HinovelDownload the book in the application

SIMULA

“Pwede ba kitang ligawan?” napakagat ako sa aking labi nang matigilan siya at napatingin sa akin. Bahagyang kumunot ang noo niya bago nagsalita.

“Bakit ikaw ang nag tatanong niyan?” masungit niyang tanong habang naka tingin pa rin ng seryoso sa akin.

“Kasi, ako lang naman yung may gusto.” Tumungo ako. Nakakahiya! Hindi ko alam kung anong naisipan ko at dito ko pa naisipan gawin ‘to. Pero… bahala na! It’s now or never!

“Hindi pwede.” walang pag-aalinlangan niyang sagot at saka ako nilagpasan at nagpatuloy sa paglalakad. Nanuyo ang lalamunan ko nang mabilis siyang naglaho sa harap ko.

Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa.

Hindi.

That is an understatement.

Kulang pa ang langit at lupa dahil baon na baon ako ngayon sa hiya. Ang kaninang grupo ng mga estudyante na nakiki-osyoso, ngayon ay wala na. Paano? Ang sagot lang naman ni Ethan Salazar ang hinihintay ng lahat. At ngayong narinig na nila na wala itong pinagkaiba, agad din naman silang lumisan na parang walang nangyari.

Nang masiguro kong wala na ang lahat, agad kong inayos ang sarili ko at tinali ang buhok kong lagpas ang haba sa aking dibdib. I got dumped okay? Nagmukha akong kaawa-awa doon. Di bale, simula pa lang ‘to. Kung hindi ka makukuha sa santong dasalan, dadaanin kita sa santong paspasan.

Huminga ako ng malalim at palihim na ngumisi. Akala siguro nila ito na ang una at panghuli.

But no. Hindi ako susuko. Ako? Susuko? Nagpapatawa ba sila?

I am Natalie Chase Alejo for a reason.

“Hi Ethan!”, masigla kong bati nang hindi nababatid ang nangyari noong nakaraang linggo. Lunes ngayon at makalipas ang dalawang araw na pahinga ay heto na naman ako.

Tinitigan niya lang ako na para bang nagtatanong kung may kailangan ba ako sa kaniya. This is my second year in high school. Third year siya at kasabay ko ang kapatid niyang si Coleen. Simula pa freshmen silang nagsimula rito. Pero ako, kaka transfer ko lang ngayong taon.

“A-ah, Natalie—”

“Aly.” Putol ko sabay ngiti ko doon sa katabi ni Ethan na sa tingin ko ay classmate niya dahil parati silang magkasama. Nakasuot ito ng makapal na eye glasses habang nahihiyang tumungo nang ngitian ko siya.

“A-aly. Ano, kasi, pasensya na busy kasi si Ethan. Kaya siya ganiyan.”, medyo nauutal na sabi noong lalaking katabi ni Ethan. Malawak pa rin ang aking ngiti at hindi pinansin ang sinabi ng kaniyang kaibigan.

“Kumain ka na?”, muling bumaling ang atensyon ko sa kaniya. Kasalukuyan siyang nagbabasa ng libro. Pinagmasdan ko ang cover nito at namataan ang title na nakalagay.

“PS. I love you by Cecelia Ahern?! Nabasa ko rin iyan. Maganda diba? Pero nakakaiyak.” muli kong pagsasalita. Nakita kong lalo niyang itinago ang mukha niya sa likod ng libro.

Tumikhim na lamang ako at napa iling ng aking ulo. Grabe ka Ethan!!! Hindi ko lubos akalain na ganito mo ko iisnabin.

“Sige, una na ako.” paalam ko at tumango naman yung kaklase niya. Tinignan ko siya na wala pa ring imik bago lisanin ang table na inuupuan nila sa library.

Lumipas ang isang linggo at ganoon pa rin ang nangyayari. Mukha na akong stalker kakahabol sa kaniya araw-araw. Siyempre, hindi ako stalker. Pero dahil memorize ko ang schedule niya at kung saan siya tumatambay kapag break time, nagkakataon na naroon din naman ako.

