HinovelDownload the book in the application

Chapter 5 Ang Tatay ni Bubwit

05 – Ang tatay ni Bubwit.

DALE’S POV.

Sinilip ko saglit si Kari sa kwarto na mahimbing nang natutulog sa kwarto niya. Namimiss ko siyang panuoring matulog. Dati rati, hinahayaan rin ako nila Sean na pumasok sa kwarto niya eh. Tapos.. magtutugtugan kami.

Yun yung mga panahong tinutulungan niya ko.

Tinulungang magmove on kay Roxanne.

Nagpaalam na rin ako sa banda at dumeretso na sa bahay.

“Kuyaaaaaaaaaaaaaaa!!” Sigaw ng kapatid kong si Kady.

“Oh, problema mo, pangs?” Sabi ko pagkalapit niya sa akin at niwrestling siya.

“Di ako panget! Sumbong kita kay mama!” Sinuntok naman ako sa sikmura at nagmamadaling pumunta sa kwarto nila mama at papa.

”Mama! Panget daw ako sabi ni Kuya oh!” Sigaw pa rin ng Kady.

”Hoy bubwit, sinong panget ha?!” Sabi ng tatay kong nakayakap kay Kady.

“Ikaw, Pa. Ba’t ang panget mo? Ma, ano bang nakita mo kay papa? Malabo ba mata mo nun, ma?” Sabi ko at tumabi ako sa mama kong nagpapatulog ng kapatid kong bunso. Si Daryll, two years old naman.

”Bebs, pwede bang itakwil ’to? Sige na, takwil na natin. May Daryll pa naman tayo eh.” Pacute ng tatay ko habang hinihila ako palayo kay Mama.

“Sorry ka na lang, Pa. Mas gwapo na ko sayo ngayon. Gurang ka na eh.” Pang-asar ko pa kay papa at mas niyakap si Mama.

“Kayong mag-ama, tumigil nga kayo. Kita niyong pinapatulog ko tong si Bunso eh.” Bawal ni mama sa amin.

”Ikaw bubwit, umalis ka na dito. Ikaw din, angel, tulog na. May pasok ka pa bukas.” Tumatawang lumabas na kami habang nakaakbay ako kay Kady sa kwarto.

”Hoy Pangs, wag ka munang magboboyfriend ah. Ako lang muna dapat.” Sabi ko habang hinahatid si Kady sa kwarto niya ng bigla namang bumukas ang pintuan nila mama at lumabas si papa.

“Anong ikaw lang? Ako rin dapat. Sige na, goodnight, angel.” Angel talaga tawag naming lahat kay Kady. Ewan ko bakit. Babae kasi eh.

Pero buti nakasunod pa si Daryll. Akala ko talaga nung una, magsasawa na ko forever kay Kady eh. Buti na lang dumating si Daryll. At least may tropa ako.

“Ikaw bubwit, nasaan na girlfriend mo? Hina mo naman. Nung kami ng mama mo, sa edad mong yan, nakakailang taon na kami.” Sabi naman ni Papa na inakbayan ako at dinala sa kitchen. Kakain na naman ’to malamang.

”Pa, ikaw, nameet mo si mama, highschool pa lang.” Sabi ko at inagaw yung sandwich na kakagawa niya lang.

“Eh ako, parang hindi ko pa yata nakikilala.” Dagdag ko pa.

”Tss. Malay mo nakita mo na? Bulag ka lang. Manhid pa.” Sagot naman ni Papa at umupo sa tapat ko.

”Masyado kasing malayo yung tingin mo. Kita mo nga, ikaw na niligawan ni Kari, ikaw pa tong malakas ang loob na mambasted! Kapal ng mukha mo.” Dagdag pa ni Papa kahit nguya ng nguya.

”Papa, hindi ko siya binasted!” Depensa ko.

”Pero, hindi mo rin naman siya sinagot. Eh di yun din yun. Bubwit, hindi porke gwapo ka, na namana mo lang naman sa akin yang pagmumukha mo. Ibig sabihin eh, mananakit ka na ng babae. Wala sa dugong Romero yun.”

”Pa..”

”Ang babae, hindi sinasaktan. Tandaan mo yan.” Sabi ni Papa at kain pa rin ng kain. Wala talaga ’tong kabusugan.

”Tsaka alam mo yang si Kari, masarap magluto eh. Alam mo ba kung pano kami nagkakilala ng mama mo?”

”Pano?”

”Dahil sa sandwich. Eh pano nga kayo naging close ni Kari?” Tanong ng nanay ko sabay taas baba ng dalawang kilay.

“Sa adobong manok?”

“Huli ka, boy! Nako, bubwit. Kung ako sayo, ayusin mo na yang feelings mo. Alam mo si mama mo, mula nung nakaramdam ako ng kakaibang feeling kapag may ibang pumoporma sa kanya, di ko na binitawan.” Nang-aasar pa si papa na umalis at sinabayan pa ng kanta. Loko talaga yun.

Yung kakaibang feeling? Yun ba yung kanina? Yung feeling habang hawak ni Luke si Kari?

Daming alam ng tatay ko.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free