HinovelDownload the book in the application

CHAPTER 3

NAKATITIG lang si Sythia sa lalaking napag-trip-an niyang biktimahin kanina.

Kasalanan nito.

Kung hindi ba naman maganda ang built nito at nakakaagaw atensyon kahit nakatalikod pa, hindi niya sana maiisipang ito ang isunod sa mga biktima niya. He was tall, over six feet. And beautiful kahit pa nga nakatalikod lang ito sa kanya.

Hinanapan ito ni Sythia ng bagay na makukulimbat sa katawan at nakita niya ang mumurahing silver. Sinadya niya din ang walang ingat na paghablot sa... silver chain male bracelet pala. Kung mag-iingat siya ay para saan? Edi hindi din siya nakagawa ng sakit ng ulo sa kanyang Lola.

Pero nang harapin na siya ng lalaki at matitigan ito ay parang gusto nalang niyang matulala. Kung gwapo na ito habang nakatalikod, sampong beses pala ang ulit ng kagwapuhan ng lalaki kapag nakaharap.

He was so attractive that any woman would give anything, mapansin lang nito. At mukhang alam ng lalaki ang epekto nitong iyon kaya parang buhawi ang lakas ng self-confidence nito. Grabe!

Pero may maipagmamayabang naman nga kasi ang lalaki. He had a perfectly sculptured features. Ang katawan nito ay mukhang suki ng gym. Though hindi ganoon kamaskulado na parang bouncer ng club. Just perfectly trimmed. Yes. She can tell just by looking at him. Humahakab naman kasi ang t-shirt nito sa katawan.

His eyes seems dark and penetrating, adorned with long eyelashes. At parang gusto niyang malunod sa tuwing sasalubungin ang mga matang iyon. Kung hindi lang siya mahigpit na kumakapit sa kanyang katinuan.

And when he smiled, it was as if her heart was already stole away from her. His smile was warm that it tingles all the way down her toes.

Katulad ngayon. He just smiled at her habang walang tigil ang kanyang Lola sa pag-o-offer dito ng malaking danyos-perwisyo. She literally stopped from breathing at inilayo ang mga mata rito nang makabawi. Hindi siya dapat na nawawala sa karakter.

Napakalaking halaga na ng offer at dapat ay nalulula na sa halagang binanggit ng kanyang Lola pero parang wala pa din itong pakialam na pinag-aaralan siya.

Bumaling ang lalaki sa kanyang Lola nang magsawa na yata sa kakatitig sa kanya. “Hindi ko po kailangan ng pera. 'Yong bracelet ko lang po at mahalaga iyon sa akin.”

Umigkas ang kilay ng kanyang Lola pero wala ding nagawa. Binalingan siya nito at kinulit na kunin sa kanya ang chain bracelet. Nagmatigas si Sythia.

“This is mine, Lola.” giit niya at itinago sa likuran ang kamay na may kuyom pa din sa bracelet.

Gusto niyang mapangiti ng lihim. Ito na yata ang hinihintay niyang pagkakataong maimbyerna ng sobra ang kanyang Lola. Mukhang hindi ang tipo ni Linster ang masusuhulan. Malaking problema ito sa kanyang Lola kapag nagkataon dahil hindi din naman niya ibibigay ang bracelet kahit ano ang mangyari.

Gusto niya ito. Gusto niya ang nangyayari. Gusto niyang makonsumi ng sobra ang kanyang Lola sa kanya.

Parang sa tinagal-tagal niyang nagpapasaway, ngayon palang siya totoong natutuwa dahil siguradong malaking tinik sa lalamunan niya itong si San Victorio na doktor daw.

Well, kilala nga ang mga San Victorio na angkan ng magagaling na mga doktor. But, who cares?

Naiiritang inalis ng kanyang Lola ang tingin sa kanya at bumalik kay Linster.

