"WHERE are you taking me?" Kunot ang noong tanong ni Cammi kay Jarren nang umagang iyon. "Put me down. Kaya ko namang maglakad. Hindi naman ako lumpo. Bulag lang ako." Nabahiran na ng insekyuridad ang boses niya. Akala ko pa naman, hindi ko ito mararamdaman sa 'yo, Jarren.
Gabi na nang makarating sila noong nagdaang araw ni Jarren sa isla. Sumakay sila sa helicopter na pag-aari ng kompanya ng ama niya papunta roon. Ibinaba sila niyon sa mismong isla. Ayon kay Jarren ay walo umano ang mga lalaking sumalubong sa kanila roon. Mayroon daw malaking kubo ang mga ito malapit sa konkretong bahay na tinutuluyan nila at doon umano pansamantalang maninirahan ang mga guard. She sighed. Noong nakakakita pa siya ay hindi siya pumayag na magkaroon ng body guard kahit isa sa kabila ng paggiit ng ama. But now, she had eight of them. Great. Just great.
Natupad ang gusto ni Cammi. Hindi nila kasama si Theresa sa pagpunta sa isla. Matapos nilang maghapunan noong nagdaang gabi ng binata ay ito ang nag-assist sa kanya papunta sa magiging kwarto niya na katabi lang umano ng kwarto nito. But Jarren was not able to use his room. He tucked her to bed like he usually does. And she fell asleep in his arms once more. Naiinis na rin siya sa sarili dahil nasasanay na siya sa yakap nito. Pakiramdam niya ay kailangan niya pa ang tulong nito para makapagpahinga. In just a matter of days, Jarren had become a huge necessity in her life.
Cammi was starting to hate herself for being so fragile, for being so vulnerable when he was around. But she liked him near. Ayaw man niyang aminin ay gusto niyang marinig ang boses ni Jarren. Masarap iyon pakinggan. Malambing iyon at para bang parating puno ng init. Sa tuwing naririnig niya ang pangako sa salita nito, pakiramdam niya ay kaya niya kahit paano na magtiwala roon at hindi maligaw.
Nang umagang iyon, nagising siya sa malakas na pagtibok ng puso ni Jarren. Naramdaman niyang gising na rin ang binata. Pero normal na sa kanya ang ritmong nililikha ng puso nito. Maybe that was one of the reasons why she likes sleeping in his chest. She didn’t know why but hearing his heartbeat comforts her heart.
Matapos nilang mag-almusal ni Jarren na iniluto ng isa sa mga gwardya roon na hindi lang pala nagbabantay sa kanila kundi siyang magluluto para sa kanila ay hinayaan lang siya ng binata na magpahinga sandali bago siya nito binuhat palabas.
"Ibababa rin kita pero mamaya na." Masuyong wika ni Jarren mayamaya. "Dahil kapag ibinaba kita ngayon, siguradong matatakot ka. You would shrink away and hide somewhere again. You are so afraid to move, Cammi."
"Who wouldn't?" Hindi napigilang asik ni Cammi.
"Hindi mo naman kailangang matakot. Nandito ako. Pero sa pagkakataong ito, hindi na ako papayag na to the rescue lang lagi sa 'yo. You have to make an effort, sweetheart. Every time you need me, I want you to take a step forward." Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Jarren. "Kahit isang hakbang lang, o kahit kalahating hakbang pa 'yan mula sa 'yo, okay na sa akin. I will consider that as an improvement. I would gladly take the rest of the steps to be with you. You don't even have to meet me halfway."
Para bang may nagbarang kung ano sa lalamunan ni Cammi sa narinig. "Jarren..."
Hindi niya na narinig pang nagsalita ang binata. Namilog ang kanyang mga mata nang dahan-dahan na siyang ibaba nito. Nakaramdam siya ng panlalamig. Ibinaba siya nito sa tubig! At sa tantiya niya ay hanggang dibdib niya iyon. Sa gitna ng lamig ay namuo ang ilang butil ng pawis sa kanyang noo nang maramdaman ang unti-unting pagbitiw ni Jarren sa kanya hanggang sa hindi niya na ito makapa sa kanyang tabi.
