"HOW FAR do you love me? Come on, sweetheart. Indulge this man a bit.”
Amused na ngumiti si Cammi sa narinig. Isinandal niya ang ulo sa dibdib ni Jarren saka ipinaibabaw ang mga kamay sa mga braso ng binata na nakapaikot sa kanyang baywang. Ayon rito ay papalubog na raw ang araw nang mga sandaling iyon. Nakatayo sila sa buhangin kung saan abot na abot ng mga mumunting alon ang hubad nilang mga paa habang nakayakap ang binata sa kanya. Everything felt almost like a dream because it was too serene.
Mag-iisang linggo na mula nang aminin nila ni Jarren ang mga nararamdaman para sa isa't isa. And since then, every single moment she spent with him became extra special. He would kiss her and embrace her all the time that it almost drowns her heart for so much joy.
Sa susunod na linggo ay babalik na sila ni Jarren sa Maynila. Hindi pa nila iyon naipapaalam sa Ninong niya at kay Julianna. She would finally face the real world again. And somehow, it was not as terrifying as it was almost seven months ago. Because she was sure that Jarren would be with her every step of the way. Bukod roon, gusto niya na ring tigilan ang pagiging makasarili at isipin naman ang kapakanan ni Jarren. He had sacrificed a lot for her. He had his own life to live and a business to attend to.
"Honestly... I don't know how far, Jarren. Ngayon pa lang ako nakaramdam nang ganito. Ngayon pa lang ako nagmahal. It's still a long way to go for me to know how deep and how far my feelings are for you." Taos sa pusong sagot ni Cammi. "Ang alam ko lang, pakiramdam ko, nabuhay ako uli nang dumating ka. Nag-iba ang mga pinaniniwalaan ko. Nagbago ang mga nararamdaman ko. You introduced me so many beautiful things. My faith is stronger now. You gave me confidence in the midst of the darkness. Sa gitna ng dilim, binigyan mo ako ng pag-asa. Jarren, you are my greatest miracle. You brought so many changes in my life. And I will always be thankful that I have you beside me. I don’t think I would be half the woman I am today if not for you."
“You are wrong. You brought those beautiful changes upon yourself, Cammi. I only pushed you a little. But the hard work was all on you. You’ve always been brave. Sa kabila ng mga nangyari, hindi naman nawala ang katapangang ‘yon. I’d like that to believe that that side of you just took a rest." Bulong ni Jarren pagkalipas nang ilang sandali. Mayamaya ay humigpit ang pagkakayapos nito sa kanya. "But thank you, sweetheart. Thank you for thinking of me that way. But what if one day, you found out something about me? Something horrible? Paano kung hindi pala ako katulad nang inaakala mo? Matatanggap mo ba ako?"
Kumunot ang noo ni Cammi. "Ano’ng ibig mong sabihin? Hindi kita maintindihan. What do you mean something horrible? Bakit? Pangit ka ba?" Nagbibiro nang dagdag niya. "Do you happen to be a beast that I just couldn't see? Pero ang sabi ng isa sa mga gwardya, gwapo ka raw."
Para namang frustrated na bumuntong-hininga si Jarren. "Gwapo talaga ako. Sa bagay na 'yan, hindi kita niloloko.”
“What a confidence.” Tumawa si Cammi. Matagal na siyang curious makita ang mukha ng binata. Pero alam niyang ano man ang maging anyo nito, she would love him just the same.
“But seriously, sweetheart," Sumeryoso na ang boses ni Jarren pero may hatid pa ring init para sa kanya ang endearment nito. "In case something happens one day, I want you to remember this conversation. Mahal na mahal kita, Cammi. The main reason why I always want to be near you is because everything is in chaos when you're not with me. The pieces just becomes in order when we are together. Pero kung isang araw, magalit ka sa 'kin at iwanan mo ako, ipinapangako kong maiintindihan ko." Jarren's voice suddenly became edgy. "But I'm telling you. Everything would stop for me should you leave me. Minsan, sinabi mo sa ‘kin na hindi mo kayang wala ako. But that’s not true. Dahil naniniwala akong kaya mo, Cammi. Even without me, you can still be the woman you have always wanted to be. It’s a different case for me, though. Without you, I… I don’t know what I’d do."
Hindi maunawaan ni Cammi kung saan nagmula ang tensiyon na sandaling bumalot sa kanyang puso sa narinig. "Jarren, bakit ka ba biglang nagsasalita ng ganyan-"
"Ma'am Cammi! Sir Jarren! Tumawag po si Sir Carlos!" Nahinto si Cammi sa pagsasalita nang mula sa kung saan ay bigla na lang sumulpot ang isa sa mga gwardyang si Damian.
