HinovelDownload the book in the application

CHAPTER 1

SYTHIA jolted out of sleep when she heard an unsual noise coming from the outside of her room.

Bumaba siya sa kama para tingnan at silipin kung ano ba ang nangyayari. Naririnig na naman niya ang Mommy niya na sumisigaw. Pati ang Daddy niya. Madalas na magising siya sa kalagitnaan ng gabi na kararating lang ng mga magulang at nagtatalo.

Dahil sa pagod niya sa school at sama ng loob ay hindi na siya naghapunan kahit anong pilit ng Yaya niya. Nakatulog na siyang dala ang sama ng loob sa pangit na nangyari sa school nila.

Tapos ngayon, nagising naman siya sa kaguluhan ng mga magulang.

“At sa akala mo ba'y makakatakas ka sa aking babae ka?”

Napasinghap si Sythia nang marinig ang hindi kilalang boses ng lalaki. Sino ang lalaking iyon? Wala namang ibang tao sa bahay nila kundi ang Yaya/maid at mga magulang. Lalong hindi iyon ang boses ng Daddy niya.

Her room was slightly opened. Mula sa maliit na space sa pagitan ng pinto at ng door frame sinilip ni Sythia ang mga kaganapan sa labas ng silid.

At nagulantang siya nang biglang bumagsak ang kanyang Mommy sa sahig sa mismong tapat ng kanyang pinto. Iyak ito ng iyak habang nagmamakaawa sa lalaking may saklob na bonette sa ulo. Natatakpan noon ang kalahati ng mukha nito, hanggang ilong.

May hawak na patalim na may bahid ng dugo ang lalaki. Nakatutok iyon sa leeg ng Mommy niya habang pinipilit ng lalaki na hubadan ang kanyang ina. Humahagulhol na ang kanyang Mommy at nagmamakaawa sa hayup na lalaki pero hindi ito tumigil hanggang tuluyang mahubadan ang ginang.

Nanlaki ang mga mata ni Sythia nang sa mismong tapat niya ay bumaling ang kanyang ina. Tuluyan siyang napaiyak nang magkagat-labi ito para siguro sabihin sa kanya na 'wag siyang maingay.

Impit na napaiyak siya kasabay ng paghalakhak at pagpapasasa ng lalaki sa katawan ng kanyang ina. Nakagat niya ang pang-ibabang labi para hindi makagawa ng ingay. Sa mismong mga mata niya ay nakikita ni Sythia kung paanong binababoy ng kung sino ang Mommy niya.

Mula sa malayo, narinig niya ang pagsigaw ng kanyang Daddy. Papalapit iyon sa lugar nila pero hindi na nakarating matapos ang nakatutulig na ingay ng putok ng baril. Nagulantang si Sythia kasabay ng pagragasa ng matinding takot.

Ang Daddy niya! Hindi na niya naririnig ang Daddy niya!

At saan galing ang putok ng baril? Sino ang lalaking naka-bonette?

Pero paano ba masasagot ang mga tanong niya kung ganito ang sitwasyon?

Her mother's eyes were full of fear, anger and pain while crying. She looked straight at her while mouthing words like:

“Hide baby, hide. Mom loves you. Save yourself, sweetie.”

Ilang beses siyang umiling habang takot na takot na nakatitig sa ina. Sa gilid ng braso nito ay may mahabang sugat na inaagusan ng madaming dugo. Siguro ay kagagawan iyon ng patalim na hawak ng lalaki. May sugat din ito sa leeg.

Inulit lang ng bibig ng ina ang walang boses na message sa kanya habang tuloy ang lalaki sa pagsisid sa katawan nito. Parang nawalan na ng lakas ang Mommy niya na magpumiglas sa demonyong lalaki. Patuloy ito sa pag-iyak at siya ay ganoon din habang nakikita kung paanong binababoy ang katawan nito.

Pero ang hindi niya napaghandaan, ay matapos mapagsawaan ng hayup na lalaki ang katawan ng kanyang ina, walang awa naman nitong pinagsasaksak sa kahit saang parte ng katawan. At habang ginagawa iyon ng lalaki, ang tumatanim lang sa utak niya ay ang tattoo na ulo ng viper sa kamay nitong ipinangsasaksak sa kanyang ina. Sa itaas na bahagi ng hinlalaki. Sa gilid ng ulo viper ay may initials. J and R letters.