"Jarren!" Natatarantang pagtawag rito ni Cammi. Sumibol ang matinding takot sa puso niya. Iniwan na ba siya nito? "Jarren!"
"Come on, sweetheart. Move. Hindi ka naman malulunod." Kahit pa narinig ni Cammi ang panghihikayat sa boses ni Jarren ay nanatili siyang animo tuod lang na nakatayo roon sa takot na maipahamak ang sarili. "Ang sabi ni Julianna, gustong-gusto mo raw sa tubig noon. In fact, I was told that you love the beach and that you're a good swimmer."
Kumuyom ang mga kamay ni Cammi. Sa loob ng ilang sandali ay tumaas-baba ang dibdib niya sa galit. "Look at me!" She hissed. "Are you crazy? Do you think I can swim in this state?"
"I didn't tell you to swim, Cammi." Mahinahon pa ring sagot ni Jarren. "I only told you to move. Simula nang maaksidente ka, palagi ka na lang nagkukulong sa kwarto mo. Ayaw mo namang gumamit ng cane. You're always on the bed. You don't move an inch. Kung hindi ka pa pipilitin, hindi ka pa lalabas sandali. You've been depriving yourself of the sun. Hindi ka na naaarawan."
Napalitan ng tensiyon ang nararamdaman ni Cammi nang para bang palayo na nang palayo ang pinagmumulan ng boses ni Jarren. "Jarren! You jerk! Don’t leave me! Come back here!"
"Nakahanda akong maging mga mata mo, Cammi. Ipinapangako kong tutulungan kita at magsisimula iyon sa araw na ito. I wouldn't let you be stuck in a life that you don't deserve." Bahagyang dumiin ang boses ni Jarren. "Ang takot ang siyang nag-iisang bagay na bumubulag sa isang tao. When you think less of everything, less of the danger that might happen when you walked past your comfort zone, you can start to see things in a different way. So, I urge you, sweetheart. Move. Take a step forward."
Naramdaman ni Cammi ang bahagyang paggalaw ng tubig. Nanigas siya. Damn it but she was really scared. "Jarren!" Tumulo na ang mga luha niya pero wala man lang siyang narinig na sagot mula sa binata. Muli niyang naramdaman ang may kalakasan ng paggalaw ng tubig na iyon sa kanyang dibdib. "Jarren!"
Nagkaroon na ng pagtunog ang kanyang pag-iyak. Heck, she was totally blind and there she was... Helpless somewhere in the sea. Kasabay nang paglaki ng takot niya sa bawat segundong lumilipas na hindi niya nararamdaman o naririnig si Jarren ay lumalaki rin ang galit niya para sa binata. How dare he do this to her? Muling tumulo ang mga luha niya kasabay ng dahan-dahang paggalaw ng kanyang mga paa. "Damn you, Jarren! Jerk! I hate you!" Sinabi niya bago muling nag-aalinlangang humakbang. She could feel the sand brushing her feet. She took one more careful step. "I swear, after this, I will fire you and-"
Bago niya pa man matapos ang ang sasabihin ay naramdaman niya na ang pamilyar na pagyakap na iyon mula sa kanyang likod.
"You made it! I am so proud of you, sweetheart! Nakatatlong hakbang ka. Sa mga darating na araw, siguradong mahihigitan mo pa iyon."
Namangha si Cammi sa sarili nang ma-realize ang sinabi ni Jarren. Oo nga, nakahakbang siya nang walang umaalalay sa kanya. Nakagalaw siya nang mag-isa at sa gitna pa ng dagat! "My God..." Muling tumulo ang mga luha niya hanggang sa muling magkaroon iyon ng tunog. For a moment, they just stood there, with his arms around her waist as she wept for relief, for fear, and for tension that she felt earlier.
"Hush now," Naramdaman ni Cammi ang paghalik ni Jarren sa kanyang ulo. "See? Kaya mo naman, Cammi. Natakot ka lang. I'm really proud of you, sweetheart. You made it! Mamaya, pagbalik natin sa bahay, we will pray."