“Hijo, nasabi naman siguro sa 'yo ng mga pulis dito ang kondisyon ng apo ko, 'di ba?” parang nagpapaintindi na sabi ng kanyang lola. “Kompleto kami sa papers na makapagsasabing may disorder nga ang apo ko. Ang hinihingi ko sana sa 'yo ay pang-unawa---”

“Mrs. Welsh...” Agad na salo ng lalaki sa mga sinasabi ng kanyang Lola. “Naiintindihan ko naman po ang sitwasyon. Pero gusto ko din pong maintindihan niyo na sobrang importante din po sa 'kin ng bracelet. May sentimental value kasi sa 'kin ang---”

“Akin nga ito, ang kulit mo naman!” arte pa din niya.

Doktor si Linster. Mabuti nang galingan niya ang pag-arte at baka mahalata nito na hindi totoo ang kondisyon niya.

Nagbuntong-hininga si Linster. Parang nasasagad na ang pasensiya nito sa kanya. Pagkuway bumaling ulit sa kanyang lola.

“Sino po ang doktor ng inyong apo?”

Napatanga rito ang ginang. Siya naman ay biglang kinabahan. Nahahalata ba siya nito? Pero hindi naman siya masyadong nagsasalita para hindi masyadong halata. Sabi nga, less talk, less mistake.

May nagawa ba siyang mali at nahalata na ni Linster---

“Kasi, may pinsan ako na napakagaling na psychiatrist. Pwede ko kayong i-refer sa kanya. Baka mas mapapaganda niya ang kondisyon ng apo ninyo---”

“No! I'm perfectly fine!” agad na singit niya sa usapan ng mga ito.

Parang nabiglang bumaling sa kanya ang matanda. First time niya kasing mag-react patungkol sa issue ng kondisyon niya. Noon kasi, ina-accept niya lang ang paulit-ulit na sinasabi ng pamilya niya na mentally dysfunctional siya. Wala siyang pakialam kung ano ang tingin ng mga ito sa kanya.

Actually, wala na siyang pakialam sa lahat. Minsan ay gusto niyang sirain na ng tuluyan ang buhay o 'di kaya ay tapusin na iyon. Dahil ano pa ba ang silbi niya sa mundo at nabubuhay pa siya? Parang pointless na ang lahat. Nabubuhay lang siya for the sake na binigyan siya ng buhay at kailangan niya iyong i-consume.

Hinahanap ni Sythia ang purpose niya. Ang point ng existence niya. Ang kaligayahan dahil heto at buhay siya. Pero wala. Wala siyang mahanap na happiness kahit anong gawin niya.

“You are not fine, Miss.” giit ng lalaki na dumeretso ang tingin sa kanya.

Parang napaso siya sa intense na titig na iyon ng lalaki. Pakiramdam niya binabasa nito ang kanyang isip at kalooban. At natatakot siya sa ideya na iyon.

Inilayo ni Sythia ang mga mata mula rito. Hindi naman nagpilit ang lalaki na hulihin ang mga mata niya.

“Ganito nalang po, Mrs. Welsh. Ini-encourage ko po kayo na i-consult ang kondisyon ng apo niyo sa psychiatrist namin sa SVMC. Kay Doctor Hugh San Victorio. Baka matulungan niya kayo. And who knows, luminaw na ang isip ng apo niyo. Mako-convinced din natin siya na maibalik sa akin ang gamit ko. Let's drop the talks about money. Hindi ko po kailangan ang kahit na gaano kalaking halaga.”

“Surely. Sa yaman din naman ng pamilya niyo.” agad na sagot ng kanyang lola.

“What I mean is, 'yong bracelet ko po ang mahalaga sa akin. Ang sentimental value no'n. At hindi ang presyo.” parang na-offend pang sagot ng lalaki.

Ilang beses pang nagpalitan ng opinyon ang dalawa at base sa daloy ng usapan ay nagkakasundo ang mga ito. Gustong palitan ng lintik na Linster na ito ang psychiatrist niya!

Letse!

Hindi niya magawang sumabat dahil baka mahalatang sobrang disagree siya. Samantalang noon ay wala siyang pakialam sa pagdadala sa kanya ng kanyang pamilya sa nga doktor.

