“Congrats Ms. Natalie Alejo for being number 1 again in your batch.”
“Thank you, ma’am.”, nakangiti kong sabi at saka tinanggap ang medalyang naghihintay sa akin.
March na. Recognition day ngayon at Graduation na sa susunod na linggo. Sa paglipas ng maraming linggo, wala ni isa sa mga katanungan ko ang nasagot. Katulad niyo, umaasa lang rin ako sa chika ng mga tao sa paligid ko.
“Talino niya talaga, grabe.”
“Oo nga, how can she do that? She almost excels in everything!”
“Yeah right, I wonder what Natalie Chase Alejo can’t do.”
None. Sagot ko sa isip ko nang marinig ang mga babaeng nagchichikahan sa akin. Nginitian ko lang naman sila at nilagpasan na ng lakad.
Sa totoo lang, maniniwala na sana akong walang bagay ang hindi ko magagawa. Pero na realized kong mas magagaling pa rin yung mga taong katulad nila. Yung kung makahagilap ng chismis, sobrang galing. Grabe, hands down.
“Aly! Omygod! I’m so proud of you! Sabi ko naman sayo eh.” It’s Coleen. Saying her greetings while hugging me.
“Thank you. Pero huwag mong kalimutang marami ka pang utang sa akin.” Naningkit ang mga mata ko sa kanya at sa isang iglap bigla na lang siyang nawala. Napa-iling na lamang ako at nagkibit ng balikat.
“Hey, Aly.” napalingon ako sa pamilyar na boses.
“Oh hey, Liam!” Ngiting ngiti ko siyang sinalubong. Ilang linggo kaming hindi nagkita. Paano, nasuspend kasi siya ng isang linggo at siyempre naghabol ng mga dapat habulin nang mga sumunod na linggo dahil graduation na nila sa susunod na linggo.
At kung itatanong niyo kung anong nangyari kay Ethan matapos ng nangyari sa Clinic? Wala. Cause right after that, he walked out. At hindi rin siya pumasok ng isang linggo dahil pareho silang suspended ni Liam.
“Congrats! You deserved it. You’re really amazing.”
“Thank you!” I said then he hugged me. Okay lang, I know he’s just being a sweet friend.
“Uhm, are you busy today?” Napaisip ako. Hindi naman siguro dahil wala na namang gagawin sa school. Tapos na ang finals at pumapasok na lang kami for the sake of clearance at pagtulong sa preparation ng graduation day next week.
“Nope! Why?” sagot ko sa kanya.
“I was wondering, if you want to have a dinner with me. Just to, you know, catch up.” He smiled at me. I smiled back at him and nod in approval.
“Sure.” Tanging tugon ko sa kanya nang hindi nawawala ang mga ngiti sa labi.
“I’ll call you.” muli niyang sabi bago tuluyang nagpaalam sa akin. Napangiti ako. Hmmm, mukhang magkakaroon pa kami ng last minute date ng nag-iisang William Cojuangco bago niya lisanin ang paaralang ‘to ha. I should get ready!
Nagmamadali akong pumunta ng parking at kasalukuyang tinetext ang driver namin nang may narinig akong nagsalita.
“Ang saya mo ah.” Tamad kong nilingon ang boses na iyon bago nagsalita.
“Masaya ako sa buhay ko eh, bakit?” Sagot ko sa kanya sabay irap at nagpatuloy na lang sa paglalakad.
“Get in my car.” Kumunot ang nook o sa narinig. Ang kapal talaga kung utos utusan ako eh!
“Ayoko nga.” Singhal ko.
“Aly.” Marahas ko siyang tinignan ng masama. Bakit ba siya ganiyan? Bakit sa tingin niya lagi akong susunod sa kung anong gusto niya?
“No! susunduin ako ng driver namin!”
“Hindi na. Your mom called me asking if I could take you home.” Napataas ang kilay ko sa kanya nang ipakita niya sa akin ang call history. Tumawag nga si mommy. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago sumakay sa pulang Mazda niya. Nagkita na naman kami ng kotseng ‘to. Pero hindi tulad noong unang sakay ko, napakabagal ng takbo niya ngayon. Grabe sobrang bagal talaga para lang kaming naglalakad!
“Uh, Ethan pwedeng pakibilisan may lakad pa ko mamaya eh.”
“Saan?”
“None of your business.”
“You know what, I don’t get you!” Agad na nagsalubong ang kilay ko sa gulat nang biglaan niyang pagtaas ng boses sa akin. Napalunok pa ako nang sandaling tumigil ang sasakyan.
“Why are you making this hard for us?” muli niyang tanong. Hindi pa rin ako nagsasalita. Napatanga lang ako. Bakit niya ko pinagtataasan ng boses!?
“What are you talking about?” tanong ko nang makabawi. Tarantado! Anong problema niya?
“You know what? I don’t want to hear that again.” seryoso niyang sambit bago mabilis na pinaandar ang kotse niya. Kung kanina ay nagrereklamo ako sa sobrang bagal, ngayon parang gusto ko na lang kainin yung mga sinabi ko.
“Ethan, stop this!” banta ko sa kanya nang makitang lumagpas siya sa speed limit. Shit!
“Yeah Aly, let’s stop this.” Hindi na ako makapag isip ng matino. Kung ano anong tumatakbo sa isip ko. Saka lang ako bumalik sa katinuan nang dumaan ang kotse niya sa lugar na hindi pamilyar sa akin.
“Nasaan tayo?” tanong ko sabay dungaw sa bintana at nakitang ang Park Point Residences.
“Sa condo ko.” nanuyo ang lalamunan ko sa narinig. Damn, am I really scewed up?