ANOTHER SUN had set, Cammi. It’s the two hundred and fifty-seventh sun set that we had not spent watching together. And the view was still beautiful, no doubt. But it wasn't as magical and as heartwarming as it was before because you're not with me. Where are you, sweetheart? Nakikita mo ba ang nakikita ko ngayon? Nararamdaman mo rin ba ang nararamdaman ko ngayon? Anang isip ni Jarren habang nakatitig sa papadilim nang kalangitan.
Mahigit walong buwan na simula nang tuluyang mawala sa kanya si Cammi, walong buwan na ring hindi umuusad ang buhay niya. Jarren's life stopped from the very day Cammi found out the truth. Nagkasundo at nagtulungan na sila ni Julianna sa paghahanap sa dalaga pero hindi nila ito matagpuan. Ang huling balita nila ay noong nagpunta ito sa Texas na mula sa ulat ng private investigator na inupahan nila.
Pero hindi na nila na-trace uli si Cammi. Personal siyang nagpunta sa Texas kung saan ito huling nakita para hanapin ito pero para siyang naghahanap ng karayom sa bunton ng mga dayami. Halos dalawang linggo rin siya roon bago siya bigong bumalik sa Pilipinas. He went back to being a disk jockey every night. He and Gavin managed the station during day time, pero siya lang ang nag-insist na magtrabaho pa rin sa gabi. Halos sa opisina na siya natutulog.
Every night, he would sleep feeling as empty as he felt the other day. Linggo-linggo siya bumibisita sa ama niya kaya hindi maiwasan na magkita sila ni Beatrice. Deep inside, alam niyang napatawad niya na rin ang ina. At tanggap niya na rin ang pagkakamali ng ama. Dahil bali-baliktarin niya man ang mundo, wala naman siyang magagawa kundi ang tanggapin ang mga nangyari dahil magulang niya pa rin ang mga ito.
Si Cammi kaya, mahanap pa kaya nito sa puso nito ang pagtanggap at pagpapatawad? Siya kaya, mahanap niya pa kaya sa puso niya ang pag-asa, saya at liwanag na lahat ay tinangay ni Cammi palayo sa buhay niya?
Nang tuluyang dumilim ay ibinukas niya ang mga braso sa ere at marahang pumikit. Nasa tuktok siya ng pag-aari nilang building ni Gavin nang mga sandaling iyon. Every morning, he was there to witness and embrace the sunrise. He would do the same when the evening comes and embrace the night. No matter how crazy the idea was, it makes him feel somehow closer to the woman he ever loved.
Where are you, my light? His heart whispered. Show up, please... Before I get used with the dark.
"HOW WAS your day?" Nakangiting bungad ni sister Caroline matapos itong mapagbuksan ni Cammi ng pinto sa hotel room na tinutuluyan nila at ng iba pang mga kasamang madre. Si sister Caroline ang tumulong sa kanya anim na buwan na ang nakararaan. Kahit may sariling apartment ay umalis siya doon at nagpakupkop sa mga madre. Kumapit siya sa mga ito at sa pananampalataya ng mga ito. She told them her story and they accepted her wholeheartedly.
Sa loob ng mga nakalipas na buwan ay sumasama-sama siya sa outreach programs ng mga ito sa iba't ibang bansa na suportado ng mga may-kayang sektor sa Amerika kung saan nagmumula ang pondo ng mga ito. Marami na silang feeding programs na naisagawa. Kung saan-saang lugar na din sila nakarating. And little by little, she had found her purpose. She had found a way to start living again.
Cammi had found peace, acceptance, and faith. Hindi na gaanong sumasakit ang dibdib niya sa tuwing naaalala ang ama at ang aksidenteng sinapit noon. Marami siyang natutunan sa kanyang naging paglalakbay. Sa bawat batang kalye na napapakain nila ay nakakatanaw siya ng pag-asa para sa sarili. Mapalad pa rin siya kompara sa iba. Nakita at nakilala niya ang kanyang mga magulang. Lumaki siyang masagana. Minahal siya ng kanyang pamilya. She had been blessed all her life. And it took her those street kids to make her realized that.
Sa buhay niya, ilang beses siyang nalihis ng landas pero palaging may mga ipinapadalang tao ang Diyos para tulungan siya. After her father died and her eye sight gone, there was Julianna, Carlos and then... there was Jarren. She thought she was blinded by the truth but the nuns made her realized that it was the pain that blinded her. Binuksan ng mga ito ang mga mata niya tungkol sa tunay na sitwasyon na pareho nilang hindi kontrolado ni Jarren.
Aminado siyang mahirap ang makalimot. Lalong mahirap ang magpatawad at tanggapin ang mga nangyari. Two hours before she left the Philippines a year ago, she came back to the jail and talked to Eduardo. Pinakinggan niya man ang mga dahilan nito ay hindi niya naman nagawang unawain ang mga iyon.
Eduardo's reasons even made her all the more broken. Nang dahil sa kapabayaan nito, nang dahil sa sa asawa nito na naghahanap lang pala ng atensiyon, nang dahik mismo sa pagpupumilit ni Eduardo na mag-drive sa kabila ng kalasingan nang hindi inalintana kung may ibang tao mang masasagasaan o mababangga ay nangyari ang aksidente na bumago nang tuluyan sa kani-kanilang mga buhay.
