"TWENTY-EIGHT, Twenty-nine..."
"Gala ka pa nang gala. Matulog ka na." Nabigla si Cammi sa pagsulpot ng boses na iyon. Napailing siya bago tinapik-tapik ang dibdib. "Naligo lang ako sandali 'tapos pagbalik ko sa kwarto mo, wala ka na. It's past ten, sweetheart. Alagaan mo naman ang sarili mo para kapag nagkaroon ka na ng eye donor, nakahanda ang katawan mo."
"Ten-fifteen pa lang naman, sabi sa radio." Defensive na sagot ni Cammi. Ang totoo niyan ay nahihirapan siyang makatulog kapag wala sa tabi niya si Jarren. Ngayon ay hindi na siya natutulog sa dibdib nito hindi tulad nang mga unang linggo na nagtungo sila sa isla. Nitong mga nakaraang araw ay nakadarama na siya ng pagkailang kapag nasa malapit ang binata. Pakiramdam niya ay nakikipag-marathon siya sa lakas at bilis ng pagtibok ng puso niya. But still, she wanted him near her. Unti-unti ay nakakayanan niya nang mag-isa pero hindi pa rin siya mapakali kapag wala ang binata sa tabi niya.
For the past six months, Jarren remained true to his words. Tinulungan siya nitong bumangon. Parati itong nakaalalay sa kanya pero hinahayaan na siya nito ngayon. She smiled inwardly upon remembering his intructions in their first month in the island.
"Forty-four steps outside your room to the left is the balcony. From your bed to the comfort room on your right is eighteen steps. Eleven steps inside is where the bath tub is, six steps from that is the bowl. Five steps in front of it is the shower."
Marami pang ibinilin si Jarren kay Cammi tulad nang pagpunta sa kusina at sala gamit ang pagbibilang ng kanyang mga hakbang.
"Ginamit ko ang sapatos mo para sa paghakbang para sigurado. Tulad nga nang sinabi ko kanina, nai-record ko na rin ang instructions sa cell phone mo just in case na makalimutan mo. Natatandaan mo pa ba kung saan hahanapin sa phone mo ang itinuro ko kanina para sa instructions para ipi-play mo na lang?"
Tumango si Cammi.
"Good. Inilakas ko na ang volume niyon para hindi mo na kailangan ng ear piece kapag ipi-play mo."
"Cammi? Are you listening?" Agad na nahinto sa pag-iisip si Cammi nang marinig ang seryoso nang boses na iyon ni Jarren. "Come here.” Hinawakan siya ng binata sa palad. Nakagat niya ang ibabang labi. Bakit ganoon? Bakit tila nakukuryente na siya sa simpleng paghawak nito sa kanya ngayon? "I'll tuck you to bed-"
"There’s no need.” Maagap na bumitiw si Cammi sa binata. "Magpapahangin lang ako sandali sa veranda." Mayamaya ay nagsalubong ang mga kilay niya bago napu-frustrate na natapik niya ang noo. "Ano’ng number na nga pala ako? Nakalimutan ko na kung nakailang hakbang na ako."
"Twenty-nine." Narinig niya ang malakas na pagbuga ni Jarren ng hangin. "Jeez."
Nagkibit-balikat si Cammi bago nagpatuloy na uli sa paghakbang. Nang sa wakas ay mahawakan na ang barandilya sa balkonahe ay payapa nang napapikit siya. Nilanghap niya ang sariwang hangin kasabay nang pagbukas ng mga braso niya. Jarren had taught her how to do that... To embrace the night as she was embracing the day.
"Umaga na, hindi ka pa ba lalabas?" Sa ilang ulit na pagkakataon ay sumagi sa isip ni Cammi ang sinabing iyon ni Jarren. That was their twenty-third day on the island.
"Para saan pa? Morning, afternoon and night are always the same to me. It was always dark and empty." Mapait na sagot ni Cammi. "After the accident, it was the end of me living with the light."
Ilang sandaling natahimik si Jarren. "And who told you that?" mayamaya ay tugon nito. "Kaya mo pa rin namang yakapin ang liwanag. I’m here. I can teach you how.”