Parang nakatingin sa kanya ang tattoo at nakangisi pa. As if the eyes of the viper was mocking her. Mas lalo niyang ikinatakot at ikinagalit na sa paningin niya ngumingisi ang tattoo ng ulupong habang sumasaksak ang patalim sa katawan ng kanyang ina.

Hindi tinigilan ng demonyo ang katawan hanggang hindi nagbubuga ng dugo ang bibig ng kanyang Mommy.

Ilang sandaling hindi nakakilos si Sythia dahil sa pinaghalong matinding takot at walang kapantay na galit. Paulit-ulit na nagre-replay sa utak niya ang ilang masasayang alaala na kasama niya ang ina habang sumasalit ang nakakatakot na eksena na ito. Muli na namang umagos ang walang katapusang luha sa kanyang mga pisngi.

Mommy... Mommy ko...

Patuloy siya sa tahimik na pag-iyak pero nang nakita niyang tumatayo na ang demonyo at bumaling sa tapat ng pinto ng silid niya ay mas lumamang ang takot ni Sythia. Mabilis na gumapang siya pabalik sa kama. Sumuot siya sa ilalim no'n at nagtago sa wooden box na nasa ilalim din ng kanyang kama. May laman iyong mga stuff toy dati pero nai-donate na last Christmas sa isang fast-food chain kaya ngayon ay kasyang-kasya na siya.

Patalikod iyon kung sisilipin sa ilalim ng kama kaya hindi na makikita kung ano ang laman. Bukod pa nga sa patay naman ang ilaw sa silid niya.

“Dito pa, p're! Bukas din ang pinto dito!” narinig niyang sabi ng nagmamadaling boses ng lalaki.

Narinig ni Sythia ang mga yabag ng kung sinu-sinong pumasok. Sandali pa at ingay naman ng mga nalalaglag at nababasag na kung anu-ano ang naririnig niya. Pinigilan niya ang mapahikbi habang nanginginig ang katawan sa walang kapantay na takot. Gusto niyang mawalan nalang ng malay para hindi na niya maramdaman, marinig at makita ang lahat nang nangyayari.

“Nasaan ang natutulog dito?”

“Hindi ko alam! 'Di ba may anak daw na babae ang mag-asawang iyan?”

“Aba, malay ko? 'Di ba't ikaw ang pinagmanman ko sa mga iyan?”

“Bukas ang malaking bintana, o?! Baka tumalon sa labas. Hindi kaya nakita ka no'ng ginagahasa mo ang ina niya at natakot sa iyo? Napakaulupong mo din, ano? Hindi mo man lang ako pinatikim bago mo pinatay?”

Halakhak ng kausap ang sunod niyang narinig. Pakiramdam niya ay nanonood siya ng horror movie at halakhak ng demonyo ang naririnig niya. Napakademonyo ng mga ito! Nagawa pang magtawa matapos ang nakakahilakbot na ginawa sa mga magulang niya!

Naikuyom ni Sythia ang mga kamao. Punong-puno siya ng galit at takot. Gusto niyang iganti ang kanyang Mommy sa mga demonyo. Pero paano? Kung ganito na maski siya, hindi alam kung paano ililigtas ang sarili.

Papa God, please help us. Please help me...

“Ang bagal mo kasi! Kung hindi ko pa 'yon pinatay, baka nakatakas pa 'yon. Kunin mo na ang lahat ng pwedeng kunin diyan.”

“Paano 'yong bata? 'Yong Yaya inuna ko nang todasin.”

“Kilala mo ba 'yong mukha ng bata?”

Sandaling katahimikan at ilang yabag.

“Ito yatang nasa picture ang bata.”

“Ah! Pabayaan mo na 'yan! Kung tumakbo na 'yon sa takot, hindi tayo nakilala no'n. Tulungan mo na akong kunin lahat ng pwedeng kunin!”

Nagpatuloy ang walang katapusang paghahalughog ng mga demonyo sa loob ng silid niya. At kahit tahimik na sa silid at wala na siyang naririnig na ingay sa buong bahay, hindi pa din magawang lumabas ni Sythia sa pinagtataguan. Natatakot siya na baka bumalik ang mga walang kaluluwa. Baka patayin din siya.

Pakiramdam niya, 'yon na ang pinakamahaba at pinakanakakatakot na gabi sa buong buhay niya. Mas nakakatakot pa sa horror films. Mas nakakatakot pa sa bruhang ina ni Clancy. At mas nakakatakot pa sa kidlat at kulog tuwing may bagyo.

