HinovelDownload the book in the application

Chapter 8 Bawal umasa, Nakakamatay

08 – Bawal umasa, nakakamatay.

KARI

Ilang weeks ng nagpapacute si Dale. Hindi ko alam kung manhid na lang talaga ko o wala nang pakialam. Lagi siyang nagtetext, yung parang concern. Tapos lagi rin siya sa bahay. Ewan ko ba dun.

Kung kelan naman sinisimulan ko na talagang tuluyang mawala yung nararamdaman ko sa kanya. Tsaka naman siya umeeksena.

“Sean Kulot, tara gala.” Aya ko sa kapatid kong nakahilata lang sa sofa namin. Kanina pa kami naglalaro ng 2K12. Di ko nga matalo-talo eh. Bwisit.

”Tinatamad ako. Si Dale na lang ayain mo, wala pang isang minuto andito na yun panigurado.”

”Alam mo ikaw, di ko alam kung anong trip mo. Dati sabi mo pigilan ko yung nararamdaman ko, tapos ngayon, gusto mong pagbigyan ko siya. Labo mo.” Singhal ko sa kanya.

“Bro, malaki ka na. Alam mo na ginagawa mo. Kung lahat ng magpapaiyak sayo, aawayin ko, pano ka magiging strong diba? Tignan mo nga, ang tigas mo na ngayon kay Dale. Ni hindi ka makuha sa pagpapacute.” Sabi ng kuya kong kulot.

”Eh kulot naman kasi! Kung kelan naman lumalayo ako, dun siya naghahabol. Nakakainis.” Reklamo ko at tumayo na. Ako na lang mag-isa ang gagala. Bwisit tong kapatid ko, ang tamad eh.

”Nagkapalit lang kayo ng lugar. Isipin mo, ganyan din nararamdaman niya nun nung nagbreak sila ni Rox? Kulit ka ng kulit?” Pahabol na pang-asar ni kuya.

”Pero sumuko ka nga lang. Ikaw.. ayan na oh. Alam ko namang siya pa rin eh. Iba kaya ngiti mo pati kislap ng mata mo kapag andyan si Dale. Alam ko, deep inside, kinikilig ka rin. Sus.” Pambubwisit pa niya.

Tumayo na rin siya at inakbayan ako. Sasama na siguro sa akin. Kinuha yung susi ng kotse ko eh.

”Tara na nga. Text mo yung tropa, pati si Dale ha, kutusan kita pag di mo siya tinext. Sabihin mo, punta tayo sa Infinity Restaubar ni Tita Erin.” Tinext ko naman nga yung banda. GM na lang para kyot. Pero etong si Dale, tumawag pa.

”Bossing! See you. Mwamwatsuptsup!” Hala di ko alam kung korni o kadiri eh. Hahaha!

”Korni mo, brad!” Sigaw ni Kuya kasi narinig niya si Dale.

Hindi ko alam kung ano yung totoong pakay ni Dale bakit siya biglang sweet. Ewan ko kung nagiguilty lang siya o ano.

Basta ako, ayokong mag-assume lalo na, ayoko na ulit masaktan.

FLASHBACK TO FIRST SEM THIS YEAR.

“Dale!” Sigaw ko kay Dale na nakatambay lang sa may kiosk.

“Oh boss. Tapos na class mo?” Tanong niya at umusog para makaupo rin ako.

”Yep. Ikaw ba? Teka.. mukhang busy ka yata ah?” Pansin ko kasing may binabasa siyang kung ano tapos nagha-highlight din.

”Ah wala. Report ko lang for next meeting. Kumain ka na?” Tanong niya tapos tinago na yung papers.

”Ah – ”

”Dale!” Di ko naman natuloy yung sasabihin ko kasi may tumawag sa kanya. Baka classmate niya siguro.

”Uy pre.”

”Punta kami kina Anna, Bro. Sama ka?” Tinignan naman ako ni Dale tapos parang nag-aalangan siya. Alam ko gusto niyang sumama eh.

”Sige Dale, sama ka na sa kanila. Uhm, sige alis na rin ako.” Tumalikod na ko at naglakad palayo. Umaasang pipigilan niya ko ganun. O kaya, aayain niya rin ako.