Bumuka ang bibig ni Cammi para sumagot pero bago pa siya makapagsalita ay maagap na hinila na siya ni Jarren palabas. Dinala siya nito sa buhanginan kung saan damang-dama niya ang paglalambing ng alon sa sa kanyang talampakan. Kasabay niyon ay naramdaman niya rin ang pamilyar na init na dulot ng pagsikat ng araw pero hindi iyon nakakapaso sa balat.
Pumuwesto si Jarren sa likod ni Cammi. "Embrace the warmth." Pabulong na sinabi ng binata habang ang hininga ay pumapaypay sa kanyang batok. Tumayo ang mga balahibo niya sa batok sa kakatwang naramdaman pero pilit niya iyong inignora. Ibinuka ng binata ang kanyang mga braso sa ere. "Embrace the sun, sweetheart. Embrace life."
Napapikit siya nang maramdaman niya ang mapaglarong hangin sa kanyang balat. Ipinikit niya ang mga mata at hinayaang tangayin niyon ang lahat ng mga dinadala niya sa dibdib niya. She imagined watching the sunrise with Jarren and for the first time since her father died, she was able to feel alive again.
Simula niyon ay palagi niya na iyong ginagawa... ang yakapin ang liwanag pati na ang dilim. Jarren made that possible for her.
Sa nakalipas na anim na buwan ay siyam na beses nang nagpunta sa isla ang ninong Carlos niya at si Julianna. Madalas ay magkasama ang dalawa. Dinadalhan siya ng mga ito ng CDs na pinatutugtog ni Jarren gabi-gabi. They also brought her books in Braille. And in two months, she had learned Braille.
"Cammi... Just how long will you hide in this place?"
Naglaho ang ngiti ni Cammi. Napuno ng takot ang puso niya. "Bakit? Naiinip ka na ba? Gusto mo na bang bumalik sa Manila?"
"That’s not what I mean. It’s impossible to get bored with you around." Mabilis na sagot ni Jarren. "Ikaw lang naman ang inaalala ko. My friend could manage the station without me. Siya muna ang pumalit sa trabaho ko do'n every night. Besides, he understands my reasons. May signal naman rito, naipapadala niya sa akin ang monthly reports via email kaya kahit paano, napag-aaralan at nasusubaybayan ko pa rin ang negosyo. I'm just worried about you."
"What about me?" Ibinaba na ni Cammi ang mga kamay kasabay ng pagmulat niya.
"I want you to start establishing something for yourself while we're waiting for the donor, sweetheart. Nag-aalala na rin ang ninong Carlos mo at si Julianna. Ayaw nilang maburo ang buhay mo sa pagtatago dito. You are still so young. Besides, I know you are a very capable woman. There are so many things you can do if you want to.” Napayuko si Cammi pero agad ring iniangat ng kamay ni Jarren ang kanyang baba. "What are your other dreams aside from reporting, Cammi?"
Hindi nakasagot si Cammi. Sa totoo lang ay isa sa mga pangarap niya ang maging manunulat noong high school siya. Nakagawa na siya ng manuscript noong bente-uno anyos siya at pinasa iyon sa isang publication na pinalad namang ma-approve. But that was her first and last novel. Ilang taon na mula nang ma-release iyon. Nagkataon lang na mula nang masabak siya sa field ay hindi niya na muling naharap pa ang pagsusulat.
Nitong mga nakalipas na araw ay pinag-iisipan niya nang balikan ang pangarap na iyon pero natatakot siya. She was afraid to try. Kabisado niya pa ang keyboard sa kanyang laptop, natitiyak niya iyon. Sa tagal niyang gumamit niyon ay imposibleng malimutan niya agad iyon sa kabila ng kawalan ng kakayahang makakita. Maybe she was just afraid to write and to find out her innermost thoughts and feelings that she knew would be exposed the moment she decided to try. Simula nang maaksidente siya ay para bang nawalan na siya ng kompiyansa na sumubok ng kahit na ano.
"Alam mo ba kung ano ang nawala sa 'yo kasabay ng paningin mo? You." Napamaang si Cammi. "You have lost your faith and your love for yourself."
