HinovelDownload the book in the application

Chapter 3 Kari and Dale on the Same Boat

03 – Kari and Dale on the Same Boat

DALE’S POV.

Hindi ko alam pero bakit nakaramdam ako ng sakit. Siguro kasi mahalaga sa akin si Kari, na kahit alam kong nasasaktan ko siya. Na hindi ko naman sinasadya. Ayokong iwasan niya pa rin ako. Kaya ginagawa ko ang lahat para maibalik yung dati.

”Huy bro, ginagawa mo sa kotse ng kapatid ko? Andun Ford mo oh.” Tanong ni Sean sa akin dahil nakasandal pa rin ako sa yellow beetle ni Kari.

”Ah wala.” Naglakad na ko papunta sa wheels ko at dun sumandal. Nakasunod lang naman si Sean.

”Bro, pabayaan mo muna si Kari. Takte, dapat binubugbog na kita eh. Kapatid ko kaya yun, umiyak dahil sayo.”

”Sorry, bro.” Yun lang ang kaya kong sabihin. Alam kong nasaktan ko si Kari pero eto si Sean, hindi man lang ako sinumbatan ni minsan.

”Ayos lang ’yun, makakamove on din kapatid ko. Ikaw, magmove on ka na rin kasi. Wala na si Roxanne. Kaya pagbigyan mo naman yan bro, hayaan mo namang tumibok para sa iba.” Tinapik ni Sean ng malakas ang dibdib ko saka umalis.

FLASHBACK TO FOURTHYEAR HIGHSCHOOL.

Lagi na naming sinasabay si Kari tuwing lunch. Nakakatuwa ngang malaman na madaldal naman pala talaga siya at nakakasabay sa trip nila Kenneth at Luke.

”Baby Kari, anong ulam bukas?” Tanong ni Luke habang nagliligpit si Kari ng lunchbox niya.

”Huy mahiya ka nga. Nakikishare ka lang.” Sabi ko kay Luke sabay binatukan ko na rin.

”Ikaw kaya makapal ang mukha. Ikaw ‘tong unang nakikain kay baby Kari eh!” Tawanan naman ang tatlong pugo. Si Sean ay busy sa gitara niya.

“Onga, ikaw pa umuubos lagi sa pagkain ko.” Dagdag pa ni Kari kaya lalo nila akong kinantyawan.

Isang beses hindi ako sumabay sa kanila. Kasi, yun na yung times na iba na ang kasabay ko.

”Bro, di ka uli sasabay? Sarap pa naman ng ulam ngayon.” Sabi ni Luke habang hinihintay nila ko lahat sa may pinto ng classroom. Tinignan ko si Kari na nag-aayos pa ng gamit.

”Hindi eh. Samahan ko muna ulit si Roxanne, mga breggs.” Umiling lang ng sabay-sabay ang tatlong pugo habang si Sean naman ay nakatingin lang sa kapatid niya. Nang tignan ko si Kari, napansin kong ngumiti siya sa akin.

”Ayos lang yan. Tara na, hayaan niyo na muna si Dale manligaw. Gutom na ko oh. Ubusin natin ’tong pork liempo, dali!” Nagmadaling lumabas ng room si Kari at hinila ang tatlong pugo.

Si Sean, tinignan lang ako at umiling-iling.

“Sige bro, alam mo na kung san kami puntahan. Kung sakali lang naman.” Tumalikod na rin si Sean at naglakad.

Hindi ko na lang masyado pinansin yun. Dumeretso ako sa room nila Roxanne para ayaain siyang kumain.

Maganda si Roxanne. Nakilala ko siya minsang papasok ako sa school at nakasabay ko siya. Ewan ko pero, love at first sight ata yun. Ang ganda niya kasi. Ang sarap pa kausap.

“Uy Dale, sorry ha. Di ako makakasabay ngayon, may meeting kami bigla sa SC eh.” Nagpaalam si Roxanne at tumuloy na. Pinuntahan ko ang banda at si Kari sa usual lugar namin sa canteen.

”Baby Kari naman! Grabe, inubusan mo ko.” Pacute ni Kenneth sa tawa ng tawang si Kari.

”Ubos na?” Tanong ko.

”Oh Dale, andito ka? Wala, ubos na. Ang takaw kasi ni Kari ngayon eh.” Natatawang sabi ni Carlo na inabutan naman ng juice si Kari na punung-puno ng pagkain ang bibig. Lobo pisngi eh.

”Ganyan talaga yan, pag masama ang loob. Lahat ng pagkaing ihain niyo sa harap niya, mauubos niya.” Sabi ni Sean at inabutan ng tissue ang kapatid.

“Ah mga bro, alis muna ko ah? Nasobrahan yata ako. CR muna.” Nagmamadaling umalis si Kari ng canteen at pinanuod lang namin siya.

“Ikaw kasi bro, maiisip mo lang na sumabay sa amin kapag wala ka ng kasabay.” Sabi ni Luke na hindi ko mawari kung nang-aasar o ano.

END OF FLASHBACK.

Doon na nagsimula na hindi na ko pinapansin masyado ni Kari. Nung mga panahong yun, nagtataka lang ako. Bakit hindi niya ko pinapansin o kinakausap. Tuwing sumasama ako sa kanila, aalis siya. O hindi niya ko papansinin. Laging yung tatlong pugo lang, o kaya yung kuya niya.

Hindi ko naman kasi alam na nung mga panahong yun, nagkakagusto na pala siya sa akin. Pero hinayaan ko na lang. Hinayaan ko rin siyang umiwas, nagbabakasakaling hindi naman totoo yung nararamdaman niya. O baka mawala rin yung nararamdaman niya.

Ayokong umasa siya. Pero hindi ko alam, pareho lang pala kami ng sitwasyon.

Dahil habang nagkakagusto sa akin si Kari, nagkakagusto rin ako kay Roxanne.

Na may gusto namang iba.

Tanginang pag-ibig.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free