HinovelDownload the book in the application

Chapter 6 Exit Wounds at ang Pagtatapat

06 – Exit Wounds at ang Pagtatapat.

KARI’S POV.

Ilang linggo na kaming hindi nag-uusap ni Dale. Hindi ko rin alam yung dapat kong maramdaman. Matutuwa ba ko na hindi na niya ko ginugulo? O malulungkot kasi in some way, namimiss ko rin siya.

Hay nako. Ang labo ko talaga.

Ako mismo naguguluhan din sa sarili ko.

Labo rin maging babae minsan eh noh.

“Kari..” Kasalukuyan akong nakatambay sa gutter sa may labas ng bahay namin habang may hawak na gitara. Pero walang particular na tinutugtog.

Napatingin ako sa tumawag sa akin at medyo nagulat.

“Hindi ko na alam gagawin ko, boss.” Tumabi sa akin si Dale at kinuha yung gitara.

Naalala ko, the last time na sinabi niya yun.

FLASHBACK TO SUMMER THIS YEAR.

Kasama ko ngayon ang banda dito sa studio. Ewan ko nga ba’t pa nila ko sinama sa band practice nila eh. Di ko pa yata nababanggit ang pangalan. P5 pero di ko alam kung ano yung P. Secret daw eh.

“Mga brad, pwede ako muna sa drums? Ngayon lang?” Hindi na lang nagtanong kung bakit ang iba kay Dale. Nagtataka pero hinayaan na lang nila.

“Sean kulot, anong problema niyang si Dale?” Tanong ko sa kapatid ko.

”Heartbroken. Break na sila ni Roxanne.” Sabi naman ni Luke na narinig pala yung tanong ko. Napa-okay na lang ako eh. Yung totoo, masakit kaya.

Kung saan saan pa kasi tumitingin.

Hindi na sumabay sa beat si Dale. Parang ewan lang na nagdadrums siya. Palo lang ng palo. Parang naglalabas ng frustration.

Lumapit ako sa kanya tapos ginawa ang lahat para lang mapatigil siya sa pagdadrums. Kinuha ko yung drumstick at pinatayo siya. Sinenyasan ko na rin ang kapatid ko pati sina Luke, Kenneth.

”Caloy, Exit Wounds tayo.”

”May papatamaan ba tayo?” Natatawang tanong ni Carlo tsaka tinanguan lang ako. Si Dale, nakasandal lang sa wall sa may likod ko.

My hands are cold, my body's numb

Im still in shock, what have you done?

My head is pounding, my visions blurred

Your mouth is moving, I don't hear a word

Bigla na lang sinuntok ni Dale yung wall. Tinignan ko siya saglit pero hinayaan ko lang. Tinuloy ko ang pagbeat sa drums kahit nag-aalala na rin sila kuya. Mukha kasing galit na galit si Dale eh.

Tss.

I'm falling through the doors of the emergency room

Can anybody help me with these Exit Wounds?

I don't know how much more love this heart can lose

And I'm dying, dying from the Exit Wounds

Tuloy tuloy pa rin kami sa pagtugtog. Hanggang sa hindi ko na pinansin si Dale at talagang nagfocus ako sa pagdrums.

Akala ba niya siya lang ang nasasaktan?

Ako rin.

And I'm dying, dying from these exit wounds

Wounds. Where their leaving, the scars you're keeping

Exit wounds. Where their leaving, the scars you're keeping.

After ng last beat, bigla bigla na lang akong hinila ni Dale palabas ng studio. Hindi naman na tumutol sila Kuya pero alam kong nag-alala din sila base sa mukha nila.

”Uy Dale.. ayos ka lang?” Tanong ko ng tumigil kami sa paglalakad.

”Di ko na alam gagawin ko, boss.” Bigla na lang niya kong niyakap. Nararamdaman ko pa yung tibok ng puso niya. Hindi ko alam pero parang sumabay din yung puso ko.

”Sa kabila ng effort ko, hindi pa rin pala sapat yun. Si Paco pa rin ang gusto niya. Nakakainis.” Gigil na sabi ni Dale na kumakalma sa tabi ko.

”Bakit ba ganun? Andito naman ako, Kari eh. Ako yung laging kasama. Ako yung boyfriend. Pero isang text lang ni Paco, punta siya agad. Samantalang ako, pahirapan.” Reklamo pa ni Dale.

”Ewan ko ba sa’yo, Dale.” Lumayo ako ng konti sa kanya at tumalikod. Nagpipigil ng luha. Nakakainis eh.

”Boss..”

”Alam mo ba, ganun din naman ako sayo eh. Hindi ko alam kung matutuwa ako na nararamdaman mo yung nararamdaman ko. O maiinis kasi ang tanga-tanga mo. Pero hindi eh, kung tanga ka, tanga din ako diba.” Sabi ko at nagpupunas ng luha.

”Bwisit, Kari. Wag kang umiyak!” Sabi ko sa sarili ko at tumalikod ulit.

”Kari..”

”Gusto kita, Dale.” Diretso kong sabi sa kanya.

”Paano.. pero..”

”Ewan ko sayo. Ang manhid mo kasi. Pero okay lang.. kung si Roxanne ang mahal mo. Sa ngayon.” Sabi ko with confidence.

“Anong ibig mong sabihin?”

“Tutulungan kitang magmove on kay Roxanne. Kahit alam kong mahihirapan ako, okay lang. Ganun talaga, walang madali sa pagibig.” Hindi ko naman alam pero bigla na lang ngumiti si Dale at ginulo ang buhok ko.

”Boss talaga, patawa.” Sabi niya at niyakap ako.

”Seryoso ako, Dale.” Umalis ako sa yakap niya at naglakad pabalik sa studio. Bahala siya kung anong gusto niyang isipin.

Pero gagawin ko lahat, kahit man lang maramdaman niyang totoo yung sinabi ko.

END OF FLASHBACK.

Tumutugtog lang ng kung ano si Dale. Ewan ko kung ano, hindi ako nakikinig. Ayokong makinig. Baka wala na naman akong ibang pakinggan kundi yung puso ko.

”Boss.. pwede bang wag na tayong magiwasan? Sige na naman oh.” Sabi niya nang tumigil siyang maggitara at dumikit lalo sa akin. Lumayo naman ako.

“Dale, wag mo nga kong tinatawag na boss. Tsaka, lumayo-layo ka nga.” Singhal ko sa kanya dahil umusog ulit siya palapit sa akin.

”Ayoko. Namimiss na kita. Namimiss ko na yung luto mo. Namimiss ko na pag pinapatulog mo ko pero ikaw unang nakakatulog sa atin. Kari.. Boss, miss na kita. Wag na tayong mag-iwasan.”

“Ganun naman lagi eh. Kung kelan hindi ko na ginagawa, kung kelan wala na akong pakialam tsaka mo maaappreciate yung effort ko. Bakit ganun? Tama nga. Malalaman mo lang yung halaga ng isang tao, kapag wala na sila.” Sabi ko at tuluyan ng tumayo para bumalik na sa loob ng bahay namin.

”Pero Kari, alam mo ba yung pakiramdam na ayaw mong mawala yung taong yun. Yung gagawin mo lahat, magstay lang siya. Ginawa mo yun diba? Sa akin? Pwede ba.. this time.. ako naman? Ako naman ang gagawa ng paraan. Para maparamdam ko sayong seryoso ako. Please naman oh.”

Ang labo nitong si Dale. Ayokong mag-assume. Kunwari slow ako, para pakipot. Tama na yung nanligaw ako dati, kelangang isalba ang katiting kong pride.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free