkape para mainitan ang sikmura mo. Ang sarap nitong kape na luto ni Aling Josie---”
“Why are you here? Paano ka nakapasok? Bakit ka nila pinapasok? At nakuha mo pa talagang magkape sa bahay ko?!”
Kahit kinakabahan na ay nakuha pa niyang magmaldita at hindi inintindi ang mga pinagsasabi nito. Nagtatapang-tapangan lang siya pero sa totoo lang, parang umiikot ang utak niya sa pagtataka. Bakit nandito ang magaling na lalaki? Akala pa naman niya ay nakatakas na siya nang kuntsabahin si Doc. Sanchez at bayadan ng malaki para sabihan ang Lola at Lolo niya na pagbakasyonin siya, anywhere she decides. Pwede naman siyang lumabas ng bansa. But she always found her peace in Quezon Province. Sa ancestral house na minana ng kanyang Lola sa ninuno nito kasama na ang farm ng dragon fruits, niyog, mangga at kung anu-ano pang prutas.
She wasn't born as a farmer but she loves the farm. Parang ang tahimik kasi doon at ang simple. Masarap mabuhay ng simple. Kumakain lang tatlong beses isang araw. Naliligo. Naglilibang at lumalanghap ng sariwang hangin. Parang walang nakakatakot sa lugar. Isa pa, may city din naman doon na hindi nahuhuli sa kalakaran ng mundo. Kaya nga naipa-courier niya ang bracelet ni Linster. 'Pinangalan niya lang sa kompanya ng Lolo niya para kunwari, ang mga iyon ang nagsoli. She was so genius, right? Lusot na siya dahil sa accessibility ng probinsya.
Hah! Ang probinsya ay pinaghalong sinauna at modern. Sa mga farms, feeling mo nasa makalumang panahon ka na lahat ng bagay ay simple pero pwede mong mai-enjoy ang city life sa paglabas mo sa kabihasnan.
But anyway. Maibalik nga ang topic kay Linster...
“Your family invited me to have a vacation here.” Nangunot ang noo ni Sythia sa narinig. “Masarap daw ang buhay dito sa probinsya. Simple at payapa.”
“What? E paano ang trabaho mo? 'Di ba ang mga doktor, palaging on call?”
Gusto na niyang maghurumentado pero pinipigilan niya ang sarili. Ano ang naisip ng Lolo at Lola niya para papuntahin doon ang magaling na lalaki? Tsaka, alam naman ng mga ito na nagbabakasyon siya. Hindi siya dapat maistorbo. O baka naman...
Biglang naningkit ang mga mata niya. Anong ginawa ng tukmol na ito para mabali ang instructions ni Doc. Sanchez sa Lola niya?
“Well, your family owe me for the bracelet you stole from me. At ito na daw bakasyon ang least na maio-offer nila sa akin.” She devilishly smiled at her. “And for the first question, tao din lang naman ako. Na kailangan ng pahinga at bakasyon. Dahil ini-stress ako ng isang babae na wala nang ginawa kundi papag-isipin ako.”
“Damn it! 'Di ba na-recieve mo na kahapon ang parcel na pinadala ko sa 'yo? Na sa 'yo na ang bracelet mo!” galit na singhal niya na hindi pinansin ang huling sinabi nito.
Huli na para ma-realized ni Sythia ang ginawang pag-amin. At sa paraan ng pagngisi ni Linster, nahuhulaan na niyang sinadya siya nitong ihulog sa trap nito.
Fuck it, Sythia! Ang boba mo!
Everything he said was just a trap!
“So. Tama nga ang diagnosis na hindi ka naman kleptomaniac. Wala pa akong nabalitaan na klepto na nagsoli ng gamit na kinuha niya.”
“Eh magaling na kasi ako.” Parang tangang palusot niya. Alam niyang huling-huli na siya pero nagpipilit pa din siyang makatakas sa parang nang-iinterrogate na mga mata nito.
Bigla niyang iniiwas ang tingin. But then, he inched against her saka narinig ang pagbaba ng tasa sa ibabaw ng balustre sa kanyang tabi.
Ang isang kamay nito ay umangat sa kanyang baba. Marahang pumisil. Pagkuway bumaba sa kanyang leeg ang likod ng palad nito. Touching her delicate soft skin, down to the upper part of her breast. At hindi niya maintindihan kung saan nanggaling ang biglaang pagdaloy ng mainit na sensasyong nanunulay sa kanyang balat, pababa sa kanyang may tiyan. Ang dibdib niya ay sige sa pagkabog na para bang anumang oras ay kakawala iyon mula sa loob.
“You little cheat, you are not really good at lying...”
His warm breath was fanning her face. The warmth creeping inside her wanted to explode if he wouldn't kiss her right now.
Yes, she felt the urge of kissing him. Their lips were half way in meeting. At naiinip siyang maglapat na ang mga iyon. Because in that very moment, she felt like he wanted to kiss her.
But he never did, she felt so thirsty. She wanted to grab his nape and kiss him right now.
She felt his knuckles gentle touched her half-aroused nipples against the thin fabric of her bikini top.
God! What the hell is he doing?! He is a total seducer. And all her twenty-four years of life, hindi pa siya naapektuhan ng ganito. Never that she felt so aroused and so tempted to kiss somebody else. Lalo pa't sa mga paningin niya ay para bang kay sarap ng mga labi nito. Nagbabaga ang kanyang pakiramdam at kung hindi pa siya kikilos para iwasan ito ay baka kung ano pa ang mangyari.
Pabigla niya itong itinulak sa dibdib. Bahagyang nakabukas ang polo nito at hindi iyon nakatulong. Dahil para siyang napaso at nanghina nang mapalapat ang mga kamay sa mainit na dibdib nito.
And hell! The man really knew how to use his charm. Mukhang nahulaan nito ang epekto nito sa kanya dahil muli na namang nakakalokong ngumisi.
Sa inis ni Sythia ay inirapan niya si Linster.
“Fine! I'm not a klepto. Happy now?”