GUSTONG mapangiti ni Sythia nang mapansin ang pagbuntong-hininga ni Linster. He really is a hottie.
And women would drool over this yummy handsome doctor na mukhang ang bango-bango sa suot na stripped white and powder blue polo. Ang simple lang ng get up nito na tinernuhan ng slacks and black shoes. Pero iba talaga makahatak ang charm maski pa nga ang pormal nang tingnan. His handsomeness was doubled with his seriousness.
Pero hindi siya dapat magpatalo sa charm nito. Nagpaganda siya ng sobra para ang planong psychiatric consultation ay mauwi nalang sa coffee date.
Hindi siya pwedeng magpatingin kay Doc Hugh San Victorio dahil sabi ni Doc Sanchez, napakagaling daw ni Doc Hugh. Titigan lang daw siya noon at nababasa na nito ang ibigsabihin ng mga reaction at facial expressions niya. Kaya dapat na maging maingat siya.
Kaya para makasigurado, mas mabuti na huwag nalang silang humarap sa Doctor Hugh na iyon. Maiging akitin nalang niya itong si Doctor Linster San Victorio.
Kung bakit ba naman kasi ito pa ang napagtrip-an niya kahapon. Hindi naman niya pwedeng ibalik ang ninakaw rito ng basta nalang at baka mas ma-curious pa ito. Hindi ganoon ang gawain ng isang kleptomaniac.
Haist.
Kung alam niya lang na sasabit siya sa ganitong aberya sa pagpuntirya niya kay Linster, sana ay dineadma nalang niya ang kagwapuhan nito kahapon.
Bakit kasi nagpahara-hara pa sa harapan ko?!
Pero tapos na. Nangyari na. Naipasok na niya sa ganitong sitwasyon ang sarili. Ang kailangan nalang niya ay makalabas doon.
“I think you still need to see another doctor. Kasi, hindi normal na inaangkin mo ang isang bagay na hindi sa 'yo. Baka hindi na fit sa 'yo ang treatments and pills na iniinom mo to balance your minds and moods.” narinig niyang sabi ng lalaki sa pormal pa ding paraan.
Nakakurba na ang isang kilay nito na parang pinag-iisipan kung anong uri ba ng nilalang siya. At ito ang pinakaayaw ni Sythia. Ang pakiramdam na para siyang isang isda sa loob ng aquarium at pinapanood ng iba ang bawat kilos at galaw niya. Ultimo yata paghinga niya ay gusto din nitong bantayan.
“I don't think so. I am perfectly fine. And please, stop starring at me like I am some rare specie inside an aquarium.” Totohanan nang sabi niya at iniiwas ang mga mata.
Nakaramdam na din kasi siya ng pagkailang habang parang pinag-aaralan nito. Muli lang bumalik ang atensyon niya rito nang marinig ang buong-buo at parang talagang naaaliw na tawa ng doktor. Gusto niyang mainis pero pinigilan niya ang sarili. Kailangan niyang maging mabait at baka masira pa ang plano niya.
“Why are you comparing your beautiful self into some kind of water species? Mas bagay kang i-compare sa mga gem stones. Rare, classy and beautiful.” nakangiti nang sabi nito na parang kumikislap ang mga mata.
At hindi malaman ni Sythia kung paano magre-react sa direct compliment na iyon ng binatang doktor. She knew she was beautiful. At kahit minsan sa kahit saang lugar magpunta ay hindi siya maaring hindi tatapunan ng papuri dahil sa taglay na ganda.
But the man's compliment seems different. The way his eyes twinkle while gazing at her, the way they seem to penetrate inside her soul, no doubt. He meant it.
Kaya naman, hindi na magawang kwestyonin ni Sythia ang sarili kung bakit may kakaibang epekto sa kanya ang mga salita ng binata.
She just swallowed an invisible lump in her throat and throw her glance away from the man. He seems to be so amused of her reactions, he laughed on her.
“You're blushing. 'Wag mong sabihing ngayon ka lang nakatanggap ng compliment sa buong buhay mo?”
Sa pagkaasar ni Sythia ay inirapan niya ito.