“Hi Ethan!” muli kong bati habang kumakain sila sa cafeteria. Lunch break ng seniors pero dahil wala kaming teacher ay naglilibot lang ako sa school. Nakita ko lang naman siya dito na nag-iisa kaya ako lumapit.

“Hmm, nasaan yung kasama mo?” malumanay kong tanong sabay ngiti at tingin sa katabi niyang upuan na bakante.

“Absent.” iyon lang ang sinagot niya at muli sinubo ang beaf steak na inorder niya.

“Favorite mo ba yan? Lagi kong nakikita na iyan yung inoorder mo.” nakangiti kong tanong sa kaniya habang nakapangalumbaba sa kaharap niyang silya.

“Wala ka bang klase?” wala sa sarili niyang tanong. Mabilis naman akong umiling bilang sagot. Napatingin ako sa aking relo at muling bumaling sa kaniyang nakatitig sa akin. Umiwas siya ng tingin nang muli ako magsalita.

“May gagawin ka ba mamaya?” pangungulit ko sa kaniya.

Halos pinagtitinginan ako ng lahat ng tao sa cafeteria. Wala kasing naglalakas loob na lumapit kay Ethan bukod sa akin. Oo maraming nagkakagusto sa kaniya. Ngunit alam nilang lahat kung gaano siya ka sungit at ka suplado kaya palihim na lang nila siyang tinitignan sa malayo.

But, that’s not the case for me.

“Marami akong ginagawa.” malamig niyang sagot.

“Bakit ba ang sungit mo sa akin?” nakanguso kong tanong sa kaniya. Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin nang bigla siyang tumayo at nagsimulang maglakad papalayo.

“Ethan Salazar!!!” malakas kong sigaw kaya naman natahimik ang lahat ng kumakain sa cafeteria. Nasa pintuan pa lamang siya nang bigla siyang napatigil sa sigaw ko.

Kunot noo niya akong nilingon na para bang hindi siya makapaniwala sa ginawa ko. Bahagya akong lumapit sa kaniya. Nang medyo naging maliit ang distansya namin ay saka ako nagsalita.

“I will win your heart. You will fall for me. And when you fall, I will make sure you fall hard.” mariin kong sabi at nilagpasan siya. Hindi ako sigurado kong narinig ba ‘yon ng lahat. Pero sinigurado kong narinig niya ‘yon ng malinaw.

Lumipas ang maraming buwan at naging consistent ako. Lagi ko siyang binibisita at hinahatiran ng pagkain sa kanilang klase. Magkakilala na rin kami noong kaibigan niyang parati niyang kasama.

“Arturo! Si Ethan?” bungad ko nang makasalubong siya sa hallway. Hindi ko pa kasi siya nakikita buong araw. Kaarawan ko ngayon, sa wakas! Seventeen na ako. Excited akong hanapin siya para personal na ayain sa bahay namin. May maliit kaming salo salo.

“A-ahh. A-aly. Hindi ko alam eh…” napairap na lang ako. Halatang nagsisinungaling siya.

“Sige na Arturo! Ibibigay ko sa’yo ang number ni Coleen!” nakita kong namilog ang kaniyang mga mata at agad ring yumuko. Napangisi ako, hindi na nakakagulat na ganoon ang naging reaksyon niya kay Coleen. Maraming nagkakagusto doon. Kaya imposible na ang nerd na kagaya niya ay walang gusto sa kaibigan ko.

“P-parang nakita ko siya kanina sa locker…” mahina niyang tugon at mabilis ko siyang tinapik sa balikat. Agad akong kumaripas ng takbo papunta sa locker room.

Masaya akong nagpapatalon talon nang makalapit ako. Paulit ulit ko pang iniisip sa utak ko ang nakabisadong linya at mga sasabihin kapag kaharap na siya. Papaliko na ako nang may hikbi akong narinig.

Bahagyang kumunot ang noo ko. Sigurado akong may umiiyak at sigurado akong iyak ‘yon ng babae. Itinagilid ko ang ulo ko at nakita ko kung sinong umiiyak. Agad na lumipad ang kamay ko para takpan ang aking bibig. Kilala ko siya! Classmate siya ni Ethan!

“Ethan… please…” nanginig ang boses noong babae bago nagpakawala ng isang hikbi. Nakatalikod si Ethan sa akin samantalang yung babae naman ang nakaharap.

