HinovelDownload the book in the application

CHAPTER 5

DUMERETSO si Linster sa main building at kumakabog ang dibdib na sumugod sa emergency room. May sakit sa puso ang anak ni Rysia at siya ang doktor ng pamangkin. Kung isinugod ang bata sa ospital, malamang na inatake or what. Na habang tumatakbo ay naipagdasal niyang sana ay mali siya. Sana ay hindi ganoon kaseryoso ang lagay bata.

Papalapit palang siya sa emergency room ay sinalubong na siya ng doctor's scrub suit na hawak ng nurse. Habang isinusuot ay sinasalubong niya ang batang nagkokombulsyon sa stretcher.

Pero nang nasa loob na sila ng emergency room ay ikinagulat ni Linster ang pagsulpot ni Matthew at aligaga sa pagmamando sa buong medical team.

Kailan pa ito dumating? Bakit walang nag-inform sa kanya?

At sa paraan ng pagtatalo nina Rysia at Matthew, may pakiramdam si Linster na balak nang bawiin ng kapatid ang pwesto nito.

Which wasn't threatening for him. Hindi siya makaramdam ng takot maski alam niyang posibleng maging maayos na ang dalawa.

Samantalang noon, palagi niyang idinadasal na 'wag munang bumalik si Matthew. Para may pagkakataon pa siyang makasama si Rysia.

But now, he felt genuinely happy for Lukan and Rysia. Finally ay magiging pamilya na ang mga ito. 'Yon nga lang ay hindi na siya kasama sa pamilya na iyon.

But still, he was happy for them. Alam naman niyang kahit minsan ay hindi niya napalitan si Matthew sa puso ni Rysia. At maluwag niya iyong tinatanggap ngayon.

Still, why? He should be broken hearted right now...

GUSTONG mayamot ni Sythia.

Ni hindi man lang siya hinintay ng walanghiyang si Linster. Ito ang nagdala doon sa kanya sa nirekomenda nitong doktor tapos ay basta lang siya iniwan?

Fine.

Pinalabas ito ni Doc. Hugh dahil nakakaimbyerna naman na nga ang mga pinagsasabi nito pero bakit hindi man lang siya hinintay sa paglabas niya? Paano kung maligaw siya sa pagkalaking building ng SVMC?

Oo nga at asar na asar na siya sa kaarogantehan nito pero ito pa din ang taong gusto niyang makita sa paglabas niya sa consultation office. Natatakot kasi siya kay Doc. Hugh dahil alam niyang anytime ay mabubuko na siya ng binatang psychiatrist. Natatakot siya at nakakatanga lang na si Linster ang una niyang gustong takbuhan sa mga sandaling iyon.

Pero wala ito sa dapat ay kinalalagyan nito ngayon. Kaasar!

“Ma'am, nasa main building po si Doc. Linster, kung siya po ang hinahanap niyo. Nagka-emergency kasi do'n sa isa niyang pasyente.” sabi ng nurse.

Napansin yata na palinga-linga siya.

“Pwede mo ba akong samahan sa kabilang building? Baka maligaw ako eh.” request naman niya na agad nitong tinanguan.

Nagpaalam ito saglit sa nurse station para samahan siya. On the way, palipat sa main building ay nagsimulang magkwento ang nurse... Rather, magtanong. Akala yata ay kaibigan niya si Linster.

Gusto niyang mapasimangot.

“Palagay mo, Ma'am, posible nga na anak ni Doc 'yong pasyente niya? 'Yong anak ng kaibigan niya daw?”

Nagkibit-balikat siya. Wala naman din kasi siyang alam na isasagot. Pero na-curious siya sa tanong. May anak na si Linster? O baka may nadisgrasya.

Well, he had the face and the money. Maganda din ang career. And no doubt, he is a charmer. Naranasan na niya first hand na paulanan ng charm nito. Mabuti nalang at immune siya doon.

Immune nga ba? Bakit paulit-ulit niyang naaalala ang gwapong ngiti ng binata. Ang mabangong samyo nito. Ang paraan ng pagbabago ng moods nito, both in definitely attractive way.

Nah!

“Bakit niyo naman nasabi na anak niya 'yong bata?” curious na naitanong na din niya sa tsismosang nurse.

Ayaw niya sa mga tsismosa. Pero hindi sa pagkakataong ito. Kung minsan naman pala ay may maganda ding naidudulot ang pagiging tsismosa. Lumalaki talaga ang tainga niya sa pakikinig at paghihintay sa isasagot ng nurse.