Namasa ang mga mata ni Cammi. Ayaw man niya ay tinamaan pa rin siya sa mga sinabi ng binata. She breathed heavily. Inilayo niya na ang sarili rito kasabay ng pagtalikod. Nagsimula na siyang magbilang ulit at humakbang palayo.
"Cammi!"
Nahinto siya sa paglalakad.
"When you love yourself, you will be the best version of yourself."
ALAM MO ba kung ano pa ang nawala sa 'yo kasabay ng paningin mo? You. Cammi, when you love yourself, you will be the best version of yourself."
Napu-frustrate na bumangon na si Cammi. Naihilamos niya ang mga kamay sa kanyang mukha. Simula nang ipamukha ni Jarren sa kanya ang mga bagay na iyon ay hindi na iyon nawala pa sa isip niya. It had been two days. Dalawang araw na rin siyang hindi mapakali. Naiwala niya na nga ba ang sarili niya mula nang mabulag siya? At kung iyon nga ang nangyari, papayag ba siyang habang buhay na nakalugmok na lang? No matter how she weeps, she could never return to her old life anymore.
And Jarren... How long will he put up with someone like her? Paano kung maski ito ay manawa na rin sa kanya? Just how long will she hide? Gaano katagal ba niyang kakaawaan ang sarili dahil sa isang bagay na hindi niya naman kasalanan?
"Paano ako aasa na may tatanggap pa sa akin nang buo kung ako mismo, hindi ko tanggap ang sarili ko?" Naalala niyang minsan ay ganting tanong niya kay Jarren noong mag-usisa ito kung may gusto pa umano siyang papasukin sa puso niya nang ilahad niya sa binata ang ginawang panloloko sa kanya ni Travis.
"Nasa sa 'yo mismo ang problema, Cammi. Dahil iniisip mong may mali sa sarili mo."
"Dahil mero'n naman talaga-"
"Cammi," Animo nanggigigil nang kontra ni Jarren sa kanya. Ikinulong nito sa maiinit na mga palad nito ang kanyang mukha. "You don't have ugly features... Just ugly thoughts about yourself. Walang mali sa 'yo. I may not be able to make you see just how beautiful you are right now but I'm trying so hard to make you feel that way. Pero parang hindi mo pa rin maramdaman. God, Cammi. Saan pa ba ako nagkukulang? You are beautiful and frankly, you are the most amazing woman I know. And it’s not because we’re friends."
Nangilid ang mga luha ni Cammi sa pagdagsa ng realisasyon. Tama si Jarren. Nasa kanya nga mismo ang problema. At hindi iyon dulot ng kawalan niya ng kakayahang makakita kundi ng kawalan niya ng kakayahang maniwala sa sarili niya.
"Hey, sweetheart." ani Jarren na para bang nagising nang dahil sa kanya Naulinigan niya ang pag-aalala sa inaantok pang boses nito kasabay ng paghawak nito sa kanyang mga balikat. "Bakit gising ka na? May problema ba? May masakit ba sa ‘yo? Or do you need something? Water perhaps? Wait, I’ll go get one-“
“No need.” Sagot ni Cammi sa pagitan ng paghikbi. There was something in his voice that made her tear up. Dahan-dahang umangat ang palad niya pakapa sa pisngi ng binata. Nang mga sandaling iyon ay na-realize niya na ang liwanag ay hindi lang pala matatagpuan sa pagsikat ng araw sa bawat umaga. Dahil may liwanag rin palang taglay ang isang tao. A certain light that a person can only feel and see in the darkest moments of his life. And Jarren was like that to her. Ang binata, higit kanino man, higit sa pinakamatalik na kaibigan niya, higit sa ama-amahan niya, higit sa mga taong kasa-kasama niya noon sa tagumpay pero wala sa madilim na bahagi ng buhay niya ngayon, higit sa sarili niya... Ang binata ang nagbigay ng liwanag sa kanya na siyang ipinagkait ni Eduardo San Gabriel sa kanya.
