HinovelDownload the book in the application

KABANATA 2

“WILLIAM COJUANGCO is your prom date!?” halos mabingi ata lahat ng nasa Cafeteria sa sigaw ni Coleen. Pero kahit ganoon, chill lang ako na para bang walang nangyari.

“Yup.” Walang gana kong sagot. Why is it so big of a deal? I know that Liam is the son of the present mayor of Cebu. They are also one of the biggest investors of Dela Vega medical group, isang sikat at mamahaling hospital sa Cebu. But that’s it! There’s no reason for her to be freaked out like that. Hindi ba pwedeng magkaroon ng normal na buhay ang isang malaking tao?

“At kung hindi pa siya pumunta rito, sa mismong prom ko pa talaga malalaman? Grabe ka Natalie, akala ko best friends tayo.” Napangiwi na lang ako sa sinabi niya. Sobrang daldal at walang preno ng dila ng babaeng ito. Hindi ko alam kung bakit siya ganyan. Hindi naman ganyan ang kapatid niya. Walang emosyon yun!

“Buti na rin at ngayon mo na nalaman. Hindi ko maimagine yung magiging reaction mo kapag dun mo pa talaga nalaman. Baka ma-turn off lang si Dylan sa iyo, hahaha.” pabiro kong sagot sa kanya pero nakabusangot pa rin siya.

“Of all people bakit siya Aly? Patay tayo neto, tsk.” kinakabahang sambit niya, yun nga lang hindi ko masyadong narinig yung huli niyang sinabi.

“What’s wrong? Liam’s a friend. And he’s hot so why not?”

“Kapag hot? Go, go lang?” sarkastiko niyang tanong.

“Ano magagawa ko kung siya unang nagtanong sakin? Ano, tatanggihan ko? Ano ba problema mo Coleen?” Iritable kong saad. Naiinis na ko ha. Tumayo na ko sa upuan bitbit yung rosas na bigay ni Liam. Rinig ko pa rin ang bulong bulungan sa Cafeteria dahil mukhang nagulantang rin ang lahat ng nakakita.

“Aly! Wait!” sigaw ni Coleen nang ngunit nauna na akong maglakad sa kanya.

“Aly, uy sorry na. Nagulat lang ako noh. Pero bagay naman kayo, hehehe.” may pag-aalinlangan niyang sabi. Alam kong pinipilit niya lang maging masaya para sa akin. Pero alam na alam kong hindi siya masaya na si Liam yung prom date ko. Bakit nga ba?

“Bakit ba kasi ganoon ka maka react? Mabait naman si Liam.” Isang buntong hininga ang pinakawalan niya bago nagsalita.

“Eh kasi… di mo kasi alam Aly dahil kaka transfer mo lang last year. Pero alam yun ng halos lahat ng ka batchmates nila.” panimula niya.

“Ano ngang meron?” muli kong tanong.

“Freshmen si Ethan noon at may na-link na babae sa kanya.” Saglit akong natigilan sa narinig. Sino bukod kay Apple?!

“…tapos yung babae daw rumored girlfriend ni Liam. Nagkaroon ng issue na inagaw daw ni Ethan yung girl kay Liam kaya sinugod ni Liam si Ethan sa gym noon at sinuntok. Napatawag yung parehong parents nila at nasolusyunan naman agad ng Disciplinary Office. Pinalagpas nila ito sa unang pagkakataon dahil na rin sa kadahilanang isang Cojuangco at Salazar ang na-involved. Pero kahit ganoon, doon na nagsimula ang alitan between the two of them. Kahit ngayong Senior year nila, lahat ng naka witness ng away noon alam na hinding hindi magkakasundo ang pangalan ni Ethan at Liam sa isang papel.” natapos ang kwento niya nang makarating kami sa classroom at naupo.

“So?” tanging sagot ko na ikinagulat naman niya.

“Anong so?” parang nabaliw siya sa tanong ko at di makapaniwalang tinanong ko yun. I just don’t get it.