“Eh kasi kamukha nila ni Doc. Matt. 'Yong kapatid niya. Tapos do'n sa kiddie picture ng director ng SVMC na tatay nina Doc, hawig na hawig din. Kalat na nga agad sa buong ospital na malamang na San Victorio ang bata. Impossible naman na kay Doc. Matt ang bata. Kakauwi lang ni Doc. Matt from Spain. Tsaka mas close si Doc. Linster do'n sa nanay ng bata. Kanina lang nagkatanungan kasi biglang sugod si Doc. Matt sa emergency room no'ng makita ang bata. Parang super concern. Kanina lang din na-realized na kahawig sa mga San Victorio ang pasyente.”

Dapat ay wala naman siyang pakialam. Pero hinahawahan siya ng curiosity ng tsismosang nurse. At ano bang pakialam niya sa buhay ni Linster? Ang kailangan niyang problemahin ay paano makakawala sa mga San Victorio. Paano niya maisosoli ang bracelet ni Linster na hindi ito magtataka?

“Nakapagtataka lang. Kung kay Doc. Linster ang bata, bakit hindi niya ipinaalam sa pamilya niya?”

Pumapasok na sila sa main building ay panay pa din ang daldal ng nurse. Medyo napipika na siya. Dahil hindi niya talaga gusto ang ideya na may nabuntis si Linster at mukhang kasundo pa din nito ang nabuntis base sa pagkakakwento ng nurse.

Eksaktong papunta sila sa emergency room nang lumabas si Doc. Linster at kitang-kita niya kung paano yumakap ang umiiyak na magandang babae rito.

Biglang napatalikod si Sythia. Hindi niya maintindihan kung bakit parang nakaka-eyesore makita ang eksena. Parang ang bigat din sa dibdib panoodin. Gusto nalang niyang umalis.

Kaya naman agad siyang nagpaalam sa nurse at hindi na hinintay ang sagot noon.

Parang binabayo ang dibdib ni Sythia habang papalabas ng main building. May makirot sa bahaging dibdib niya na hindi niya maintindihan kung bakit kailangan niyang maramdaman pagkakita sa eksena.

'Yon ba ang ina ng bata? Hindi na nga nakapagtataka kung pinatulan ni Linster. Maganda ang babae. Mukha ding mabait. And she looks fragile. Iyon ang mga tipo ng babae na gustong-gustong protektahan ng mga lalaki.

Kaya nga basta nalang siya iniwan ni Linster 'di ba? Para saklolohan ang damsel in distress nito. At ikinaiinis niya iyon. Talagang ikinaiinis niya iyon.

Yet she checked herself. Ano at nag-iinarte siya? Para saan? Dapat naman na wala siyang pakialam.

Pero nakakainis talaga!!!

Nakaalis si Sythia ng lugar na sa kung papanong paraan nalang. Kung hindi siya inabutan ng driver niya ay baka nilakad niya ang kahabaan ng highway sa tindi ng pagkayamot niya. Pero kahit nasa loob na siya ng komportableng sasakyan ay hindi bumaba ang level ng iritasyon ni Sythia. At natitrigger lang naman siya dahil kay Linster. Kaya dapat talaga na mawala na ito sa landas niya.

O siya nalang ang mawala sa landas nito...

SABADO.

Wala dapat si Linster sa SVMC dahil wala naman siyang schedule doon. Dapat ay nasa clinic siya. Pero dahil maghapon niyang hinintay si Sythia noong huwebes. At inabot pa hanggang kahapon ang paghihintay niya na bumalik sa office ni Hugh pero hindi naman sumipot, naging aligaga tuloy siya.

Malinaw at sumang-ayon naman daw si Sythia na kailangan nitong bumalik ng thursday para sa resulta ng evaluation nito. Kinailangan pa din kasing i-gather ang data nito from her previous doctor bago ilabas ang resulta.

Pero hindi na nga bumalik ang dalaga. At ikinaiinis niya iyon. Napaka-unprofessional talaga ng babaeng iyon! Kung hindi late ay hindi naman sisipot sa schedule.

Dapat ay wala siyang pakialam sa babae. Ang kaso nga, kahit pigilan niya ang sarili na isipin si Sythia ay hindi niya magawa. Sinasabi nalang niya sa sarili na baka dahil nga sa bracelet. Sa obsession niya na mabawi iyon.

Pero paano niya nga mababawi kung ganito na hindi naman nakiki-operate ang babae. Paano ito magiging matino kahit sandali?

And he had no choice but to asked his cousin on what was the result of his evaluation.

“She is not a Klepto, Linster.”

Medyo inaasahan na naman niya iyon pero bahagya pa din siyang nagulat. Nagtaka ang eksaktong salita. Ipinagtataka niya kung bakit nagpapanggap ang dalaga.

What he meant is she came from a very well-off family. Sigurado siyang kahit hindi ito magtrabaho ay mabubuhay ito na nakahiga sa salapi.

Then what must be the reason she will do such hilarious things?