"You pray?" Manghang ulit ni Cammi. “Really?”
Humigpit ang pagkakayapos ni Jarren kay Cammi. "I think it's high time that we renew our faith together."
"WHAT IS taking you so long?" Nakakunot na ang noong wika ni Jarren mula sa labas ng banyo. Ganoon na lang palagi ang sitwasyon nila ni Cammi sa tuwing maliligo ito. Madalas, para siya pusang hindi mapaanak na naghihintay rito. Palagi siyang kinakabahan sa tuwing papasok ito sa banyong mag-isa sa pag-aalalang baka madulas ito o kung ano kahit pa naipakabisado niya na rito ang direksyon ng mga kagamitan sa banyo. "I told you, you will still need Theresa."
"Kaya ko naman. Lumabas ka na, Jarren. I will be fine." Sagot ni Cammi mula sa loob. "I can manage."
"Are you sure?" May pagdududa pa ring tanong ni Jarren.
"Yes." Simpleng sagot ng dalaga. "Now, go."
Napailing na lang si Jarren bago nagpasyang manatili sandali. Sumandal siya sa pader malapit sa pinto ng banyo. Mag-iisang linggo niya nang ginagawa iyon. Lumalabas lang siya ng kwarto ni Cammi sa tuwing nakakalabas na ito ng banyo suot ang robe nito. Pero tinitiyak niyang hindi siya mararamdaman ng dalaga sa paglabas niya dahil sigurado siyang magagalit ito. But she was too precious that he just couldn't help but worry.
Mayamaya ay narinig niya na ang pagbukas ng pinto ng banyo. Nakahinga na siya nang maluwag. Nilingon niya si Cammi para lang mapaawang ang bibig sa nasaksihan. Wala itong tapis na tuwalya. Wala rin itong suot na robe o ano man. Napalunok siya. Gustuhin man niyang maglihis ng tingin ay hindi niya mapigilan. For a long while, Jarren's eyes devoured the goddess right before him. Nilagpasan siya ng dalaga. Dahan-dahan itong naglakad papunta sa closet roon. Hindi niya namalayang hindi pala ito nakapagdala ng kahit na ano nang pumasok sa banyo. Ilang sandali pa ay humarap ito sa direksiyon niya at... nagbihis.
Heck, Cammi was simply gorgeous and sexy with droplets of water still dripping on her naked glory. She may not be aware of it but the way she moved was so sensual. Lalong bumilis ang pagtibok ng puso ni Jarren kasabay ng kung anong pag-iinit na nararamdaman. Naikuyom niya ang mga kamay. He wanted to reach out to her, to touch her, and to kiss her but he tried to stop his self. Masyado na siyang maraming kasalanan sa mga McNiall para dagdagan pa dahil sa mga makamundong bagay na naiisip niya ngayon.
Sa kabila ng nangyaring aksidente ay walang nagbago kay Cammi maliban sa pagkawala ng kislap sa mga mata nito, pagkawala ng ngiti nito pati na ng tiwala nito sa sarili. Naghilom na rin ang ilang mga galos ng dalaga. She was still as lovely as she was before. Kaya halos sanay na siya sa kakaibang reaksiyon na iyon ng puso niya sa tuwing nakikita ito. Para iyong parating nagwawala. But that moment was different. His heartbeat suddenly went even wilder, his breathing became rugged.
Nang makapagsuot na ng panloob ang dalaga ay saka lang namalayan ni Jarren na nahigit niya na pala ang hininga. Geez. What the hell am I doing? Naiinis na pagkastigo niya sa sarili bago dahan-dahan nang lumabas ng kwarto. Hindi niya tuluyang isinasara ang pinto para madaling makaalis ng hindi namamalayan ni Cammi. Kampante naman siya dahil hanggang unang palapag lang ng bahay nag-iikot ang mga gwardya.