"Calm down. What is it? Para kang pusang hindi mapaanak dyan." Salubong ang mga kilay na sinabi ni Cammi.
Nabosesan niya ang excitement sa boses ni Damian nang magsalita uli. "Ma'am, may eye donor na raw po para sa inyo. Ipinahahanda na po ni Sir Carlos ang mga gamit niyo pabalik sa Maynila para sa operasyon n’yo."
Her lips parted in disbelief. Oh, God!
"WHY DO you keep searching for someone else? Nandito naman ako. Mayamaya, papasok na rin si Tito Carlos dito." Bahagyang naghihinanakit na sinabi ni Julianna nang patuloy na hanapin ni Cammi si Jarren. Ilang minuto pa lang ang nakalilipas mula nang lumapag sa mismong helipad ng kinaroroonang ospital ang helicopter na pagmamay-ari ng kompanya ng kanyang ama. Iyon ang naghatid sa kanila ora-orada ni Jarren pabalik sa Maynila mula sa isla. Kaagad silang nag-empake matapos nilang malaman ang magandang balita. Hindi rin nagtagal ay dumating na ang sundo nilang helicopter.
Pero hindi niya na naramdaman pa si Jarren mula nang makababa sila sa helipad. Bumitaw na ito sa kamay niya at parang bulang bigla na lang naglaho kung kailan kailangang-kailangan niya ito. Ni hindi niya naramdaman ang presence ng binata sa private room kung saan siya dinala matapos siyang salubungin ni Julianna at ng Ninong Carlos niya sa helipad. Things happened too soon. Matapos niyang magpalit ng hospital gown ay pinagpahinga na siya ng nurse habang hinihintay ang instruction mula sa doktor.
"How can I not search for the man who had been there for me for almost twenty-seven weeks? I'm glad you are here, Julianna, don't get me wrong." Nanghihingi ng pang-unawang sagot ni Cammi. "Pero gusto kong naririto rin si Jarren. I love him, Julianna. And I need him here right now... right at this very minute. Natatakot ako. At alam ko-naniniwala ako-na siya lang ang makakaalis nito. I’m worried. Paano kung may masama na palang nangyari sa kanya? It’s unlikely for him to just disappear like that. Saka nangako siya sa ‘kin na hindi niya ako iiwan. Can you please check on him? He might be-"
"Stop it, Cam. Isa pa ring estranghero si Jarren at-"
“Isang estranghero." Hindi naiwasan ni Cammi na langkapan ng sarkasmo ang boses. Bumitaw siya mula sa mahigpit na pagkakahawak ng kaibigan sa kanyang mga kamay. "Isang estranghero na lang si Jarren ngayon samantalang sa kanya mo ako ipinagkatiwala noon? Nakakatawang isipin na kung sino pa ang hindi ko kilala ang siyang nakatulong sa akin nang husto. Because of Jarren, I recovered from the accident, Julianna, and from the trauma it brought me. He was the one who freed me from that emotional prison."
"I'm sorry." Gumaralgal ang boses ni Julianna. "I'm so sorry. Hindi ko lang kasi alam kung paano ka pakikitunguhan noon. You became so different and so cold. I didn't know what to do. Hindi mo inilalabas sa ‘kin ang nararamdaman mo. You kept pushing me away. And I was so afraid that I might hurt you should I try to come closer and-"
Namasa ang mga mata ni Cammi. Hindi na gaanong tumagos pa sa isip niya ang ibang sinabi ni Julianna nang marinig niyang bumukas ang pinto. Nakaramdam siya ng pag-asa. "Jarren? Ikaw na ba ‘yan?"
"I'm here."
"Finally!" Ibinukas niya ang mga braso. Ilang sandali pa ay naramdaman niya uli ang yakap ni Jarren. "Saan ka ba nagpunta? I was so scared. I thought you left me. Don’t do that again, okay?"
Hindi nakasagot si Jarren. Mayamaya ay narinig niya ang pagtikhim na iyon mula kay Julianna kasabay ng tunog mula sa stool na para bang tumayo ito mula roon.
"You have who you need now, Cammi. Mukhang hindi naman na pala ako kailangan dito. Aalis na muna ako." May halong pait na sinabi ng kanyang kaibigan.
"Jules?" Cammi tried to smile. "As long as Jarren's with me, I can always forgive. Forgive me, too. I’ve been cruel. But I will make it up to you, I promise."