Nakatulugan ni Sythia ang panginginig sa takot at nagising kinabukasan ng umaga na hinihila ng kung sino ang wooden box na kinaroroonan niya. Nagpipiglas ang bata at muling bumalik sa ilalim ng kama. Kahit pa nga nakita niya na naka-unipormeng pulis ang kumukuha sa kanya, sa mga mata niya ay mga lalaking naka-bonette iyon at papatayin siya.

“Hija, 'wag kang matakot. Hindi ka namin sasaktan. May itatanong lang kami.” panunuyo ng isang pulis sa kanya. Yumukod pa ito para silipin siya.

“Baka po pwedeng huwag muna ngayon. Malamang na traumatized pa ang bata.”

Narinig ni Sythia ang humihikbing boses ng kanyang Lola. Ang ina ng kanyang Mommy. Noon lang siya parang nakakita ng kaligtasan.

Mabilis na gumapang siya palabas sa ilalim ng kama at patakbong yumakap sa Lola. Nanginginig pa din siya sa takot pero may security na siyang nararamdaman nang yakapin ng matanda.

“S-Si...si Mommy po, Lola...”

At bumunghalit siya ng iyak habang nakayakap sa matanda. Sinabayan nito ang mga hagulhol at hikbi niya at hindi alam ng batang Sythia kung kailan matatapos ang lahat ng nakakagimbal na pangyayaring iyon. Paulit-ulit na bumabalik sa utak niya ang mga nakita at narinig. Na para bang wala nang katapusan ang lahat ng iyon.

Many years later...

“AH! AATAKEHIN ako ng highblood ko sa batang ito, Simon! Nakakahiya!”

Panay ang pagbubusa ng kanyang abwela matapos nilang makapasok sa loob ng entrada ng napakalaking bahay ng mga Welsh... Oh! Hindi talaga iyon bahay dahil palasyo talaga iyon.

Maraming taon na ang dumaan matapos ang pinakanakakatakot na pangyayari sa buhay ni Sythia. Sa edad na walo ay nawalan siya ng mga magulang na maski bihira niyang makasama, alam niyang mahal naman siya. Kaya sobrang sakit at sobrang traumatic na sa mismong mga mata niya ay nakita ang karumaldumal na pangyayari. Tumatak iyon sa murang isip ni Sythia kaya halos gabi-gabi ay dinadalaw siya ng nakakatakot na eksena.

Ipinagamot naman siya ng kanyang Lolo at Lola. Sa yaman ng mga Welsh, ang pinakamagaling na doktor sa buong bansa ang kinuha para gawing psychological therapist niya. Pero kahit gaano iyon kagaling, hindi noon nagawang gamutin ang sakit, takot at galit na nabuo na sa dibdib niya.

Sa mga unang gabi, sa poder ng kanyang Lola sa mother side, kaunting kislot at kaluskos lang ay napapapitlig siya. Sa gabi ay nagwawala siya at madalas na binabangungot. Hindi din nakatulong ang pakikipag-agawan ng parents ng kanyang Daddy sa kanyang custody. Pero nanalo ang mga iyon dahil mas may pera. May lahing Russian ang kanyang Lolo. Fourth blood na yata ito mula sa mga eldest generation na full-blooded Russian na nakapangasawa ng Pilipina.

Mas maipapagamot daw siya ng mga ito. Hanggang sa pinetisyon na ang kanyang Lola ng kapatid ng kanyang ina at dinala sa New York. Gusto siyang isama ng matanda pero ang Uncle niya ay ayaw. Mayaman naman daw ang kanyang Lolo at lola sa father side, doon nalang siya at mas maibibigay ang kanyang kailangan.

Naiwan siya sa Pilipinas sa poder ng kanyang grandparents sa father side. Akala niya ay talagang nagmamalasakit ang mga ito sa kanya. Pero hindi. Palaging galit ang mga iyon sa kanya kapag hatinggabi na magigising siya at isisigaw ang takot at galit sa lahat ng nangyari sa kanyang mga magulang. Nabubulahaw daw kasi ang mga ito sa pagtulog. Pinapagamot naman daw siya, bakit hindi pa din siya maka-recover sa nangyari. Samantalang ang mga ito ay tapos na sa phase ng pagluluksa sa kamatayan ng kanyang Daddy.