“Come to think of it. Bakit ba hindi ko agad naisip na sa SVMC dalhin ang apo ko? Masyado kasi yata akong nakumbinsi ng amiga ko na magaling si Doctor Suarez. Tatlong taon nang pasyente no'n ang apo ko at halos wala namang ipinagbabago. Puro sakit ng ulo ang dala nito sa akin.”

Ngumiti ang binata sa pagdadrama ng kanyang Lola. At kahit ayaw niyang maapektuhan ng ngiti, dahil unang-una ay hindi naman iyon para sa kanya, pero kasi, hindi niya napigilan ang mahihinang pitik sa loob ng kanyang dibdib. Lalo na nang sandali siya nitong sulyapan at ngitian.

Ah! Lintik talaga!

“Kung gusto niyo, personal ko na din kayong sasamahan sa pinsan ko. Gusto ko din kasing makasigurado na hindi mawawala ang taong may hawak ng bracelet ko. Kahit pa nga mumurahin lang iyon.”

And now she's dead! Paano niya tatakasan ang pagkonsulta sa isang...palagay niya ay magaling na psychiatrist? Kilala ang mga San Victorio na angkan ng mga best of the best.

What am I going to do now?

YAMOT na napapalatak si Linster. Mahigit isang oras na siyang naghihintay sa dapat ay meeting place nila ni Mrs. Welsh at ng apo nitong maganda nga, Klepto naman. Medyo naiinis din siya sa sarili na ini-offer pang maging pasyente ang babaeng iyon ng pinsan niya. Ang concern lang naman niya ay ang bracelet. Pero nang makita niya na ganoon nalang ang higpit ng pagkakahawak nito sa bracelet niya, naisip ni Linster na hindi ganoon kadali na maibalik sa kanya ang pag-aari.

So, kung magagawa naman ng pinsan na maging balanse ang utak ng prinsesa ng mga Welsh, may pag-asang mapasakanya ulit ang silver chain bracelet niya.

Dahil sa totoo lang, wala siyang balak na ibenta sa kahit na anong halaga ang regalo na galing pa sa pinakamamahal na ina.

Nag-ring ang cellphone ni Linster na nasa ibabaw ng coffee table. Number ni Mrs. Welsh. Matapos ang magalang na batian ay:

“Wala pa din ba diyan ang apo ko?”

Medyo nagtaka si Linster sa tanong. Hindi ba at ang usapan ay kasama ito ng pasyente?

“More than an hour late na nga po kayo. Nasaan na po kayo, Mrs. Welsh? At ang pasyente niyo?” wary na tanong niya.

“Ah, nandito ako sa office at may biglaan akong importateng aasikasuhin. Pero ipinahatid ko na si Sythia sa driver. Hihintayin niya din kayo after ng consultation so....”

Madami pang sinasabi ang ginang na parang gusto nitong ipaalam na wala namang magiging problema kung hindi nito masasamahan ang apo.

Pero mukhang mali ang palagay nito. Ang mahigit isang oras palang na pagiging late ni Sythia sa usapan ay nagdadala na kay Linster ng madaming alalahanin. Paano kung on the way sa meeting place, may nadaanan ito at napagnakawan? Baka wala siyang kaalam-alam na ang hinihintay pala niya ay laman na naman ng police station.

Bigla tuloy rumagasa sa dibdib ni Linster ang pag-aalala. Hindi na siya mapakali habang naghihintay. Ilang beses na lumipad ang kanyang mga mata sa entrance ng coffee shop.

Na naisip din niyang medyo off yata para maramdaman niya. Hindi naman siya sobrang compassionate na tao. Sakto lang. Pero itong makaramdam siya ng pag-aalala sa isang totally stranger sa kanya, idagdag pa na ninakawan siya nito, at kung tutuusin ay malaking pabor na ang ginagawa... Aba! Eh talaga namang nakakapagtaka. Hindi naman siya talaga dapat na makaramdam ng pagkaaburido habang naghihintay.

Siguro, dapat naiinis siya dahil ang unprofessional naman yata ng mga ito. Siya pa ang pinapaghintay e ang mga ito nga ang may atraso sa kanya.

