"T-TOTOO BA?" Halos pabulong na lang na tanong ni Cammi nang sa wakas ay mahanap ang kanyang boses. "Totoo bang anak ka ba ni... E-Eduardo? Are you really r-related to the man who k-killed my f-father?"
Jarren, say no, please. I'm begging you. Say no.
Humigpit ang pagkakahawak ni Jarren sa kanyang kamay pagkatapos ay nakikiusap na tinitigan siya. "Mahal kita, Cammi."
Pilit na kumawala si Cammi mula sa pagkakahawak ni Jarren. "Hindi 'yan ang sagot sa tanong ko! Tell me the damn truth, Jarren!" Natutop niya ang noo. "Totoo bang anak ka niya? Anak ka ba ni Eduardo? Patunayan mo sa 'kin na nagkakamali lang si Kathlyn. You can’t be his son, Jarren. I can’t be in love with the man who killed my father." Tumulo ang kanyang mga luha. The pain was now visible in Jarren's eyes. But she still stayed and opted to hear the truth and to hurt herself some more. Heck, was she a massochist?
Humugot nang malalim na hininga si Jarren bago ito naglihis ng tingin. "Yes. Eduardo is really my..." Hindi nakaligtas kay Cammi ang pagkuyom ng mga kamay ng binata na para bang sinisikap lang itago ang mga emosyon. "My father."
Napaatras si Cammi. Bumuka ang bibig niya pero wala ni isang salita na namutawi mula roon. Posible pala ang ganoon, na sa sobra-sobrang sakit na nararamdaman ng isang tao sa kanyang dibdib ay wala na siyang masasabi pa. Nanghihinang sinikap niyang maglakad na lang papalayo. Pakiramdam niya ang bawat hakbang na ginagawa niya papalayo sa lugar na iyon ay naglalapit naman sa kanya pabalik sa kadilimang akala niya ay natakasan niya na. She couldn’t believe that the man who gave her the light would also be the same man who would take it away from her. How cruel.
Nang makarating sa kotse, malakas na tinapik-tapik niya ang kanyang dibdib. Sandali siyang huminto para makalanghap ng hangin pero kahit katiting ay hindi gumaan ang pakiramdam niya. Pinangangapusan pa rin siya ng hininga. Binuksan na ng driver niya ang pinto sa backseat. Papasok na sana siya nang maramdaman niya ang pamilyar na kamay na pumigil sa kanyang braso. She smiled bitterly. Sa kabila ng lahat ay kumislot pa rin ang baliw na puso niya para kay Jarren.
Ang driver niya ay para namang nakaunawang isinara uli ang pinto sa backseat. Nanghihingi ng permisong tiningnan siya nito. Nang tumango siya ay nagbigay ito ng distansya sa kanila ni Jarren at bahagyang lumayo.
"Cammi, pakinggan mo naman muna sana ako, utang-na-loob-"
"Utang-na-loob rin, Jarren, pagpahingahin mo naman ang puso ko!" Nagpumiglas si Cammi kaya napilitan ang binatang pakawalan siya. Pinakatitigan niya ito. Bakit ganoon? Sa bilyong tao sa mundo, bakit si Jarren pa? Bakit ito pa ang naging anak ni Eduardo? God... Kailan ba matatapos ang mga bangungot niya? Parang mababaliw na naihilamos niya ang palad sa kanyang mukha. "Bakit? Bakit mo ginawa ‘yon? Bakit ka nagpanggap na ibang tao?"
"I wasn't pretending when I told you I wanted to help you. Dahil-"
"Dahil gusto mong maghugas-kamay sa mga kasalanan ng ama mo?" Bumalatay sa anyo ni Jarren ang matinding sakit. Pero wala na siyang pakialam. May mas lalala pa ba sa sakit na nararamdaman niya? Sa gitna ng nanlalabong isipan ay naalala niya ang Ninong niya pati na si Julianna at ang paiwas na sagot ng mga ito sa tuwing inuungkat niya ang tungkol kay Jarren.
"A-alam ba ito nina Julianna at... ni Ninong? Do they know about... y-you?"