Pinagawan siya ng ibang silid na soundproof para hindi siya makabulahaw sa gabi. Hindi din siya sinasamahan ng mga ito sa therapies niya. Palaging ang katulong. Parang katulad lang din ng sitwasyon sa bahay ng kanyang mga magulang.

Nalaman lang niya ang dahilan ng pagkupkop ng kanyang grandparents sa kanya ay nang mapanood ang nationwide interview sa mga ito patungkol sa pangyayari. Ayaw ng mga ito na may masabi ang mga tao sa highest society na ginagalawan, kung hindi siya aalagaan.

Isang judge ang kanyang Lolo, politiko at businessman. Maingay ang pangalan lalo at nasa politika. Ang Lola niya ay maraming malalaking business na hindi pa niya noon naiintindihan. Basta ang alam niya, pamilya ng mga magagaling sa negosyo ang pamilya ng Daddy niya. Multi-millionaire ang mga ito.

Kung may ilang taon din ang therapy niya habang nag-aaral at natapos iyon nang mag-highschool na siya. Naging aloof na si Sythia sa mga tao at hindi nakikipagkaibigan. Ayaw niyang makipagkaibigan at napa-paranoid na baka kamag-anak iyon ng mga lalaking naka-bonette at nagnakaw sa bahay nila.

Sinanay na ni Sythia ang sarili na mag-isa at walang may pakialam. Tutal, 'yon naman ang kinamulatan niyang buhay. Pero aaminin niyang madalas ay naiinggit siya sa mga kaklase na may niyayakap na pamilya, kapatid o pinsan.

May tatlo nga siyang pinsan pero mga inis sa kanya. Kakompetensiya ang tingin sa kanya dahil nasa poder siya ng kanilang grandparents. Lagi siyang pinagti-trip-an kapag may mga family gatherings. Madalas pa ay ipinapahiya sa mga bisita.

Kaya nga mas gusto niya ang magkulong sa kwarto kapag may okasyon. Pagod na pagod na siyang maki-mingle sa mga socialite niyang pamilya. Kung pamilya nga iyong matatawag.

Pero isang araw sa buhay niya noong huling taon sa college, sa mismong classroom nila, nakita ni Sythia ang makinang na wristwatch sa ibabaw ng armchair ng kaklase. Katulad na katulad iyon ng sa kanya. Naisip niyang bakit nandoon iyon? Naiwan ba niya?

Kinuha nalang niyang basta ang wristwatch. Pero nakita siya ng kaklase na siyang umaangkin din na may-ari.

Sandali lang daw itong tumayo at may kinuha sa katabi ay ninakaw na niya ang relo nito.

Nag-agawan sila sa wristwatch dahil pinanindigan niya na sa kanya iyon. Hanggang napunta sila sa disciplinary office. Dumating ang Lola niya roon at nakipag-plastik-an sa paghingi ng tawad. Sinabi pa na pagpasensiyahan siya at may psychological disorder dala ng nangyaring kahindik-hindik sa buhay niya noon. Nag-offer pa na babayaran ng doble ang halaga ng wristwatch. Kibit-balikat lang si Sythia at naipaikot ang mga mata sa ere nang agad na pumayag ang ina ng kaklase.

Pagdating sa bahay ay pinagalitan siya ng Lola.

“Bakit kayo nagagalit sa akin? 'Di ba dapat unawain niyo ang kondisyon ko at sabi niyo nga, may psychological disorder ako?”

Nag-init ang ulo ng kanyang Lola pero tinalikuran niya lang ito. Kinabukasan ay may napulot na kaparehong wristwatch ang janitress sa classroom nila at ini-endorse sa lost and found. Iyon pala ang wristwatch niya. Napatunayan tuloy na ang tamang may-ari ng ninakaw niya ay ang kaklase at hindi siya.

Naisip ni Sythia na ulitin muli ang ginawang pagkuha ng gamit ng mga kaklase, lalo na ang makikinang na bagay. Nakukuha kasi niya ang atensyon ng madami dahil sa ginagawa. At halos araw-araw na, nasa university niya ang kanyang Lola para suhulan ang mga ninakawan niya.

Yes. Pinanindigan na niya ang nakakainsultong idinahilan ng kanyang Lola na may psychological disorder siya. Paanong hindi? Talagang nasaktan siyang sabihan ng Lola na may psychological disorder. Sa halip na tanungin siya sa nangyari at i-depend sa kaklase at sa ina noon, inako pa nito na talagang kasalanan niya dahil may psychological disorder daw siya. Edi, totohanin nalang niya.

