HinovelDownload the book in the application

KABANATA 7

“Juice or Milk?” Kaswal niyang tanong na lalong nagpainit ng ulo ko.

“Do you have beer?” sarkastiko kong hayag ngunit pinagtaasan niya lang ako ng kilay. Nandito ako sa loob ng condo niya. Hindi ko rin inakala na may sarili na pala siyang condo. Siguro ay graduation gift ng parents niya sa kaniya.

“Here.” Bumalik ang mga tingin ko sa kanya nang inabot niya sa akin ang gatas na tinimpla niya at saka umupo sa harapan ng couch na inuupuan ko. Ininom ko ‘to para naman lumamig ng kaunti yung ulo ko.

“What?” mataray kong tanong nang mailapag ko yung baso dahil diretso lang siyang nakatingin sa akin.

“Let’s talk.” Sandaling kong pinagmasdan ang itsura niya kung seryoso ba talaga siya.

“Okay.” Kaswal kong sagot at saka humalukipkip.

“Ask anything you want to know.” Agad kong naramdaman ang paglitaw ng light bulb sa itaas ng ulo ko kasabay ng pagningnig ng mga mata ko. Is he really serious? Anything, he said.

“Talaga?” bahagya siyang tumango sa akin dahilan kung bakit ako mabilis na napangiti. Ngumuso lamang ako nang mapansin ang pag iwas niya ng tingin.

“Wait!” sabi ko sabay taas ng kamay. Sandaling kumunot ang noo niya nang napatingin sa akin.

“This time, sasagutin mo na ko ha!” Mariin kong sabi nang maalala yung nangyari sa clinic. Baka mangagat na naman siya eh. Napansin ko ang marahan na pag angat ng kanyang labi at saka palihim na ngumisi.

“Yeah. This time…” makahulugan niyang sambit pero inirapan ko lang siya at nagsimula ng mag-isip ng mga tanong. Gosh, hindi ako chismosa ha.

“Okay! Bakit kayo nag suntukan ni Liam?”

“Dahil sinuntok niya ako.” saglit akong natigilan at saka huminga ng malalim sa narinig. Punyeta. Nanggigigil na ako sa’yo Salazar ha.

“ANG IBIG KONG SABIHIN—”

“Yeah yeah, I was just teasing you.” putol niya sa akin at biglang natawa. Napansin niya sigurong nabago yung timpla ng mukha ko sa sagot niya. Bwisit!!!

“Hindi siya nakapunta ng prom at hindi ka niya nasundo dahil pina flat-an ko yung gulong ng kotse niya.”

“What!?” bulalas ko at halos lumuwa yung mata ko sa sobrang hindi makapaniwalang sinabi niya ‘yon.

“Yeah.” Tamad niyang sagot.

“But why? Anong ginawa niya sa’yo?” I can’t believe it. Alam kong masungit at suplado siya pero hindi ko alam na magagawa niya yun! Para saan?

“Well, I warned him. Ang akin ay akin. Pero makulit siya.” kaswal niyang sagot sabay kibit ng balikat. Napa-iling na lamang ako nang maalala ang mga kinwento ni Coleen sa akin. Unbelievable.

“Anong sa’yo? Si Katerina? My god, Ethan. Move on! Hindi na kayo mga bata!” nahimigan ko ang bahagyang pagtaas ng boses ko. My God! Naha-highblood ako grabe.

“What the hell?” galit na untag niya kasabay ng biglang pagdilim ng mukha niya. Kung kanina’y mukha siyang walang pakealam ngayon ay galit na siya. Galit na galit.

“Oh bakit? Akala mo ba hindi ko ‘yon malalaman?” mataray kong tanong sa kanya.

“Who told you?” seryoso niyang sambit. Tss! Akala mo siguro di ko malalaman na ang dami mong naging babae!

“Your sister. And that’s not the point. The point is that was years ago—"

“Yeah I know! That was years ago, and I don’t fuckin’ care about Katerina for Pete’s sakes! William can have her, just not you!” mariin niyang sabi at tumayo na sa couch na kanina ay komportable niyang inuupuan. Kumunot ang noo ko sa narinig. What? What did he mean by that?

Hindi ako nagsalita. I was lost. Ang lahat ng inipon kong mga salita kanina ngayon ay naglaho na lang sa isipan ko. Habol ang hininga niya habang nakatayo pa rin at matalim akong tinitignan. Siya mismo siguro ay nagulat rin sa nasabi niya.

Huminga ako ng malalim at hindi nagpatinag. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Siguro ay dahil sa kaba? Pero hindi naman ganito bago kami mag-usap eh. Naiinis lang ako kanina pero ngayon, hindi ko alam kung saan nanggaling yung kaba at nerbyos na nararamdaman ko.

“Hindi kita maintindihan Ethan. You shut me out three years ago, you dumped me last year and now you’re acting like an overprotective brother! Kung ‘yon yung dahilan kung bakit nag-away kayo ni Liam edi sana kinausap mo na lang ako. Liam was just a friend!” singhal ko sa kanya.

“That’s what you think? Damn, I’m not acting like an overprotective brother and hell, he does not see you like that, Aly.” Matigas niyang sagot sa akin.

“And so, what? This is my life! You don’t get to decide who I would like to be in my life!”

“And you want him? You want that asshole in your life?!” hindi makapaniwalang tugon niya.

“That’s not the point, Ethan. Hell, why is it suddenly all about me!?” Hingal kong sabi. I bit my lower lip and ran my fingers through my hair. This is so frustrating! Gusto ko lang naman ng mga kasagutan pero mas lalo niyang ginagawang kumplikado ang lahat. Hindi ba kami pwedeng mag usap nang hindi nag aaway?

“Because it has always been about you, Natalie Chase. You have no idea…” Nanghihina niyang sabi bago ako tinalikuran.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free