Nang dahan-dahang tumango si Jarren ay bumigay ang mga tuhod niya. Napaluhod siya sa sementadong daanan. Hindi niya na inalintana ang mga nagdaraan sa paligid. She was too shattered to even care.
"No, please. Don't touch me." Mariing sinabi ni Cammi nang akmang aalalayan siya ni Jarren. "Wala kang karapatan. Ang sama mo. Ang sama-sama n’yo." Napahagulgol siya sa kanyang mga palad. "Bakit n’yo ako niloko?" Kanino pa siya magtitiwala kung ang mismong malalapit na tao sa buhay niya ay niloko siya? "Ano bang kasalanan ko sa inyo? Hindi pa ba sapat ang mga naranasan ko?"
"God, Cammi." Wala na siyang nagawa nang pilit siyang abutin at yakapin ni Jarren na lumuhod na rin sa semento. Pero hindi tulad nang dati, wala siyang makapang init sa yakap nito. Wala siyang makitang liwanag sa presence nito. Wala siyang maramdamang proteksiyon sa mga bisig nito.
“Mahal kita. Mahal na mahal kita. No matter what you call me, no matter what you think of me. That's the truth. But we are stuck with the truth. Kung kaya ko lang baguhin ang katotohanan para hindi ka masaktan, kung kaya ko lang baguhin ang kapalaran natin pareho, ginawa ko na. But I'm sorry I couldn't change our destiny. I'm sorry I couldn't change my family."
Gumalaw ang mga balikat ni Jarren tanda ng pagluha na rin nito. "I'm sorry about my father. I'm sorry for his reasons. I'm sorry I happened to be Eduardo's son. I'm sorry for the accident. I'm sorry for your loss. I'm sorry I fell in love with you and I'm sorry... that we had to meet this way."
Muli siyang napahagulgol. Damang-dama ni Cammi ang pinaghalong pagsisisi at pagmamahal sa boses ni Jarren.
"One day, I want you to remember this conversation. Mahal na mahal kita, Cammi. One reason why I always want to be near you is because every thing is in chaos when you're not with me. Pero kung isang araw, magalit ka sa akin at iwanan mo 'ko, ipinapangako kong maiintindihan ko." Ngayon ay nauunawaan niya na ang mga kakatwang sinabi noon ni Jarren sa isla.
Siguro nga ay nagsasabi ito ng totoo. Siguro nga ay mahal siya nito at mahal niya rin ito pero wala siyang magawa. Biktima sila pareho ng sitwasyon na kagagawan ng sariling ama nito. Sa naisip ay nanghihinang itinulak niya ang binata. Sinenyasan niya ang kanyang driver na naaktuhan niyang nanonood sa kanila ni Jarren. Mabilis naman itong tumalima at muli siyang ipinagbukas ng pinto. Nanginginig man ang mga binti ay pumasok na siya sa kotse.
"Cammi, mahal na mahal kita!" Bumalik ang tingin niya sa nakaluhod pa ring si Jarren. Pero ilang sandali pa ay sinenyasan niya na ang driver na isara ang pinto.
Nang umandar na ang kotse ay muli siyang napaluha. Sana nga ay totoong si Jarren dela Vega na lang ito nang sa ganoon ay malaya niya itong mahalin. Pero hindi sila pinagbigyan ng tadhana.
Unless Jarren and Cammi wake up one morning with different identities, they couldn't do anything about their love.
San Antonio, USA
"I SHOT for the sky, I'm stuck on the ground. Why do I try I know I'm gonna fall down? I thought I could fly so why did I drown? Never know why it's coming down, down, down..."
"Please stop the car." Napu-frustrate nang sinabi ni Cammi. Umalis siya sa apartment niya dahil sa hindi makayanang kalungkutan pero pagsakay niya naman sa taxi, pakiramdam niya pati ang music mula sa stereo ay tinutuya siya. And she was so tired of destiny's tricks on her.
Kahit pa nagtataka ang driver dahil malayo pa roon ang bar na balak niyang puntahan ay inihinto pa rin nito ang taxi. Mabilis na binayaran niya ito pagkatapos ay bumaba na siya ng sasakyan. Naglakad lang siya nang naglakad sa kahabaan ng kalsada. Gaya ng dati, wala siyang tiyak na patutunguhan.
