04 – Ang shotgun seat at dilaw na beetle ni Kari.
KARI’S POV.
Tanga ba ko?
Tanga ba ko kasi mahal ko si Dale? Tanga ba ko na nagmahal ako ng taong alam kong imposibleng mahalin din ako? Tanga ba ko na nagmahal ako sa isang taong manhid?
”Pamunas oh.” May tumapat na panyo sa mukha ko. Tinignan ko yung panyo tapos yung mukha nung may hawak ng panyo.
“Baby Kari, kukunin mo o ako magpupunas sa luha mo?” Nakangiting tanong ni Luke. Kinuha ko yung panyo tsaka nagpunas.
”Bakit umiiyak ang baby namin? Ano, sino reresbakan namin ha?” Pabirong sabi niya at ginulo ang buhok ko.
“Luke, okay lang ako. Salamat.” Nginitian ko siya at nag-ayos na ng gamit. Wala naman na talaga kaming klase, naisip ko lang tumambay dito sa field at magpalipas ng oras.
”Si Kari, kapag malungkot o masama ang loob, kumakain.” Inabutan ako ni Luke ng chocnut. Sira talaga ’to.
”Salamat. Tara, uwi na tayo. Teka, kay Dale ka din ba sasabay?” Sabay-sabay kasing umuuwi sila kuya. Tamad kasi kuya ko gamitin yung kotse niya. Ako naman, cute na cute sa kotse ko kaya gusto kong ginagamit.
”Hmm, alam mo ba, miss ka na rin namin kasabay? Hanggang ngayon, walang tumatabi kay Dale sa shotgun seat kapag siya nagdadrive. Alam mo namang sa’yo pwesto yun eh.” Kinuha ni Kenneth ang gamit ko at sumabay sa paglakad.
Yung sinabi niya, dati nung wala pa kong sariling kotse, sinasabay din nila ako. At as usual, si Dale ang driver.
”Hindi naman sa akin ’yun eh, sa taong mahal niya.” Bulong ko.
Pagdating namin sa tapat ng kotse ko, di naman agad umalis si Kenneth.
”Ako na lang, mag-drive, baby Kari. Gawa ka na lang ng music video sa shotgun seat. Mukhang uulan pa eh.”
“Ewan ko sayo, Luke. Sige na nga, tara na. Antok na rin ako eh.” Sabi ko at sumakay na rin sa kotse.
”Tulog ka muna, gisingin kita pag nasa inyo na tayo.”
FLASHBACK TO CHRISTMAS PARTY OF FOURTH YEAR HIGHSCHOOL.
Yung school namin nung highschool, malapit lang sa village namin. Kaya naman, pinayagan na si Dale magdala at magdrive ng sarili niyang sasakyan.
Araw-araw, sabay-sabay kaming lahat.
Pero nabago, simula nung Christmas Party.
Usapan kasi, maglilibot kami after ng celebration sa school. Gala lang sa kung saan matripan.
”Tara na sa kotse ni Dale! Unahan! Mahuli, pangit!!!” Sigaw ni Kenneth habang lahat naman kami sabay-sabay na tumakbo papunta sa parking lot ng school.
Ang kaso, andun na pala si Dale at mukhang hinihintay na kami. Laki pa nga ng ngiti eh.
Bubuksan ko na sana yung pintuan sa may shotgun seat kaso, mukhang may tao na yatang nakasakay sa loob.
”Ah Kari, sasama kasi si Roxanne sa atin. Mga bro, ayos lang ba?” Tanong niya sa aming lahat.
“Yung totoo, Bro. Ano mo na ba yang si Roxanne?” Tanong ni kuya.
“Wala pa, Bro. Nililigawan ko pa lang.” Nakangiti niyang sagot. ”Buti nga pumayag na sumama ngayon eh, nahihiya daw kasi sa inyo. Ano, ayos lang naman diba? Sa likod ka na lang Caloy, para makaupo si Kari sa gitna.” Dagdag pa niya.
”Wag na, bro.” Singit ni Luke. ”Baby Kari, pasama naman oh.” Hinila na ko ni Luke paalis sa parking lot.
”Oy san mo dalhin kapatid ko?” Sigaw ni Kuya.
”Mauna na kayo! Susunod kami, may bibilhin lang ako.” Tuloy-tuloy lang sa paglakad si Luke at huminto lang kami sa tapat ng ministop.
”Kaen muna tayo, baby Kari.” Wala naman akong magawa dahil kung ano-ano nang kinuha ni Luke. Umupo kami dun sa may mga stool at kumain.
”Ikaen mo na lang, lilipas din yan.” Sabi ni Luke pero sa labas nakatingin.
END OF FLASHBACK.
THIRD PERSON’S POV.
Naglalaro at nagkukulitan ang apat na magkakaibigan ng saktong binuksan ni Sean ang gate ng bahay nila. Narinig kasi ni Sean ang sasakyan ng kapatid kaya balak niyang salubungin.
Pero natigilan lahat sa bumungad sa kanila.
Si Kari, buhat buhat ni Kenneth.
”Napano si Kari? Anong nangyare?” Tanong agad ni Dale at agad-agad na lumapit sa dalawa.
”Wala, nakatulog lang. Excuse lang, pre. Padaan, ihihiga ko lang si Baby Kari.” Tumabi naman agad si Dale at sumunod na rin si Kenneth at Carlo.
Si Sean, nagpaiwan pa.
“Nakita mo ba yung mukha ng kapatid ko? Yung mata niya? Yung mga natuyong luha sa pisngi niya? Tingin mo ba okay siya?” Sabi ni Sean kay Dale na natahimik lang.
”Bro, akala ko nilinaw mo na sa kapatid ko na hanggang magkaibigan lang kayo? Eh bakit mo pa kinukulit?” Tanong pa ni Sean kay Dale.
”…”
”Wag kang selfish, bro. Ngayon ko lang sasabihin ‘to, hindi porke nasaktan ka ni Roxanne, may karapatan ka na ring saktan ang kapatid ko.” Pumasok na sa loob ng bahay si Sean habang naiwang tulala si Dale at sumandal sa dilaw na beetle ni Kari.
Naisip sa sarili na, hindi lang naman si Kari ang nasasaktan.
Hindi niya maintindihan kung bakit pati siya, nasasaktan.
Dahil ba, hawak si Kari ng iba?