Hindi naman kasi iyon ang inaasahan ni Sythia sa kanyang Lola. Naalala niya tuloy noong Grade2 at napagbintangan na nagnakaw. Kung nagkataon na nandoon nang araw na iyon ang kanyang Mommy, ganoon din ba ang gagawin? Hindi ba siya idedepensa nito at hihingi nalang ng tawad na parang inaako na may kasalanan talaga siya?

Bago ang graduation sa college ay pinatingnan siya ng kanyang Lola sa isang psychiatrist na masyado ding greedy pagdating sa pera.

Alam naman niyang wala siyang problema sa utak. Alam niya ang ginagawa. Pero gusto niyang konsumihin ang Lola at Lolo niya kaya kinuntsaba niya ang psychiatrist na palabasing isa siyang Kleptomaniac.

“Come on. Kapag sinabi mong Klepto ako Doc, palagi akong may session sa 'yo. Kikita ka na sa regular na consultation fee, dadagdagan ko pa 'yon ng dobleng bayad. O 'di ba? Triple agad ang kita mo kapag nagpapa-therapy ako sa 'yo? Plus, I have a big amount here. Sa 'yo na 'yan, gamitin mo sa kahit ano'ng gusto mong gawin sa pera.”

Dahil isa ngang gahaman na doktor, tinanggap no'n ang kanyang suhol na kinuha sa personal account. Three hundred thousand pesos in cold cash plus the therapy fees every session sa dobleng halaga. Hindi siya nito magawang pagdudahan pagdating sa pera dahil alam nito na mayaman ang pamilya niya. Napakayaman.

Kahit hindi siya magtrabaho ay mabubuhay siya na nakahiga sa pera. Kaya nga hindi na siya nagtatrabaho. Hindi niya nagagamit ang tinapos na kursong Commerce.

Ayun, sa tuwing aalis siya, alam niyang may kabuntot siyang bodyguard. Kahit palihim iyon na ipinasusubaybay ng kanyang Lola, ramdam niya na nakabantay sa kanya.

Tinatakasan naman ni Sythia para magagawa pa din niyang bigyan ng sakit ng ulo ang Lola kapag bigla iyong tatawagan ng police sa headquarters sa lugar na pinagnakawan niya.

Katulad ng araw na ito. Nagnakaw lang naman siya ng three-carat diamond cut in white gold ring sa isang jewelry shop sa loob ng Powerplant Mall. Lahat lang ng makikinang na bagay ang ninanakaw niya. Iyon ang tip ng psychiatrist niya para hindi siya mahalatang umaarte lang. Ang mentality daw kasi ng Kleptomaniac ay: Lahat ng makita ko, akin.

At madaling makaakit ng mga mata ang makikinang na bagay, like jewelries.

Heto nga ang Lola niya. Matapos i-settle ang gulong ginawa niya, pinagbalingan naman ang mga bodyguards niyang natakasan. Minsan ay naaawa siya sa mga iyon. Pero selfish siya, so she shrugged her conscience off.

Alright. Sa ibang salita, ang lahat ng ginawa niya ay paraan ng pagrerebelde.

“Ilang taon na ang session ng apo mo sa psychiatrist, hanggang ngayon ay hindi pa din gumagaling?” narinig na naman niyang busa ng kanyang Lola sa kanyang Lolo na busy sa pagbabasa ng newspaper. Araw ng linggo, mukhang wala itong lakad.

At kakasimula palang ng araw ay sakit na agad ng ulo ang ibinibigay niya. Itinupi ng kanyang Lolo ang Daily Inquirer na binabasa at sandaling binalingan siya. Kunwari naman ay hindi niya ito pinansin at chinecheck ang manicure na kahapon lang niya pinagawa. May ilang beses niyang sinipat ang kuko. Pero sa peripheral vision niya, alam ni Sythia na ilang beses siyang sinipat ng kanyang Lola at inirapan.

Tumayo si Sythia at walang paalam na dumeretso sa kusina para manghingi ng maiinom sa maid.