“Sigurado ka ba?” pangungulit pa din ni Linster sa pinsan.

Parang hindi niya kasi maintindihan si Sythia kahit anong piga niya sa utak.

“Of course. Hindi pa ako nagkamali sa diagnosis ko.” Kibit-balikat nito at iniitsa ang white folder sa tapat niya.

Binasa naman niya ang medical abstract.

“I purposely put a diamond ring on my table. Nasa mesa ko na ang diamond ring bago pa kayo dumating. Kleptos are easily attracted by shinning and shimmering objects. Lalo pa at nasa malapit lang nito. Pero ni hindi niya pinansin ang diamond ring. May iba pang bagay dito sa loob ng office na madaling maka-attract ng atensyon. Pero wala siyang naging pakialam. Mas atat siyang makauwi na. Bagay na gawain ng taong nasa tamang pag-iisip at may iniiwasan.” mahabang paliwanag ni Hugh habang binabasa niya ang laman ng folder.

“And knowing na si Doc. Sanchez ang doctor niya...well, the man can be bought. Hindi na mahirap isipin na nabili ng bagong apple of the eye mo ang doctor niya.”

Napakunot-noo si Linster sa tono ng pinsan. Para na naman itong nanunukso. Tumawa si Hugh.

“Come on Linster. Ngayon ka palang naging interesado sa isang babae.” sabi pa nito na parang ipinapaliwanag ang paraan ng panunukso.

“Hindi ako interested sa kanya. Gusto ko lang makuha ang bracelet ko na alaala ni Mama sa akin kaya ganito ako ka-eager na kahit paano ay mai-balance ang utak niya. Para mabawi ko na ang gamit ko.” mahabang paliwanag naman niya. At bakit ba siya nagpapaliwanag dito?

“Come on, you can lie to the world pero hindi sa akin. Aminin mo nang nagagandahan ka sa recommended mong pasyente.”

“Fine.” asar na sagot naman niya.

Maganda naman talaga si Sythia. But beauty isn't everything. Kaya lang ay gusto niya ding makita ang everything mula kay Sythia.

Everything na makapagpapaliwanag sa kanya kung bakit nito ginagawa ang pagnanakaw at pagpapanggap.

“Eh 'di, type mo?”

Gusto niyang maasar talaga kay Hugh.

“Ikaw! Nakahanap ka lang ng Becky na magpapaligaya sa 'yo, pati ako, gusto mong gawan ng issue.” natatawa nalang na tumayo na si Linster. “Call me when Sythia came here. Kailangan ko siyang makausap.”

“At mapormahan?” natatawang pang-aasar pa din ng pinsan.

“Nah! Sa gwapo kong ito? Hindi ko na kailangang pumorma at madaming babae ang nahuhumaling sa gandang-lalaki ko.” ganti na din niya sa pinsan na pinagtawanan naman nito.

Kaunti pang asaran at iniwan na niya si Hugh. Dumeretso siya sa kanyang clinic para intindihin naman ang scheduled patients. Kailangan niyang mailayo ang utak mula kay Sythia at talagang malaki na ang purwisyo nito sa kanyang sistema. Hindi na talaga siya tinantanan.

KINAHAPUNAN ay idinilever ang parcel na naglalaman ng silver chain bracelet ni Linster. Welsh Holdings Corporation ang nakapangalan sa sender pero ang address nito ay Quezon Province. Hindi ba at nasa Makati naman ang office ng WHC?

Medyo ipinagtataka niya din na ipina-courier pa ang bracelet niya samantalang pwede naman iyong iabot nalang sa kanya.

At bigla niyang na-realized...

Gusto siyang takasan ni Sythia. Malamang na alam nitong mabubuko na ito sa pagpapanggap.

Dapat ay matuwa na din si Linster. Naibalik na sa kanya ang gamit niya. Wala na siyang dapat na inaalala. Pero bakit ganoon? Kung kailan nasa kanya na ang kanyang bracelet, saka siya hindi mapakali. Gumagapang ang takot sa kanyang himaymay. Takot na isiping naputol na ang mga dahilan kung bakit may ugnayan sila ni Sythia. Na para bang ibigsabihin na naibalik na sa kanya ang bracelet ay posibleng hindi na din sila magkita ng babae.

Ah. No.

Gagawa siya ng paraan para masagot ang malaking tanong niyang: Bakit ito nagpapanggap?

Tinapos niya ang walang hanggang pag-iisip sa pagsugod sa mansyon ng mga Welsh sa Ayala. Hindi naman siya nahirapang pumasok sa subdivision. Matapos kasing maitawag sa mga Welsh ang pagdating niya ay pinapasok siya kaagad.

