“Hey are you okay?” nag angat ko ng tingin sa mukha ni Liam. Liam is such an angel. Napaka amo ng mukha niya. Dagdagan pa ng napaka puti niyang balat at chinitong mga mata.
“Yeah.” Matipid kong sagot at nginitian siya. Matapos akong talikuran ni Ethan kanina ay agad din naman akong umalis sa condo niya. Pumara na lang ako ng taxi para nakipagtagpo kay Liam. Hindi ako makapaniwalang nag-away kami. Nag-away na naman kami at ito na ata ang pinaka malupit naming away dahil may nag walk out. Akala ko pa naman mag-kakaayos na kami matapos ng pag-uusap na iyon, hindi pala. Lalo pang gumulo!
“What do you want to watch?” tanong ni Liam.
“Anything basta hindi love story.” mabilis kong sagot na nakapagpatawa naman sa kaniya. Hindi ko alam kung na-offend ba siya sa akin o ano pero hinayaan ko na lang siyang bumili ng tickets.
Hindi ko alam kung paano ako aakto sa harap ni Liam ngayong alam ko na ang tunay na nangyari pero gusto ko lang mag-sorry para kay Ethan. Alam kong hindi magsosorry si Ethan at kahit ano pang dahilan niya, mali yung ginawa niya kay Liam. Maling mali.
“Hey, let’s go.” malambing niyang sabi at saka pinadausdos ang kamay niya sa beywang ko. Nginitian ko lang siya at tahimik na sumama sa loob ng sinehan.
Nakakatakot. Horror movie yung pinili ni Liam. Halos lahat ata nagsisigawan at nagtitilian sa loob ng sinehan maliban sa akin at sa katabi ko. Seryoso lang manood si Liam pero di ko alam kung totoo ba talaga ‘yan o nahihiya lang siyang sumigaw dahil nandito ako.
“You can scream if you want.” bulong ko sa kaniya. Naramdaman kong lumihis yung labi niya na nangangahulugang napangiti siya sa sinabi ko. Masyado kasing madilim kaya hindi ko makita ng malinaw yung itsura niya.
“You can hide if you want, my arms are right here.” bulong niya sa akin dahilan kaya ako naman ang napangiti. He is so cool and gentle, perfect guy! Pero gustuhin ko mang tumili, sumigaw o magtago, hindi ko magawa. Dahil mas nakakatakot pang isipin kung anong gagawin ko sa muli naming pagkikita ni Ethan. He was fuming mad earlier. For some reason, I felt like I disappointed him.
“Shit.” Napalingon ako nang marinig ang mahina ngunit matigas na mura ng katabi ko. Sandaling napako ang mga tingin ko sa kanya dahilan kung bakit siya lumapit sa akin.
“Nagulat ako sa manika, sorry.” natatawa at nahihiya niyang bulong sa akin. Napangiti naman, ako. He is so transparent! And freaking cute, my God…
“Thank you for tonight.” nakangiti kong sambit nang tumigil ang sasakyan niya sa harap ng bahay namin
“No problem. I enjoyed it.” malambing niyang sagot.
“I hope this isn’t the last time.” pahabol niyang sabi. Tumango na lang ako at muli siyang nginitian. Yeah, I hope so too. Kaya lang gagraduate ka na, at mukhang di ka titigilan ni Ethan kung hindi kita lulubayan. Muli akong kumaway sa kaniya habang hinihintay na mawala sa paningin ko ang kotse niya.
“Mom, I’m here!” sigaw ko pagkapasok sa loob ng bahay.
“Where have you been Aly! Kanina pa naghihintay sa loob yung bisita mo.” Agad na nalukot ang mukha ko sa sinabi ni mommy.
“May bisita ako?” nagtatakang tanong ko.
“Oo, halika at sumabay kang kumain nagdi-dinner na kami.” Sabi niya sabay hila sa braso ko.
“Pero mom, kumain na po ako.” walang gana kong sabi.
“Saan ka ba nanggaling ha? Akala ko ba Recognition Day lang pero ang tagal mong umuwi.” Ang dami dami pang pinagsasabi ni mommy nang makarating kami sa dining area. Sandaling nalaglag ang panga ko nang makita ang pamilyar na likod ng isang lalaki.
“Pasensya ka na iho, may pinuntahan pa ata ‘tong si Aly.” malambing na sambit ni mommy sa kaniya. Agad akong umikot sa lamesa at umupo sa harap niya. Kanina lang iniisip ko pa kung paano kami magkikita tapos ngayon nandito agad siya!
“Kain na anak. Ethan kain pa.” maligayang sabi ni mommy habang dinadagdagan ang pasta sa plato ni Ethan. Naiirita kong sinubo ang malaking serving ng pasta sa tinidor ko habang matalim na tinitignan ang lalaking nasa harapan ko.
“Salamat po tita.” nginitian lang siya ni mommy na bigla namang bumaling sa akin.
