HinovelDownload the book in the application

Chapter 7 Pusong Manhid at Pusong Namamanhid

07 – Pusong Manhid at Pusong Namamanhid

DALE’S POV.

Andito kami ng banda ngayon sa bahay namin. Wala, malakas na naman trip ng mga mokong. Lalo na yung tatlong pugo. Si Sean, on the way pa lang daw eh.

Kanina ko pa katext si Kari, tinatanong ko kung sasama siya. Hindi daw. Nakngpating. Tinatamad daw siya tsaka magluluto daw siya ng pizza.

”Dito ka na lang magluto, please? Tss. Daya talaga.” Type ko sa cellphone ko at kakasend kay Kari ng biglang may umagaw sa akin.

“Ano ba yan, kuya! Sunduin mo na kaya si Ate Pretty kesa nagpapacute ka dyan. Pagkain lang naman habol mo eh.” Singit ng anghel na pangit kong kapatid.

“Si baby Kari ba? Hay nako, yaan mo na yun, Angel. Pagod yun sa dami ng requirements.” Sabi naman ni Luke. Pano niya nalaman na maraming requirements si boss Kari ko?

Maka-ko naman ako kala mo akin. Eh bakit ba, boss ko naman talaga si Kari.

”Hoy Luke, pano mo nalaman?” Tanong naman ni Kenneth.

”Sabay kaming umuwi nung minsan eh, nung coding yong kotse niya tapos iniwan niyo kong mga kupal kayo.” Sagot ni Luke tapos pinagbabato yung mga pillow sa sofa namin.

Badtrip. Sana pala hinintay ko na lang talaga si Kari nun. Ayaw kasi niya eh, may exam din kasi ako kinabukasan kaya pinauna na niya ko. Hindi naman ako naiinis na sabay sila ni Luke. Mas naiinis ako na kinailangan pa niyang magcommute kung libreng libre naman yung pwesto niya sa wheels ko.

”Ayan kase, sabi ko naman sayo bubwit eh. Matakot ka na talaga kapag may iba ng kakaen sa luto ni Kari, sarap pa naman magluto ng batang yon. Tsktsk.” Biglang sumingit yung tatay ko na hawak si Daryll sa balikat.

”Bebs! Ang kulit mo talaga, baba mo muna si bunso. Paiinumin ko sabi ng gamot yan eh.” Habol ng nanay ko. Tumakbo naman si Papa papunta sa kusina at nagpapahabol. Yung si Daryll naman eh, tawa lang ng tawa kala mo walang sakit. Sakitin talaga si bunso, premature baby din kasi eh.

”Brad, ano yung sinasabi ng tatay mo?” Nagtatakang tanong ni Caloy. Oo nga pala, di naman nila alam yung usapan namin ni boss. Tss, sa amin na lang yun.

Basta ako, bumabawi ako. Gusto kong maramdaman ni Kari na, sincere ako sa sinabi ko.

Seryoso ako dun sa ayoko siyang tuluyang mawala sa akin.

FLASHBACK TO SUMMER THIS YEAR.

Nakatambay lang ako dito sa music room sa bahay. Syempre kahit bubwit ako sa tatay ko, alam naman niya yung hilig ko eh. Since marami namang kwarto dito sa bahay, pinaayos niya yung isa at ginawang soundproof.

Tamang instruments lang naman meron. Drums, keyboard, gitara. Nung bata kami, sabay kaming nagaral ni Angel Kady daw ng gitara mula kay papa. Tapos yung drums, naglesson ako ng onti tapos sa keyboard naman yung kapatid ko. Ganun talaga, mayaman parents ko eh.

“Kuya kong panget! May bisita kang maganda!” Sigaw ng kapatid ko sa labas habang hinahampas yung pinto ng kwarto. Binuksan ko naman agad at si Kari daw yung magandang sinasabi ng kapatid ko.

“Uy Kari! Lika, pasok. Ikaw.. mag-aral ka.” Turo ko sa kapatid ko at binelatan lang ako tapos umalis na rin.