“Matagal ko nang alam na maganda ako.” It's just that, you are the only man who seems to creep your very words inside my innermost. “You really don't have to state the obvious.” Muli niyang pagtataray.
“There you go,” parang naaaliw na sabi ng doktor. “The same Sythia I've first met. You better stay that way. Mas nakaka-challenge.”
Ngayon ay desidido na si Sythia na 'wag na ngang ituloy ang pagbabait-baitan niya sa harap ng lalaki. Dahil mukhang wala din namang silbi. Kahit anong gawin niya, gagawa at gagawa ito ng paraan para palabasin ang pagka-beastmode niya.
Well, what would she expects? He is a doctor. At walang dudang may alam ito pagdating sa psychology. She will never win over him. Kaya mabuti pang maaga palang ay idispatsa na niya ito.
Maski nakakapanghinayang ang kagwapuhan.
“Whatever! Anyway, I think this meeting was pointless. I should go. May pupuntahan pa ako and I am sure you were busy too. So, let's part ways and live our life in peace.” sabi niyang agad nang tumayo.
Pero bago pa siya makahakbang ay naagaw na nito ang kanyang isang braso. He was holding her as if he had no intention of letting her go.
“How will I live in peace if you were always inside my mind, disturbing my peacefulness?”
Natigilan si Sythia dahil direktang nakatitig ang binata sa mga mata niya. As if sabik na hinihintay ang magiging reaction niya. And while looking back at him, nandoon na naman ang pakiramdam niya na parang nag-i-intrude ito sa kaloob-looban niya. And she was a very reserve person that she never allowed anyone to interfere her. Never.
She broke the invisible tie between them and glared at him.
“Pwede ba? Tigilan mo ako sa kakahirit mo. That. Will. Never. Work. On. Me., Doc Player.”
At saka hinablot ang braso mula rito.
Parang may kakaiba siyang nararamdaman nang mabitiwan siya ng lalaki. She felt like abandoned. And longed to be held again.
Literally, lagi naman siyang naaabandona. Wala nang bago. Yet, she felt odd. Bakit kailangan niyang maramdaman ang ganoon at sa isang estranghero pa?
Damn! What the hell is this?!
“All right! Then, ibalik mo na sa akin ang bracelet ko.” anitong inilahad ang palad sa harapan niya.
Dala-dala ni Sythia ang bracelet. Nasa pouch niya. Dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin doon. Gustong-gusto na niyang maisoli at pinagsisisihan na niyang si Linster ang biniktima. Gusto na niyang maidispatsa ito at mukhang sisirain nito ang kanyang pagrerebelde.
Pero kasi, kung isosoli naman niya, mas manganganib ang kanyang pag-arte. Sinong kleptomaniac ang nagsoli na ng gamit na ninakaw nito?
Kaya wala siyang choice kundi panindigan ang pag-angkin doon. Kahit pa nga gustong-gusto na niyang isaksak iyon sa baga ng lalaki.
Ng gwapong lalaki.
Deym!
“Anong bracelet?” Kunwari ay pagmamaang-maangan niya.
Napatanga ang lalaki sa kanya. Pero mabilis ding nakabawi.
“'Yong bracelet na ninakaw mo sa 'kin kahapon.”
“Wala akong ninakaw sa 'yo. Sa 'kin ang bracelet na 'yon.” giit niya.
“Tss.” Napakamot ito sa kilay at napatayo. Sabay hablot sa braso niya. “Then, you should choose. Behind the bars or inside Hugh's consultation office?”
Sandaling natigilan si Sythia. Nagugulumihan siya sa pakiramdam ng mainit na kamay ni Linster. Parang may tumutulay na sensasyon sa mga himaymay niya. Pero pilit niya iyong nilabanan. Ipinokus niya ang sarili sa dapat na maging reaksyon sa sitwasyon. Hindi siya dapat ma-OOC or Out Of Character.
Pumiglas si Sythia sa pagkakahawak ni Linster maski pa nga gusto niya ang pakiramdam.
“Wala akong sakit!” singhal niya dito.
“Then, patunayan mo!” Matiim na naman ang titig nito sa kanya.
