“Aly! May prom date ka na?” nahimigan ko ang pananabik sa boses ni Coleen.
“Of course. You?” sagot ko nang di siya nillilingon. Patuloy pa rin ako sa pag iinstagram habang nararamdaman ko ang excitement sa boses niya.
“Hmm. Hehehe.” tanging sagot niya kaya naman napatingin ako sa kanya. Anong klaseng sagot yun? Bahagya ko siyang pinagtaasan ng kilay ngunit ngumuso lamang siya sa akin.
“What?” pagmamaang-maangan niya nang pinandilatan ko siya. Ayaw pa sabihin eh.
“Okay okay! Chill.” natatawa niyang tugon.
“Do you know Dylan Sorriano?”
“Yes, why?” matabang kong sagot.
“It’s him! He asked me to go to prom!” excited niyang sabi.
“Ah. Yung dati mo pang crush?” walang gana kong sabi.
“Tss. Bakit ikaw? Are you going with Etha—”
“Stop.” putol ko sa kaniya. Tumigil naman siya. Palihim akong ngumisi. Tingin siguro niya affected pa rin ako but I’m not.
“Don’t say bad words.” I just said and winked at her. She just rolled her eyes on me bago umayos na ng upo dahil dumating na ang guro namin para sa araw na yun.
Isang oras lang ang klase pero kapag math talaga ang subject parang isang buwan kang naghihintay sa sobrang tagal ng oras. Sabay kaming lumabas ni Coleen pagakatunog ng bell and as usual kami na naman ang center of attraction.
Hindi naman sa pagbubuhat ng silya pero pareho kasi kaming maganda. Tapos lagi pa kaming magkasama. Simula nang magtransfer ako sa school nila ay nasanay na ako sa mga mata nilang nakapako sa amin. Lalo na nang mapansin nila ang pagiging malapit ko kay Coleen.
“Diba that’s Coleen Salazar?”
“Ethan’s younger sister? And she’s always with Natalie!”
“Yeah, Aly Alejo yung binasted ni Ethan last year.”
“Yeah right. And she’s friends with his sister? Gosh!”
“Desperate move, girl.”
Iyan. Iyan ang parati kong naririnig tuwing dadaan ako ng hallway, locker room, gym, name it! Kahit saang parte ata ng school, kilala na ako si Aly Alejo ang binasted ni Ethan Salazar. Pero, ang akala ng lahat ay kaya ko kinakaibigan si Coleen ay dahil kay Ethan. Ang hindi nila alam, noon pa man magkakakilala at magkakaibigan na kaming tatlo. Parati kaya akong nasa bahay nila!
At oo, magkaibigan kami ni Ethan. NOON.
Hindi ko nga alam kung anong nangyari at nabago yun lahat. Basta ang alam ko, first year high school na noon si Ethan at kami naman ay grade six. Nauna siya sa school na ‘to dahil mas matanda siya ng isang taon sa amin. Hinding hindi ko malilimutan yung araw ng graduation namin ni Coleen. Pagkatapos na pagkatapos ng ceremony ay agad akong nagpunta sa parents ko at si Coleen naman sa parents niya na kasama si Ethan.
Kasabay noon, lumapit sa akin George, isa sa mga schoolmate namin ni Coleen at binigay niya sakin yung butones ng polo niya. Tinanggap ko yun kasi ayoko namang maging rude at graduation naman na kaya okay lang. May tradisyon kasi sa school na yun na kapag binigay sayo ng lalaki yung second button ng polo nila, ibig sabihin ay gusto ka nilang mapalapit sa puso nila.
Matapos ang pangyayaring yun, hindi na ako kinausap kailanman ni Ethan. Tanong ako ng tanong kay Coleen kung bakit lagi akong tinataboy noon ni Ethan kapag nasa bahay nila ako, hindi ko rin naman nakuha ang sagot na hinahanap ko dahil siya mismo ay walang alam.