Narinig niya ang malakas na pagsinghap ng kaibigan. Kasabay nang bahagyang paglayo ni Jarren sa kanya ay naramdaman niya ang paghalik ni Julianna sa kanyang ulo. "Thank you, Cammi. Thank you for saying that. Gumaan ang pakiramdam ko. For now, just relax. Soon, everything’s going to be all right."
Tuluyan na siyang ngumiti. Ilang sandali pa ay narinig niya ang muling pagbukas at pagsara ng pinto. That was one thing about being blind. She had learned how to maximize using her other senses. Kinapa niya ang mukha ni Jarren saka matamis na ngumiti. Hinaplos niya ang mga pisngi nito. "Sa wakas, makikita na kita."
Hindi sumagot si Jarren pero naramdaman ni Cammi ang paghalik ng binata sa kanyang noo kasabay niyon ay ang mga likidong pumatak sa tungki ng kanyang ilong at sa kanyang kaliwang pisngi. Nagsalubong ang mga kilay niya. "Jarren..." Napahugot siya nang malalim na hininga bago pinilit magbiro. "Napuwing ka na naman?"
"Yeah. It’s always because of the damn wind." namamaos ang boses na sagot nito. "The wind was too strong outside. Even when I’m inside your room now, it’s still hurting my eyes." Bago pa man makasagot ang hindi kumbinsidong si Cammi ay maagap na niyakap na siya ni Jarren. Seconds later and she heard him weep.
"Hey," malambing na tinapik-tapik ni Cammi ang likod ni Jarren. "Don't worry, I'll be fine. Malakas na uli ang loob ko kasi nandito ka na kasi uli sa tabi ko. Promise me you will be here after the surgery. Promise me you will be the first person I will see the moment I get my vision back. Ipangako mo sa akin na pagkagising ko, babalik tayo kahit saglit sa isla. Ilang beses mo nang na-describe sa ‘kin ang isla pero gusto ko pa rin ‘yong makita. It was Dad’s last gift to me so I really wanted to see it." Magiliw na ngumiti si Cammi. "And when we get there, I won't just be embracing the sun and the moon, Jarren. I will see the entire place and I will see things again with you."
"Right." Tanging nasambit ng binata. Lalong humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. "I will keep praying for you and for us, Cammi. I love you so much. And as early as now, I want to welcome you back to the light."
"BAKIT GANO'N, Daddy?" Basag ang boses na tanong ni Cammi sa ama nang dalawin niya ang puntod nito kasama ng driver cum body guard na iginiit ng Ninong Carlos niya sa kanya. "Nakakakita na ako ulit. Dapat maliwanag na lahat, 'di ba? Pero bakit pakiramdam ko, ang dilim-dilim pa rin?"
Naluluhang pinaglandas ni Cammi ang mga daliri sa mga nakaukit na letra sa lapida ng ama na katabi ng sa ina. Iyon ang isa sa mga bagay na hindi niya na nakita noon. "I've missed you so, Mom and Dad." Napahugot siya nang malalim na hininga. "And I'm missing someone else, too. I'm missing Jarren, Dad. He lied to me. He wasn’t there when I woke up. But I can forgive him, Dad. I can forgive him a hundred times if that would mean I’d get to see him again."
Magdadalawang linggo na mula nang matapos ang matagumpay na cornea transplant ni Cammi. Sampung araw na mula nang makalabas siya ng ospital. Sampung araw na ding pilit na ibinabalik niya sa dati ang buhay niya noong nakakakita pa siya pero hindi niya na magawang bumalik ano man ang gawin niya. She would always find her mind and heart wandering back to the island, back to Jarren's arms.
Jarren was suddenly nowhere to be found. Hindi niya na narinig pa uli ang boses nito matapos ang surgery. Ni wala ito noong mga sandaling inalis na ang eye pads niya. Pero naghintay pa rin siya. Hanggang sa makauwi siya sa kanyang bahay ay patuloy pa rin siyang naghihintay. Kung hindi niya lang naririnig ang recorded na boses ng binata na naka-save sa kanyang cell phone, iisipin niyang isang mahabang panaginip lang ang namagitan sa kanila.
Paulit-ulit na tinatanong niya si Julianna at ang Ninong niya tungkol kay Jarren pero madalas ay iniiba ng mga ito ang usapan kaya nag-iiba na ang kutob niya. She was sure they knew something but they were hiding it from her. Ayaw niya man ay sumasama na ang loob niya. Hindi niya rin alam kung saan nagtatrabaho ang binata. Nasabi iyon sa kanya ni Julianna noon pang bulag siya pero hindi niya na maalala. Minsan ay ginamit niya ang connection ng ama sa kompanya nila. Ipinahanap niya si Jarren sa mga researchers sa opisina pero walang ma-research ang mga ito na nagngangalang Jarren Dela Vega.