Anim na buwan na mula nang takasan niya ang Pilipinas nang malaman niya ang koneksiyon ni Jarren kay Eduardo. Sa kabila ng pagpipigil ni Julianna at ng Ninong niya ay umalis pa rin siya isang linggo matapos ang naging engkwentro nila ni Jarren sa bilangguan. Nag-withdraw siya ng lahat ng naipon niya sa bangko saka siya tumakas. She needed space, she needed to breathe and she wouldn't be able to do that with those people around her.
Pero sa palagay niya ay walang kinahinatnan ang pag-alis niya. She was jumping from one place to another. Mula sa San Angelo na una niyang pinuntahan ay nagpunta siya sa Houston. Napadpad rin siya sa Texas at ngayon naman ay sa San Antonio siya namamalagi nang halos isang buwan na. But she still felt so lost. She might have regained her eye sight but she still felt as blind as before. Every single day, she felt like traveling to a path darker than the other day.
Bigla ay naalala niya si Julianna at ang naging komprontasyon nila nito sa bahay niya kinagabihan matapos niyang malaman ang totoo.
"Cammi, hindi ka namin niloko! We just decided to hide the truth for a while. Nang mamatay si tito Henry at mawala ang paningin mo, hindi ka na namin maabot. You were so distant. Ni hindi mo kami hinayaang makasama ka noong panahong nagluluksa ka. You've lost yourself after the accident." Lumuluha na ring ganting sigaw ni Julianna.
"Hindi namin alam ang gagawin sa 'yo. And then Jarren came. Tulad mo noong mga panahong ‘yon, nakita kong naliligaw rin siya pero nakahanda siyang tulungan ka. And his presence changed you. Nagawa niyang makalapit sa 'yo at nakita namin ni tito Carlos na posible ka talaga niyang matulungan. We couldn't tell you the truth because we know it will shatter you-"
"But look at me now, Julianna. Do I not look shattered to you? Sana hinayaan nyo na lang ako. Hindi nyo ba naisip na isang araw, posible ko ring malaman ang totoo at masaktan ako?" Nananakit na ang mga mata ni Cammi at sawang-sawa na siyang umiyak pero hindi maampat ang pagluha niya. "Nakasama ko ng ilang buwan ang mismong anak ng sumira sa buhay namin ni Daddy! I felt like you actually allowed me to fall for him only to be hurt in the end. Iyong pagkabulag, Julianna, kakayanin ko pa ‘yon pero iyong ganitong katotohanan, paano ko 'to tatanggapin? Hindi nyo ba naisip iyon?"
"Iyon ang dahilan kung bakit matapos ang surgery mo, hindi na kami pumayag na magkita pa kayo ni Jarren." singit ng ninong Carlos niya na ni hindi niya namalayan ang pagdating. "We hid Jarren's identity. Iyong middle name niya ang hinayaan naming gamitin niya. Pero sa maniwala ka o sa hindi, anak, mabuti ang intensiyon naming lahat. Jarren was a good man, too. Sa ilang beses naming pagpunta sa isla, napatunayan namin iyon dahil malaki ang ipinagbago mo. You learned to smile again, you learned to laugh again. You learned to stand and do something for yourself again. Cammi, you've learned to live again. After you landed here in Manila, we had to stop your connection with him. Natakot kami na baka kapag nalaman mo ang totoo, bumalik ka sa dati. We thought Jarren had served his purpose. Natulungan ka na niya at makakakita ka na.
Marahas na bumuga ng hangin si Carlos. "Hinarangan siya ng security na inihanda ko na sa pagdating mo para hindi na siya makalapit sa 'yo kahit ilang beses niya akong pinakiusapan. Pinalayo namin siya sa 'yo. Pero noon mismong oras na ooperahan ka na, halos magmakaawa siya sa 'kin na samahan ka kahit sandali dahil sigurado daw na matatakot ka. He really loves you, Cammi, just as Julianna and I love you."
Bumakas ang sincerity sa mga mata ng Ninong niya. Pero ayaw niyon rumehistro sa isip niya nang mga sandaling iyon. Pakiramdam niya ay pagod na pagod na siyang umunawa. Sagad na sagad na siya.