His dominant dark eyes were focused on her. As if saying she had no choice but submit to him.
Damn!
But submitting in him felt like it was easier than opposing.
Damn it! Damn! Damn! And damn!
“Fine!” Walang nagawang singhal niya.
Bakit ganito ang lalaking ito? Nakakalito. One moment he was like a man who was easy to be with. Another moment he seems like an arrogant and dominant one.
At ang mas nakakahilakbot, wala siyang gustong gawin kundi ang sundin nalang ito maski sinasabi ng isip niya na hindi dapat.
HINDI na naman mapakali si Sythia. Tinext na niya si Doc Sanchez para sabihin dito na wala siyang nagawa kundi pumayag sa gusto ni Linster kundi at mabubuko siya. Hindi naman niya matawagan ang doktor dahil maririnig ni Linster.
Sigurista ang walanghiya. Hindi ito pumayag na hindi sa secondhand nitong Vios sila sumakay.
Na ipinagtaas-kilay niya. Sa yaman ng mga San Victorio, bakit nagtyatyaga itong gamitin ang mumurahing sasakyan? Pati naman ang cheap na silver chain bracelet nito na ewan ba niya sa sarili kung bakit napagtrip-an pa niya, ay hindi din bagay sa isang San Victorio, pero ganoon nalang ito ka-eager na mabawi sa kanya.
Nah! He is a strange man.
But anyway, cozy ang ambiance at malinis na malinis ang loob. Mabango din. Feeling niya ay mas masarap pang sumakay doon kaysa sa kanyang mercedez benz. Mas malamig ang aircon ng benz niya at mas high-tech. Pero ewan ba ni Sythia at mas feel niya ang ride sa sasakyan ni Doc Linster.
Anyway. Mukhang nagpanic din si Doc. Sanchez sa text message niya na wala siyang choice kundi harapin si Doc. Hugh. Sunod-sunod ang paalala ng kakutsaba niya. Mag-relax lang daw siya at 'wag pahalata na nagpa-panic. Deretsa daw niyang tingnan ang mata ng doktor kapag kinakausap siya. At 'wag daw siyang magla-lag kapag tinatanong. Deretsa lang daw siyang sumagot.
At may palagay si Sythia na mas nagpa-panic pa ito kaysa sa kanya. Napangiti tuloy siya sa sarili.
“At sino'ng ka-text mo ang nakapagpangiti sa 'yo ng ganyan?” narinig niya ang aroganteng boses ng doktor sa kanyang tabi.
Nakataas ang kilay na binalingan niya ito.
“What do you care?” malditang balik nga niya.
Ano'ng problema ng tukmol na ito? Nagtutunog masungit na naman.
“I was just thinking...” sandali itong sumulyap sa kanya at ibinalik ang mata sa daan.
Naka-convoy sa kanila ang kanyang mercedez benz. Muli ay naiikot niya ang mga mata. Paano siyang napapayag ni Linster na sumakay sa cheap na kotse nito?
“That smile tells a hundred mischief. Kaninang lumapit ka sa 'kin, wearing that sweet innocent smile, I knew it. You planned to lure me so we won't end up meeting my cousin for your consultation.”
Lihim na napalunok ng sunod-sunod si Sythia. So, he really is a geek? Talagang nahulaan agad nito ang maitim niyang plano.
“Well, if you think you were wise. Then, you aren't wise enough. And I will never let you get away from your arrears with me.”
Damn you!
Ngali-ngali niyang singhalan ito. Pero pinili niyang manahimik hanggang marating nila ang SVMC.
Less talk, less mistake.
'Yon ang paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili. Ayaw na niyang madagdagan ang mga hinala nito at baka tuluyan na siyang mabuko.
SHE WAS calm and collected.
Iyon ang naiisip ni Linster habang papasok ang sasakyan nila sa parking space ng SVMC. At kung hindi lang siya sobrang observant, hindi niya mapapansin ang biglaang paglikot ng mga mata ni Sythia. Aakalain niyang totoong hindi nababalisa ang dalaga. But he can't be Doctor Linster San Victorio for nothing.