Pero wala. Ewan ko rin. Nararamdaman ko namang pinakikisamahan na lang ako ni Dale kasi kapatid ako ng kaibigan niya eh. Alam ko, minsan naiirita na rin yun sa presence ko.

”Tara, gala!” Biglang may dalawang brasong umakbay sa akin.

“Kenken! Luke! Ambigat ng braso niyo, ano ba!”

“Tara, baby Kari. Hayaan mo na si Dale. Maghihilom din puso nun. Tapos titibok din ulit.” Sabi ni Kenneth at ngumisi pa.

”Tumigil ka nga dyan, Ken. Lika na, baby Kari. Libre mo na lang kami sa resto ni Tita Erin.” Sa huli, silang dalawa din naman ang nanlibre sa akin. Malamang ako kaya baby.

Tapos si Kuya at Caloy sumunod din. Si Dale lang kulang. Pero alam ko namang imposibleng sumunod yun. Lalo na andito ako.

“Boss, sorry ah? Bawi ako next time.” Dahil di ko nabasa yung text ni Dale na kanina pala niya nasend, tinadtad niya ko ng text na ganyan din lang naman ang laman.

“Ayos lang. Gumala din naman kami eh. Sayang wala ka. Pinatugtog kami ni Tito Keen dito sa Infinity, anniv pala nila ni Tita Erin ngayon eh.” Reply ko tapos bigla na lang nagring yung phone.

Pangalan ni Dale yung nasa screen. Napansin naman nila Luke na ayokong sagutin. Di ko kasi alam sasabihin eh.

”Pre.” Si Luke na ang sumagot. Di ko na inalam yung napagusapan nila. Basta lamon na lang ako ng lamon.

”Ano bang ginawa mo dito? Kanina pa kain ng kain.” Ako siguro tinutukoy ni Luke.

”Ewan ko sayo, brad. Pauwi na rin kami, wag ka ng sumunod.” Parang inis na yung boses ni Luke. Ay nako, ewan ko sa inyo.

Pagkatapos kong lumamon, nagkaayaan na rin kaming umuwi. Sakto namang paalis kami, kararating naman ni Dale.

”Oh, uuwi na?”

”Sabi sayo wag ka ng sumunod eh.” Sabi ni Luke.

”Sino may dalang wheels? Tara na, hatid ko na kayo.” Di ko alam pero ayokong sumabay sa kanya nun. Kaso wala naman akong magawa kasi kausap na ni Dale si Kuyang kulot. Si Luke at Ken naman ang magkasama, kay Caloy na lang daw sila sasabay.

Kuya talaga oh. Pahamak.

”Boss, sakay na.” Binuksan pa ni Dale yung passenger seat para sa akin. Tahimik lang naman ako buong biyahe at nagkukwentuhan sila ng kapatid ko.

”Kari, sorry ulit ah? Mapilit kasi blockmates ko. Bawi na lang ako bukas.” Sabi ni Dale bago ako pumasok ng bahay.

”Okay lang yun, ’to naman. Haha. Sige na, ingat pauwi ah?” Sabi ko at pumasok na sa loob. Ang hirap kayang magpanggap. Di ko maintindihan si Dale.

“Kung nahihirapan ka na, pwede namang magpahinga ka muna. Huwag pilitin ang ayaw.” Parinig ni Kuya bago pumasok sa sarili niyang kwarto.

Kinabukasan, inaasahan kong andun ulit si Dale sa kiosk na tinatambayan niya lagi. Kaso, wala naman. Maya-maya nakita ko na lang na napadaan siya pero di niya ko napansin. Kasama kasi niya yung mga bago niyang kaibigan.

Sabi ko na eh. Di naman totoo yung sinabi niyang babawi siya.

Hay Kari, asa ka pa.

END OF FLASHBACK.

Pagdating sa restaubar ni Tita Erin, nagulat kaming lahat kasi andito rin parents ni Dale. Si Tito Trick saka Tita Ellie. Ewan ko kung ano meron.

”Oh andito pala kayo. Hi kids!” Bati ni Tita Ellie sa amin. Maka-kids si tita oh.