“Apple, stop this.”, malamig na sabi ni Ethan sa babaeng nakayakap sa kaniya. Napakagat ako sa aking labi. Niyayakap niya si Ethan. Samantalang ako, ni hindi man lang niya matapunan ng tingin.

Patuloy ang marahang pag-iyak noong babae nang biglang kinalas ni Ethan ang pagkakayakap sa kaniya. Sinilip niya ang mukha nitong nakatungo at nagbuntong hininga.

“I cannot give what you’re asking for, Apple. I’m sorry.” seryoso niyang sabi at lalong lumakas ang hikbi ni Apple. Bahagyang umatras ang paa ni Ethan na nangangahulugang papaalis na siya nang bigla siyang hinigit ni apple at siniil ng halik sa labi.

Namilog ang mga mata ko at tuluyang napa atras nang hindi namamalayan ang cart ng panglinis sa likuran. Shit! Mura ko sa aking isipan nang maglikha ito ng malakas ng ingay. Agad na napatingin ang dalawa sa kinaroroonan ko. At doon nagkasalubong ang mga mata namin. Mabilis akong nag iwas ng tingin at saka tumakbo papaalis sa lugar na ‘yon.

Marahan kong hinahampas ang aking dibdib dahil ramdam kong pagsikip noon sa hindi malamang dahilan. Hindi ko alam kung bakit ako naapektuhan. Hindi ko naman siya talagang gusto! I mean, hindi naman ako seryoso. Gusto ko lang naman na manumbalik ang pagkakaibigan namin tulad noon. Pero bakit ganito ang pakiramdam ko? Mas masakit pang makita ‘yon kesa mapahiya sa harap ng maraming tao.

“Teka…” naramdaman kong may malamig na kamay ang humigit sa aking braso. Tinignan ko ‘yon at napangiwi. Ito ang unang pagkakataon na hawakan niya ako ng kusa. Dahan dahan akong nag angat ng mga tingin sa kanya.

“B-bakit?” nauutal kong tanong. Mas lalong lumakas ang kabog sa dibdib ko nang makita ang magkasalubong nitong kilay. He’s mad! I know he doesn’t like me but now I’m sure that he hates me. He hates me, and I don’t think I can live with that! Magsasalita na sana siya nang mariin akong pumikit at inunahan siya.

“I’m sorry hindi ko sinasadyang makita ‘yon! Promise hindi ko sasabihin sa iba!” sunod sunod kong sabi bago dahan dahang dumilat. Ang kaniyang seryosong mukha ay napalitan ng panghihina. Hindi ko iyon pinansin o binigyan ng ibang kahulugan. He’s mad, Aly.

“It’s not what you think.” matipid niyang sabi dahilan kaya napatawa ako. Napatawa ako ng peke.

“Ano ka ba!” marahan ko siyang tinulak na parang nakikipagbiruan lamang.

“Okay lang ‘no! Parang hindi tayo magkaibigan.” sabi ko nang hindi siya tinitignan. Bahagya siyang natigilan, kasabay noon ang muling pagkirot ng puso ko.

“Ah! Hindi nga pala.” Tanging untag ko sabay pilit ng aking tawa.

“Natalie—”

“Ethan!” putol ko sa kaniya at tinitigan ang kaniyang mga mata.

“Last na ‘to.” dagdag ko sabay landas ng pilit na ngiti.

“Pasensya na. Hindi ko talaga alam.” marahan kong sabi at saka siya tinalikuran. Dahil hindi ko na kayang makita yung mukha niya. Kasabay ng pag talikod ko ang pagbagsak ng mga luhang kanina pa gustong makawala. Mabibigat na hininga ang pinakawalan ko at nagsimulang maglakad.

“Akala ko ba hindi ka susuko?” matigas niyang sabi dahilan kaya sandali akong natigilan. Akala ko rin, Ethan. Pero ayokong ipagpilitan ang sarili ko ngayong nalaman kong may nagmamay-ari na sa’yo.

Umiling ako at mapait na ngumiti saka ipinagpatuloy ang paglalakad.

Hindi ko na siya nilingon.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free