Habang binabaybay nila ang hallway papunta sa office ng pinsang psychiatrist, pansin na niyang balisa ito. Ilang beses nitong kinutkot ang mga daliri at kinamot ang kilay. Pati ang tainga nito ay ilang beses na hinaplos pati ang hikaw na suot.
Iba na namang design ang hikaw nito pero diamond stud din. Mga 2carats din sa tingin niya. At naka-bangle na pandora's.
Gusto niyang magkunot-noo. Iisa ang charm at ulo iyon ng viper. Para saan ang viper? Year of the snakes ba ito?
Anyway. Dahil sa behavior nito, halata na niyang hindi mapakali ang dalaga. Kinakabahan o disturb. Pero kung titingnan ng ordinaryong tao na hindi mahilig mag-observe, mapapaniwala nitong kalmado ang babae.
Well. Try harder, sweetheart.
Nangingiting sabi niya sa sarili.
“We're here.” aniya. Sabay pigil sa siko nito.
Pumiksi si Sythia na parang napaso sa ginawa niyang paghawak dito. Nagtaas-kilay lang siya. As if asking her: What?
Na sinagot lang din nito ng isang irap. Napangiti si Linster at kinatok ang office ng pinsan. Wala daw itong schedule na pasyente ngayon
Actually ay dapat na araw nito ng pahinga pero heto at ginugulo niya. Mabait naman si Hugh. Wala siyang problema sa mga pinsan. Sa kanyang kapatid lang na obvious ang pinaparamdam na animosity.
Binuksan niya ang pinto at dumeretso sa table ng pinsan. Agad itong nag-angat ng tingin.
“You're late.” parang walang anuman na sabi nito.
Late naman nga sila ng mahigit isang oras base sa sinabi niya ritong oras na makakarating sila.
“Na-traffic yata si Ms. Welsh, kanina.” sabi nalang niya at itinuro kay Sythia ang single couch sa tapat ng mahogany office table ni Hugh.
Nakairap na naman ang dalaga pero naupo din naman. Obviously ay pissed off na ito sa kanya. Well, gusto niyang ipaalam kay Sythia na hindi siya ang tipo ng tao na mapapaikot nito sa palad.
“So, Ms. Welsh, sino ang dating doktor mo? Dala mo ba ang medical history---”
“No. I forgot to bring it. Wala naman kasing sinabi ang isa diyan na kailangan ko palang dalhin iyon.” Agad na singit ni Sythia sa sinasabi ni Hugh.
“Hah!” He unbelievably threw his head back and forth. “Kung may common sense ka, Ms. Welsh, dapat na alam mong kailangan iyon since magpapalit ka ng doktor. Ibang doktor itong pagkokonsultahan mo, 'di ba?”
“Doktor San Victorio, baka nakalimutan mong imbalance nga ang takbo ng utak ko. Malalaman ko ba 'yon na kailangan pa? Tsaka nagmamagaling ka, 'di ba? Sana nilubos-lubos mo na ang pagmamagaling mo. Sinabihan mo na sana ako ng mga kailangan kong dalhin.”
“Aba!” Parang gusto niyang mapika. Ginagamit pa nito ang pagiging mentally dysfunctional para makalusot? Pero sa kabilang banda ay tama din ito na nagkulang siya. Still, wala ba itong common sense? At 'yong sinabi nitong...
“Ms. Welsh, hindi ako nagmamagaling. Nag-advice lang naman ako sa kawawang lola mo na palagi mong piniperwisyo.”
Kung makipagtalo si Sythia sa kanya ay para bang pang normal na utak naman ang ikinakatwiran nito. Nabuhay tuloy ang kanyang hinala.
“Kung wala ka naman palang improvement sa dati mong doktor, it is better to seek for a new and a better one.” naiinis na dagdag pa niya na sa totoo lang ay hilaw na ang paniniwala sa kondisyon nito.
“Excuse me---”
“No more excuses!”
Nahinto sila sa pagbabangilngilan nang biglang tumikhim si Hugh sa harapan nila. Pansin niya ang patagong ngiti ng pinsan. At hindi niya alam kung para saan ang ngiti na iyon.