”Hi tita bebs!” Sabay-sabay naman naming bati. Si Dale yumakap pa. Cute.

“Wag mo ngang niyayakap si bebs, bubwit! Psh.” Si tito Trick talaga, seloso. Si Dale din kaya, ganyan?

“Ma oh, etong pangit mong asawa inaaway ako.” Turo ni Dale sa tatay niya tapos nagtago sa likod ni Tita Ellie. Nagtawanan lang din kaming lahat tapos umalis na rin sa table namin sila tito and tita bebs.

”Kainggit parents mo, bro. Ilang years na pero walang pinagbago.” Comment ni Kenneth. Ngumisi lang naman si Dale na para bang proud na proud sa parents niya. Tapos dinikit yung upuan sa akin.

“Makadikit ka naman kay Baby Kari. Nakakaselos na ha.” Sabi ni Luke na hindi ko alam kung seryoso o nang-aasar.

”Bakit, bro, bawal?” Seryosong sabi ni Dale habang nakatingin lang kay Luke.

“Wala kong sinabi.” Tumayo na si Luke at umalis. Susundan ko sana pero hinawakan naman ni Dale yung kamay ko.

”Dito ka lang.”

”Wow Dale. Kung pigilan mo naman si Baby Kari, para kang boyfriend na nagseselos. Alam mo pre, parang nakita ko tatay mo sa’yo.” Comment na naman ni Kenneth. Eto talaga idol sila Tita Ellie at Tito Trick.

”Para kang si Tito Trick na pati ikaw pinagseselosan. Pero alam mo kung anong nakakatawa.. hindi naman kayo ni Baby Kari.” Ngumiti lang naman ako ng awkward.

”Tsaka.. bakit ka ba nagseselos? Teka, nagseselos ka nga ba? O assuming lang kami?” Natatawang tanong pa ni Kenneth. Lalong awkward. Lahat kami tahimik.

“Ah guys, sundan ko lang si Luke.” Di na ko nagpapigil at iniwan ko na sila dun.

Wala naman akong Luke na naabutan sa may parking. Asan kaya yun?

”Boss..” Nagulat ako nang may tumabi sa akin sa bumper ng beetle ko.

”Bakit mo ba hinahanap si Luke? Ano bang meron sa inyo?” Tanong niya.

”Magkaibigan kami ni Luke, Dale.”

”Pero..” Hindi na niya tinuloy yung sinabi niya at bumuntong hininga na lang siya. Pareho lang kaming tahimik habang magkatabi.

Maya-maya, naramdaman ko na lang yung jacket niya na pinatong niya sa balikat ko.

”Alam mo bang namana ko kay papa yung pagiging seloso niya? Dati kay Rox, nagselos ako. Pero galit lang naramdaman ko. Pero yung ngayon..” Tinignan ko lang siya habang kinuha niya yung kamay isa kong kamay tapos hinawakan ng mahigpit.

”Yung ngayon.. yung selos na ’to, bakit lungkot yung kasama niya? Ganun na ba ko kahuli, Kari? Hindi na ba ko talaga pwedeng bumawi? Seryoso naman ako eh. Ginagawa ko lahat para.. para maramdaman mo na totoo ’to.” Nilagay niya yung kamay ko sa tapat ng puso niya tapos tinitigan ako ng maigi.

Ngumiti ako ng malungkot. Kasi lalo lang naman akong nasaktan eh.

”Ginagawa mo lang ’tong lahat kasi gusto mong bumawi, Dale. Lalo mo lang akong sinasaktan eh. Hindi ba pwedeng gawin mo ’to..” Tinanggal ko yung pagkakahawak ng kamay niya sa kamay ko at tumayo na ng maayos.

”Diba pwedeng gawin mo ‘to dahil mahal mo ko? Yun lang naman, Dale. Yun lang.”

Yun lang naman talaga eh.

Lahat ng sakit. Lahat ng lungkot. Pwedeng mapawi eh.

Simpleng.. ”kasi mahal kita” lang naman eh.

Pero diba nga bawal nang umasa? Kasi nakakamatay... ng puso.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free