"CAMMI!"
Kumabog ang dibdib niya. Kasabay nang tuluyang pagdilat niya ay ang pagsigaw na iyon ng kanyang ama. Puno nang pinaghalong takot at tensiyon ang boses nito. Napasulyap siya rito. "Daddy-"
Bago niya pa maunawaan kung ano ang nangyayari ay nayanig na siya sa malakas na pag-alog ng sasakyang kinalululanan nila. Terror ran through her veins. Parang bangungot ang sumunod na mga sandali. Naramdaman niyang umikot ang kanilang kotse bago iyon tumaob. Sa pinaghalong pagkahilo, takot at biglang pamamanhid ng katawan ay sinubukan niyang dumilat.
Aabutin niya na sana ang ama pero nang akala niya ay tapos na ang unos, nakaramdam siya nang kung anong tumalsik sa kanyang mga mata. Napahiyaw siya sa matinding hapding naramdaman pero walang boses na lumabas mula sa kanyang lalamunan. Para bang umurong pati ang boses niya. Cammi shut her eyes as the pain started to strike more and more every passing second.
Sa muling pagmulat, kadiliman na ang sumalubong sa kanya. Nagsisigaw siya. "Daddy? Daddy! Where are you?" But her shaky voice just echoed. Umusbong ang matinding takot sa puso niya. Wala siyang makitang kahit na ano. Bumigay sa panghihina ang mga nanlalata nang tuhod niya. Napaluhod siya kasabay ng pagluha.
Ayaw niya sa dilim, takot siya sa dilim. "Daddy..."
"Cammi? Hey, don't be scared." Naramdaman niya ang paghawak nang kung sino sa balikat niya. "I'm right here. Hindi kita iiwan."
Unti-unti siyang nag-angat ng mukha sa pamilyar na boses na iyon. Hindi niya makita nang maayos ang mukha ng lalaki. Malabo iyon sa kanyang paningin. All she could tell was that he was holding a torch. And somehow, that gave her hope.
"J-Jarren? Is that really you?"
"Ako nga." Inalalayan siya ng binata na makatayo. Kinuha nito ang isang kamay niya pagkatapos ay magkasama nilang nilakad ang kadilimang iyon. It was a long, exhausting journey. Masakit na ang mga paa niya sa kalalakad pero hindi binibitiwan ni Jarren ang palad niya. Still, she could not help but be afraid. Ang tagal na nilang naglalakbay. And the torch was slowly fading its light.
"Jarren," Humigpit ang pagkakahawak ni Cammi sa binata. "Will we ever find our way back?"
"I will make sure that you will. Pagod ka na ba?" Nang tumango si Cammi, nagulat siya nang iabot nito ang hawak na sulo sa kanya pagkatapos ay pinasan siya sa likod nito. "Just keep holding the light." Bilin nito bago ito nagpatuloy sa paglalakad.
Napangiti si Cammi nang sa wakas, matapos ang ilang sandali, pareho na nilang natanaw ang liwanag. Pakiramdam niya ay nabigyan siya ng laksa-laksang pag-asa at lakas sa nakita. Nagpababa na siya sa binata. Ibinalik niya rito ang sulo na nagsisilbing tanglaw nila pagkatapos ay nagmamadaling tinakbo niya ang daan papunta sa liwanag. She ran and didn't hold back. Hanggang sa wakas ay nakalabas na siya sa kadilimang iyon. Ilang segundo siyang nasilaw sa liwanag bago unti-unting napangiti. Finally, she could see the light again.
Nangingilid ang mga luhang napatingin siya sa kanyang tabi. Umawang ang kanyang mga labi nang walang Jarren na nakita. Ibinalik niya ang tingin sa pinanggalingan. Nakita niya ang sulo na nagsilbing pansamantalang ilaw nila kanina. Pero papalayo iyon nang papalayo kasama ng taong humahawak roon. Nanlamig ang buong katawan niya. "Jarren!"
Bakit ito bumabalik sa kadilimang iyon? Inihatid lang ba siya nito sa liwanag? Pero hindi pwede! They must see the light together!