"But Eduardo is in jail now, like you said. He's paying the price for what he did. Honestly, I pity the old man." Naalala niyang sinabi ni sister Caroline noon. "Because he will forever suffer there while your father had probably found his peace with your mother. Your parents are together now. Maybe Henry was really destined to leave your side that very night.
“Maybe if the accident didn't kill him that day, another one will come. I want to believe that his fate was already decided. If our Lord didn't want to take him, He would have saved Henry like He did to you. Maybe Henry's mission was over and yours was not that's why He made you alive. Actually, I think we ought to pray for Eduardo more now that he may be able to find his own peace, too. And child, based on your story, I think Jarren really did love you. No man would do such extent to help a woman. Now, Cammi," The nun smiled warmly. "I want you to think about it and reflect."
Nang marinig niya ay para siyang nagising mula sa mahabang pagkakahimbing. Four months ago, she suddenly had the desire to go back to the Philippines. Pero pinigilan niya ang sarili. Sa pagkakataong iyon ay ginusto niya na munang timbangin ang lahat at makasiguro sa totoong gusto niyang mangyari. She held on to sister Caroline's favorite verse; that was Ecclesiastics chapter three verse one to eight. There is an appointed time for everything... So Cammi waited.
“Cammi?”
"It was a lovely day, as usual, sister." Sa wakas ay sagot ni Cammi. Hindi nakasama ang madre sa isinagawang feeding program sa araw na iyon dahil umatake ang migraine nito. Kaya ang ibang mga madre na lang ang naging katuwang niya. Namasa ang mga mata niya. She will surely miss the loving nuns. Dahil ang araw na iyon na ang huling araw niya sa kanlungan ng mga ito. Bukas ay nakatakda na ang pagbabalik niya sa Pilipinas.
Tinawagan niya na ang ninong Carlos niya para magpasundo rito sa airport. Isang taon din niyang pinutol ang communication sa mga ito para buuin ang kanyang sarili. Mabuti na lang at hindi pa nagpapalit ng contact number ang mga ito na inilista niya noon bago siya tuluyang nagpalit ng sim card pagkarating niya sa Amerika. She smiled inwardly. She could still remember Carlos' voice as he told her how worried he had been.
Nakahanda na siyang magpatuloy uli. Her plans were set. Gusto niyang pag-aralan ang pamamalakad sa kompanya ng ama para magkaroon na ng katuwang ang Ninong niya. Gusto niyang pagyamanin ang mga iniwan ng kanyang ama.
Napakasuwerte niya kay Ninong Carlos at kay Julianna pero ngayon niya lang iyon mas naramdaman. The two were the only family she had left. Hindi niya lubos akalaing kung kailan siya nag-iisa ay saka niya mari-realize ang kahalagahan ng mga ito sa kanya, higit lalo ang kahalagahan ni Jarren sa buhay niya.
Wala na silang magagawa pa ni Jarren para sa nakaraan. At na-realize niyang hindi na tamang maapektuhan pa ang kasalukuyan at hinaharap nila dahil sa mga nangyari sa nakaraan na hindi naman nila kagagawan. Mahal niya pa rin si Jarren. At ang pagmamahal na iyon na kailanman ay hindi na nawala pa sa puso niya ang tuluyang nagpatakas sa kanya mula sa pagkakalugmok.
Love was one huge and powerful emotion, as the nuns say. And once a person felt that, he could forgive even the hardest thing and could forget even the most painful memory. At gusto niyang paniwalaang ganoong uri ng pagmamahal ang meron siya para kay Jarren.
Isang taon rin ang lumipas. Kung sa pagbabalik niya ay mahal pa rin siya nito, baka posible na silang magsimula uli… baka iyon na ang tamang oras para sa kanila. Pero kung sa pagbabalik niya ay nag-iba na ang nararamdaman nito... naipilig ni Cammi ang ulo. She didn't want to entertain such negative thoughts as of the moment.
Magiliw na hinagkan siya ng madre sa kanyang noo. "Are you ready to come back?"
"Be careful what you wish for, sweetheart. Baka mamaya, kasabay nang pagkahanap mo ng taong para sa 'yo ay pagkahanap ko rin sa Mommy mo. Bigla ay umalingawngaw sa isip niyang sinabi ng kanyang ama noong gabi ng debut niya. Alam mo namang ang Mommy mo lang ang light and joy ko.
Nangilid ang kanyang mga luha. Tama si Henry. Noon ngang nahanap niya si Jarren ay nahanap na rin ng kanyang ama ang kanyang ina kahit pa ang ibig sabihin niyon ay ang habang-buhay na paghihiwalay nilang mag-ama.
You've found Mom... I know you're happy now, Dad. Maybe the nuns were right. The accident was a way towards something beautiful which God created for us. Give my regards to Mom. I miss you both.
"I'm more than ready, sister."
Years ago, she and Jarren were each other's source of light and joy. Dalangin niyang kahit parang imposible ay ganoon pa rin hanggang ngayon.
Jarren, if you found someone, I will understand. But I was hoping you didn't.