Narinig niyang nagbuntong-hininga ang kanyang Lolo. Saka mahinang nagsalita. “Hindi naman nagagamot ang disorder, 'di ba? At hayaan mo na, Helena. Naiintindihan naman ng publiko ang sitwasyon natin---”

“Sinabi ko na sa 'yong ilagay na natin 'yan sa isang mental institution. Maiintindihan din tayo ng tao kung ipasok man natin ang apo mo doon.” giit ng kanyang Lola na hindi niya ikinagulat o ipinag-alala man lang. Nakalagpas na siya sa may mini bar at minabuting magtago sa likod noon. Gusto niyang pakinggan maski pa alam naman na niya ang posibleng magiging sagot.

Hindi papayag ang kanyang lolo.

“At ano nalang ang sasabihin ng mga tao sa industriya na ginagalawan natin? Lalo ka na na may charity foundation pa at ang campaign ay love and unity in the family. Kung isasalpak mo sa mental ang apo mo, aba! Bad publicity iyon sa atin. Alam mong palaging nakatutok sa atin ang media. Ano nalang ang sasabihin ng iba? Maganda na itong nasa poder natin ang batang iyan. Mas nakukuha natin ang simpatya ng mga tao---”

“Ang sabihin mo, gagamitin mo lang ang simpatya na iyan para sa susunod na eleksyon!” pairap na sagot naman ng matandang ginang.

Wala siyang narinig na sagot ng kanyang Lolo pero nakasisigurado siyang ngumingiti ito. At ang sama ng pakiramdam ni Sythia. Naiintindihan naman niya ang ibigsabihin noon. Sasabak na naman sa politika ang kanyang Lolo. Tatakbo itong Senador. Hanggang ngayon ay hindi pa din ito matapos-tapos sa kagustuhang maging Senador at maipasa ang mga batas na binuo nito. Matalino ang kanyang Lolo, kaya nga ito ang isa sa tinuturing na pinakamagaling na judge sa buong bansa. Matunog na ang pangalan nito dahil sa dami ng natulungan. At kung ipapakita sa madla ang sakripisyo sa isang kleptomaniac na apo, lalo nang babango ang pangalan ng matanda.

She gathered herself together at dumeretso sa kusina. Hindi na juice ang hiningi niya sa maid na naroroon. Siya na mismo ang kumuha ng tubig na maiinom para pakalmahin ang sarili. Binalikan niya ang dalawang matanda na biglang huminto sa pag-uusap.

“I'll go up stairs, 'La, 'Lo.” Nakangiting paalam niya sa mga ito.

Nakatago sa kanyang puso ang sakit, galit at hinanakit sa lahat ng nalalaman. Hindi lang aware ang mga ito na naiintindihan naman niya ang lahat. Kapag inaakala ng mga ito na hindi niya naririnig at walang pakundangang nag-uusap ang dalawa. Nagpapanggap lang siya na walang pakialam. Palagi niya 'yong ginagawa. Kung magbibigay kasi siya ng reaksyon sa lahat ng naririnig, magiging maingat na ang mga ito sa pag-uusap. Hindi na niya malalaman ang masakit na katotohanan.

Yes. Siguro nga ay masokista siya. Dahil kahit gaano kasakit, gusto pa din niyang marinig. Gusto pa din niyang ibugbog sa sarili ang lahat ng katotohanang mga naririnig.

“Go, ahead. Magpahinga ka na apo.” nakangiti ding sabi ng kanyang Lolo.

Paanong hindi ito ngingiti, bukas ay headline na naman sa Daily Inquirer ang nangyari ngayong araw. At ang talagang pissed off sa ginawa niya ay ang kanyang Lola. Pero siyempre, makikipagplastikan na naman ito sa mga amiga nito at kunwari ay nauunawaan siya.

Pagkarating sa kanyang silid, inilagay niya sa napakalaking display cabinet ang white gold na ninakaw niya at binayaran ng kanyang Lola sa tripleng halaga. Collection niya ang laman ng display cabinet. Collection ng mga bagay na katibayan kung gaano na siya katagal na nagrerebelde. It's been three years. Tatlong taon na niyang pinasasakit ang ulo ng kanyang Lola at Lolo. Pero hindi pa din siya masaya. Hindi niya mahanap ang saya na matagal na niyang kinasasabikang maramdaman.

Ilang alahas pa ba ang nanakawin niya? Ilang relo? Ilang choker? Ilang makikinang na bagay?

Hindi niya alam...

Naglandas ang mga luha ni Sythia habang nakatitig sa display cabinet. Kahit anong gawin niya, hindi siya makahanap ng satisfaction at happiness. Gusto na niya iyong mahanap. Pero saan? At paano?

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free