Patuloy si Linster sa pagtuligsa sa sariling damdamin ng marinig ang ilang beses na pagso-sorry ng ginang. Medyo naaawa siya rito dahil parang puro sakit na yata ng ulo ang ibinibigay dito ng apo. Dahil nga first hand na naranasan niya ang mabiktima ng Klepto na apo ng mga Welsh, na-curious tuloy siya sa magandang babae. Laman pala ito madalas ng mga balita. Pero dahil bihira na nga siyang makapanood ng balita at kulang pa ang oras sa pagbabasa ng mga medical history ng mga pasyente, kasama na ang pag-aaral sa kondisyon ng mga iyon, wala na siyang alam sa mga kasamaang nangyayari sa mundo.

But on the other side, naisip din ni Linster na may pagkakamali ang ginang. Mas mahalaga pa ba dito ang kung anong urgent sa office nito kaysa sa kondisyon ng apo?

“I'll call you again, Doctor San Victorio. Tatawagan ko lang ang driver ng apo ko para alamin kung nasaan na sila---”

Ni hindi na niya naintindihan ang sinasabi ng ginang dahil naagaw na ang kanyang atensyon ng magandang babaeng papasok. Nililipad ng hangin ang alon-alon at brunette nitong buhok habang naglalakad at hinuhubad ang suot na sun glasses. Lalo yata itong gumanda sa mga paningin niya nang sandaling luminga-linga ito sa paligid.

And when she finally found him, their eyes locked. As if he was under her magic spell. Never that he found such beauty as compelling as hers. Sandaling parang tumigil siya sa paghinga at nang makabawi ay agad na nagpaalam sa kausap.

“Nandito na po siya, Mrs. Welsh.” aniya sa kausap na agad na ding nagpaalam.

Para namang hindi talaga iyon interesado at pakitang-tao lang ang pagtawag sa kanya.

Huminto ang babae sa tapat niya. Agad naman itong ipinaghila ng upuan ng service crew. Kasunod na iniabot ang menu ng cafe.

“Later nalang.” sabi nito sa pinaka-sweet na yatang boses at nginitian ang service crew na bigla nalang umalis.

Sunod nitong binalingan ay siya. Ngumiti din ito ng ubod-tamis sa kanya. At dahil doon, muntik na niyang makalimutan ang pangalan.

Now he knew what pushed him to offer his help. She had this rare charm that no man could ever resist. Ang ganda yata nito ay may witch spell na kung sino man ang tumitig sa makamandag na kagandahan ay hindi basta-basta makakawala.

“So... How are you, Doc?” malambing na tanong nito.

Medyo napaarko ang kilay niya. “Hindi ba ako ang dapat na nagtatanong sa 'yo niyan? Sa ating dalawa ay ikaw ang pasyente.” papormal na sambit niya. Naninibago kasi siya sa approach ng dalaga.

She seems different now.

Oo at kahapon lang sila nagkatagpo ng landas nito. Pero sa sandaling mga oras na iyon ay nakita niya ang isang bahagi ng pagkatao nito. Maldita, suplada at hindi madaling pasunudin. Determined din itong hindi pakawalan ang bagay na nagustuhan. Which is, he knew na normal sa isang kleptomaniac.

Pero ibang-iba ang aura nito ngayon kaysa kahapon. She seems friendly. Sweet and nice. Parang submissive din itong tingnan sa paraan ng pagtango-tango nito.

“Well, I am perfectly fine. Naiisip ko nga kung bakit gusto na naman ni Lola na patingnan ako sa doctor. I mean, I regularly attend to my treatment. Hindi din ako uma-absent sa pag-inom ng gamot ko. I don't think I really need a doctor.” mahabang sabi nito na hindi naman mahahalata ang pagrerebelde. She is actually calm while talking to him.

Napabuntong-hininga si Linster.

Nah! You really need a doctor, sweetheart.

Mukhang hindi nalang mentally imbalanced ang babae. Mukhang pati ang mood swings nito ay rapid ang pagbabago. Kahapon lang ay para itong handang makipagdigmaan kapag inagaw ang hawak na bracelet. Pero ngayon ay heto at ang sweet and calm kausap.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free