Nang tuluyang makalabas na ng kwarto ay napasandal si Jarren sa pader sa gilid ng pinto. He felt like seeing Cammi took away all his strength. Naipikit niya ang mga mata pero tuksong pumasok sa isip niya ang nakitang hubo't hubad na anyo ng dalaga. Nagmamadaling nagmulat siya pagkatapos ay naihilamos ang mga palad sa kanyang mukha. He felt the insides of him on a sudden fire. He groaned. What am I going to do with you, Cammi? And what am I going to do with what I feel for you?
"A-ANAK?"
Nagtagis ang mga bagang ni Jarren pagkarinig sa itinawag na iyon sa kanya ng ina. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang cell phone. It has been years since he last heard her call him that way. But he refused to be affected. Hindi niya kailangan ng ina na tatawagin lang siyang anak kung kailan nito maalala. Matapos ang gulong pinagdaanan nila ng kanyang ama dahil rito, wala na itong karapatang makaalala pa.
"Saka mo na ako tawaging ‘anak’ kapag kaya mo nang magpakaina, Beatrice." Nagyeyelong wika ni Jarren. "Ano’ng kailangan mo? Sabihin mo na agad. I don't have much time."
"N-ngayon lang kita na-contact. M-madalas kasing... naka-off ang phone mo. Nami-miss na kita, Jarren. Nasaan ka ba? P-pwede ba tayong magkita?" Bumuntong-hininga ang kanyang ina sa kabilang linya. "N-naghiwalay na kami ni Larry. I'm so sorry. I'm sorry for everything." Narinig niya ang paghikbi nito. "N-nag-usap na kami ng Papa mo. W-we are... w-working things out again. I hope the three of us could meet again and talk this out. Alam kong huli na masyado para dito pero gusto kong bumawi sa inyo ng Papa mo, anak."
"Bakit?"
"Nagkamali ako. You and your Dad had been so busy. Hindi ko na naramdaman ang halaga ko sa buhay n’yo. I-I felt useless. When I met Larry the first time I dared to go to a bar, h-he gave me the attention I was searching for. Pinaramdam niya sa akin na mahalaga ako. P-pero maniwala ka sanang walang n-nangyari sa amin, a-anak. After the... a-accident, I ended everything with him. I'm so sorry." Humagulgol ito. "I'm so sorry I failed you and your Dad. Nagkulang ako sa pang-unawa."
Mariing naipikit ni Jarren ang mga mata. What he heard were almost the same to his father's words before the latter went to the prison. Namasa ang mga mata niya nang sa muling pagmulat ay natanaw si Cammi sa veranda. Nakapikit ito habang nakabukas ang mga braso sa ere para damhin ang init mula sa sikat ng araw. Sa isang iglap, para bang may ilang libong patalim na humiwa sa puso niya sa nakita. Jarren smiled as his tears fell. That was exactly what he taught Cammi a few months ago.
My Cammi...
"J-Jarren, please let’s-"
"So, that was it, Beatrice? You just strived for self-importance?" Hindi makapaniwalang nasambit ni Jarren pagkaraan nang ilang segundo. Nang mga panahon na ayon sa ina ay hindi nila ito napagtuunan ng atensiyon ng ama ay abala siya sa pag-aayos ng mga problemang teknikal sa negosyo nila ni Gavin. Nagkataon na noong mga panahong iyon ay bigla na lang nagpakasal ang kaibigan at nag-leave ng halos dalawang buwan sa trabaho kaya siya ang solong bumalikat sa pamamahala pati na sa problema sa kanilang istasyon. Halos hindi na siya nakakauwi noon. Habang itinakas naman ng male secretary ng kanyang ama ang pera sa vault ng huli sa opisina nito.
Their architectural firm went upside down after that. Nang matagpuan naman ng ama sa wakas ang secretary nito ay wala na ang pera. Eduardo had to move heaven and earth just to make sure that he would not lose the firm that Jarren's grandfather worked so hard to build. Matapos maipakulong ang secretary ay nangutang ito sa mga bangko. Little by little, he had managed to find his way up again in the industry. Nagkataong nagkasabay ang mga problema sa sari-sariling negosyo nila ng kanyang ama kaya naging abala sila pareho pero ipinaliwanag naman nila iyon kay Beatrice. Bukod doon, noon lang mga sandaling iyon hindi nila nabigyan ng oras ang huli.