”May ginagawa ka yata?” Tanong ni Kari kasi napansin niya yung mga papel sa tabi ng gitara. Nagtatry kasi akong magcompose eh. Pano, sawi sa pagibig. Baka sakaling mabawasan yung lungkot.

”Ah wala.” Sabi ko ng walang gana pero alam ko nakita na niya yung mga nakasulat.

”Dale.. may gagawin ka sa bukas?” Ang alam ko wala naman akong gagawin. After two weeks pa yung start ng klase namin sa college kaya wala petiks pa. Pero tinatamad naman akong umalis.

“Wala naman. Bakit?” Tanong ko tapos tumipa ako ng kung ano sa gitara.

”Date tayo.” Napahinto ako sa ginagawa ko tapos napatingin ng seryoso sa kanya.

”Ano? Pwede ka? Wala kasing magawa eh. Kung ayaw mo, ayos lang naman.” Nakangiting sabi niya na parang ang hirap tanggihan. Umoo na lang ako tapos naggitara na ulit. Kinuha naman niya yung beat box tapos nagbeat. Acoustic, yung dating nung tugtog namin. Sarap sa tenga.

”Galing mo na sumabay ah. Natuto ka na talaga kay Luke magdrums. Bilib na ko.” Sabi ko pagkatapos naming tumugtog. Ngumiti lang naman siya tapos ibang kanta naman ang tinugtog namin. Ayos din nga eh. Ngayon ko lang naka-jamming ng ganito si Kari.

”Sunduin na lang kita bukas.” Sabi ko kay Kari pagkahatid ko sa kanya sa bahay nila. Ngumiti lang naman siya tapos bumaba na. Balik din agad ako sa bahay.

Ewan ko ba, pagkatapos talaga naming magbreak ni Roxanne, parang nawalan na lang ako ng gana sa lahat.

”Bubwit, umayos ka nga. Ampanget mo.” Pang-asar sa kin ng tatay ko pagbaba ko ng kotse sa garahe.

”Maling babae lang yan, bubwit. Ganun talaga.” Dagdag pa niya tapos inakbayan ako papasok ng bahay. Ako naman, tahimik pa rin.

“Masyado ka kasing naghahanap ng Miss Perfect. Kung perfect kayo ni Roxanne para sa isa’t isa, hindi ka nun sasaktan.” Wala pa rin akong reaction kay Papa kaya binatukan na ko tapos tumakbo na kay Mama na kanina pa siya tinatawag sa kusina.

Kinabukasan, late naman ako nagising. Pero ayun, hindi naman pala nagmamadali si Kari kaya okay lang. Pagkasundo ko sa kanya nag-aya lang din siyang pumunta sa park pero sabi dalhin ko daw yung gitara.

Ang simple lang talaga nitong si Kari.

“Alam mo ba kung bakit inaya kitang magdate?” Sabi niya pa ng diretsahan. Hanep talaga, hindi naman ganito si Kari nung una ko siyang nakausap eh.

“Bakit nga ba?”

“Wala lang. Gusto lang kitang makasama.” Nakita ko siyang ngumiti tapos namumula yung pisngi niya. Kinuha niya yung gitara sa akin tapos tumugtog siya ng Kailan ng MYMP. Nakatingin siya sa ibang direction pero parang malungkot yung mga mata niya.

Bawat araw sinusundan

'Di ka naman tumitingin

Ano'ng aking dapat gawin

Yung ngiti niya kanina, unti-unting nabura.

Kailan, kailan mo ba mapapansin ang aking lihim

Kahit ano'ng aking gawin, 'di mo pinapansin

Kailan, kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin

Kahit ano'ng gawing lambing, 'di mo pa rin pansin

Parang yung sigla niya rin kanina, unti unting naglaho.

”Kailan mo kaya mapapansin na andito ako, Dale?” Bumuntong hininga siya tapos tumayo.

”Sige Dale, ayos na. Thank you ha? Pano, una na ko.” Inabot niya sa akin yung gitara tapos naglakad na siya palayo.

”Kari!” Sigaw habang humahabol sa kanya.