Kakabog-kabog pa ang dibdib ni Linster dahil hindi niya alam kung paano sisimulan ang pakikipag-usap kay Sythia patungkol sa resulta ng evaluation rito. Pero nawala din iyon nang malaman sa Lola nito na nasa bakasyon ang apo.

Napalitan ng panlulumo at panghihinayang ang damdamin ni Linster.

“We'll talk to her about your thing when she gets back. Hindi kasi makita sa kwarto niya ang bracelet mo. Ang sabi naman kasi ng doktor niya ay kailangan niya din talaga ng bakasyon at makakatulong iyon to clear her mind. Anong malay natin at madali na siyang kausap kapag nakauwi galing sa bakasyon?”

Ang mga salitang iyon ng ginang ang nag-confirm sa kanya na hindi ang mga ito ang nagpa-courier ng bracelet. Hindi nga nito alam na nasa kanya na ang bagay na hinahabol-habol sa mga ito. Pero mabuting hindi na muna malaman ng mga ito. Mawawalan kasi siya ng dahilan kung bakit hindi niya tantanan si Sythia. At hindi niya titigilan si Sythia hanggang hindi nasa-satisfy ang curiousity.

Inatake nalang ni Linster ang isa pang bagay.

“You were still consulting her previous doctor?” medyo wala na sa tono na tanong niya.

Wala namang masama kung mag-seek ang mga ito ng advice sa matagal nang doktor ng dalaga. Pero kasi, knowing na nababayaran ang reputasyon ng doktor na iyon, hindi talaga maganda sa kanyang pandinig.

Inisip siguro ng ginang na na-offend siya sa nalaman kaya agad itong nag-sorry.

“Pasensiya ka na Doc. San Victorio...”

Inihayin ng katulong ang kape sa center table at agad ding umalis. Nagpatuloy naman sa sinasabi ang ginang. Wala doon ang matandang Welsh. Siguro ay nasa kung anu-anong business nito.

“I didn't mean to offend you pero mas palagay kasi ang apo ko sa dati niyang doktor. At sabi naman ni Doc. Sanchez ay nag-i-improve naman maski paano ang bata. I guess he is right. Dati ay madalas akong laman ng police station pero nitong nakaraan ay bihira nalang. He advised to throw her into a vacation at malaking tulong daw iyon.”

Malaking tulong na makapagtago dahil alam nilang mabubuko na sila.

Nagngingitngit sa sarili si Linster. Talagang balak tumakas ni Sythia.

“Para sa kanyang pamilya na nahihirapang makita siyang ganoon, sino ba ang hindi gugustuhing maging maayos siya kaagad?” Humikbi na ang ginang at naging emosyonal. Medyo nag-alala tuloy si Linster. Wala naman siyang balak na paiyakin ito. “Kahit ano ay susubukan namin, maging maayos nalang ang apo ko. Gusto rin naman naming magkaroon siya ng normal na buhay. Puro pahirap at sakit na ang pinagdaanan ng apo ko mula pagkabata. Masyadong traumatic ang pinagdaanan niya. Gusto kong maging masaya din naman siya. Pero paano pa mangyayari iyon, kung palaging may imbalances sa utak niya? She looks normal, she do some stuffs the way it should be. Talagang hindi niya lang mapigilan ang magnakaw. Hindi ko alam kung bakit. Ibinibigay naman namin sa kanya ang lahat pero ang lahat ay kulang pa.”

Humagulhol na ang ginang. Napamura sa sarili si Linster. Parang mas nadagdagan ang stress niya sa buhay. Ano ba talaga ang gustong mangyari ni Sythia? Bakit nito binibigyan ng sakit ng ulo ang mga taong nagmamahal dito?

Nagbuntong-hininga si Linster.

“Pwede ko po bang malaman kung saan siya nagbabakasyon?”

Natigil sa pag-iyak ang ginang. “Pero sabi ng doktor niya ay kailangan siyang mapag-isa...”

“Trust me, Ma'am. Doctor din po ako at sinasabi ko sa inyo na ang mas kailangan niya ay kausap.” aniya na direktang tumitig sa mga mata nito.

Siguro dahil naramdaman nito ang eagerness niyang makuha ang address ng apo kaya hindi na ito nagdalawang isip pa na ibigay na sa kanya.

Tutal, iniisip naman nito na may atraso pa sa kanya ang apo.

A sly smile escaped from his lips. Medyo nabawasan ang kanyang isipin kung saan hahagilapin si Sythia. At ano bang malay niya kung gaano nito katagal na gustong magbakasyon. Mababaliw lang siya sa kakahintay dito, mabuti pang siya na ang pumunta sa kung nasaan ang dalaga.

Mas naguluhan at na-curious si Linster. Anong traumatic experience ang nangyari kay Sythia na nauwi sa pagiging klepto nito?

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free