Muling nagsikip ang dibdib niya. "Mom, Dad, tulungan nyo naman ako. Help me find my light and joy. Help me find Jarren."
Hindi nagtagal ay umalis na si Cammi ng sementeryo. Pero hindi siya dumeretso sa kanyang bahay. Pagkagising pa lang kanina ay nakabuo na siya ng isang malaking desisyon. Makikipagkita siya kay Eduardo San Gabriel, ang lalaking nasa likod ng magkasunod na trahedya noon sa buhay niya. Before she completely steps forward in her life, she had to see him and know his reasons once and for all. She had to face her nightmares and she had to do that as soon as she can so that the moment she finds Jarren again, they could start with no baggages in her heart.
Jarren, nasaan ka na ba? Naisaloob ni Cammi habang papalapit na nang papalapit sa bilangguan. Natatakot uli ako. Kailangan kita.
PAPASOK NA si Cammi ng presinto nang matigilan siya kasabay nang unti-unti ring pagkabigla na rumehistro sa mukha ng lalaking makakasalubong niya. Bumilis ang pagtibok ng puso niya, isang reaction na tanging sa iisang tao lang niya nararamdaman. Kilala niya ang lalaki, sigurado siya doon. Kilala ito ng puso niya. Could this man be the one she was looking for?
Pinagmasdan niya ang anyo ng lalaki. Puno ng init ang kulay tsokolateng mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Pinarisan ang mga iyon ng makakapal na mga kilay. Matangos ang aristokratong ilong nito at makikipot ang mga labi. He looked like a modern day Moreno prince charming. He was tall and well-built that he could pass as a model. Sa tantiya niya ay hanggang leeg lang siya nito.
"C-Cammi," Halos pabulong na sinabi ng lalaki pero nakaabot pa rin sa pandinig niya. That voice...
Nangilid ang mga luha niya. "W-what did you... just s-say?"
"Cammi," Sa pagkakataong iyon ay mas malakas nang sinabi ng lalaki. Nakita niya ang pamamasa din ng mga mata nito. "Cammi."
"J-Jarren? Is that really you?"
"How have you been... sweetheart?" He softly asked instead.
Tuluyang bumagsak ang mga luha ni Cammi. "I waited for you!"
Here was the man she had been praying and dreaming to see for a while now. Mabilis na tinakbo niya ang distansiya sa pagitan nila. The second she felt that familiar warmth and smelled that same masculine scent, she knew she was home.
"Cammi McNiall?"
Bahagya pa siyang nainis nang maramdaman ang malakas na pagtapik na iyon ng kung sino sa likod niya. Salubong ang mga kilay na bumitaw siya kay Jarren at hinarap ang pinagmulan ng boses. Sumalubong sa kanya ang mukha ng isa sa mga researchers na naalala niyang nagtatrabaho sa kompanya ng ama. Si Kathlyn iyon, ang researcher na mukhang noong araw na iyon ay nangungulit at nangangalap ng scoop sa presinto.
"Ikaw nga!" Bumakas ang saya sa mukha ni Kathlyn. "Mabuti na lang at totoo nga ang balitang maayos na uli ang lagay mo. Pero hindi ko maintindihan..." Sumulyap ito kay Jarren. "Bakit kasama mo siya?" Bumakas ang galit sa mga mata nito. "Teka-"
"Cammi, let's go." Ani Jarren. Nagmamadaling kinuha nito ang isang kamay niya at hinila siya palabas ng presinto. Walang nagawang napasunod siya pero humabol pa rin ang makulit na reporter. Sa pagkakataong iyon ay mas malakas na ang boses nito nang magsalita.
"Cammi, bakit ka sumasama kay San Gabriel? Bakit parang malapit kayo sa isa’t isa?"
Nahinto si Cammi sa paghakbang at hindi na nagpatangay pa kay Jarren sa kabila nang paghila nito sa kanya palayo. Nilingon niya ang researcher. "S-San Gabriel?" Kumabog ang dibdib niya. "N-nagkakamali ka, Kathlyn. Siya si-"
"At ako pa ang nagkakamali ngayon?" Nang-uuyam na natawa ang researcher. "Ang lalaking kahawak-kamay mo ngayon ay si Jarren San Gabriel, ang nag-iisang anak ni Eduardo San Gabriel, ang mismong taong dahilan ng pagkamatay ni Bossing at ng pagkabulag mo."
Cammi froze.