Hindi siya sinukuan ni Jarren kahit pa siya ang kauna-unahang sumuko sa sarili niya. And even right at that very minute, he was there with her. She felt like walking on a dark, uncertain road and he chose to walk on it with her without complaining. It was amazing how the two of them manage to sleep together comfortably for months now. Sa tabi ni Jarren, naiibsan ang takot niya sa mundong kinakaharap. Gumagaan ang pakiramdam niya. Hindi siya nakadarama ng pag-iisa. In fact, it was now hard to think that she was alone when she could feel his hand on hers constantly. He would often squeeze her hand softly as if it was his way of showing her his quiet support and she appreciated that.
"Cammi?"
"Tatawagan ko mayamaya si Julianna. I will ask her to send someone to bring my laptop here. Romance writing was one of my dreams. Pangalawa iyon sa pangarap ko na nakalimutan ko na sa paglipas ng mga taon. And I was thinking of pursuing it again. Kabisado ko pa naman ang keyboard." Cammi tried to smile. "Ilang araw ko na rin naman naiisip magsulat uli. I was just afraid to write because I was afraid to know what's on my mind. I was afraid to know my thoughts. But I think... I'm ready now."
Jarren's words had always been a wake-up call for her. And it was high time she wakes up before her entire world collapses right in front of her again. Hinintay niyang magsalita si Jarren. Pero bumitiw na ang binata sa kanya. Ni wala siyang narinig ano mang salita mula rito. "J-Jarren?" Natetensiyon na tumikhim si Cammi. "W-what do you... t-think? Why are you silent? Do you think it’s weird for me to try writing again?"
Nasorpresa siya nang bigla siyang hatakin ng binata sa kamay at ipinaloob sa mga braso nito. "God, Cammi. You just made me feel so proud." Namamaos na sambit nito. "You don't know how much that means to me. And no, I wouldn’t want to call it weird. I actually think it’s wonderful that you’re willing to try something again. Besides, it’s writing. It isn’t easy. But I know you’ll do great. Because that’s just who you are. You put your all into something.”
Sumilay ang masuyong ngiti sa mga labi ni Cammi. Sa kabila ng mabilis na pagtibok ng puso ay gumanti pa rin siya ng yakap sa binata. Kuntentong ipinikit niya ang mga mata at nilasap ang yakap nito. At that very moment, she realized one thing. It was not really the island that was her hide away. It was his arms. Because as long as she was in his arms, she would be hidden, she would be protected, and she would be treasured.
"Natatakot pa rin ako. Hindi ko alam kung ano ang magiging outcome ng gagawin ko-"
"Cammi," Kaagad na pigil ni Jarren. Bahagyang lumayo ito sa kanya. "Nakalimutan mo na ba kung ano ang pina-memorize ko sa 'yo na-"
"All right, all right. I remember." Napailing si Cammi. "I can do all things through Christ who strengthens me. Philippians chapter four verse thirteen."
Her ninong Carlos brought her a bible in Braille months ago. Jarren, on the other hand, had his own bible before he went with her on the island. Tuwing gabi bago sila matulog ay hindi siya nito tinatantanan hangga't hindi niya nabubuklat ang bible na binigay sa kanya ng ninong niya. And Philippians chapter four verse thirteen was one of the verses he taught her.
Natawa si Jarren. "Good girl." Marahang hinagkan siya nito sa noo bago siya inalalayang humiga uli sa kama.
Nang makahiga na sila ay nanigas siya nang yakapin siya ng binata. Isinubsob nito ang mukha nito sa kanyang leeg. Mayamaya ay dahan-dahang umangat ang kamay niya pahaplos sa malambot na buhok nito. Pinilit niyang ignorahin ang matinding panghihinayang na nadama na hindi niya ito makita. For the first time after several months, she desired something again. She desired to see him. How she really wished she could see again so she could see his beauty.
"The day you stopped sleeping with me is the day you completely stop being afraid, sweetheart." Bulong ni Jarren. "And I will look forward to that. Malulungkot ako, sigurado 'yon. I will definitely miss holding you in my arms like this. But at the same time, matutuwa pa rin ako. And I will be even prouder. Because that would mean another one step ahead towards progress."