Jarren and Eduardo, despite their hectic schedule, would always try to make time for their family. Ipinangako nila kay Beatrice na sa oras na matapos ang mga problema nila ay saka sila babawi rito. It took Jarren almost four months to solve the problem in the station while Eduardo took almost a year to regain his family's firm back. Nang gusto niya nang bumawi ay saka niya naman nahuli ang ina na may kasama nang iba.
The very first time Jarren witnessed his mother’s betrayal, he had always wanted to know why she had to resort to something like that to hurt their family. He wanted to hear her explanation. Kung noon niya siguro nalaman iyon, may nabago sana. Pero ngayon… What he heard didn't help, not even a bit. Lalo pa siyang nasaktan nang malaman ang katotohanan. Because of Beatrice's own selfish reasons, because of his father's foolish acts, someone lost the only family she had, someone had lost the ability to see, and someone had to endure immense pain and grief.
"Sana, sinabi mo 'yan noon, 'Ma. Makikinig naman ako-kami ni Papa. We may have been busy at that time, but you should know that we would still be willing to lend an ear no matter what we’re doing. All you had to do was just to say the word. ‘Di ba gano’n naman tayo dati? We were never used to hiding our feelings to each other. We used to share everything to each other. What happened to us, ‘Ma?"
Had Jarren known Beatrice was feeling that way, he would have tried his damnest to reach her out. The problem was that... he and Eduardo thought that she would understand. Hindi ba naging sapat ang pagpapadama nila ng pagmamahal kay Beatrice para magkaganoon kaagad ito? "Hindi na sana umabot pa sa ganito ngayon." Jarren's voice broke. "In the process of finding your self worth, you have lost yourself, Beatrice. You've lost Dad. You've lost... me. We’ve lost so many chances. And innocent people suffered because of that."
Nang hindi na makayanan ay pinindot na ni Jarren ang end call button at tuluyang ini-off ang cell phone. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa buhangin. Tinalunton niya ang daan pabalik sa mansiyon saka dumeretso sa veranda. Jarren's tears fell once more upon the sight of Cammi. If only she wasn’t suffering, if only she wasn’t hurt, if only the accident didn’t happen, it would have been easier for him to forgive, to forget, and to let go. He would probably rushed back to his mother to try to fix their relationship because despite the horrible things that took place, the fact that she was his mother would never change.
But the accident destroyed what little chance his family had of starting afresh.
"Jarren?" Cammi called out softly when she must have felt his presence.
"I'm right here." Garalgal pa rin ang boses na sagot niya.
Nagmulat si Cammi. Kunot ang noong humarap ito sa kaliwa kung saan siya mismo naroroon. "Hey, what's wrong? Why is your voice like that?"
Nang makita niya ang mga mata ng dalaga, pakiramdam niya ay tumigil sa pagtibok ang puso niya. Alam niyang hindi siya nito nakikita. But her lovely innocent eyes made him so ashamed of his self and of his family at that very minute. I'm so sorry, Cammi. His heart whispered agonizingly. I'm so sorry.
"Are you crying?" Bumakas ang pagkabigla sa anyo ng dalaga.
"Of course not. Napuwing lang ako."
Bumuntong-hininga si Cammi. Alam niyang hindi na ito naniniwala sa palusot niya pero ngumiti ito-sa kauna-unahang pagkakataon makalipas ang apat na buwan. Rumehistro ang pang-unawa sa mga mata nito. Ibinuka nito ang mga braso nito. "Come here."
Pero nanatiling nakatayo lang doon si Jarren. Cammi's smile seemed like an oasis in the midst of the desert. It was breathtaking. At matapos ang naging usapan nila ng ina, kailangang-kailangan niya ang ngiting iyon.
Nag-ulap ang mga mata niya kasabay nang muling pagluha. Pumaloob siya sa mga braso ng dalaga. He knew he didn’t deserve that embrace. Still, he wanted to indulge his self. Kahit ngayon lang.
When God made that smile possible for you, Cammi that moment, God must have been thinking about me. He must have been thinking how badly I needed that smile right now.