“Anong connect noon nang pag ask sakin ni Liam sa prom? Like, hindi naman ako yung girl na pinag-awayan nila, duh.” kampante kong sambit na para bang alam na alam ko lahat. Kasi, alam ko naman talaga.

“Hay. Ang dense mo talaga.” pabulong niyang sabi.

“What? Anyway, sino ba yung girl na yun at bakit ngayon ko lang nalaman?”

“Wala na siya dito. Simula noong issue na yun, dumami yung haters niya dahil inakala ng lahat na pinagsabay niya yung dalawa so sirang sira yung pangalan niya, freshmen year pa lang. She’s Katerina Rosales.”

“Oh. Okay.” tanging sagot ko dahil dumating na yung guro para sa subject na ‘to. Siya rin yung adviser namin.

“Okay Class listen, next week na yung prom niyo and I want you to enjoy dahil isa o dalawang beses lang iyan nangyayari sa buhay niyo. BUT I also don’t want you to forget that right after your prom night is your finals week! Kaya, huwag ubusin ang lahat ng enerhiya sa prom. Magtira naman kayo sa pag-aaral. Okay?”

“Yes ma’am.”

“Okay, class dismissed.” Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ang tunog ng bell.

“Hay TGIF!” maligayang sabi ni Coleen habang humihikab.

“What?” kunot noo kong tanong sa kanya.

“Thank God it’s Friday! My god Natalie Chase! Saang bundok ka ba naglalagi?” natatawa niyang tanong sakin na nakapag patawa rin sa akin.

“Sa lupain lang naman ng mga Salazar.” seryoso kong sagot na nagpatunganga naman sa kanya. Palihim akong ngumisi at nagpigil ng tawa. Hahahahahaha! Naniwala naman siya?

“Ikaw ha! May lihim ka pa ring pagtingin kay Ethan noh!?” tanong niya habang naniningkit ang mga mata sa akin. Nagkibit lamang ako ng balikat. Kasalukuyan na kaming naglalakad sa may hallway and as usual, ayan na naman ang mga chika. Mas sagana pa nga ata ngayon dahil malamang sa malamang, laganap na ang pangyayari kanina sa cafeteria.

“I told you not to say bad words, Coleen Andrea.” Matabang kong saad sa kanya.

“Sus! Akala ko naman naka move on ka na. Pati, akala ko ba hindi ka susuko? Patapos na ang Junior year wala pa ring nangyayari!?” panghahamon niya sakin pero huminga lang ako ng malalim at tinignan siya ng seryoso. Nasa parking na kami.

“Hindi nga ako susuko, siya ang susuko sakin.” sabi ko at saka nalaglag ang panga niya. LOL, Coleen was so speechless! If only she knew what I saw that day. I was about to laugh when…

“Coleen.” Sabay kaming napatingin ni Coleen nang biglang marinig ang isang pamilyar na boses.

“Ethan!” sabay takbo sa kuya niya. Isang taon lang naman ang agwat nila kaya hindi na siya nagkukuya kay Ethan, pati ako. Hell no. Kuya? Ew.

“Get in.” seryosong sabi nito. Pinagmamasdan ko lang sila nang kumaway sakin si Coleen. Kumaway rin ako pabalik sa kanya at tatalikod na para pumunta sa sundo ko nang bigla niya akong tawagin.

“Natalie.” My heart skipped a beat. Ito ang unang beses na pinansin niya ulit ako. We didn’t talk after what happened that day.

“Yes?” sagot ko at saka siya nilingon. Lumantad sa akin ang naka ngisi niyang mukha. Ibang iba sa usual na masungit at suplado.

“Congrats to you and Liam.” Kumunot ang noo ko at bahagyang nagtaas ng kilay. Bakit naman congrats? It’s not like mag girlfriend-boyfriend kami. It’s just a prom date! Magsasalita na sana ako nang mabilis niya akong pangunahan.

“A new addition to your collection…” seryoso niyang sabi sabay pasok sa driver’s seat at mabilis na pinaharurot ang sasakyan.

What the hell does he think of me?!

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free