"Jarren! Come back here!" Tinakbo ni Cammi ang binata pero hindi niya na ito naabutan. Walang nagawang bumalik siya sa liwanag. But suddenly, she couldn't appreciate the light anymore.
"Jarren!" Bumalik ang tingin niya sa kweba ng kadiliman pero unti-unti nang naglalaho iyon hanggang sa puro liwanag na lang ang nakikita niya. "Oh, God. It can't be! Jarren!"
PINAGPAPAWISANG napabangon si Cammi. "Jarren?"
Habol ang hiningang kinapa niya ang bahagi ng binata sa kanyang kama pero wala ito roon. Kinakabahang tuluyan na siyang bumangon. It was just a dream. Jarren wasn't really gone, was he? Nagkukumahog na lumabas siya ng kwarto matapos paibabawan ng robe ang kanyang night gown. "Jarren?"
Kumakabog ang dibdib sa pinaghalong pagkaalarma at takot na nagtungo siya ng hagdan. Dahan-dahang bumaba siya roon. Labing-limang baitang iyon ayon kay Jarren. Nasa bandang gitna na siya nang makarinig siya ng tunog na sa palagay niya ay nagmumula sa piano.
Ilang buwan niya nang alam na may piano roon, nakalagay iyon hindi kalayuan sa hagdan. It was Jarren who also informed her about that. Pero ngayon lang may gumamit niyon dahil hindi rin siya marunong. Masarap sa pandinig ang kasalukuyang tunog na nagmumula roon. Maingat pero may halong pagmamadali na tuluyang bumaba na siya.
Kasabay nang pagtapak ng mga paa ni Cammi sa marmol na sahig ay ang paglapat ng awit na iyon sa tunog na ang boses, kahit saan man siya magpunta ay siguradong makikilala parati ng puso niya. Ang boses ni Jarren.
"When you feel the sunlight fade into the cold night, don’t know where to turn. And all the dreams you're dreaming seem to lose their meaning, let me in your world..."
Sandaling nanlambot ang mga tuhod ni Cammi. Maganda pala ang boses ni Jarren. Malamig iyon sa tainga kaya masarap pakinggan. Pero ang higit na nakaantig sa kanya ay ang emosyon sa boses nito pati na ang mensahe mismo ng kinakanta nito. Pakiramdam niya ay kinakausap siya nito sa pamamagitan niyon.
"All you need is someone you can hold. Don't be sad, you're not alone. I will be here for you somewhere in the night. I'll shine a light for you. Somewhere in the night, I'll be standing by..."
Namasa ang mga mata ni Cammi. Hinayaan niyang tangayin nang malamig na boses na iyon ang lahat ng namuong pangamba at takot sa puso niya dala nang inaakalang pagkawala ni Jarren. Tuluyang bumagsak ang mga luha niya. Paano na siya kung mawawala ito? Makakaya niya ang pagkawala ng paningin pero hindi ito... Dahil mahal niya na si Jarren. Lalo siyang nanlambot sa naisip.
Kinapa niya ang pasimano ng hagdan. Dahan-dahan siyang naupo sa huling baitang. Sa wakas ay nagawa niya na ring aminin sa sarili ang bagay na iyon. She kept denying it to herself because she thought that it wasn’t the right time to acknowledge her feelings. Her life was still a mess. Besides, she didn’t know if Jarren felt the same.
"In this world of strangers, of cold and friendly faces, there's someone you can trust. I will be your shelter; I'll give you my shoulder. Just reach out for my love..."
Marahang ipinikit ni Cammi ang mga mata at isinandal ang ulo sa balustre ng hagdan. Ninamnam niya ang pangako sa likod ng kantang gusto niyang angkinin na para sa kanya.
For the past months, in the lowest point of her life, when she thought that faith and hope were impossible to find, like a miracle, Jarren came. Hindi siya nito tinigilan hanggang sa wala na siyang magawa kung hindi ang bumangon mula sa pagkakalugmok. She had been writing for almost a week now. Julianna eagerly brought her laptop the moment she heard about her plan.