"Even after the surgery, Jarren fulfilled his promise. Nag-stay siya sa ospital pero hinarangan na siya ng mga tauhan natin. Inilayo ka namin sa katotohanan. Ilang beses siyang nakiusap na makita ka pero hindi kami pumayag. He wanted to tell you the truth back at the island but I stopped him. Dahil hindi sa lahat ng pagkakataon, makabubuti sa isang tao ang malaman ang totoo." Nakikiusap na tinitigan si Cammi ni Carlos. "He loves you and we know you love him but we had to separate you, two. Pero mapaglaro ang tadhana. Nagkita pa rin kayo at nalaman mo pa rin ang totoo."
For the countless time, Cammi found herself weeping again. "He's Eduardo's son."
"Hindi niya kasalanan na anak siya ni Eduardo, Cammi."
NAHINTO sa pagbabalik-tanaw si Cammi nang makaramdam siya ng matinding pagkahilo. Nagsimula na rin siyang pagpawisan ng malapot. Nitong mga nakaraang araw, maski ang pagkain, ay nawalan na siya ng gana kung paanong nawawalan na rin siya ng ganang magpatuloy pa sa buhay niya. Sa kabila niyon ay nagtuloy-tuloy pa rin siya sa paglalakad. Every day, she would go to different places, she would get to see different faces but her heart remained as empty as it was before.
Nahinto si Cammi sa paglalakad nang matapat sa simbahan. Pumasok siya sa gate niyon at nagtuloy-tuloy sa loob. Lagi niya iyong nadaraanan pero ngayon lang siya naglakas-loob na pumasok. Parati iyong bukas kahit dalawang beses sa isang linggo lang ang misa.
Natigilan siya nang makaharap ang imaheng bumungad sa kanya sa loob. Pumatak ang mga luha niya. Mayamaya ay napaatras siya. Pakiramdam niya ay hindi siya nararapat doon. Muli ay para bang hinahabol ng kung ano na nagtatakbo siya palabas pero hindi pa siya nakararating sa gate ay nadapa na siya dahil sa tumitinding pagkahilo. Napahikbi siya. Damn it. When will her pain and grief end? Naisubsob niya ang mukha sa kanyang braso at doon umiyak nang umiyak.
"Child, get up."
Unti-unting nahinto si Cammi nang marinig ang boses na iyon. Inangat niya ang kanyang ulo. Ang unang sumalubong sa kanyang mga mata ay ang puting tela na halos umabot na sa itim na sandals na nagsalita.
"Stand up, please." ulit nito sa nanghihikayat na boses.
Kahit pagod ay unti-unti siyang bumangon at naupo sa lupa. Bahagya pa siyang nasilaw sa sikat ng araw sa pagtingala niya. Sumalubong sa kanya ang napakaamong mukha ng madre na para bang mula sa isang anghel hinulma. Tila naglalaro sa singkwenta ang edad nito na halos kaedad sana ng kanyang namayapang ina ngayon kung nabubuhay pa ito. The old woman was smiling brightly. Lumuhod ito sa harap niya pagkatapos ay pinunasan ng mga malalambot na kamay nito ang mga luha niya. Sa loob ng ilang segundo ay nagawa niyang kumalma sa haplos nito.
"What is the problem?" She asked. Her voice was like the female version of Jarren's. It was tender and replete with affection.
"I'm blind." Halos pabulong na sagot ni Cammi. "I'm blinded by the truth and I'm... lost."
Muling ngumiti sa kanya ang madre. Tumayo na ito pagkatapos ay inilahad ang isang palad sa kanya. "Come inside, let's pray."
"I've forgotten how." Cammi answered bitterly.
"I will teach you then." Ang madre na ang kusang yumuko at umabot sa palad niya. "Psalm chapter fifty-five verse twenty-two; God is greater than the burdens you are carrying. Cast your burden upon the Lord and He will sustain you." Her blue eyes stared at Cammi. "Do you believe me?"
Sa hindi maunawaang dahilan ay ngumiti si Cammi, ang kauna-unahang ngiti niya sa nakalipas na anim na buwan. "I don't know how it happened but I... I do. I do believe you."