“Mamaya niyo na ituloy ang lover's quarrel ninyo, pwede?” nangingiti pa ding sabi ni Hugh.
“What lover's quarrel? We are not lovers!”
Kung maka-deny ito sa pang-aasar ni Hugh ay para bang ayaw na ayaw sa kanya. Aba! Hindi naman ito lugi sa kanya. Gwapo naman siya. Mabango. May sinasabi na din sa buhay. Mabait. Mahilig sa bata. Ano pang hihilingin nito sa isang lalaki? Kompleto na siya. Pampamilya na, pang display pa!
Argh! Bigla niyang naipilig ang ulo. Ano bang iniisip niya at gusto niyang gustohin siya nito? May Rysia na siyang matagal nang ini-effort masungkit.
“Hah! Para namang gusto kong mai-link sa 'yo?” ganti niya sa pag-deny nito sa kanya. Ewan ba niya at nasaktan ang ego niya e hindi naman siya balat-sibuyas. “Excuse me din. Hindi din kita type kahit pa maganda ka.”
Tuluyan nang natawa si Hugh na ikinairita ni Linster.
“Mabuti pa pinsan, lumabas ka muna at ako muna ang bahala sa bagong maganda sa paningin mo.” pang-aasar na naman ni Hugh.
Tinapunan niya ng masamang tingin ang pinsan at walang pasabing tumayo. Saka deretsong lumabas ng office ni Hugh.
Sa pagkainis niya ay tama si Hugh. Hindi siya bulag sa magagandang babaeng naglipana sa paligid niya at gagawin ang lahat, pansinin lang niya. Pero wala siyang pinapatulan. Dahil noon ay si Rysia lang ang pinakamaganda para sa kanya.
Gusto na agad niya ang babae nang una palang niyang makita. Noong nasa review center sila pareho ni Matthew at out of good moral ay ipakilala sa kanya ng kapatid si Rysia. Civil lang sila ni Matthew sa isa't-isa. Hindi sila bastos magturingan lalo na sa public places. Though obvious ang animosity sa part ng kanyang kapatid.
Hinayang na hinayang siya noon na naunang nakilala ni Matthew si Rysia. Nakaramdam din siya ng inggit sa kapatid. Hindi dahil ito ang mas kinikilala at legal na anak ni Zandro. Kundi dahil parang lahat nalang ng magandang bagay ay napunta na kay Matthew. Including Rysia.
Pero natuwa na din siya na umalis ang kapatid. Nagkaroon siya ng pagkakataon na patunayan ang sarili kay Rysia.
But for some reason ay hindi naman talaga siya makapasok sa puso ng babae. Nakontento nalang siya na makita at minsan-minsang makasama ang pinakamagandang babae sa kanyang mga paningin.
But when he met Sythia, it was only yesterday, at hindi na ito lumayas sa utak niya. Maski sa panaginip niya ay nanghihimasok ito. Siguro dahil sa stress na dala nito sa kanya kahapon at sa obsession niyang mabawi ang bracelet.
Nah!
Alam niyang hindi. Sythia's beauty is somewhat distracting. Palagi siyang dinidistract ng maamo nitong mukha at nangungusap na mga mata. Hazel eyes that were transparent into different emotions. Yes. It was her eyes that intrigues him. Para bang madaming sekretong itinatago ng mga mata na iyon. Idagdag pa na halata niyang hindi ito mentally ill.
Now, he was really intrigued. May gusto siyang mahukay kay Sythia. At magsisimula iyon sa result ng magiging evaluation ni Hugh sa dalaga.
“Doc Linster! Mabuti nalang at nandito kayo.”
Naputol sa pag-iisip si Linster nang makita at marinig ang nagmamadaling boses ng nurse sa psychiatric department.
“Bakit? Anong meron?” nagtatakang tanong niya.
“Isinugod po kasi 'yong isa niyong pasyente. 'Yong anak po ni Ms. Motin---”
Hindi na pinatapos ni Linster ang nurse at pumatikad ng takbo paalis ng psychiatric department.