Jarren taught her how to embrace the sun, how to embrace the night, and how to embrace her life no matter how difficult it was to do that. Tinuruan din siya nito kung paano tanggapin uli ang kanyang sarili, kabilang na doon ang mga kakulangan niya. He made her acknowledge her fears and through that, he taught her how to be strong. Hindi niya pa masasabing matapang na siya ngayon. But she could proudly say that she was getting there. The pace didn’t matter to her now. What mattered were the destination and the belief that she would get there if she try harder.
Pero higit pa roon ang itinuro ni Jarren sa kanya. Tinuruan rin nitong makaramdam ang puso niya ng isang emosyon na hindi niya akalaing posible niyang maramdaman sa uri ng sitwasyong kinasusuungan. He taught her how to fall in love with him. And that was not so hard.
And in Cammi’s heart, she was hoping against hope that Jarren feels the same way, too. Gusto niyang isipin na may nararamdaman rin ang binata para sa kanya na siyang dahilan nang pagsama nito sa kanya sa isla at pagtalikod sa buhay nito sa Manila. Tutal, hindi naman siguro masama ang umasa. Natatandaan niyang single pa si Jarren nang minsang basahin ni Julianna sa kanya ang ilang impormasyon mula sa biodata ng binata ilang araw bago sila nagpunta sa isla. At kung may napupusuan man ang binata sa siyudad, siguradong hindi ito sasama sa kanya ng ilang buwan roon.
Jarren was a thirty year old businessman. Hindi niya na maalala pa ang ilang detalyeng sinabi ng kaibigan. Ang mga bagay na naaalala lang ang tanging tumino sa kanyang isipan sa hindi niya malamang dahilan noong mga panahong iyon. Maybe, at that time, that early, a part of her had sensed that Jarren would play a big part in her life.
"Call my name and my heart will hear. I will be there, there's nothing to fear..."
"Ma'am Cammi, okay lang po ba kayo?" Biglang nahinto ang pagtugtog nang umalingawngaw sa paligid ang malakas na boses si Roldan, isa sa mga bodyguard niya. Mabilis na dumilat siya. Ilang sandali pa ay maagap na inalalayan siya nito patayo.
"Cammi? Bakit ka nandyan? May nangyari ba?" Naulinigan niya ang matinding pag-aalala sa boses ni Jarren na sa palagay niya ay papalapit na sa kanya nang mga oras na iyon.
Umiling si Cammi saka sinabihan nang umalis si Roldan matapos magpasalamat rito. Naramdaman niya ang mga palad ni Jarren na humaplos sa kanyang mga pisngi.
"May masakit ba sa 'yo? May problema ba? Tell me."
MULING tumulo ang mga luha ni Cammi. Now she understood why her heart beats so fast whenever this man was around. Inalis niya ang mga kamay ni Jarren sa kanyang pisngi pagkatapos ay inabot ito at mahigpit na niyakap.
"Hey... what's wrong?"
She smiled despite the tears. "I want you to be proud of me. From now on, I want you to sleep in the room next to mine. Kasi Jarren sa tingin ko, kaya ko nang mag-isa."
Naramdaman niya ang biglang paninigas ng katawan ni Jarren. "W-what? Bakit? May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan? May problema ba tayo-"
"No, it's not that." Mabilis na sagot ni Cammi. "I am not afraid anymore, Jarren. Alam mo ba kung ano na lang ang ikinakatakot ko ngayon? Ang mawala ka sa buhay ko. You strengthened me. I love you."
Napasinghap si Cammi nang bigla na lang humiwalay si Jarren sa kanya. Kasabay nang paglaho ng ngiti niya ay ang paglaho rin ng saya sa puso niya.
"A-ano’ng sinabi... mo?"
"I said I love you." Ulit pa rin ni Cammi kahit na kinakabahan. "I've fallen for you, Jarren. Noong una, ang akala ko, nakikita ko lang si Papa sa 'yo, na nararamdaman ko lang siya sa 'yo. That was the reason why I held on to you. Pero habang tumatagal, nag-iiba na ang rason na iyon nang hindi ko namamalayan. Bigla, hindi na ako mapakali kapag nasa malapit ka. Kinakabahan ako pero parati naman kitang gustong makasama." She sighed. "My heart beats so wild that I thought I'd go crazy at times. Jarren, mahal kita. I’ve never felt something as strong as this before and I’m taking my chances now. I saw light in you. I continued to see the light though I was blind because of you-"
"Heck, sweetheart." Jarren cut her in a shaky voice. "You talk too much. I love you, too. I love you so much." Anang binata bago siya hinapit sa baywang at siniil ng halik sa mga labi.