“Ikaw naman Aly, hindi mo nababanggit sa akin. Nililigawan ka na pala nitong si Ethan!” Halos maluwa ko ang sinubo kong pasta nang marinig ang sinabi ni mommy.
“Oh, iha. Ayos ka lang?” nag-aalalang tanong ni mommy sabay abot ng tubig sa akin. Nang mahimasmasan ako, iniipon ko na sana lahat ng paliwanag na pwede kong sabihin kay mommy nang biglang nagsalita naman si Ethan.
“Pasensya na po tita, nahihiya pa po kasi si Aly dahil bata pa po kami. Kaya nga po personal akong pumunta dito para malaman nyong seryoso ako kahit na po bata pa kami.” ngiting ngiting paliwanag ni Ethan na lalong nagpainit ng dugo ko. Aba, Kailan ko sinabi ‘yon!?
“Nako iho. Ayos lang. Nagtataka nga ako dito sa batang ‘to kung bakit nanliligaw ka pa. Dapat sinagot ka na niya!” natatawang sambit ni mommy na nakapag patawa rin kay Ethan. Parang may sanlaang nagaganap dito ha? Mommy, why are you doing this to me?!
“I’m cool with it tita. Gusto ko pong pag hirapan si Aly. Pero ayos lang rin naman po kung magiging kami na. hahahaha!” kaswal na sambit nito at muli silang nagtawanan ni mommy.
Hindi ko alam kung invited ba talaga ako sa dinner na ‘to o ano dahil lubog na lubog na ko sa kahihiyan dito. Hindi ko na nga alam kung kaya ko pang tumayo matapos marinig ang lahat ng pag-uusap nila.
“Oh Aly, ihatid mo sa labas ‘tong manliligaw mo.” Napangiwi ako nang muling marining ang salitang iyon kay mommy.
“Salamat po sa dinner tita.” Palihim akong napa irap sa kay Ethan. Napakamapagpanggap!
“You’re always welcome iho. Ingat sa pag drive!” Isang tango at ngiti ang isinagot ni Ethan bago niya ako hilahin sa labas. Pinatunog niya ang kotse niya at ngiting ngiting humarap sa akin.
“Thank you for tonight.” malambing niyang sabi. Halos masuka ako sa panloloko niya. Hindi ako makapaniwalang ang lawak pa ng ngiti niya na para bang walang nangyari kanina sa condo niya!
“Ethan, cut the crap okay? Wala na dito si mommy kaya hindi mo na kailangang magpanggap.” naiirita kong sabi na nakapag paalis naman ng ngiti niya.
“I don’t get you.” seryoso niyang tugon sa akin.
“Ako dapat ang nagsasabi niyan, Ethan. Ano na naman bang trip mo? Why are you doing this to me?” I asked desperately. Hindi ko alam kung anong gusto niyang mangyari at ginugulo niya ako ngayon. He’s been cold for the past years tapos biglang ganito? Sinong niloko niya?
“What do you mean? Nagpaalam lang ako sa mom mo kung pwede kita ligawan and she’s cool with it. Kaya nililigawan kita.” I scoffed with what he said.
“At bakit mo ako liligawan eh hindi mo naman ako gusto!” Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko. Mabuti na lang nasa labas na kami at sarado yung pintuan ng bahay kaya walang makakarinig saming nag-aaway na naman.
“Sinong nagsabi sayong hindi kita gusto?” seryoso niyang tanong at saka lumapit ng bahagya sa akin. Nakatalikod ako sa kotse niya kaya naman napasandal ako dito.
“Walang nagsabi! Pero iyon ang pinaramdam mo sa akin nang iwasan mo ako! You clearly made me feel like you hate me that day last year when you turned me down! Hell, why am I even explaining this when you’ve been kissing other girls!” hingal kong sabi na nakapag pakunot ng noo niya.
“Aly, you may not get this. I turned you down because I didn’t want you to court me. Not because I didn’t like you. And I don’t kiss other girls. Apple was the one who kissed me! If you’ve been watching us—”
“Napadaan lang ako!” putol ko sa kaniya. Lalong lumala ang frustration sa kaniyang mukha kasabay ng paghilamos niya ng kamay dito.
“Okay…okay. We’re not kissing, a’right? She kissed me, I didn’t. That’s different…” mahinahon niyang sambit kasabay ng dahan dahang pagkalma ng mukha niya.
“And that thing you’ve been wanting to hear three years ago?” huminga siya ng malalim at saglit na nag-isip kung itutuloy niya ba ang sasabihin niya o hindi pero ipinagpatuloy niya pa rin.
“It was because of George… okay? And because you left me without saying anything.” mahina niyang sabi kaya naman napakunot ang noo ko. That’s it? That’s the reason? All this time! Si George pala ang may kasalanan at yung pagpunta ko ng States! Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. Ang babaw niya!
“I know it’ll be hard for you to believe and this may be a selfish thing for me to say but from now on, as long as I am here, no fuckin’ George or William can come to you…whether you like it or not.” Iyon ang huli niyang sinabi bago talikuran at saka pumasok sa loob ng pulang Mazda.