Hindi rin ako dito pumasok noong first year high school dahil nagkasakit ang lola kong nasa States at walang mag-aalaga. Masyado pa kong bata noon para iwan nila mommy at daddy kaya naman wala silang choice kundi isama ako. Masyadong mabilis ang pangyayari kaya naman hindi na ko nakapag paalam ng maayos kela Coleen at nasabi ko na lang sa kaniya noong nakaalis na ako.
Nang maging stable ang kalagayan ng lola, nagdesisyon si daddy na umuwi kami ni mommy kung gusto ko ba daw sa Pilipinas ipag-patuloy ang pag-aaral ko. Sabi ko, siyempre. Nandito yung mga bestfriends ko eh. Kaya last year, sophomore year ako nag transfer sa school nila Ethan at Coleen.
Last year din naganap yung… alam niyo na. Yung pinag-uusapan ng lahat hanggang ngayon. Ewan ko ba, hindi ko alam kung bakit hindi pa rin namamatay matay ang issue na ‘yon. Kung alam lang nilang may mas malaki pang issue doon. Natawa ako sa aking naisip. Siyempre walang ibang may alam noon kundi ako lang. Ako lang naman ang nakakita eh.
“Aly! Anong gusto mong kainin?”
“Kahit ano.”
“Pabili nga po daw si Aly ng Kahit Ano” At doon ko nabatukan si Coleen.
“Aray!”
“Napaka pilosopo mong babae ka.” sabi ko sa kaniya habang tinuturo sa tindera ang paborito kong lasagna.
“Eh kasi naman tinatanong ka ng matino, sagutin mo ng matino! Kung ano ano kasi iniisip!” blah blah blah. Ang dami daming sinasabi nitong si Coleen. Hindi ko alam kung maaawa ba ko sa ka prom date niya na baka maubusan ng laway kakakausap sa kaniya.
“Isa lang naman iniisip ko.” seryoso kong sagot habang umuupo kami sa pwesto namin sa cafeteria. Nasa harap ko siya.
“Sino? Yieeee.” panunukso niya pero walang hindi ako tinalaban. Puro kaharutan talaga alam nito!
“Anong sino? Ano. Yung finals ang iniisip ko. Kung ako pa rin ba yung number 1.”
“Sus! Yun lang pala. Hindi na iniisip yun. Siguradong sigurado na ikaw na yun!” Napangiti naman ako sa sinabi niya at napangiti rin siya. That’s why I love this girl, masyadong supportive. Kaya lang minsan nasobrahan naman sa pagka supportive.
“By the way, sino nga pala yung prom date mo?” curious niyang tanong habang kinakain ang chicken burger na binili niya.
“Secret.” matipid kong sagot.
“HAY! Pasecret secret ka pa, malalaman ko rin naman ‘yan!” nagtatampo niyang sabi sakin.
“Noooo. Magugulat ka na lang sa Prom Night” LOL ano ba ‘to, pasuspense? HAHAHAHA.
“Sino nga kasi? Siguro pangit noh? Wag ka mag-alala di ko lalaitin!” pagpupumilit niya sakin. Ngumuso pa siya, akala niya madadaan niya ko sa ganyan.
“Basta… kilala mo.” sabi ko habang nagpipigil ng tawa dahil sobrang curious na curious siya.
“OMG. Di nga?” gulat na gulat niyang tanong at tumango lang ako habang pinagpapatuloy ang pagkain ko.
Kinulit pa niya ako nang kinulit nang maramdaman kong kaming dalawa na lang yung nagsasalita sa sobrang tahimik ng Cafeteria. Di ko na lang sana papansinin dahil papatapos na rin naman akong kumain nang mapansin kong hindi na rin nagsasalita yung nasa harap ko.
Pinagtaasan ko siya ng kilay, asking her why pero pinandilatan niya lang ako at may nginuso sa likod ko. Walang prenong lumingon ako para malaman kung ano bang meron.
“Here. Text me your address so I can pick you up.” Sa harapan ko ay isang card na may number na nakasulat kasama ang isang pulang rosas. Hindi na ko nakasagot dahil agad din siyang umalis. Sinundan ko ng tingin yung likod niyang papaalis ng Cafeteria nang may makita akong pamilyar na mukha.