For the first time since her father died, happy tears fell from her eyes.
"I LOVE HER, Gavin." Naghihirap ang loob na sinabi ni Jarren sa kaibigan nang tumawag ito at masayang ipinaalam sa kanya na mas tumaas pa ang ratings nila ayon sa latest survey. Pero wala sa station ang isip ni Jarren. Naroon iyon sa babaeng pinagmamasdan niyang nagsisikap para mabuo uli ang sarili nito. Nasa bukana siya ng kwarto ni Cammi habang abala naman ito sa pagta-type sa laptop nito.
"I've fallen for her. Akala ko noong una, simpleng paghanga lang ‘tong nararamdaman ko na nauwi sa guilt dahil sa nangyaring aksidente. But no. Every single day that I spent with her, I tend to forget about the guilt... about every thing, about the reasons why I shouldn't love her."
Natutop niya ang noo kasabay nang pagtalikod sa direksiyon ni Cammi. Alam ng Diyos na sinubukan niyang gawin ang lahat para pigilan ang nararamdaman pero hindi niya magawa. Lumago nang lumago ang paghangang nadarama niya para sa dalaga hanggang sa namalayan niya na lang na hulog na hulog na pala siya. At ang pagmamahal na iyon ay parang kumunoy na kahit na anong pagpupumilit niyang makaahon ay hindi niya magawa. He was stuck. All these crazy times, Cammi thought he was helping her but she was wrong. Dahil ang totoo ay siya ang tinutulungan nito.
Sa tuwing nakikita niya ang pagngiti ni Cammi, siya ang binibigyan nito ng pag-asa. Tuwing niyayakap siya nito, siya itong binibigyan nito ng seguridad. He taught her how to embrace the sunlight because he wanted to bring back the favor. Because by merely seeing her, amidst their situation, her presence still managed to offer him sunshine... and joy.
Pero ngayon, kasabay nang pagkatuklas sa nararamdaman, muling lumutang ang takot sa puso ni Jarren. Paano kapag dumating ang araw na matuklasan ni Cammi ang tunay na pagkatao niya? Paano kapag nalaman nitong anak siya ng mismong taong dahilan ng pagkamatay ng ama nito at pagkabulag nito? She would hate him, for sure. She would never forgive him. She would certainly leave him. He knew he should have prepared his self a long time ago for that. Pero ano man ang gawin niya, mapaghahandaan niya ba ang bagay na iyon? Cammi would always refuse to talk about Eduardo but he would often catch a glimpse of hatred in her eyes. At hindi niya ito kailanman masisisi.
"Komplikado 'yan, pare." Sa wakas ay sagot ni Gavin, ang tanging taong napagsasabihan niya ng mga nararamdaman. "You're a wonderful man, bro. There is no doubt about that. Cammi could love you back. But the question is whether her love for you is big enough for her to forgive and forget."
JARREN tried his damnest to fight back the tears upon remembering Gavin's words the other day. Lalo niyang inilapit si Cammi sa kanyang katawan para mas maramdaman ang init ng yakap nito. He had never been this scared. Takot na takot siyang mawala ang dalaga sa buhay niya. But sooner or later, she had to find out the truth.
Tomorrow and the next days to come, I will remind myself to hold you and kiss you like this. Naisaloob ni Jarren bago pumikit at dinama ang mga labi ni Cammi na unti-unti na ring tumutugon sa kanyang bawat halik. He smiled. Cammi's lips tasted exactly what he had always thought of them; they were achingly sweet and soft. It was a divine feeling to be holding and kissing her like this. Lalo na at hindi marunong humalik ang dalaga. It was his life’s greatest honor to be the one teaching her.
Slowly, painfully, Jarren guided her lips until Cammi was finally able to get the rhythm. Their worlds collided and he almost exploded. I will always remind myself to hold you and kiss you like this because I don't know how long I will be lucky enough to do this. Cammi, mahal na mahal kita.