“Hatid na kita.” Sabi ko nang masabayan ko na siya.

”Dale, alam ko namang napilitan ka lang. Nararamdaman ko naman eh. Nasasaktan din naman ako na nasasaktan ka. Pero wala naman kasi akong magagawa sa nararamdaman mo. Hindi ko naman yan pwedeng kontrolin.” Sabi niya.

Pinanuod ko na siyang maglakad palayo sa akin. Ayoko na rin siyang pilitin. Gusto ko lang naman kasi sana siyang ihatid pauwi para siguradong safe siya eh.

Di pa siya nakakalayo ng humarap siya bigla.

”Hindi pa ko sumusuko, Dale! Hangga’t di mo napapansin na andito ako, di ako titigil. Tsaka, warm up pa lang yon! Promise, gagawin ko lahat. Maging masaya ka lang ulit!” Sigaw niya mula sa malayo tapos parang nagpose pa siya ng “aja!” yata yun. Ang cute nga eh.

Ngumiti lang din ako. Pero yung totoo, kung pwede ko lang agad-agad na burahin yung sakit, bakit hindi. Pero hindi naman kasi uso sa puso natin yun CTRL + A tapos DEL diba? Yung wala na lang bigla.

END OF FLASHBACK.

Pagdating ni Sean, nagulat ako na kasama rin pala niya si Kari. Tapos may bitbit silang grocery yata.

“Pasalamat ka brad, gusto ko rin kumain ng luto ng kapatid ko kaya pinilit ko na siyang sumama. Oh dalhin mo ’to sa kitchen niyo.” Sabi ni Sean tapos inabot sa akin yung mga plastic na dala niya.

Si Kari naman nakita ko nasa tabi na nila Kenneth, nakikipagharutan.

”Boss!” Tawag ko sa kanya. Napatingin lang naman siya sa akin tapos ngumiti. Pero bumalik din siya sa pakikipagtawanan dun sa tatlong pugo.

”Kawawang Bubwit, bebs. Tsktsk.” Parinig ng tatay ko pagdating ko sa kusina.

”Bebs, wag mo na ngang asarin. Di na nga pinansin eh.” Nako, Ma! Isa ka pa eh. Nag-apir pa yung nanay ko tapos tumatawang umalis sa kusina.

”Oh, ayos na? Sige na, practice na kayo. Ako na dito.” Biglang sulpot ni Kari sa kitchen.

Hindi ako umalis sa kitchen. Umupo pa ko sa stool sa may bar at pinanuod siyang magslice ng kung ano-ano. Basta pinapanuod ko lang siya, mukha siyang nag-eenjoy sa ginagawa niya.

“Malusaw ako, Dale. Dun ka na, pwede?”

”Ang sarap mo kasing panuorin, Boss. Enjoy na enjoy ka. Dapat pala lagi kitang pinapanuod magluto.” Sabi ko.

”Bakit naman?”

”Kasi ngumingiti ka ng di mo namamalayan eh. Halatang masaya ka? Tsaka namimiss ko na yang ngiting yan.” Malungkot kong sabi. Ewan ko ba, namimiss ko ng makita siyang ngumiti. Dati rati, madalas kong makita yan. Pero simula nung mga nangyari, puro ngiting malungkot na lang.

Bumuntong hininga lang siya tapos parang bumalik uli sa normal yung pakikitungo niya. Ang normal ngayon sa amin, yung di niya ko masyadong pinapansin. Halatang umiiwas pa rin pero di na rin naman niya ko tinatakbuhan o tinataboy.

”Pag nahiwa ko daliri ko dito, sige ka.” Banta niya sa akin.

”Uy wag naman. Sige na, aalis na muna ko. Alagaan mo yang mga kamay mo ah?” Bilin ko bago lumabas ng kitchen.

”I-ho-holdinghands ko pa yan eh!” Pahabol ko.

Tapos ewan ko kung namamalikmata lang ako o ano, para kasing nakita ko uli siyang ngumiti eh. Yung parang kanina?

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free